Friday, January 27, 2006

Jennylyn at Mark, close ngayon

Abante Tonite
Jun Lalin

Noong isang araw ay inabutan namin si Jennylyn Mercado sa dental clinic ni Dr. Errol Hernandez sa Medical Plaza Makati.

Hindi raw siya gaanong busy nang araw na ‘yon kaya nakapagpalinis siya ng ngipin sa naturang dentista.
Kasama ni Jennylyn ang kanyang nanay, si Mommy Lydia Mercado, kaya "sinumbatan" namin ito sa ginawang pang-iisnab sa amin.

"Hindi. Hindi ako isnabera. Masakit lang ang ulo ko nang makita mo ako," sabi ni Mommy Lydia.
Anyway, ipinahayag sa amin ni Mommy Lydia na hindi gimik ‘yung closeness ngayon nina Jennylyn at Mark Herras.

Hindi raw nila kailangan pang gumimik.

"Close lang sina Jen and Mark ngayon at hindi nangangahulugang nagkabalikan na sila. Mas okey na sila as friends na muna.

"Basta walang nanggagaling sa amin na nagkabalikan na sila dahil hindi totoo ‘yon," sabi pa ni Mommy Lydia.

Malamang daw na sa Pebrero ay umalis sila papuntang New York dahil matutuloy na ang daily series nina Jennylyn at Mark na sa lugar na ‘yon kukunan

Jennylyn, Mark madalas mahuling nagyayakapan at naghahalikan sa set ng SOP Gigsters

CUT!
Noel Asiñas
Taliba

MARAMI nang nakakakita sa sweetness ulit nina Jennylyn Mercado at Mark Herras.

Sa set ng SOP Gigsters na kanilang kinabi-bilangan, madalas silang mapagmasdan na nagya-yakapan, naghahalikan at nagbubulungan. Kung sa-an-saan din sila pumupunta sa pamamasyal lately. Marami tuloy ang kinakabahan ngayon. Dahil sa pansamantala nilang pagbi-break, nasabik sila sa isa't isa at malamang ay maging mapusok sila at ma-uwi ang lahat sa pagbubuntis ni Jennylyn.

Naghiwalay sila noong November 2005 at nga-yong Enero lang sila naging close ulit, na nagsimula nang mag-guest sila sa pang-Martes na sitcom ng GMA-7 na Bahay Mo Ba 'To? Ang "pag-aareglo" ng dala-wa sa naturang sitcom ay nasundan pa nang magpunta sila sa Sinulog sa Ce-bu. At balitang doon mu-ling nahinog ang pagmamahalan nila.

Anyway, nang niliga-wan ni Mark si Pauleen Lu-na after his break-up with Jennylyn, wala namang nangyari. At nabigo rin daw ang binata sa panliligaw nito kay Marian Rive-ra.May nagsabing hindi kasi sineryoso ni Mark si Marian.

Dahil sa pagbabalikan nina Jennylyn at Mark, umaasa ang maraming fans nila na sisimulan na nila ang bagong soap na I Love New York. Kukunan ito ng one month sa New York.

RE: Best Supporting Actress

c/o cat_marcelo of iGMA

AWARDS season na naman kaya bising-bisi na ang mga award giving bodies for screening ng mga pelikulang ipinalabas last year. Pero mukhang pinakamaaga yatang mamimigay ng awrds ang Gawad Tanglaw. gaganapin this coming March 1, 2006 ang 4th Gawad Tanglaw sa Robinson's Movieworld Galleria, Cinema 6. The said testimonial body is headed by it's founder Dr. Romeo Flaviano and its President Jaime Ang.

Napili na rin ng Gawad Tanglaw ang mga pararangalan nila. Ang mga major winners ay sina Zsa Zsa Padilla (Best Actress- Ako Legal Wife), RobinPadilla(Best Actor- La Visa Loca), Diether Ocampo(Best Supporting Actor- Nasaan Ka Man) at sina Gloria Diaz and JENNYLYN MERCADO (Best Supporting Actress).

