Saturday, December 31, 2005

Jennylyn, maging Best Actress kaya?

Suntok sa Buwan
Emy Abuan-Bautista
Ang Pilipino Star Ngayon




Puring-puri ang akting ni Jennylyn Mercado sa Blue Moon at sinabing strong contender ito sa pagiging Best Actress sa darating na Metro Manila Film Festival Awards Night.

May isa palang pangarap si Jenny na gustong gampanan at ito ay ang pagiging mentally retarded. Kwento nga ng kanyang nanay-nanayan minsan ay ginagaya niya at kuhang-kuha ang kilos ng isang "abnoy".

Masaya si Jenny dahil unt-unti na nitong natutupad ang pangarap niya sa buhay.

Excited na si Jenny dahil siya ang number one sa People’s Choice Award dahil sa galing ng akting nito sa Blue Moon.

Ano ang reaksyon niya sakaling manalo siya sa Awards Night bilang Best Actress?

"Malaking karangalan sa akin ito, pero hindi ako umaasa dahil lahat ng artistang nominado ay magagaling. Pero sakaling manalo ako, ito na ang pinakamagandang regalong matatanggap ko ngayong Pasko," aniya.

Naghahanda na ng kanyang second album si Jenny na ngayon ay seksi at nagsusuot na ng litaw ang cleavage dahil wala nang nagbabawal sa kanya since hiwalay na sila ni Mark.

Mark, Jennylyn panay ang harutan sa loob ng sinehan

Daily Insider
Dinno Erece


NAHULI naming naghaharutan sina Mark Herras at Jennylyn Mercado sa upuan nila habang ang love scene nila ang ipinapalabas sa sinehan sa premiere ng Blue Moon.

Can't help but look at their side ` same row kami although sa aisle lang kami nakaupo nang ipinapalabas na ang nakakikilig na eksena nila, and what do you know, mas naka-kikilig pala ang makikita namin. May sinabi yatang joke si Mark referring to the scene noong ginagawa nila at binalingan siya ni Jenny ng playful hampas sa balikat with matching laughter.

At hindi natapos ng ganoon lang 'yun, ha. Kung gaano katagal ang love scene nila, ganoon din katagal ang biruan at hampasan ng dalawa. The good thing about this ay tila tapos na sila sa heartache and both are moving on to joke like old friends, which is very good.

Ito lang naman ang gusto ng mga fans nila, ang maging maayos silang dalawa. They don't care about their personal affairs, ang mahalaga, buo ang love team.

Para sa loyal fans, puwede nilang makalimutan sina Marian Rivera na ba-litang nililigawan ni Mark at si Jigz Cristobal na ba-litang nakipagbalikan na sa kanyang "ex" na si Jenny.

Blue Moon

Aba!
Noel Asinas


SAMANTALA, maraming pinaiyak sina Mark Herras, Jennylyn Mercado, Pauleen Luna, Eddie Garcia, Boots Anson-Roa, Christopher de Leon at Dennis Trillo sa pelikulang Blue Moon na nagkaroon ng premiere night nung December 29.

Nakaka-touch ang istorya na ang pag-ibig ay hindi nawala sa pagitan nina Manuel at Corazon.

Parehong pangalang Corazon ang ginampanan nina Jennylyn at Pauleen. Parehong mahal ni Manuel ang dalawa. Kaya lang ang Corazon na si Jennylyn ang kanyang pinakasalan. Ang magiging anak ay si Christopher de Leon at ang apo ay si Dennis Trillo.

Lahat ng aspeto ng pelikula ay maganda. Magaling si direk Joel Lamangan sa pagdi-direk ng Blue Moon. Napaarte niya nang husto sina Mark, Jennylyn at Pauleen. Maraming hahanga sa kanilang pag-arte.

Hinuhulaan ng marami na magiging best actress sa filmfest si Jennylyn. Mahigpit niyang kalaban ay si Zsa Zsa Padilla para sa Ako Legal Wife.

Joel Lamangan: Awards are merely bonus

A Little Bit
Remy Umerez


When you listen to Joel Lamangan talks about "Blue Moon," you would think it is the first time for him to direct and be involved in a project with a huge cast and a setting that evokes painful memories of World War 2. Or the first time to tackle the subject of a man's undying love.

Based on a screenplay by Allan Tijamo (a Palanca awardee), "Blue Moon" essays the search for Corazon by an elderly man named Manuel Pineda (Eddie Garcia) who has a few months to live. Accompanying him in the search are his son Rod (Christopher de Leon) and grandson Kyle (Dennis Trillo) who had no idea that Manuel was madly in love with a woman named Corazon. In the story there exist two Corazons. The twist is which of the two Corazons is Manuel searching for?

"The movie has something for everyone. The search for Corazon in the present is juxtaposed against the blooming romance in the late 40's with Mark Herras, Jennylynn Mercado, Pauleen Luna and Polo Ravales. These are two contrasting periods both in looks and attitude and behaviour of the characters towards love," reveals direk Lamangan.

"This is the most difficult project I have ever done mainly because I worry I may not be able to finish it on time. All of my stars specially the young ones are busy taping with their respective shows. Nakakabaliw ang kanilang mga schedules sa TV at akala ko ay magkakaroon ako ng heart attack. Nagdasal na lang ako ng mataimtim na sana'y magkita silang lahat as required by the scenes. In fairness, once they are assembled ay wala ng problema. I was surprised to see them do their jobs professionally most specially Jennylyn and Mark who has yet to recover from their break-up. I was fearful that they won't cooperate with the passionate kissing scene I want them to do. Jennylyn's character in the story is someone who loves Mark very much kahit alam niyang may ibang Corazon siyang minamahal."

