Tuesday, October 02, 2012

by Mario Bautista

source

JENNYLYN Mercado can heave a sigh of relief now that her boyfriend, Luis Manzano himself, has proclaimed that the rumor that they’re about to break up is simply not true. Both Paolo Contis and Lian Paz have also cleared her name so she doesn’t know why some people continue to implicate her in the separation.

“I just try to ignore it and not let it affect me dahil ang dami kong trabaho ngayon,” she says. “May ‘Inside Protege’ ako gabi-gabi, ‘Hot TV’ and ‘Party P’ on Sundays, then every afternoon, ‘Hindi Ka Na Mag-iisa’, now on its last month this October.”

This week, Jen as Elisa has been transformed to a wealthy and confident businesswoman and offers to buy the hotel of Angelu de Leon as Jordana, who used to maltreat her. Angelu’s daughter, Saab Magalona as Celine, returns from the U.S. looking for husband Sid Lucero as Andrew, who already knew that Saab had previously deceived him. Saab goes to Jen looking for Sid and they have an intense confrontation scene.

Luis Manzano Maintains Relationship With Jennylyn Mercado Remains Solid

by Maureen Marie Belmonte

source


MANILA, Philippines – Contrary to reports, Luis Manzano and Jennylyn Mercado’s relationship is not “on the rocks” with them even slated to enjoy together a much needed vacation.

“Medyo malalayo layo ng konti dahil ‘yung una nga was in Hong Kong. Hopefully nga we’re leaving again soon for a very quick vacation na we deserve naman,” said Manzano in a live interview with “The Buzz” on Sunday.

The revelation came right on the heels of persistent rumors that their relationship of over a year is going through a rough patch.

Mercado has been alleged to have been the third wheel that drew a wedge between married couple Lian Paz and actor Paolo Contis, which eventually led to the couple calling it quits.

Cutting right through the heart of the issue, Manzano said that he directly approached Paz for a dialogue regarding the allegations against Mercado.

“Yes, tinawagan ko si Lian. I don’t want to elaborate dahil siyempre may sariling pinagdadaanan sila ni Paolo, especially with kids involved. Pero para sa akin, sa industriya, there are four sides to a story—your side, my side, the truth and the truth according to anyone,” he said, while adding, “Anyone can give out information and mayroong maniniwalang automatic na katotohanan iyon.”

Manzano said his goal for speaking with Paz was to see as much as possible all sides of the story.

“Si Paolo was nasa States nung time na ‘yon at ang nagsalita kasi about the issue ay si Lian. So tama naman na dumiretso na ako kay Lian kesa kung saan saan pa,” Manzano said.

According to Manzano, everything was cleared up after their talk.

“Dumiretso na ako kay Lian. Nagkuwentuhan kami. Even Paolo came out to clear Jennylyn’s name. Maayos naman ang lahat,” Manzano said.

He refuted claims that he had gotten rid of photos of himself with Mercado on his Facebook account.

“Definitely not. Ni-isang picture, wala po akong binubura sa Facebook. Magbubura ako ng picture pero ‘yung status ko 'in a relationship'? Ang weird naman noon,” said the Kapamilya hunk host-actor.

Still clueless on how such preposterous rumors came about, the “Kapamilya Deal or No Deal” host deduced that it could have stemmed from “some things [that] are blown out of proportion.”

“Nagkasama sila [Jennylyn and Paolo] sa seryeng ‘Futbolilits’ at hanggang doon na lang ‘yon,” he said with finality.

Besides, he appended that, “Dumadalaw pa ako sa set nila noon kung saan nakakausap ko rin si Paolo.”


------


Luis Manzano, itinangging nagkakalabuan na sila ni Jennylyn Mercado

Saturday, September 29, 2012

Hindi kami nagkakalabuan ni Jennylyn -- Luis


SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) Updated September 29, 2012

source

Samantala itinanggi ni Luis Manzano na nagkakalabuan na sila ni Jennylyn Mercado. Sinasabi ng marami na bunga ito ng pagkakasangkot ni Jennylyn sa hiwalayang Paolo Contis at Lian Paz. Kahit inabswelto na si Jennylyn ng dalawang naghiwalay, sinasabi pa rin na naapektuhan ang relasyon nila ni Luis ng mga pangyayari.

“Hindi ito totoo, Hindi kami nagkakalabuan, not  even for a single day,” paniniyak ni Luis.


--------


“Walang labuan factor sa amin ni JENNYLYN!” --LUIS

by Jojo Gabinete

source

Ang presscon ng This Guy’s In Love With You Mare ang na­ging venue ng paglilinaw ni Luis Manzano na may problema ang relasyon nila ni Jennylyn Mercado.

“Once and for all, walang labuan factor, not a single day na nagkaka­labuan kami,” ang walang pa­liguy-ligoy na paliwanag ni Luis. Idinagdag pa niya na “mas si­gurado pa sila sa amin” na patungkol sa mga tao na nagsasabi na “nagkakalabuan” sila ng kanyang girlfriend.

Ang clarification ni Luis ang inaa­sahan na tutuldok sa mga isyu na may kinalaman sa relasyon nila ni Jennylyn. Pagkatapos ng kanyang denial, makabubuti rin na talasan ni Luis ang kanyang pakiramdam dahil baka nasa paligid lamang niya ang tao na source ng balita na may mga pinagdaraanan ang pagsasama nila ng kanyang girlfriend.