RE: I Love New York

DAILY INSIDER
D i n n o Erece
Taliba

Good news for the fans of Mark Herras and Jennylyn Mercado: Friends na uli sila.

Fresh from the seventh floor ng GMA-7, niri-reconsider muli ang soap na gaga-win sa New York USA na pag-tatambalan ng StarStruck pair, ang I Love New York.

Maayos na kasi ulit ang working relationship ng mag- ex, eh, wala nang pasaringan na nangyayari sa kanila and willing na rin silang mag- work together, so the idea of the soap na dapat ay last November pa nasimulan ay mu-ling binubuhay and might still materialize.

This is good. We think this started nang muli silang puma-yag na magtambal for the Bahay Mo Ba To? episode last Tuesday na sinundan pa ng two more, a Baywalk episode this Sunday sa QTV at in Ang Mahiwagang Baul episode na Sleeping Prince this Sunday rin sa GMA-7 na-man.

Sabi nga sa Pinoy Exchange, eagerly awaited ang pagtatambal nilang muli most especially sa Ang Mahiwagang Baul nga kung saan kasama rin nila sina Ana Roces, Zoren Legaspi, Cheska Garcia, Tintin Arnaldo, Justin de Leon, Paolo Serrano and Chris Martin. Mapapanood ito right after S Files. Kiligan portion ulit with kissing scene for the two.

RE: Jennylyn as Spokesperson for Battered Kids

SANGA-SANGANDILA
Ni Veronica R. Samio
Ang Pilipino STAR Ngayon
01/27/2006
...

Bukod sa pagtuklas at paghahasa ng mga talino, nakipagtulungan din ang GMA Artist Center sa Feed the Hungry Inc. na binubuo ng mga Fil-Am na taga-Washington DC na nagbibigay ng mga regalo’t pagkain sa mga streetchildren tuwing Pasko. Nagbibigay din sila ng mga silid-aralan, tahanan, medical/dental missions, infrastructure at economic development sa 75 probinsya sa 80 probinsya na makikita all over the country.

Sa pamumuno ni Ida R. Henares, hinirang ng GMAAC na spokesperson/advocate sina Angel Locsin para sa blind beneficiaries, Jennylyn Mercado para sa mga battered children (Bata Foundation of the Christian Mission Services) at si Arnold Clavio para sa Igan Foundation.

------------

FREERHAND
By Mario E. Bautista
People's Journal
...

"So we want to instill the right social values in them. Some of our artists are now spokespersons for various institutions, like Angel Locsin for the blind, Jennylyn Mercado for battered kids and Arnold Clavio has his own Igan Foundation."

Thursday, January 26, 2006

Jennylyn nakipag- balikan nga ba sa kanyang ex?

Nahalata ng marami na blooming itong si Jennylyn Mercado mula noong nag-break sila ng kanyang ka-love team na si Mark Herras.

Sino ang inspiration ni Jen these days? Kumakalat ang balita na she and her ex-boyfriend, Jigs Cristobal, ay back to each other’s arms na. Nag-deny naman itong si Jen.

“Single na ako ngayon, pwede na ako mag-entertain ng manliligaw,” she said.

Dagdag pa niya, happy siya for Mark kung makahanap ito ng bagong love.

Article posted January 26, 2006
source: http://igma.tv/

Entertainment
Abante Tonite
Joe Barrameda

Isa kami sa natutuwa dahil sa magandang relasyon nina Mark Herras at Jennylyn Mercado bilang magkaibigan.

At least, ngayon ay walang tension sa set ng kanilang mga nilalabasang show.

Mabenta pa rin ang dalawa sa mga programa ng GMA 7. Sila ang mga bida sa episode ng Ang Mahiwagang Baul na ipalalabas sa Linggo (Enero 29).

Ayon sa mga production people ng AMB ay wala silang naging problema sa dalawa at very cooperative pa raw ang mga ito.

Walang tension at masaya ang lahat ng tao sa set.

Starstruck Starstruck ultimate survivor

Is it true that Starstruck batch 1 ultimate female survivor Jennylyn Mercado was starstruck when she saw Fil-Am Pinoy Big Brother housemate Sam Milby in Cebu City recently. SOP was having a remote telecast at that time while the several PBB housemates were doing a shoot almost in the same area in Cebu.