"Blue Moon" was raved during the premiere night where the entire cast (with the exception of Christopher de Leon who is in the USA). It is predicted to sweep the major awards on January 6.

But as far as Joel is concerned, awards are merely bonus. "What matters to me is to see the moviegoers enjoy our movie. It is a story close to the hearts of every Filipino, one that's very generous with the outpouring of emotions. I am very proud of this project because I put my soul into it," concludes Lamangan.

Why Jennylyn-Mark fans still badmouth Pauleen

Freehand
Mario Bautista


PAULEEN Luna is proud that her first major movie is in a big-budgeted romantic epic like "Blue Moon."

"It's a gigantic movie even in terms of casting and it's privilege na makasama ko sa cast ang multi-awarded veteran stars like Eddie Garcia, Christopher de Leon and Boots Anson Roa," she says. "Also, it's been a great experience for me being directed by an A-1 filmmaker like Joel Lamangan from whom I learned so much about acting for the big screen. Kasi ang previous acting experience ko lang is for television, and acting for TV and for film is very different."

Pauleen stars as one of the two Corazons in the life of Mark Herras, who plays the young Eddie Garcia. The other one is Jennylyn Mercado. "Mark gets involved with both of us, but destiny has some surprises in store for all of us. When the Second World War erupted, we got separated and it's Jennylyn, a nurse, who helps him regain his health when he gets injured. There is a mystery in the story. One Corazon dies and one survives. Eddie Garcia, who plays the elderly Mark, now searches for the Corazon who is his true love. You'll never find out whether that Corazon is me or Jennylyn until the conclusion of the film."

How come the fans of the Mark-Jennylyn love team continue to bad mouth her even if Mark already made it clear she has no part in their breakup?

"I really don't know. Siguro, naghahanap sila ng masisisi and it so happened we were doing this movie with the love triangle angle in it when they parted. All I can say is kahit magalit sila sa akin, my conscience remains clear. And if they'd watch the scenes of Mark and Jen closely, obvious namang may matinding pagtingin pa rin sila sa isa't isa."

Kursunada

Vinia Vivar



Ipinakita last Friday sa Extra Challenge ang pagtalon ni Jennylyn Mercado mula sa San Juanico Bridge. Kahit ang usapan nila ng said reality show ay walang talon at walang mga inse-insekto, no choice ang young actress kungdi ang gawin ang challenge.

Nagulat na lang si Jen nang bigla siyang dalhin sa San Juanico Bridge at sinabihan siyang kailangan niyang tumalon. Noong una ay muntik nang mag-walk-out ang Ultimate Starstruck Survivor dahil usapan nga ay walang mga ganyang challenge. Sumakay na siya sa van niya at talagang ayaw niyang gawin.

Pero bandang huli ay napilit din siya alang-alang sa kanyang tiyuhin na siyang magiging recipient ng showcase na ibibigay ng programa.

Samantala, up to now ay masayang-masaya pa rin si Jennylyn sa papuring ibinigay sa kanya ng mga kasamahan sa industriya para sa Blue Moon na incidentally ay palabas na ngayong araw na ito, Jan. 1.

After the premiere night last Thursday ay mahigpit siyang niyakap ng co-star na si Christopher de Leon at sinabihan ng "You're so good!"

Niyakap din siya ni Eddie Garcia na isa rin sa bida ng pelikula, ng producer na si Mother Lily Monteverde at ni Yda Henares ng Artist Center.

Wish ni Jennylyn na sana ay more movies to come na magpapakita ng kanyang acting prowess at magampanan ang dream role niya na isang retardate.

* * *

Alam n'yo bang may isang popular young actor sa Kapamilya na gustung-gustong lumipat sa Kapuso dahil kursunada niya si Jennylyn?

Hindi na muna namin ire-reveal ang name niya pero ang clue na ibibigay namin, guwapo siya talaga at crush ng bayan.

Tila pinopormahan na ng young actor si Jen pero mukhang dedma pa ang huli dahil nga wala pa sa isip niya ang makipag-boyfriend muli.

Pero kung magiging matiyaga siguro ang young actor at magiging consistent sa panliligaw, well, who knows, baka later on ay mapaibig din niya ang dalaga.

All Star K New Years Episode

Alfie Lorenzo
Abante Tonite


‘Noise makers’ ang contestants sa New Year episode ng All Star K sa Linggo nang gabi sa GMA 7.

Magpapasiklaban sa videoke challenge sina Juliana Palermo, Jennylyn Mercado, Jonalyn Viray, Alex Crisano, Mark Anthony Fernandez, Anna Leah Javier at Cristine Reyes.

Ang K!Llers ay ang mga dilag ng Mulawin na sina Angel Locsin, Bianca King at Nicole Anderson.

Blue Moon Publicity

Billy Balastro
Abante Tonite


Tila ang promo at publicity plan ng Regal para sa kanilang Blue Moon has two handles.

Sa simula, pina-plug nila ang pelikulang ito ni Joel Lamangan as an Eddie Garcia-Christopher de Leon-Boots Anson Roa movie, a movie of nostalgia and search for a lost love.

Our own and Allan Tijano’s version of Hollywood’s The Notebook starring James Garner and Gena Rowlands.

Ngayon na malapit nang ipalabas ito, nag-switch na ang emphasis nila kina Mark Herras at Jennylyn Mercado.

Kaya kahit matagal nang nag-split ang dalawa ay sinasabi nilang may pag-asa pang magbalikan.

At isinasali pa si Pauleen Luna para magkaroon ng love triangle sa tunay na buhay samantalang kulang na lang kumpirmahin ni Pauleen ang kanyang relasyon sa kanyang masugid na manliligaw for several months na si Keempee de Leon.

