Saturday, August 12, 2006

c/o shiela marie

People's Tonite

Nagpangabot pa sina Diana at Jennylyn Mercado sa ST Lukes. Kung ang una ay papasok, ang huli ay lumabas na kahapon ng tanghali.

Over fatigue lang ang kaso ni Jen at kailangan ang pahinga, pero umuwi lang sandali ang young actress at dumiretso na sa Bicutan for the mall tour of Eternity, na ipapalabas na sa Sept. 6.

Kahit nasa ospital, trabaho pa rin ang naiisip ni Jen since magsisimula na ang shooting ng Super Noypi, kaya pinilit niya agad makalabas.

Nagpapasalamat si Jen sa lahat ng dumalaw sa kanya tulad nina Patrick Garcia na gabi-gabi ay nandun, Victor Neri, Jake Cuenca, Yasmien kurdi, Daddy Jun Herras, ang pamilya niya sa ILNY na nagpadala ng flowers, staff ng Artist Center, manager niyang si Becky Aguila at sa lahat ng nagalaga sa kanya.

Dahil araw-araw ay may taping si Mark Herras, hindi siya nakadalaw sa ex gf pero nandun naman lagi ang ama nitong si Daddy Jun kaya na touch si Jen.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home