Jennylyn was so excited that she even wanted to take pictures with Sam. Unfortunately, she was prevented by the SOP staff since Sam belongs to the other network and the public might get the wrong signals.

Wednesday, January 25, 2006

Jen on the News

Manila Bulletin

Is It True?

Is it true? that Mark Herras and Jennylyn Mercado will have a soap opera to be taped in New York? This has been the plan of GMA 7 long before but because of their break-up the project was shelved. But with the critical success of their movie "Blue Moon," the network reportedly is now planning to push through with the soap opera.

Mod Mag Cover Girl

From MOD Mag

We featured JM for the first time on the cover of MOD's Feb 13, 2004 issue. Then we featured her again in MOD's Summer Special 2004. Since then, we've had requests to feature her again on the cover. Jennylyn, however, got so busy we could not get her to come to the MOD studio for a cover pictorial - until last week.

We were told that she's available for the pictorial - so we scheduled her for the shoot - even as we still didn't have a specific issue where we could put her photo. The next issue will be this Chinese New Year Issue but we wanted a Chinese or Fil-Chinese girl for the cover.

We suddenly, had this one big idea. Could Jen have Chinese blood?? My ever efficient staff, promptly called up Jen's mom to ask the questin. And we found out one more interesting fact about this very interesting STARSTRUCK champ: YES, Jen has chinese blood. Her grandfather on her mother side, Vicente Yu was pure chinese.

Tuloy ang soap nina Mark at Jennylyn sa NY

Suntok Sa Buwan
Emy Abuan-Bautista
Ang Pilipino Star Ngayon


Nakausap namin si Mark Herras sa thanksgiving party ni Mother Lily at sinabi nitong okay na uli sila ni Jennylyn Mercado pero bilang magkaibigan na lang. May isa ngang pagkakataon na ibinili pa nito ng pagkain ang ex-gf sa isang show nang maubusan ng kakainin.

Ginawa nila ang pagbabati alang-alang sa kanilang trabaho. Noong Last December ay di man lang nagkibuan ang dalawa na nakakaapekto sa kanilang trabaho.

Nagkaroon na sila ng meeting kasama si Ms. Wilma Galvante kaya tuloy na ang kanilang soap opera sa New York.

Naiintindihan na nila ang isa’t isa lalo na pagdating sa lovelife. Kung may nililigawang Marian Rivera si Mark ay nag-e-entertain naman ng mga manliligaw si Jen.

Sa kabilang banda, hindi na tuloy ang pagkakaroon ng solo concert ng aktres ayon kay Becky Aguila na gagawin sana sa Araw ng mga Puso. Aalis si Jen kasama si Mark para gawin ang telenovela nila sa USA.

Starstruck Loveteams

Daily Insider
Dinno Erece
Taliba


BUHAY pa rin ang tambalang Yasmien Kurdi and Rainier Castillo.

Akala namin, madi-dismantle na rin ang se-cond love team ng first StarStruck after Mark Herras and Jennylyn Mercado. Aba, after magkaroon ng patch up ang love team nina Mark and Jenny, heto nga at bubuhayin na naman yata ang love team na-man nina Yasmien and Rai-nier.

Wait lang siguro ang mga fans nila hanggang matapos ang mga respective assignments nila.

Rainier kasi is on his own as Nak-ba sa hit soap na Etheria at walang partner other than Pekto who plays Banak naman.

Si Yasmien, tuluy-tuloy pa rin sa kanyang Now and Forever fourth season story na Tinig together with Sheryl Cruz, Gary Estrada, Ian Veneracion, Tin Arnaldo, Dino Guevarra and Aileen Luna na part ng Drama Rama sa Hapon ng GMA right after Kung Ma-mahalin Mo Lang Ako.

Kung may partner man si Yasmien dito, si Jay Aqui-tania nga. Pero, love inte-rest lang daw 'yun, she in-sists, tuwing tinatanong na-min kung nanliligaw na ba sa kanya ang bunsong ka-patid ni Antonio Aquitania.