60 things to do in 2006

Funfare
Ricardo F. Lo
Philippine Star


In barely 16 hours, we’ll be sending off 2005, Year of the Rooster, with the usual big bang coming hopefully not from guns but from "harmless" firecrackers. Careful now or you might welcome 2006, Year of the Dog, minus a finger or two.

When you wake up tomorrow morning, groggy with the previous night’s revelry, take a little time to take stock of what you’re going to do in the next 365 days. Here are Funfare’s annual suggestions:

...

4. Watch Regal Films’ Blue Moon (directed by Joel Lamangan), opening tomorrow as part of the 2005 Metro Filmfest, and marvel at how good actors Mark Herras, Jennylyn Mercado and Dennis Trillo have become. (Their co-stars, among them Christopher de Leon and Eddie Garcia, are tried-and-tested thespians.)

...

Pauleen, hindi nagpatalo kay Jennylyn

Hotshots
Gerry Ocampo


Si Marian Rivera na nga ang kapalit ni Jennylyn Mercado sa puso ni Mark Herras? Pero marami pa ring die hard fans nina Jen at Mark ang ayaw maniwalang tuluyang nagkahiwalay ang kanilang paboritong loveteam. At hindi rin naniniwala ang mga ito na playboy si Mark.

Maging si Marian ay ipinagtatanggol si Mark na hindi ito playboy. Sabi ni Marian nakita raw niyang sincere at mabait si Mark.

Dagdag pa ni Marian, consistent daw si Mark sa mga ginagawa nitong madalas mag-text at dumadalaw sa taping niya. Pero sinabihan daw niya si Mark na friend na lang muna sila.

Katuwiran ni Marian: "Nabigyan ako ng ganitong chances baka kung isisingit ko ang lovelife maaaring masira ang career ko. Nakakahiya kina Mr. Tuviera (Tape Inc.) at Ms. Malou Choa-Fagar (Tape Inc. SVP) sa ibinigay nilang pagkakataon na ito. Gusto ko ipakita sa kanila na seryoso ako. Malaki ang tiwala nila sa akin. Ayaw ko masira yun. Kung makapaghihintay si Mark. Bakit hindi."

Two months pa lang nanliligaw si Mark kay Marian at para sa dalaga hindi pa sapat ang dalawang buwan para sagutin ang young actor.

* * *

Kay Mark pa rin, hiyawan at tilian ang mga fans nina Mark at Jennylyn sa press preview ng Blue Moon last Friday sa Cinema 1 ng SM Megamall.

Lalong naghiyawan at nagtilian ang fans sa kissing scene ng dalawa. Take note, laplapan ang halikan ng dalawa na lumabas naman na maganda at hindi bastos dahil sa magandang pagdidirek ni Joel Lamangan.

Hindi rin nagpahuli si Pauleen Luna kung galing sa pag-arte ang pag-uusapan. Hindi ito nagpatalo sa sa pagganap ni Jennylyn sa role na Corazon na tunay na nagmamahal kay Mark pero ang minahal naman ng binata ay si Pauleen na Corazon din ang pangalan.

Grabe ang ganda ng pelikula na sigurado pag-uusapan. Hindi kami magtataka kung maging blockbuster ito sa takilya at humakot ng awards sa Gabi ng Parangal sa Metro Manila Film Festival 2005 sa January 6, sa Aliw Theater.

Take note, pinalakpakan ang mga eksena nina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Eddie Garcia, Christopher de Leon at Pauleen Luna.

Bakit? Panoorin ninyo ang movie at magdala ng panyo dahil siguradong mababagabag ang damdamin ninyo sa ganda ng istorya.

Friday, December 30, 2005

Entertainment

Beth Gelena

TOTOO ngang nag-iisang romantic drama MMFF entry ang Blue Moon ng Regal Films mula sa umpisa hanggang sa mag-ending. Sa premiere night last Wednesday ay napaiyak kami dahil sa napakagandang pelikulang idinirehe ni Joel Lamangan.

Masuwerte ang tatlong young stars na sina Jennylyn Mercado, Mark Herras at Pauleen Luna dahil sa kanila ipinagkatiwala ni direk Joel ang papel bilang Corazon (both Jennylyn and Pauleen) at Manuel (Mark). Kahit baguhan pa lang ang mga artistang ito ay nabigyang buhay nila ang pelikula, lalung-lalo na si Jennylyn. Katunayan marami ang nagsasabing isa siya sa mahigpit na makakalaban ni Zsa Zsa Padilla for Best Actress category sa darating na Gabi Ng Parangal ng MMFF.

'Nga pala, may lovescene sina Jennylyn at Mark sa Blue Moon. Ayon sa Mommy Lydia ni Jennylyn nang aming makausap after the premiere ng Blue Moon ay magkahiwalay na pala ang dalawa nang kinukunan ang kissing scene nila. Ang husay nga daw ni Jennylyn at hindi iniinda ang problema sa puso habang magka-eksena sila ni Mark na ikinabilib daw ni direk Joel sa dalaga. Maging si Pauleen ay nahasa ni direk Joel sa pag-arte bilang isang Corazon na isang modernong dalaga.

Nakipagsabayan naman si Dennis Trillo ng acting sa dalawang veteran actor na sina Christopher de Leon at Eddie Garcia. At alam ny'o ba kung ano ang role ni Dennis sa Blue Moon? Siya si Fyle ang apo ni Jennylyn at Mark. Ang ama niya'y si Rod (Christopher) na anak ng dalawa. Well, para hindi kayo maguluhan, dapat tutukan nang husto ang pelikula kung saan dalawa ang gumaganap na Corazon na sa paglaki ay sina Boots Anson Roa at Eddie Garcia. Nu'ng una kasi kami ma'y naguguluhan sa istorya, buti na lang walang hassle sa mga flashblack kung kaya't nasusundan namin ang eksena. Kung sino'ng young Corazon ang hinanahap ni Eddie ay panoorin sa January 1.