--------


Luis 'confronts' Lian

Luis denies he and Jennylyn are breaking up

Luis: Jennylyn and I are still together

LUIS, walang interes na kumprontahin si PAOLO! Tsikahan kay LIAN PAZ, ayaw ilantad ni LUIS!

by Rey Pumaloy

source


Wala nang interes si Luis Manzano na kausapin pa si Paolo Contis kaugnay sa pagkakasangkot ng girlfriend niyang si Jennylyn Mercado sa gulo nila ng asawang si Lian Paz. Nalaman na ni Luis ang pagtatanggol ni Paolo kay Jennylyn sa pakikipaghiwalay nito kay Lian at inilalabas na nga ng aktor si Jennylyn sa problema nila ni Lian.

Sabi nga ni Luis sa presscon ng movie nila nina Toni Gonzaga at Vice Ganda, ang This Guy’s In Love with You Mare, hindi na niya kaila­ngang harapin si Paolo dahil mas dapat nitong harapin at ayusin ang personal na isyu nito.

Pinatotohanan naman ni Luis ang lumabas na balitang kinausap niya si Lian, pero tumanggi siyang i-share ang laman ng conversation nila ng dating Eat Bulaga dancer. Ayaw na raw niyang dagdagan pa ang pinagdadaanan nito ngayon dulot nang paghihiwalay nila ni Paolo.

Kampanteng-kampante si Luis sa relasyon nila ni Jennylyn. Sabi pa niya, seryoso at matibay na ang pagmamahalan nila ng aktres. Pero kahit nababanggit na sa usapan nila ang tungkol sa kasal, malayo pa raw itong mangyari dahil marami pa silang gustong gawin sa kani-kanilang individual careers.

Pagkalabas ng item na ito, nagkita na marahil sina Luis at Jennylyn. Dadalawin daw kasi ng actor-TV host ang kasintahan pagkatapos ng nasabing presscon. Hanggang ngayon daw ay may sakit pa rin ang girlfriend.

Sipon, ubo at lagnat ang rason kung bakit hindi raw nakapunta si Jennylyn sa presscon ng Belo. Naunang tinamaan ng allergy si Jennylyn nu’ng magkita raw sila ni Luis. Kinabukasan, 38 na raw ang lagnat ni Jen na sinabayan pa ng matin­ding ubo.

Nasa ospital daw si Jennylyn nu’ng araw ng presscon. Bago pa raw nagpa-check up ang kasintahan, nag-text na ito na pupunta ng St. Luke’s Hospital kung saan nag-o-office ang EENT doctor nito.

Isa pang pruweba ni Luis sa kundisyon ni Jennylyn ay ang tweet nito na nagsabing “sick” siya. Hindi raw alam ni Luis ang tungkol sa presscon ni Jennylyn. Nalaman lang niya ito nang tawagan siya ng manager niyang si June Rufino at kumustahin siya. Doon niya sinabi sa manager na nasa ospital ang girlfriend at nagpapa-check up.

Tungkol naman sa isyung may nakakita raw kay Jennylyn sa Makati nu’ng araw ng check-up nito at presscon, inamin ni Luis na wala siyang alam tungkol dito. Sa pagkakaalam niya, buong araw na nasa ospital ang kasintahan. Hindi na raw niya alam kung ano ang ginawa nito pagkatapos.

Hindi itinanggi ni Luis na may mga maliit na tampuhan sila ni Jennylyn. ‘Yun ay dahil minsan ay naghahanap sila ng lambing sa isa’t isa.

Sa isang simpleng text lang raw naayos na ang kanilang tampuhan ng GMA 7 prime actress.

Luis Manzano puzzled by rumor linking girlfriend Jennylyn Mercado to Paolo Contis

By Pilar Mateo, InterAksyon.com · Friday, September 28, 2012

source

Luis Manzano was at a loss when the media asked him Thursday night about the rumor he and girfriend Jennylyn Mercado have parted ways because she allegedly caused the breakup of Paolo Contis’ marriage to Lian Paz.

During the press conference for his latest movie “This Guy’s In Love with You Mare”, the actor and game show host gamely addressed the issue and dissected it from all sides.

First, he proclaimed that he and Jennylyn are not only doing fine, their relationship is “getting serious”.

Luis was unequivocal: “Hindi kami nagkakalabuan ni Jen. Not even for a single day na may nangyayaring ganoon sa amin. Kaya maski ako nagulat kung bakit may nasulat o nag-sulat na on the rocks na raw ang relationship namin. Ngayon pa na mas sigurado na ako where I am.”

He was more dumbfounded by the news than Jennylyn was. “Ako ang mas nagulat sa balita. Things were blown out of proportion. Nagsalita na si Jen about it,” he said.

Jennylyn, of course, refuted the rumor just as Paolo himself did. Luis is aware that she and Paolo worked together in the GMA series “Futbolilits” last year. “And during that time, dinadalaw ko na siya sa taping nila. Nakakagulat lang na ang maging balita eh nagkakalabuan kami,” he said.

Curiously, Luis revealed that he was so bothered by the rumor that he called up Lian. Although he was mum on the details of their conversation, he thought it necessary to clear the air for all parties involved.