Sabagay, magkasama pa rin naman sina Yasmien and Rainier sa Fans Kita show sa QTV

Tuesday, January 24, 2006

Jen's Concert on Feb 14 Cancelled

Hot 'N Spicy
Vinia Vivar
People's Tonight




Marami ang nanghihinayang na hindi na naman matutuloy ang Valentine concert ni Jennylyn Mercado sa February 14 na gaganapin sana sa Party Central.

Nakaplano na talaga ito and, in fact, may date and venue na nga. Magiging sure hit sana ang concert kung hindi na-cancel dahil sa sponsors pa lang, halos sold out na ang tig-P1,000 tickets.

Maging ang fans ni Jennylyn mula sa probinsiya ay nagpapareserba na ng tickets at magsisipunta raw silang lahat.

Pero nagdesisyon ang Artist Center na hindi na muna ito ituloy dahil guest si Jennylyn sa Jay-R and Kyla concert sa February 11 at baka raw ma-preempt ang concert ni Jen.

Sayang naman daw kasi since first major concert iyon ng batang aktres.

May point din naman. But the thing is, maliit na venue lang ang Party Central at baka nga sa mga supporter pa lang ni Jen, sold out na ang tickets

Jake doesn't want to rush Jennylyn

IF I KNOW
By Aster Amoyo
People's Journal


Young actor Jake Cuenca made a mark when he appeared in the top-rating tele-fantasya "Encantadia" as Kahlil.

Because of the good feedback, he was given another project by his home studio, GMA via the 9th season of "Love to Love" where he is paired off with his longtime crush, Jennylyn Mercado.

"Sobra talaga ang tuwa ko nang pagsamahin kami ni Jennylyn sa 'Love to Love'," he admits. "Although magkakilala na kami at nagkikita kami sa mga shows ng GMA, iba pa rin 'yung magkatrabaho at magkapareha kayo sa isang show dahil naging daan ito para lalo ko siyang makalapit at makilala nang husto."

Now that Jennylyn and Mark Herras have ended their relationship, Jake plans to court Jennylyn but he does not want to rush things. "Ayoko kasing mag-take advantage sa sitwasyon just because break na sila ni Mark. Gusto kong ma-develop nang husto ang friendship namin into something special para hindi pilit," he explains.

Bahay Mo Ba 'To

Samantala, ngayong gabi sa Bahay Mo Ba 'To? ay mapapanood bilang panauhin sina Jennylyn Mercado at Mark Herras. Muli na na- mang matutunghayan ng kanilang fans ang sweetness nila sa isa't isa kahit hiwalay na sila bilang magkatipan sa totoong buhay.

Papasok na katulong si Jennylyn sa bahay ni Baby (Tessie Tomas) sa Selencio St. at si Mark naman ay gaganap na pamangkin ni Harold (Keempee de Leon) na nagbabakasyon. Dito magkikita sina Jennylyn at Mark at magi-ging sweet sila sa isa't isa. Pero, dito ay mapagbibinta-ngan sila na parehong mag-nanakaw.

Monday, January 23, 2006

Re: Meeting with GMA Bosses

Entertainment
Abu Tilamzik
Abante Tonite


Ipinatawag ni Ma’am Wilma Galvante sina Mark Herras at Jennylyn Mercado nu’ng Huwebes para i-congratulate sa box-office success ng pelikulang Blue Moon.

Malaki ang naitulong ng magka-loveteam kaya naging successful ang naturang pelikula kaya napatunayang may lakas pa rin ang kanilang loveteam kahit hayagan na ang kanilang break-up.

Tanggap na rin daw ng fans na pan-showbiz na lang ang kanilang loveteam.

Isa sa napag-usapan ay ang naunsyaming soap opera na gagawin sa Amerika. Sana ay matuloy na ito dahil nandiyan pa rin ang suporta ng fans.