Tuwa-tuwa ang producer na si Mother Lily Monteverde maging ang kanyang anak na si Roselle nang pawang mga positive feedback ang kanilang naririnig after the premiere.

"It was a struggle to get Once In A Blue Moon to be part of the MMFF," ani Mother Lily. "But all my prayers are being answered. I've heard nothing but positive feedback about Once In A Blue Moon for the last two weeks," saad pa nito.

Ngayon pa lang kino-congratulate namin ang Regal Films dahil sa napakagandang Once In A Blue Moon. May posibilidad itong humakot ng awards sa darating na awards night. Hindi siya fantaserye kundi teleserye sa totoong buhay (hindi po Pinoy Big Brother, hahaha) na nangyayari kung ang isang tao ay tapat ang pagmamahal kahit na iniwanan siya ng minamahal. Anuman ang mangyari para maging masaya ang pagpanaw ng isang nagmamahal gagawa ito ng paraan para muling makita ang taong minahal niya ng tapat. Tiyak makaka-relate ang may mga ganitong eksperyensiya kapag napanood nila ang Once In A Blue Moon.

By the way, kinuha namin ang reaksiyon ni Jennylyn sa gaganaping People's Choice Awards dahil siya ang nangunguna sa text votes kung saan napakalaki ng agwat niya kina Zsa Zsa at Angel Locsin?

"Ay, ganoon po ba?" ang nakangiti niyang tanong. "Eh, wala po kundi nagpapasalamat ako sa mga taong bumoboto sa akin," ang pakumbaba pa nitong sabi.

Blue Moon Premiere

Nitz Miralles

Tuwang-tuwa sina Mother Lily at director Joel Lamangan sa sunud-sunod na pagko-congratulate ng press sa ganda ng Blue Moon. No wonder ipinaglaban nilang masali ito sa Metro Manila Film Festival dahil pang-festival ang kalidad at lahat ng aspeto'y maganda. Narinig naming nag-dialouge si direk Joel ng "B lang ang rating ko" nang purihin ang pelikula.

Kahit may hawig sa Pearl Harbor at Message in A Bottle ang istorya'y, hindi na ito mapapansin habang pinapanood ang pelikula. Aabangan ang ending nang paghahanap ni Manuel (Eddie Garcia) kay Corazon (hindi muna namin sasabihin kung sino kina Jennylyn Mercado at Pauleen Luna).

Mahuhusay ang mga artista at kahit si Mark Herras nag-deliver. Sana lang, mabawasan ang pagkunot ng kanyang noo habang umaarte. Lalaban sa pagka-best actress si Jennylyn kay Zsa Zsa Padilla at sa best actor, sina Eddie at Dennis Trillo.

Majority din sa nanood ay lumabas ng sinehan na namumula ang mga mata dahil umiyak. 'Wag kayong magsi-CR o pipikit 20 minutes towards the ending at mami-miss n'yo ang ilan sa pinakamagandang eksena ng Blue Moon.

* * *

Aliw sina Jennylyn Mercado at Mark Herras dahil kahit magkatabi ng upuan sa premiere night, hindi nag-uusap unless kailangan. Paglabas ng sinehan, deadmahan mode na uli sila kahit magkatalikod lang.

Sa Cavite magnu-New Year si Jennylyn. Hindi lang namin naitanong kung saan at kung sino ang makakasama. As for Mark, ngiti ang reaction nito nang biruin naming nakita naming suot ni Marian Rivera ang regalo niyang bracelet at necklace.

Walang pakialam ang fans kung break na ang dalawa't, nagri-react pa rin sila sa love scene nina Jennylyn at Mark.

Dennis nakipagsabayan kina Boyet at Eddie

Vinia Viviar


Lahat ng press na nakapanood sa Blue Moon sa nakaraang premiere night nito held at SM Megalmall ay nagandahan sa movie. It's a great love story na nagpapakita kung ano ang tunay na pag-ibig at parang gusto mo tuloy ma-in-love muli after watching the film.

Sa salit-salit na flashback at kasalukuyang panahon, ili-lead ka ng pelikula kung sino ang tunay na Corazon na hinahanap ni Manuel (played by Eddie Garcia) na sa later part ng story ire-reveal.

Dalawa ang Corazon na minahal ni Manuel nang kabataan niya played by Mark Herras. Si Jennylyn Mercado ang isang Corazon and the other one is Pauleen Luna.

Hindi mo mage-gets kung sino talaga ang Corazon na tunay na minamahal ni Manuel hanggang hindi mo tinatapos ang pelikula dahil sa bandang huli ay magkikita pa rin sila at si Boots Anson Roa ang gumanap na older Corazon.

Marami ang umiyak sa eksena sa hospital kung saan, finally, pagkatapos ng mahahabang taon ay nagkita ang dalawang taong tunay na nagmamahalan. Sigawan sa loob ng sinehan at doon namin nakita na may kilig factor pa rin pala ang samahang Eddie-Boots, huh?

Anyway, deserving na makakuha ng rated-B ang pelikula mula sa Cinema Evaluation Board. Malinis ang direksyon ni direk Joel Lamangan at may laban siya sa for Best Director in this movie. 'Yun nga lang, kakumpetensiya pa rin niya ang sarili para naman sa Ako Legal Wife (Mano Po 4?).