“Siyempre, it was para ma-clear lahat ng mga kumalat at lumabas na wala namang katotohanan. Gusto rin naman siyempre naming marinig ang side ng bawat isa. And at the end of the day, maging maayos ang lahat. Like, everyone’s going through something,” he said.

Luis also defended Jennylyn against accusations she snubbed a recent presscon organized by the Belo Medical Group on her behalf just so she could avoid being grilled about her alleged affair with Paolo. The fact of the matter was she was in hospital.

“The day before the presscon, sinabi na niya sa akin na medyo masama ang pakiramdam niya. Nung mahirapan na siya huminga, nagpadala na siya sa hospital dahil 38 na rin ang lagnat niya. Inakala na ng iba, umiwas siya,” he said.

The actor is thankful to Paolo for clearing Jennylyn’s name. “Alam ko, Paolo also has a lot in his mind. Kaya mas naa-appreciate ko ‘yung nagawa niya pa for Jen. Na siya namang nararapat,” he noted.

For Luis, this whole rigmarole has obviously been much ado about nothing. What he is most thankful for is the state of his relationship with Jennylyn, which ought to silence all doubters and cynics.

“We both know we still have a long way to go. Pero more than I, mas mahusay siyang mag-alaga. Kung tungkol sa level where we are now, I can honestly say, we are in a very serious relationship already,” he proclaimed.

Friday, September 28, 2012

Luis Manzano denies relationship with Jennylyn Mercado is on the rocks; thanks Paolo Contis for clearing Jennylyn's name

Rey Pumaloy
Friday, September 28, 2012 @ 07:49AM

source

Pinabulaanan ni Luis Manzano ang isyung nagkakalabuan daw sila ng kasintahan niyang si Jennylyn Mercado dahil sa pagkakasangkot ng Kapuso actress-TV host sa hiwalayang Paolo Contis at Liaz Paz.

Pinatunayan din ni Luis na nananatiling matatag ang relasyon nila ni Jennylyn.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Luis sa presscon ng pelikulang This Guy’s In Love With You Mare kagabi, September 27, sa Dolphy Theater ng ABS CBN.

Ayon sa Kapamilya TV host-actor, nagulat siya sa lumabas na mga balita tungkol pagkakalabuan diumano nila ni Jennylyn.

“Oo… actually, mas nagulat pa si Jen. Mas nagulat siya sa balita.

“So, kumbaga, for me, you know, some things were blown out of proportion lang.

“Nagsalita ako, nagsalita na si Jen, nagsalita na rin si Paolo. So, wala… wala talaga.

“And mas nakakagulat talaga na apparently, nagkakalabuan kami.”


THE RUMOR. Hindi ba siya nagkaroon ng pagdududa sa mga lumabas na reports tungkol kay Jennylyn at Paolo?

“Hindi,” mabilis na tugon ni Luis.

“Lahat ng lumabas nga… the only truth na nakita ko was, yes, tinawagan ko nga.

“Lumabas yun, e. Tinawagan ko talaga si Lian.

“Siyempre, pag lumalabas na kuwento, gusto kong marinig rin naman. Hindi yung side ko lang.

“I have to hear all the sides of the story as much as possible.

“So, para sa akin, at the end of the day, the fact that we’re still together… in fact, baka magkita pa kami after nito [presscon],” sabi ni Luis na ang tinutukoy ay si Jennylyn.

Ano ang pinag-usapan nila ni Lian nang tinawagan niya ito?

“Huwag na nating idetalye dahil, siyempre, si Lian is going through something… especially may mga anak sila. So, huwag na nating i-elaborate.

“Pero the fact na Jen and I are still okay, ibig sabihin, yun na yun.

“Some things where blown out of proportion.”

Paano ba na-involve si Jennylyn sa isyu kay Paolo at sa sinasabing pakikipaghiwalay ng Kapuso actor kay Lian?

Nakangiting sabi ni Luis, “You know, kahit si Jen, yun rin ang gusto niyang malaman.

“Ang alam ko lang, nagsama sila sa Futbolilits, yun na lang yun.

“Dumadalaw pa ako sa set nila kung saan nakakausap ko pa…"


NO INVESTIGATION. Totoo bang tinawagan niya ang kanyang manager na si June Rufino upang mag-imbestiga sa kumalat na intriga kina Jennylyn at Paolo?

Mariin itong itinanggi ni Luis.

Aniya, “Hindi. Actually, nalaman ko lang… kumbaga, nung may nagsabi sa akin, medyo may narinig na ako.

“Si Tita June ang nagsabi sa akin, pero never siyang nag-investigate. Kumbaga, wala.

“Once she told me, dun na ako nagkusa na gumawa rin ng paraan para malaman yung mga anggulo ng istorya.”

Ano naman ang naging reaksiyon ng mommy niya na si Batangas Governor Vilma Santos sa balita tungkol sa kasintahan niya?

“Wala, kumbaga, sinabi lang niya, ‘Anak…’ She was laughing about it kasi kilala rin niya si Jen, e.”

Nagpaliwanag ba si Jen sa kanya tungkol sa isyu sa kanila ni Paolo?

“Alam mo, nung lumabas pa lang ‘yan dati, I think may sundot na ‘yang dati na issue, e. Hindi na ako naniwala.

“Ako yung nagsabi kay Jen na it was more like… wala talaga, e.