Sunday, January 22, 2006

Ang Walang Kamatayang Balikan Issue

An Excerpt
Mario E. Bautista
People's Journal


One writer says she (Marian Rivera) has nothing to worry about as Jennylyn has reconciled with a previous boyfriend, dance Jigs Cristobal. When she had a pictorial for a magazine recently, Jigz was even driving her car for her. Jigs has reportedly given Jen a puppy as peace-offering and Jen accepted it as a sign that they've kissed and made up. This means that the fans of the Mark-Jen love team should give up any hope that their idols will still get back to each other. But at least, their now more cordial in their relationship with each other. "Mas friendly na sila sa isa't isa at wala nang deadmahan like before," says one observer. "At the Sinulog Festival in Cebu na special guests sila, they can even afford na magbiruan sa isa't isa while hosting the live show."

Mark & Jen

About Showbiz
Nitz Miralles
Ang Pilipino Star Ngayon


Kahit pala si Mark, nagulat na friends na uli sila ni Jennylyn Mercado. Sa SOP sa Cebu raw sila nag-usap ng maayos and before they knew it, nagbibiruan at naghahampasan na uli sila. Siya pa nga ang nag-effort na maghanap ng pagkain ng ka-love- team nang ubusin ni CJ Muere ang chicken nuggets nito. Twisted French fries ang nabili ni Mark na maganang kinain ni Jennylyn.

Samantala, nilinaw ni Jennylyn na kaibigan lang at hindi sila nagkabalikan ni Jigs Cristobal. Kahit may mga nanliligaw, career pa rin ang kanyang priority.

Jen's New Love?

Vinia Vivar
People's Tonight


Naaliw kami kay Jennylyn Mercado nang mapanood namin sa Startalk kahapon. Nililinaw niya ang isyung nagkabalikan sila ni Jigz Cristobal at say niya sa press, "bahala kayong magmukhang tanga sa kasusulat ng Jigz, eh, wala naman talaga."

Hindi pa raw talaga sila nagkakabalikan ni Jigz at bagama't hindi niya kinumpirma kung may bago na siyang boyfriend, say niya ay "it's for you to find out kung sino ang love of my life ngayon."

Well, base sa kanyang sinabi, mukhang may nakuha na si Jen na kapalit ni Mark Herras sa puso niya, huh?

Mark & Jen in Bahay Mo Ba 'To

Aba!
Noel Asiñas
People's Tonight


KAHIT nagkasama sa taping ng Bahay Mo Ba 'To sina Mark Herras at Jennylyn Mercado, walang balikan pang nagaganap sa dalawa. Mas umuugong pa ang balita na masugid ang pangliligaw ni Mark kay Marian Rivera. Kaagaw ni Mark kay Marian si James Blanco.

Anyway, sa guesting nila ni Jennylyn sa Bahay Mo sa Tuesday ay lalabas silang parehong nakikitira sa bahay ng mga taga-Selencio St. ng pamilya Mulingtapang. Paano kaya mabubuking ang kanilang pang-uumit sa pamilya?

Mark at Jennylyn miniting ng Siyete

Nitz Miralles
People's Tonight




Miniting ng GMA-7 sina Jennylyn Mercado at Mark Herras noong Huwebes and by now, alam na ng dalawa kung itutuloy ang soap opera nila sa New York o ibang show ang ibibigay sa kanila ng network.

Friends na uli ang dalawa at puwede na silang gumawa ng soap. Sabi ni Mark, sa Cebu sila nakapag-usap ni Jennylyn na kahit hindi seryoso'y maayos. After that talk, nakita silang nagbibiruan at naghahampasan gaya ng dati. Doon din nila na-realized that they're better off as friends than lovers.

Malapit na ang Valentine's Day at si Marian Rivera ang gustong makasama ni Mark. Sana raw pareho silang walang trabaho ng dalaga para makakapag-date sila. Wala pang maisip i-regalo sa nililigawan si Mark at one week or two days before February 14 siya makakaisip at makakabili.

* * *

Ang lakas talaga ni Marky Cielo dahil siya rin ang bet ni Mark Herras sa StarStruck 3 The Nationwide Invasion. Angat daw ito sa mga kasama kaya, tiyak na papasok sa Final 4 mapasama sa two Ultimate Survivors at maging Sole Survivor.