Consistent pa rin ang husay ni Dennis Trillo. Nakipaglaban siya nang sabayan kay Christopher sa kanilang confrontation scenes pero ang Best Actor pa rin sa amin sa pelikula ay si Boyet na hindi talaga kumukupas sa pagdaraan ng mga panahon.

Nag-improve na nga ang acting nina Mark and Jennylyn at kung laging mahahawakan ng matinong direktor ay tiyak naming lalo silang huhusay pa.

Magsisimula ang Blue Moon sa mga sinehan on January 1 at tiyak na babaguhin nito ang kasalukuyang ranking ng MMFFP movies.

* * *

Samantala, kumpleto ang cast ng pelikula na dumating sa premiere night. Kasama ni Mang Eddie ang "Corazon" ng buhay niya na ngayon lang yata namin nakitang kasama niya sa isang showbiz affair.

Naroroon din siyempre sina Jennylyn na hindi nagtagal sa blow-out dinner dahil may recording pang tinatapos sa GMA, Mark, Pauleen, Polo at siyempre si direk Joel.

Na-touch si direk dahil pagpasok niya sa Max's kung saan ginanap ang dinner ay sabay-sabay na nagpalakpakan ang press bilang pagbati sa mahusay niyang trabaho sa Blue Moon.

Siyempre, masayang-masaya ang lahat ng cast at direktor dahil puring-puri ng lahat ang kanilang pinaghirapan.

Jennylyn turns daring, Mark no comment

Freehand
Mario E. Bautista




JENNYLYN Mercado was wearing a strapless figure-hugging top that reveals her bare midriff at the jampacked premiere night of "Blue Moon" at SM Megamall on Thursday night. She used to avoid wearing such provocative outfits because her boyfriend then, Mark Herras, strictly prohibited it. We tell her she seems to be more daring this time. "Wala na po kasing nagbabawal sa'kin," was her quick reply.

We turn to Mark and ask him what is his reaction to Jen's revealing getup? "Ay, no comment na lang po ako diyan," he says. "I don't want to be accused na nakikialam pa ako sa kanya."

The film was greeted by thunderous applause after its showing. Most of the people behind us were sniffing as the film's climactic scene which shows Boots Anson Roa finally meeting Dennis Trillo not knowing they're related, is a real tearjerker.

Only those with hearts of stone will not be touched by this romantic drama.

Director Joel Lamangan was besieged by congratulatory greetings and everyone told him they feel that "Blue Moon" deserves an A rating no less. The acting is first rate, especially by Eddie Garcia as the dying man looking for his long lost love. We will give you a full review of the film later. For now, we just want to tell you not to miss it as it's one of the best mainstream films we saw this year (most of our choices are digital films). It will surely have long legs at the box office as most of those who'd see it will surely endorse it to their family and friends as it's the kind of film that focuses on lovers and family relationships that get strained but also get healed in the end.

Bumaha ng luha sa premiere ng movie nina Jennylyn, Mark at Pauleen Luna

Leo M. Bukas

NGAYON na lang ulit kami nakapanood ng isang makabuluhan, maganda at matinong pelikula na tuma-talakay tungkol sa tunay na pag-ibig.

Hindi namin namala-yan na pumapatak na pala ang luha namin sa bawat eksenang nakikita namin sa pelikulang Blue Moon nang nagkaroon ito ng premiere sa SM Megamall no-ong Huwebes ng gabi.

Thank God, we were able to watch the film bago pa man ito ipalabas bukas (Jan. 1) for the MMFFP se-cond batch. At least, nauna na naming na-experience ang makapanood ng isa sa pinakamagagandang obra ni Direk Joel Lamangan at maituturing na rin naming isa sa pinakamagagandang pelikulang napanood na-min in our entire showbiz career.

At the premiere, hindi lang kami ang napaluha at nagulat sa ganda ng Blue Moon. Nakita rin namin na sisinghut-singhot ang producer ng pelikula na si Mother Lily Monteverde, ang direktor nitong si Joel at ang mga kasamahan na-ming reporters na mga lalaki. Lahat sila ay napaiyak din sa ilang mga eksena sa pelikula.

After the premiere , nag-palakpakan ang audience. Sinalubong din ng palakpak ng movie press sina Mother Lily at ang direktor nitong si Joel nang dumating sila sa Max resto para sa late dinner.

Halos lahat ng movie press na nanood were still excited maski nasa dinner na sila. Wika nga ng isang film reviewer: "Hands-down, it's the best film of the 31st MMFF. Everything about it is wonderful -- the acting, the story, the photography, the music, the sets and costumes... everything."

Nagulat din ang mara-mi sa lalim ng pagganap ni-na Jennylyn Mercado, Mark Herras at Pauleen Luna.

"They showed here that they're not just very photogenic, they can really act. Of course, Eddie Garcia, Christopher de Leon, Dennis Trillo and Boots Anson-Roa are also award worthy, but that's not surprising!" sabi naman ng isa pang film cri-tic na nanonood ng premier.

Narinig din namin na pinuri at binati ni Direk Joel si Jennylyn pagkatapos ng screening.

"You're very good in the movie," wika ni Direk, na sinuklian naman ni Jennylyn ng matamis na ngiti.

* * *

COINCIDENTALLY (or was it fate?), ang first public screening ng Blue Moon took place the night before a real blue moon had illuminated the night sky nitong gabi ng Dec. 30. Naniniwala si Mother Lily sa mga pa-mahiin and she sees this as a rare astrological event, at bilang sign that more good things are in store for her film -- both in terms of awards and box office.

"It was a struggle to get Blue Moon to be part of the MMFF," wika pa niya. "But all my prayers are being answered, I've heard nothing but positive feedback about Blue Moon for the last two weeks," dagdag pa niya.