“Kumbaga, hindi ko na hiningian ng paliwanag. Ganun ako ka-kampante sa aspetong yun.”

Ibig sabihin, hindi talaga nakaapekto sa relasyon nila ang isyung ito?

“Not a single day,” pagpapatunay ni Luis.

Dagdag niya, “Kaya nga nagulat ako na may on the rocks na raw…”


THE PRESSCON.
Pero ano yung issue na ang alam daw ni Luis ay pupunta si Jennylyn sa presscon ng Belo Medical Group noong September 25, pero hindi sumipot ang actress-TV host at pinag-awayan daw nila ito?

“Wala akong alam doon,” naguguluhang sagot ni Luis.

Pero biglang nanlaki ang mata ng TV host-actor na parang may naalala.

“A… tumawag sa akin si Tita June. Sabi niya, parang, ‘Anak, is everything okay?’

“Kasi sabi niya, may presscon raw na dapat dadaluhan si Jennylyn.

“That exact day, naospital si Jen. Kung na-follow yung Twitter niya, nag-post pa siya ng ‘sick.’

“Uhm, even up to now, may sakit siya. That exact day, nasa ospital siya nun.”

Para malinawan sa pagkakasunud-sunod ng pangyayari kay Jen at sa hindi nito pagsipot sa Belo presscon para sa kanilang mga bagong endorsers, detalyadong nagkuwento si Luis.

“Kinagabihan, bago nung presscon—kung tama ang pagkakaalala ko—nag-fever siyang bigla. Nag-38.8 siya.

“Nagulat nga ako pagkatawag niya, may fever na siya.

“The very next day, gumising siya, sabi niya, 'Masama pakiramdam ko.'

"'Sige, rest ka lang diyan sa bahay.'

“After ten minutes, nag-message siya, ‘Pupunta ako sa hospital, hirap na akong huminga.’”

Sa St. Luke’s Quezon City raw nagpunta si Jennylyn.

Patuloy na kuwento ni Luis, “The night before—kung tama ang pagkakaalala ko, ha—kasi alam ko, tinawagan ako ni Tita June, asking me kung bakit hindi siya [Jennylyn] dumating sa presscon.

“The night before, nag-fever na siya. The next day, gumising siya, ang sama na ng sipon at ubo niya.

“Nasa Twitter pa niya yun na inilagay niya, ‘sick.’

“And after ten minutes, sinabi niya sa akin na mag-ospital siya, sa St. Luke’s QC dahil nandun yung EENT niya.”

Hindi raw na-confine si Jennylyn, ayon kay Luis.

“Nagpa-check-up lang siya.
“Ang nangyari sa kanya was... nung magkasama kami the day before siya nilagnat, nagka-allergy na siya. May running nose na, allergy, ganyan.

“The next day… kumbaga, allergy that was untreated kaya naging malalang ubo at sipon, kaya nagka-lagnat siya.”

Nung Miyerkules, September 26, raw nagkita uli sina Luis at Jennylyn at Luis. At maaaring nagkita rin sila kagabi pagkatapos ng presscon ng This Guy’s In Love With You Mare.

Patuloy pang lahad ni Luis, “Buong araw siyang nasa ospital kasi kung hindi ako nagkakamali, yung doctor niya, galing operation.”

May report naman na may nakakita raw kay Jennylyn na naglalakad sa Makati araw noong mismong araw na sinasabing nagpa-check-up ito.

Matamang nag-isip muna nang malalim si Luis at saka nagsalita.

Aniya, “Honestly, hindi ko maalala. Basta, sure ako na galing siyang ospital. Hindi ko lang maalala kung ano ang ginawa niya after.

“Pero sure ako na she had a fever the night before, sure ako na nag-ospital pa siya that afternoon.

“Kung hindi ako nagkakamali, nagsu-shooting rin ako that afternoon.

“Hindi ko lang maalala kung ano ang ginawa niya after.”


CLEARING JENNYLYN'S NAME. Paano tinatanggap ni Jennylyn ang mga ganitong isyu tungkol sa kanya?

Sabi ni Luis, “Wala. Si Jen naman kasi tinatawanan lang niya—especially yung walang ka-basis-basis.

“Kumbaga, natatawa siya na parang, ‘Ha?’ I’m sure you know Jen na rin. ‘Bakit may gano’n?’

“Kumbaga, mas nagtataka pa siya sa akin.”

Kampante raw si si Luis na hindi totoo ang balitang pagkaka-link ng girlfriend niya kay Paolo.

Tanong namin kay Luis: Paano na-build yung trust nila sa isa’t isa ni Jennylyn na parang walang makakatibag ng pagmamahalan nila?

“I guess, through time, getting to know each other, understanding the industry… may gano’n talaga.”

Hindi ba niya kakausapin si Paolo at alamin kung paano nagsimula ang tsismis sa kanila ni Jennylyn?

“Kung hindi ako nagkakamali, nagsalita na si Paolo. May nabasa ako na…”

Ang laman ng statement ni Paolo ay nahihiya ito kay Luis. (CLICK HERE to read related story.)

“Oo, para sa akin, enough na yun.

"Pero not even sa akin. It was more of para ma-clear yung pangalan ni Jen.

“Kami ni Paolo, lalaki kami. Kumbaga, mas madali pa yung usapan na gano’n na lalaki sa lalaki.

