Thursday, February 02, 2006

Jen lilinawin ang isyu tungkol sa kanila ni Jigz sa Startalk sa sabado

Abante Tonite
Abu Tilamzik

Nu’ng Sabado ay may mga nag-text sa Startalk na may nakakita raw na pumupunta si Jennylyn Mercado sa bahay ng dating boyfriend nito na si Jigz Cristobal.

Matagal nang itinatanggi ng young actress ang tungkol sa kanila ni Jigz pero hanggang ngayon ay patuloy pa rin silang pinag-uusapan kaya lilinawin ito ni Jennylyn sa Startalk sa Sabado.

Kasama ni Jen si Mark Herras na magi-guest para sagutin ang ilang naglalabasan ngayon na madalas daw silang nakikitang magkayakap.

Parang gusto na naman yatang pagbalikin ang dalawa para magkaroon pa rin ng init ang kanilang loveteam.

Sasagutin na rin ni Mark ang napabalitang may madalas na ka-text daw ito ngayon na isang kilalang sexy actress. May linaw na ba sa kanila ni Marian Rivera? Abangan sa Startalk sa Sabado!

Jennylyn Mercado: Magkakaroon siya ng bagong inspirasyon ngayong 2006 kung makikipagbati siya kay Mark Herras

Moviestar
Melchor M. Bautista
Moviestar



HINUHULAANG sa year 2006 ay mas magiging maganda ang takbo ng movie career ni Jennylyn Mercado at may bagong lalaking darating sa kanyang buhay na magiging bago niyang inspirasyon. Nasa hula rin na dapat niyang alisin sa kanyang dibdib ang hinanakit sa naunsiyami nilang love affair ni Mark Herras dahil hindi magiging positibo sa kanya na patuloy maghinanakit sa kanyang ex-boyfriend.

There’s No Questioning Jennylyn’s Spirit

Syd Villar
Teenstars



Most girls wear that sad-puppy look after breaking up with their boyfriends, but Jennylyn Mercado is not one to put that on. She would not be herself if she does that. After finally putting an end to her on and off relationship with ex-boyfriend Mark Herras, one has got to be blind not to notice that positive transformation in her appearance.More than the change in her hair that is now highlighted by a glint of green, Jennylyn now displays an evidently fresher and more relaxing aura.

Wednesday, February 01, 2006

Jennylyn and Mark close again after Cebu affair

FREEHAND
By Mario E. Bautista
People's Journal

AT the GMA Artist Center presentation of their newest projects like the digital film "Puso 3," we asked Jennylyn Mercado how she felt when a show at ABS made fun of her winning the best actress award in the People's Choice category of the recent Metro Manila Filmfest. "Wala lang, hindi ko sineryoso," she says. "Sabi nila, pati nanay ko raw kasi, bumoto. So, what's wrong with that, eh texter's choice nga 'yon? Basta ako, I'm thankful that maraming pumuri sa acting ko. Even Tita Armida Siguion Reyna praised me in her review of the movie and I'd like to thank her."

She's glad that she's now in friendlier terms with ex-BF Mark Herras. "It was when we hosted the Sinulog in Cebu that we became close again. Pero walang balikang naganap gaya
Jennylyn Mercado & Mark Herras

ng nasulat. Sa ngayon, the GMA management has met with us and told us na may projects pa rin sila intended for us. Hindi ko pa lang alam kung ano."

Is it true she has reconciled with her other former boyfriend, a dancer named Jigz? "No. Natatawa nga ako sa mga nagsusulat noon. I want to take my time bago ako mag-boyfriend uli. Ang sarap nga ng walang sakit ng ulo."

What happened to her projected Valentine show? "We decided na huwag nang ituloy kasi I'm already guesting in the shows of other artist. So far, nakasagot na ako kay Kyla, Mark Bautista and Jay-R, so I wouldn't have time to prepare for my own solo show anymore."

She's happy that her being paired with a new leading man, Jake Cuenca, in the current season of "Love to Love" is also accepted by her fans. "That means, kahit sino ang ipareha sa akin, tanggap na nila. Hindi gaya ng dati na puro na lang kami ni Mark."

But is Jake really wooing her like what the grapevine says? "Hindi. Basta we're just doing our work. Mas mahalaga ang trabaho ngayon kaysa lovelife."


Thursday, February 02, 2006
5:17:39 PM

Re: Jennylyn at Marian nagkita

NITZ MIRALLES
People's Tonight

Finally, nagkita na rin sina Jennylyn Mercado at Marian Rivera, ang ex-girlfriend at ang nililigawan ni Mark Herras ngayon. Sa Iloilo, kung saan ginawa ang SOP last Sunday, nag-krus ang kanilang landas.

Sa dressing room nangyari ang pag-a-eyeball ng dalawang dalaga. Nakaupo't nakatalikod sa pinto si Jennylyn, kaya hindi nakita nang pumasok si Marian. Si Marian daw ang lumapit at nag-"Hi, Jennylyn!" na kahit nabigla'y gumanti rin ng "Hi!"

Kampante si Marian na batiin si Jennylyn dahil wala siyang atraso rito't 'di niya boyfriend si Mark.
Para na rin walang problema sa kanila ni Jennylyn, kaya siya na ang unang bumati. Siguro naman, puwede nang mag-guest na magkasama ang dalawa.

Thursday, February 02, 2006
4:19:11 PM

Prodyuser na rin si Jennylyn!

SUNTOK SA BUWAN Ni Emy Abuan-Bautista
Ang Pilipino STAR Ngayon 02/01/2006

Isa sa mga kabataang artista na masinop sa buhay ay si Jennylyn Mercado. Katunayan ay nagtayo ito ng sariling produksyon na tinawag niyang JM Productions para sa pagpoprodyus nito ng mga shows. Ang bentahe niya ay magaling siyang kumanta. Hindi natuloy ang solo concert nito ngayong sanang Valentines Day pero itutuloy nito ang sariling show under her own outfit sa May 12.