Some industry insiders are even predicting na ang pelikulang Blue Moon ay isa sa mga magiging box-office hits sa film festival. Kunsabagay, wala nga namang ibang romantic drama movie sa filmfest kaya malaki ang chance na kumita talaga ito. And look at the cast, bigaten talaga, 'di ba ? With the positive feedbacks and the track record of the stars, Blue Moon will surely be a winner.

* * *

BLUE Moon is about an elderly man named Manuel Pineda (played by respec-ted actor/director Eddie Garcia) na naghahanap sa kanyang long-lost love na si Corazon when he's told that he only has a few months to live.

Accompanying him sa kanyang paghahanap ay ang anak na si Rod (Christopher de Leon) at apong si Kyle (Dennis Trillo). Sina Jennylyn at Pauleen naman ang gumaganap sa dalawang Corazon na parehong minahal ni Manuel.

"Blue Moon has something for everyone," wika ni Direk Joel. "I'm sure the audience will enjoy the film. This movie is a very positive and emotionally uplifting family drama kaya hindi nila dapat palampasin," dagdag pa nito.

Kasama rin sa Blue Moon sina Polo Ravales, Pinky Amador, Tin Arnaldo, Jim Pebanco, Alan Paule, RJRosales, Tintin Bersola-Babao at Boots Anson-Roa. Si Allan Tijamo ang sumulat ng script nito.

Pauleen, kaibigan sina Mark at Jennylyn

Rey Pumaloy
Abante Tonite




Hanggang sa pelikulang Blue Moon na kalahok sa MMFF 2005, pinalalabas na si Pauleen Luna ang kontrabida sa hiwalayang Jennylyn Mercado at Mark Herras.

Katriyangulo si Pauleen sa loveteam nina Jennylyn at Mark sa pelikula.

Hindi napipikon si Pauleen sa negative issue na ito sa kanya.

"Expected ko nang lalabas ‘yang ganyang slant ng publicity about the three of us.

"On the positive, nakatutulong din naman sa promo ng movie namin. Kasi nga, nataong may love triangle sa story.

"Pero kung panonoorin mo ‘yung pelikula, walang kontrabida sa amin. Ang character ko is aggressive. Si Jennylyn naman, conservative.

"Pareho kaming Corazon sa movie. Kaya sa ending, doon malalaman kung sino talaga ‘yung greatest love ni Mark na hindi niya makalimutan.

"With regards to that ‘ahas’ issue, malinaw na hindi ako nang-agaw. Look at Mark now, si Marian ang nililigawan niya.

"Magkaibigan kami ni Jennylyn. Friends din kami ni Mark. So, walang issue sa aming tatlo.

"Happy ako sa takbo ng career ko sa GMA 7," pahayag ni Pauleen.

Jennylyn-Mark-Pauleen love triangle, for reel or for real?

Manila Bulletin



Fans of Jennylyn Mercado and Mark Herras will have one more chance to see the former couple in love via Regal Entertainment’s romance/drama entry to the Metro Manila Film Festival (MMFF), "Blue Moon," which opens on New Year’s Day. The said film stirred talks that Pauleen Luna caused the Mark-Jennylyn break-up because the "Etheria" mainstay also stars in the film.

"I think na-misinterpret lang yung closeness namin ni Pauleen," Mark told the media when asked to clarify the issue.

For Jennylyn’s part, she admitted the roller-coaster of emotions she had been undergoing around the same time she was shooting the film may have given her the depth she needed for the portrayal of her role in the movie. "Marami na akong pinaghuhugutan ngayon," Jennylyn was quoted as saying. The Starstruck winner was referring to the confidence she gained under the instructions of director Joel Lamangan who helmed B-rated "Blue Moon."

If truth be told, Jennylyn—who is a contender for the best actress in the MMFF awards night—even hinted that there are certain likeness with the emotions she had to illustrate in "Blue Moon" and that of the real-life state of her heart.

Meanwhile, insiders to the movie told Manila Bulletin that it only took one take for Mark and Jennylyn to convey the right emotions needed in their kissing scene in "Blue Moon."

"Blue Moon" covers the 1940s to present plot essaying the journey of Manuel (Eddie Garcia) and Corazon (Boots Anson-Roa) back into each other’s arm. Mark, Jennylyn and Pauleen’s characters come in flashbacks revealing details of Manuel and Corazon’s time-conquering romance.

Thursday, December 29, 2005

Jen, Best Actress Potential

Rey Pumaloy
Abante Tonite



May potensyal na mag-best actress si Jennylyn Mercado at mag-best actor si Mark Herras sa sa MMFF 2005 awards night para sa pelikulang Blue Moon.

Lumagpas sa expectation ni direk Joel Lamangan ang acting ability ng dalawa sa pelikula.

Sabi ni direk Joel, may mga eksena sina Jennylyn at Mark na napahanga siya dahil kuhang-kuha ng mga ito ang gusto niyang makita sa sinu-shoot na eksena.

Maaaring ang break-up ng dalawa ang isa sa mga pinaghugutan nila ng kani-lang mga emosyon.

"Love story kasi ‘yung kuwento ng movie. May mga emotional scenes ako dito, kasi nga, mahal ko si Mark pero may iba siyang iniisip," lahad ni Jennylyn.

"Kahit sa tunay na buhay, masakit ‘yung ganoon na buhos ang pagmamahal mo sa isang tao, tapos, hindi pala buhos ang pagmamahal niya sa iyo.

"Hindi ko tinutukoy ‘yung sa amin ni Mark. Kahit paano, malaki ang naitulong sa amin ng hiwalayan namin para magkaroon kami ng motivation sa isa’t isa.