“Pero to clear someone’s name, yun ang parang mas nagawa ni Paolo, instead na mas nahiya sa akin.”

Ibig bang sabihin, humahanga rin siya sa ginawa ni Paolo?

“Oo. Pero alam ko, Paolo has a lot in his mind.

“May kailangan pa siyang ayusin sa… siyempre sa mga desisyon niya.

“Kumbaga, yun ang nararapat naman talagang gawin.

“So, yung paghanga naman... mahirap sabihin kasi mahirap humanga sa taong gumawa ng tama dahil yun naman talaga ang dapat niyang gawin.

“So, thank you, thank you for clearing her name.

“Kumbaga, I understand Paolo has some issues na kailangang ayusin sa kanilang dalawa ni Lian.”


LONG WAY TO GO. Base sa pagtatanggol ni Luis sa kanyang kasintahan, kapansin-pansin na seryoso na talaga ang kanilang relasyon.

Nabanggit nga ni Jennylyn sa isang pranayam ng PEP na magaling daw mag-alaga si Luis, pero kinontra ito ng TV host-actor.

“Hindi, kung magaling akong mag-alaga, mas magaling siyang mag-alaga.”

Ibig bang sabihin nito ay posibleng si Jennylyn na ang pakakasalan niya two to three years from now?

“Long way to go,” sagot agad ni Luis.

“Hindi… sabi ko naman, yung level namin, we’re in a very serious relationship.

“Kahit ako naman, ang dami ko pang kailangang gawin.

“I’m not saying na hindi ko naiisip. Long way to go.

“Kung marami pa akong dapat gawin bilang tao, bilang lalaki, bilang artista, bilang negosyante… talo lahat yun na kailangan niyang gawin bilang isang ina.”

Mas mauuna pa ba yung politics kaysa marriage?

“I honestly don’t know where life is gonna take me,” sagot ni Luis.

Luis breaks silence on ties with Jennylyn

By Reyma Buan-Deveza, ABS-CBNnews.com
Posted at 09/27/2012 9:46 PM

source



MANILA - Actor-TV host Luis Manzano finally broke his silence on reports that his relationship with Jennylyn Mercado is now on the rocks.

In a press conference on the film, "This Guy's In Love With You," held at the Dolphy Theater on Thursday, Manzano said these reports and blind items are not true.

"Once and for all, hindi po. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang isyu na yon. Wala pong 'labuan' issue. Kahit noong lumabas pa yung alam nating issue, never po kaming nagkalabuan, not even for a single day. So kahit ako ay nagulat na mayroon pang 'on the rocks na lumabas.' ... We are still together," he said, referring to the alleged involvement of Mercado in the separation of actor Paolo Contis from his wife, Lian Paz.

According Manzano, he even talked to Paz about the issue although he refused to give details.

"I have to hear all sides ng istorya. We are still together. Huwag na nating ibigay yung detalye (ng usapan) kasi si Lian is going through something, may mga anak sila so huwag na nating i-elaborate. Pero the fact na si Jen and I are still OK, ibig sabihin, kumbaga, yun na yon, it's something blown out of proportion," he said.

Manzano said Mercado is also clueless on where the issue linking her to Contis started.

"Si Jen, yun din ang gusto niyang malaman. Ang pinakaalam ko lang, nagkasama sila sa Futbolilits, yun na lang yon. Dumadalaw pa nga ako sa set nila kung saan nakakausap ko pa," he said.

The actor stressed that the issue linking Mercado to Contis really never affected their relationship.

"Wala, not for a single day. Kaya nagulat ako na may 'on the rocks' na," he said.

On Thursday, amid escalating rumors of her supposed role in the break-up, Mercado expressed her love for Manzano via the micro-blogging site Twitter , a move that seemed to address speculations on the status of their relationship.

In recent weeks, Mercado's name was dragged into the controversial separation of Contis and Paz. This, according to a blind item that alluded to the Manzano and the singer-actress, caused the Kapamilya actor to be "suspicious" of his girlfriend for over a year.

Prior to the published item hinting about their eventual breakup, Mercado had denied being a "third party" in Contis' and Paz's marriage, and even laughed off the issue.

The former child star, meanwhile, also cleared the name of Mercado in the separation, following Paz's reported admission of the reality contest alumnus' alleged role in their breakup.

In recent months, Manzano and Mercado have been vocal of their strong relationship, which was confirmed by the Kapamilya actor in March last year.

Manzano, in a number of interviews, has also shared his hopes of eventually settling down with the actress.


-------


Jennylyn on her love for Luis: 'Sobra!'

ABS-CBNnews.com
Posted at 09/27/2012 3:15 PM

source


MANILA, Philippines -- Contrary to reports that their relationship is now on the rocks, actor Luis Manzano and his girlfriend Jennylyn Mercado seem to be very much in love with each other.

As late as last Thursday, the two were exchanging sweet words to each other via Twitter.

"Cute ko nung bata ako no baby haaaaaaaaaaaaaaambing :)," Manzano asked Mercado after he posted a picture of him when he was still a baby.

"Lovelove!" she tweeted him back.

“Baby, hanggang ngayon naman cute ka pa rin" the actress added.