Endorser si Jennylyn ng Star Mall kaya bibigyan siya dito ng isang boutique na pwede niyang pagkakitaan ng pera. Pwede niya itong lagyan ng mga damit, bag, accessories o sapatos na hilig niya. Ngayon pa lang ay nag-iisip na ito ng mga negosyong bubuksan dahil naniniwala si Jenny na di panghabang panahon ang pag-aartista.

Tuesday, January 31, 2006

What made Jennylyn Mercado cry

By Reggee Bonoan


ENTERTAINMENT writers on the set of GMA-7’s morning show Sis were surprised to see Jennylyn Mercado crying just before she was called by the director for her song-and-dance number.

Jennylyn, according to some people in the studio, just came out of the dressing room when she received a phone call. Then a few minutes later, she started crying, and she continued to cry even after she had put down the phone. After she came out of the bathroom, her adoptive mother, Lydia, told her to fix her self, her eyes were puffy due to crying.

Jennylyn, however, still impressed the audience with her all-out performance of “I Will Survive” and without the help of an idiot board.

So what really made Jennylyn cry? Did she have a fight with her ex-boyfriend Jigs or did the dog Mark Herras gave her die?

Whoa! Women!

Monday, January 30, 2006

SIS Swerteng Swerte Ka!

Alfie Lorenzo
ABANTE OL


Ipakikita nina Janice de Belen, Gelli de Belen at Carmina Villaroel ang pagsaludo nila sa Taon ng Aso ngayong umaga sa SIS sa GMA 7. Pero bukas ng umaga, may hatid na suwerte naman ang tatlo para sa kanilang masugid na manonood.

Sina Glydel Mercado, Tonton Gutierrez, Maui Taylor, Bryan Revilla, Jennylyn Mercado at Rev. Fr. Wongsentian (Feng Shui expert) ang mga guest nila sa episode nilang Swerteng Swerte Ka!

Sa ikalawang araw ng isang linggong malaki at masayang selebrasyon ng SIS bukas, siguradong lahat daw ay SIS-swertehin, dahil ang mga pampaswerte sa taong ito ang kanilang i-SIS-hare.

Isang Chinese Lion dance ng Wong’s Lion dance group ang siguradong bubuhay at magpapasok ng swerte sa simula pa lang ng araw ninyo.

Ipakikita rin ni Janice ang engrande at bonggang Chinese New Year celebration na dinayo pa niya sa Hong Kong.

Well, gusto n’yo rin bang malaman ang kapalaran ng mga sikat na celebrity couple na sina Glydel Mercado at Tonton Gutierrez at Maui Taylor at Bryan Revilla?

Totoo nga ba na parang naengganyo sina Bryan at Maui na ituluy-tuloy ang kanilang relasyon dahil sa magandang prediction ni Rev. Father Wongsentian?

Eh, si Jennylyn naman, muli bang mabibigo sa kanyang pag-ibig o may makakabalikan kaya siya kina Mark Herras at Jigz Cristobal?

Anyway, ano nga ba ang dapat gawin para swertehin kayo ngayong 2006?

Ex ni Jennylyn, may bagong gf

Abante-Tonite
Joe Barrameda
1/30/06

Mariing pinabulaanan ni Jennylyn Mercado na nagkaba- likan sila ni Mark Herras or Jigs Cristobal.

Pareho lang daw na maganda ang relasyon niya ngayon sa kanila bilang mga kaibigan.

Mabuti na raw ang ganyan at wala silang ilangan tuwing magkakasama sila sa mga trabaho at social gatherings.
Ayon pa kay Jennylyn nang bisitahin namin sa Love To Love, may ibang girlfriend si Jigs na taga-Las Piñas. Minsan lang daw sila nagkita ni Jigs nang dumalaw ito sa bahay nila.

Sa kasalukuyan ay tinatapos ni Jennylyn ang kanyang second album kung saan may duet sila ni Janno Gibbs. Mukhang matutuloy na ang pagpunta nila ni Mark Herras sa New York para kunan ang ilang eksena sa bago nilang teleserye sa GMA 7.

***

Sa taping pa rin ng Love To Love ay ikinuwento ni Jake Cuenca na hindi nila napag-uusapan ni Jennylyn ang tungkol kay Jigs Cristobal.

Kung totoo man daw na may relasyon uli sina Jennylyn at Jigs ay isa raw siya sa masasaktan dahil doon.

Kasalanan din naman daw niya dahil hindi niya niligawan si Jennylyn.

Gayon pa man ay hindi raw magbabago ang pagtingin niya kay Jennylyn bilang kaibigan na laging handang tumulong.

Gawad Tanglaw

Vinia Viniar
People's Tonight


Si Jennylyn Mercado ang napiling Best Supporting Actress ng Gawad Tanglaw Awards (of Dr. Romeo Flaviano and Jaime Ang) na gaganapin sa March 1 sa Galleria Cinema, kaya naman tuwang-tuwa ang young actress-singer dahil unti-unti nang nagbubunga ang lahat ng kanyang pinaghihirapan.

Alam ni Jennylyn na marami pa siyang dapat matutunan para maging isang maging mahusay na aktres at ang mga parangal na nakakamit ay magsisilbing inspirasyon sa kanya para lalo pang pagbutihin ang kanyang craft.

Hanggang ngayo'y katakut-takot pa ring papuri ang natatangap ni Jennylyn sa ipinakita niyang acting for Blue Moon at promise niya, mas gagalingan pa sa mga susunod niyang pelikula.