"May mga nangyari rin sa buhay ko na nakatulong para makapag-emote ako sa mga scene namin.

"Saka ang laki-laki ng nagawa ng pagga-guide sa amin ni direk Joel para makuha namin ‘yung mga dapat na acting, ‘yung emotion sa eksena namin."

May ‘love triangle’ sa pelikula kung saan dalawang babae na parehong nagnga-ngalan Corazon ang nagmamahal sa bidang lalake. Ang lalake ay nahahati sa dalawa niyang pag-ibig.

May dumating bang ganitong pangyayari sa kanila ni Mark?

"Ayoko na kasing magsalita tungkol diyan. Kasi, baka sabihin nilang sinisiraan ko si Mark.

"Si Mark na lang ang magsabi. Kung anuman ang sabihin niya, ‘yun na lang. Basta, nasabi ko na ang dapat kong sabihin before," nakangiting pahayag ni Jennylyn.

Nagkahiwalay sina Mark at Jennylyn bago pa nasimulan ang shooting ng Blue Moon. Aminado si Jennylyn na nahirapan sila ni Mark noong mga unang shooting days nila.

"Kasi, hindi na kami nag-uusap na gaya nang dati noong nag-start ‘yung mga scene namin. "Pero syempre, hindi kami dapat magpaapekto dahil trabaho ito. Nakahihiya naman sa staff, kay direk Joel, kung kami pa ang magiging problema, di ba? "So, naging profes-sional naman kami ni Mark," lahad ni Jennylyn.

Umiling si Jennylyn sa tanong kung pinagdudahan ba niyang si Pauleen Luna ang third party sa hiwalayan nila.

"Natural lang na matsismis silang dalawa dahil magkasama sila sa Hongkong taping nila.

"Never ko namang sinabing si Pauleen. Kung anuman ‘yung naging comment ko before, based lang ‘yun sa mga balitang lumabas sa diyaryo.

"Sinasagot ko lang kung ano ang tanong nila. Pero never kong tinukoy si Pauleen at never kaming naging magkaaway o nagkasamaan ng loob.

"Friends kami ni Pauleen. Kapag magkasama kami, marami kaming mga kuwento. "Hindi namin pinag-uusapan si Mark. Nababanggit lang minsan kapag may naalala tungkol sa kanya. Binibiro rin naman namin si Mark pag nakikita namin siya," pahayag ni Jennylyn.

Marami raw ang nagsasabing mas nakabuti sa kanila ni Mark ang mag-break dahil nagampanan nila nang mabuti ang kani-kanyang role.

"On the positive thought, oo nga. Saka, bata pa kami para magseryoso sa relasyon. Dapat talaga, career muna namin ang asikasuhin namin habang tinatangkilik pa kami ng tao.

"Pasalamat kami, kasi, kami ‘yung nabigyan ng chance. Ang dami-raming gustong maabot ang narating namin pero sa amin ibinigay.

"Thankful kami kay Lord sa magandang blessings na nakukuha namin ni Mark ngayon." Ayaw umasa ni Jennylyn na maging best actress ng filmfest.

"Basta, ‘yung mapasaya namin nina Mark and Pauleen ‘yung fans namin, para na rin kaming nanalo ng award. Parang trophy na rin ‘yung nakuntento sina direk Joel, Mother Lily and Ms. Roselle sa ibinigay naming best sa pelikula."

GMA-7 shelves Jennylyn-Mark telenovela

Reggee Bonoan
Manila Standard

Is it true that GMA-7 has shelved a primetime drama in the works that would have Mark Herras and Jennylyn Mercado in it?

Our source told us that the network is a now undecided whether or not they’d push through with the project. The cause: Mark and Jennylyn are no longer able to work together as a team after their much-publicized breakup. Although each of them claims they are still friends, it is very apparent there’s hostility between them.

GMA management is left with no choice but to extend Sugo till February.

Blue Moon, vindicated sa result ng CEB Review

Salve V. Asis
Ang Pilipino Star Ngayon


Buti na lang at vindicated ang Regal Films sa pagpapalabas nila ng advance release na graded B ng Cinema Evaluation Board ang Blue Moon starring Eddie Garcia, Christopher de Leon and Dennis Trillo.

Last week pa nagpalabas ng statement na graded B sila kahit hindi pa ito nari-review ng CEB. Kahapon lang ito na-review.

Kung nagkataong hindi sila nakakuha ng grade, malamang na nabigyan pa raw ng punishment ng CEB sa ginawa nilang paglalabas ng rating.

Anyway, maganda ang pelikula at talagang pelikula ito nina Eddie, Boyet at Dennis. Nakipagsabayan si Dennis sa acting nina Boyet at Eddie. After this movie, mas tataas pa ang value niya as an actor.

Sina Jennylyn at Mark naman, ok lang sila at walang pa-tweetums sa kanila.

'Blue Moon' kilig-movie

Mismo
Ernie Enrile
People's Tonight


PAGKATAPOS mamayani ng fantasy genre sa pitong entries ng Metro Manila Film Festival '05 na sabay-
sabay nagbukas nitong araw ng Pasko ` na kung saan ang fantasy comedy Enteng Kabisote: Okay Ka Fairy Ko, The Legend Continues ni Vic Sotto ang kasalukuyang namamayagpag sa No. 1 sa tatlo pang ipalalabas na entries on Jan. 1, walang duda na kikiligin ang fans sa nag-iisang romantic drama genre na Blue Moon ng Regal Entertainment.

Yes, isang kilig-movie ang Blue Moon, dahil bukod sa mga award-winning veteran stars like Eddie Garcia, Christopher de Leon and Boots Anson-Roa, tampok din sa pelikula ang mga hottest young stars sa kasalukuyan.