Manzano then cracked a joke: "Wushu!!! Mahal mo lang ako," to which Mercado replied, "Ay sobraaaaah!!! ."

Tuesday, September 25, 2012

Jennylyn Mercado admits being "overprotective" to son AJ

Joyce Jimenez
Friday, September 21, 2012 @ 02:25PM

source


Abalang-abala ngayon si Jennylyn Mercado sa kabi-kabila niyang projects sa GMA-7.

Bukod sa afternoon soap opera na Hindi Ka Na Mag-iisa, host din si Jen ng talent search show na Protégé at ng entertainment talk show na H.O.T. TV.

Regular performer din siya sa Sunday noontime musical-variety show na Party Pilipinas.

Kaya naman aminado ang actress/singer/TV host na halos wala na siyang oras para sa anak nila ni Patrick Garcia na si Alex Jazz o AJ.

Ikinuwento ni Jen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press, noong Setyembre 18, sa set ng Hindi Ka Na Mag-iisa sa Quezon City, kung paano siya bumabawi ng oras sa kanyang anak.

“Ang ginagawa ko na lang, pagkatapos ng Protégé, tutal hindi naman siya masyadong matagal, gagawin ko na lang, minsan magre-request ako ng maagang taping sa kanila, para maaga akong matatapos.

"Pagdating ng five p.m., puwede na kaming mag-mall.

“Minsan isinasama ko na lang siya sa live show, sa Party Pilipinas, kasi 'yon na lang po talaga halos ang natitira kong oras, e, wala na po talaga.”


NO SHOWBIZ FOR AJ.
Tuwing wala sa bahay si Jen, kasama raw ni AJ ang kanyang Lola Lydia at yaya.

Ayaw ni Jen na iwan lang mag-isa sa yaya si AJ. Mas kampante raw kasi siya kung mayroong kamag-anak na nagbabantay sa kanyang anak.

Aminado ang Kapuso star na “overprotective” siya sa kanyang anak.

Kaya bukod sa pagsisiguro na malayo sa kapahamakan ang anak, ayaw rin ni Jennylyn na madamay ito sa mga isyung ipinupukol sa kanya sa showbiz.

"Uhm, sa akin kasi, yung professional life ko... yung private life ko, open naman 'yon, e, alam naman nila kung ano'ng nangyari sa buhay ko.

“Pero may mga bagay talagang hindi ko puwede ilabas. Like mga personal stuff, like sa family ko, ayoko na masyadong…

"Lalo na 'yong anak ko, overprotective talaga ako.

“So 'yon, naiintindihan naman na nila ako, alam nila na pagdating sa baby ko, talagang very sensitive ako, ayaw ko talagang ginagalaw siya dahil iba talaga.

“So medyo emotional ako pagdating sa mga ganyang bagay.”

Kung sakali din na maisipan ni AJ na pasukin ang mundo ng showbiz, papayag lamang daw si Jen kung tapos na ito ng pag-aaral.


Ngunit kung commercials lang naman daw ay papayag siya, basta pumayag din ang ama ni AJ na si Patrick Garcia.

Wika ng Kapuso actress, “Karapatan 'yon ni Patrick, na malaman kung anuman ang nangyayari.

“Isa 'yon sa mga karapatan niya as a father, ayaw ko naman ipagkait 'yon.”


HER LOVELIFE. Kung wala na halos oras si Jennylyn sa anak na si AJ, ganoon din daw sila ng kanyang nobyo na si Luis Manzano.

Hindi naman ito isyu sa kanilang dalawa, dahil tulad ni Jen, abala rin si Luis sa mga shows nito sa Kapamilya network; tulad ng Kapamilya Deal Or No Deal at ASAP 2012.

Bukod sa palitan ng text message at pagtatawagan, sinabi ni Jen na minsan ay nagpupunta si Luis sa set ng kanyang trabaho.

"Hindi niya lang ako mapuntahan dito. Kasi usually Pampanga po talaga kami, bihira kami sa Quezon City.

“So halimabawa sa Protégé or sa Party Pilipinas (HOTTV?), ganyan, pupunta po siya.”

Pero kung plano tungkol sa pagpapakasal ang pag-uusapan, isang mabilis at natatawa na “wala po” ang sagot ni Jen.

Jennylyn Mercado denies being the third party in Paolo Contis-Lian Paz separation

Joyce Jimenez
Wednesday, September 19, 2012 @ 02:20PM


source


Natutuwa si Jennylyn Mercado sa nakikitang improvement sa natitirang siyam na Protégé contenders.

Malaki na raw ang ipinagbago sa performances ng mga natitirang contenders sa artista search ng GMA-7.

"Kasi talagang every day mayro'n silang iba't ibang workshop, may iba-ibang schedule.

"Mayro'n silang acting workshop, may dance... Recently nag-hosting sila, hosting workshop sila, tapos may singing, ang dami!

"Talagang dine-develop sila nang sobra-sobra. Ngayon, ang laki na ng developments ng mga contestants."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Jennylyn sa taping ng afternoon soap niyang Hindi Ka Na Mag-iisa kahapon, Setyembre 18, sa Quezon City.


COMPARISON WITH OTHER SHOWS. Maraming talent search programs ang umeere ngayon sa iba't ibang networks.

Kaya naman hindi maiwasan na maikumpara ang Protégé sa mga shows tulad ng Artista Academy ng TV5 at X Factor Philippines ng ABS-CBN.