Pinangungunahan ng controversial love triangle, hindi lang sa pelikula kundi sa totoong buhay sina Mark Herras, Jennylyn Mercado at Pauleen Luna, kasama rin sina Dennis Trillo at Polo Ravales.

Magsisimula ang kuwento sa taong 1940s hanggang sa kasalukuyan. Ang binatang si Manuel (played by Mark Herras) ay magkaroon ng dalawang nobya na nagkataon ay parehong Corazon ang mga pangalan (Jennylyn Mercado at Pauleen Luna).

Sa kanyang pagtanda, dahil may taning na ang buhay ni Manuel (now played by Eddie Garcia), kasama ng kanyang anak (Christopher de Leon) at apo (Dennis Trillo), hahanapin ni Manuel si Corazon para makipagsayaw sa kanya sa tugtuging Blue Moon. Kung sino sa dalawang Corazon ang tunay na pag-ibig ni Manuel ay malalaman lamang sa wakas.

Jennylyn nagpasaya ng 2 bata

Hot N Spicy
Vinia Vivar


Inuwi ni Jennylyn Mercado ang dalawang battered children nang magdaos siya ng Christmas Party para sa mga ito sa Naic, Cavite noong December 27. Isang babae at isang lalaki ang kinuha ni Jen at mananatili ang mga ito sa kanya hanggang New Year. Parte ito ng "Share a Love," proyekto ng BATA Foundation.

Ang dalawang ampon ni Jennylyn ngayon ay kasa-kasama kahit saan siya magpunta at noong Wednesday, umubos siya ng P20,000 para ipag-shopping ang mga ito.

O, di ba, biglang nagkaroon ng anak si Jennylyn nang wala sa oras at dala-dalawa pa?! Enjoy naman ang young actress-singer sa bagong experience na ito, lalo pa nga't alam niyang nakapagbibigay siya ng kaligayahan sa ibang tao.

Kagabi'y nagdaos na ng premiere night ang Blue Moon kung saan ay ginagampanan ni Jennylyn ang role ng isa sa dalawang Corazon.

Mother Lily, kabado sa Blue Moon!

Ang Pilipino Star Ngayon

Gaano katotoo na ninenerbyos daw ngayon si Mother Lily Monteverde dahil mahina ang Terrorist Hunter na bida si Eddie Garcia?

Si Mang Eddie rin kasi ang bida sa Blue Moon na ipalalabas naman sa January 1 at nag-aalala si Mother Lily na baka maka-apekto sa boxoffice ng Blue Moon ang kinahinatnan ng Terrorist Hunter na nakaka-P1M palang ang kinikita simula nung opening day ng MMFF.

Buti na lang daw at may Mark Herras, Jennylyn Mercado, Pauleen Luna at Dennis Trillo ang nabanggit na pelikula na pawang may supporters na.

Kaya ito ang nagpapalakas ng loob ni Mother Lily na hahataw sa takilya ang Blue Moon, ang nag-iisang drama entry ng Regal Entertainment ngayong taon.

Samantala, ngayong gabi, Huwebes sa Cinema 3 ng SM Megamall ang premiere night ng Blue Moon kaya fans nina Mark, Jennylyn, Pauleen, Dennis at iba pa, sugod na.

Wednesday, December 28, 2005

Labag sa loob na pagdalaw ni Mark sa amang nakakulong Pamasko ng EC

Mouthful
Mell T. Navarro
Taliba


HINDI naman daw sumama ang loob ni Mark Herras sa staff ng Extra Challenge sa ginawa nilang "sorpresa" na pagdala nila sa young actor sa kulungan kung saan nakakulong ang tunay na ama nitong ma-agal nang nakapiit.

"Ang sa akin, sana lang ay ipinaalam nila sa akin para prepared ako," banggit ni Mark, na for the first time, eh, nadalaw, nang 'di sinasadya, ang nakakulong na ama, habang naka-blind fold siya kasama si Paolo Bediones at ang Extra Challenge staff.

Sa nasabing reality program, talagang walang ibinibigay na clue sa anumang challenge na ipagagawa, kaya walang kaalam-alam si Mark na pupuntahan na nila ang ama sa kulungan.

"Wala akong idea na kulungan na pala 'yon. Ang alam ko lang, mara-ming tao. Akala ko nasa kalsada lang kami," sambit ni Mark.

"Pero, kung nagka-idea ako, pupuntahan ko pa rin. Part kasi 'yon ng challenge. Wala namang masama sa hinihiling nilang challenge eh," dagdag nito.

Mukhang ang Daddy Jun ni Mark ang nagtampo sa staff ng GMA show. Si Daddy Jun ang tumayong ama ng StarStruck ultimate survivor nang mag-kahiwalay ng landas sina Mark at biological father niya.

"Ang sinasabi ko naman, before or after Christmas, talagang dadalawin ko siya. Ayoko lang madaliin, tumityempo pa ako," say pa ni Mark.

At ano ang feeling niya nang finally ay nagkita sila ng real Dad niya?

"Natuwa ako dahil siya, bilang tatay ko, alam kong gusto niya akong makita bago mag-Pasko... At natupad ang Christmas wish niyang 'yon."

Kasama si Mark sa Blue Moon, ang romantic-drama na handog ng Regal Entertainment sa MMFFP, with a January 1 playdate. We were lucky na mapano-od ang ilang rushes ng pelikula (hindi lang trailer), and we can say na malakas ang laban nito for Best Picture sa awards night.

Nasa Blue Moon din sina Eddie Garcia, Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, at Pauleen Luna, directed by Joel Lamangan.