Gayunman, sa opinyon ni Jen, hindi dapat ikumpara ang hinu-host niyang show sa mga programa ng ibang network.

Aniya, "Unang-una, nagsimula naman talaga yung Protégé na parang singing competition.

"Pero ang concept niya, nakatira sila sa isang bahay, pero singing competition siya.

"This time, ginawa na nilang parang artista search, na parang naka-plot… ang plot niya parang StarStruck, pero nakatira na sila sa isang bahay.

"So, iba naman siya, iba naman siya sa ibang talent search show."

Ang StarStruck ang dating reality-based artista search ng GMA-7 kung saan nanalo si Jennylyn bilang kauna-unahang Ultimate Female Survivor.


PAKIKISAMA.
Kung si Jen ang tatanungin, ang "pakikisama" ang isang ugali na hindi dapat mawala sa Protégé contestants.

Iyon daw ang isang bagay na "natutunan" niya sa ilang taon na pagtatrabaho sa showbiz.

"Kasi yung industriya na 'to, napag-aralan ko, na 'yan talaga kailangan.

"Kasi noon, tahimik lang ako, so nami-misinterpret nila.

"Hindi ko naman sinasabi na kailangan nilang pilitin ang sarili nila, pero kailangan nilang pag-aralan 'yon, kung ano yung pinasok nila na mundo.


"Kasi yun 'yon, e, yung reality ng showbiz na kailangan talaga marunong ka makisama."


INTRIGUES. Kung mayroon man isang pinakamahirap sa showbiz, ani Jen, ito ay ang intriga.

Mahirap daw para sa mga artistang tulad niya ang maintriga, lalo na kung walang basehan at walang katotohanan.

Aniya, "Kapag kasi involved 'yong family mo, 'yon ang pinakamahirap talaga.

"Kasi karamihan sa mga gano’n, lalo na yung mga naninira talaga, hindi muna nila inaalam talaga kung ano ba talaga'ng nangyayari.

"Parang nabubuhay na lang sila na naririnig lang, hindi nila nakikita or hindi nila napapatunayan.

"Parang ang hirap lang."


PAOLO-LIAN SEPARATION. Napag-usapan na rin lang ang intriga, hindi na naiwasang tanungin si Jennylyn tungkol sa paghihiwalay nina Paolo Contis at Lian Paz.

Matatandaan na noong Setyembre 13, lumabas ang artikulo dito sa PEP tungkol sa pag-amin ni Lian na hiwalay na sila ni Paolo.

Ngunit mariing itinanggi ni Lian na third party ang sanhi ng kanilang paghihiwalay ng aktor, na ngayon ay nasa Amerika para sa U.S. episode ng game show na Manny Many Prizes.

(CLICK HERE for related article.)

Pero sa ibang babasahin ay isinasangkot ang pangalan ni Jennylyn sa paghihiwalay nina Paolo at Lian. Diumano, siya ang third party sa hiwalayan.

Natawa lang si Jen sa balitang ito.

Aniya, inaanak ni Paolo ang anak niya kay Patrick Garcia na si Alex Jazz o AJ.

"Since Futbolilits, hindi ko pa 'to nakikita,” banggit ng Kapuso actress tungkol kay Paolo.

Ang Futbolilits ang show na pingsamahan nina Jennylyn at Paolo noong 2011.

"Tinext ko nga siya, sabi ko, 'Pao, ano 'to? Kaloka naman, ang saya-saya ko na, bakit naman? At saka may asawa ka na! 'Kaloka naman.'

"Sabi niya, 'Ha? Ano ba nangyayari diyan?’

"Sabi ko, ‘Hindi mo alam? Umuwi ka na dito!’ sabi ko sa kanya.

"Sabi ko, ‘Umuwi ka na dito at linawin mong lahat ‘yan.’”

Pagbabahagi pa ni Jennylyn, ang nobyo niyang si Luis Manzano pa mismo ang unang nagparating ng balitang ito sa kanya.

Kaya naman daw malabo na maging sanhi pa ito ng hindi nila pagkakaunawaan. Bago pa man daw kasi lumabas ang mga balitang ito’y napag-usapan na nila ito ni Luis.

Ang masasabi na lang daw ni Jen tungkol sa mga ganitong isyu na pinupukol sa kanya, “Kaloka!” sabay tawa nito.

Wednesday, September 12, 2012

Jennylyn Still Yummy

by Mario Bautista

source

TWO shows where participating celebs will be displaying a lot of bare flesh are the Bench Universe show at the MOA on September 13 and 14, and the Cosmo Bachelor Bash at World Trade Center on September 19. Two Kapuso talents bound to shock their fans in these parade of nude bodies are Jennylyn Mercado, who’ll be with Bench, and Alden Richards, who’ll be with Cosmo.

We’ve seen Jen’s sexy pictorial for Bench and her photos are really daring. You won’t think she has already given birth. She’s really one hot mama so we’re not surprised that many guys are still attracted by her.

Jen’s career is really booming as she just launched her new album and her afternoon soap, “Hindi Ka Na Mag-iisa”, remains a toprater. This week, Jen as Eliza gets heartbroken when Angelu de Leon as Jordana announced that the guy she loves, Sid Lucero as Andrew, is now officially engaged to Saab Magalona as Celine. Sid agreed to marry Saab only because he thinks he already got her preggy.

Monday, September 10, 2012

Luis, gustong pakasalan si Jennylyn

Ni Jimi C. Escala

source

MGA taong very close kay Luis Manzano ang nagkuwento sa amin na malamang na mauwi sa altar ang relasyon nila ni Jennylyn Mercado.


Si Luis mismo ang nagbanggit sa kanila na nagbabalak na siyang pakasalan si Jennylyn sa susunod na taon.

Kaya raw ganoon na lang ang pagsusumikap niya, doble-doble nang kayod ngayon, dahil pinaghandaan na ng aktor ang kasal nila ni Jen.

Pero ayaw kumpirmahin ng aming source ang balitang nakarating sa amin na may petsa nang napili sina Jen at Luis para sa sinasabing pagpapakasal nila (bago matapos ang taong 2013 o early 2014).

Halos araw-araw ay magkasama sina Luis at Jen. Kahit sa mga taping at TV show ni Jen ay hatid-sundo siya ni Luis. Kung wala namang trabaho si Jen ay siya naman ang pumapasyal sa tapings ni Luis.

Samantala, ayaw magkomento ni Jen tungkol sa diumano’y nalalapit na pagkakaroon ng bagong kapatid ni Jazz. Napapabalita kasing nakabuntis na naman si Patrick Garcia, pero dedma lang si Jen.

Kung ano man daw ang isyu tungkol sa ama ng kanyang anak ay wala na siyang pakialam.

Iniintriga rin si Jen na nagseselos daw siya sa babaeng nabuntis diumano ni Patrick.

“May Luis Manzano na ako, kaya please, huwag na akong idamay sa isyu nila,“ sey pa ni Jennylyn.

Next time, kukulitin na namin si Jennylyn tungkol sa balak nilang pagpapakasal ni Luis. Kukuha lang kami ng buwelo. Me gano’n?!

by Lolit Solis

source

EXCITED NA ang mga kabadingan sa nalalapit na Underwear at Denim Fashion Show ng Bench na bale celebration ng kanilang 25th anniversary. Dalawang gabi ang show nila na naka-schedule sa September 13 at 14 na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena.

Pinaghahandaan na rin ito ng mga celebrity endorsers ng Bench lalo na ang mga bagong endorser nila. Ang isa sa aabangan n’yo ay si Jennylyn Mercado na bagong endorser ng Bench Body. Kaya rarampa siyang naka-panty at bra lang.

In fairness naman kay Jennylyn, ang laki nang iginanda niya at lalo siyang sumeksi kaya may karapatan talagang rumampang naka-underwear. Tiyak na proud diyan si Luis Manzano na malamang nandun ‘yan para suportahan ang girlfriend niya.

Ang isa pa palang rarampa rin ay si Manny Pacquiao dahil may endorsement din itong cologne ng Bench. Ang alam ko, kasama niya riyan si Jinkee, pero hindi ko lang sure kung kasama rin siyang rarampa.

Friday, September 07, 2012

Jennylyn, maghuhubad sa rampahan?

Ni RUEL MENDOZA

source

Mambubulaga raw si Jennylyn Mercado sa kanyang unang pagrampa sa Bench Universe ngayong September.

Isa nga si Jennylyn sa bagong endorsers nito at nagsabi na nga siya na magugulat ang mga makakapanood sa kanya sa mismong show dahil isang daring at sexy na outfit ang ipapasuot sa kanya.

“’Yun ay kung may matitira pang tela na ipapasuot sa akin! Ha! Ha! Ha! Ha!” malakas na tawa ni Jennylyn, na parang sinasabi na handa siyang rumampa nang hubad.

“It will be a big surprise. Kahit ako, hinihintay ko ang hitsura ng isusuot ko. Wala pa akong clue pero sabi nila sa akin, super sexy and daring daw.”

Kaya alaga nga ni Jennylyn ang kanyang katawan. Panay ang workout niya sa pamamagitan ng biking, running at ang kanyang martial arts classes. Kaya nga marami ang naiinggit sa “hot mama” ­figure ni Jennylyn.

“Tiyaga lang at lakas ng loob! Ha! Ha! Ha! Ha!” natatawang sabi pa niya ulit.

“Kung hindi ko alagaan ang sarili ko, siguro los­yang na ang hitsura ko ngayon. Dahil sa ginawa kong pag-aalaga sa sarili ko kaya marami akong trabaho ngayon.”

Bukod nga sa kanyang TV shows na HOT TV, ­Inside Protégé at Hindi Ka Na Mag-iisa, may tina­tapos din siyang pelikula na The Bride and The Lover para sa Regal Entertainment.

Sa balitang nabuntis na raw ng ama ng kanyang anak na si Patrick Garcia ang kasalukuyang girlfriend nito, ang sey lang ni Jen ay buhay na raw iyon ni ­Patrick at hindi siya nakikialam na rito. Masaya na kasi siya sa relasyon nila ni Luis Manzano.

“Matagal na akong naka-move on and I am happy with my relationship now. May anak kami ni Pat at ‘yun na lang ang connection ko with him. Ituloy lang niya ang pagsuporta kay AJ (Alex Jazz) at wala ka­ming magiging problema,” pagtatapos pa ni Jennylyn.