Saturday, February 11, 2006

O Mare Ko

c/o cat_marcelo of igma

Bulgar
Erlinda Rapadas

Puring-puri ni Direk Gina Alajar itong si Jennylyn Mercado dahil napakagaling daw nito sa role bilang maid na Bisaya ng mag-guest sa programang O, Mare Ko last Thursday. Kahit na pawang magagaling na na aktres tulad ni Lorna Tolentino, Amy Austria at Sandy Andolong (ganoon din si Gina) ang nakaeksena ni Jennylyn, hindi ito nasapawan at bagkus ay lumutang ang kanyang role bilang katulong na intrigera.

True enough, nahubog na ng husto ang acting ability nitong si Jennylyn. Kahit anong klaseng role ay nakakaya niyang gampanan.

Siya ang tampok sa episode na Ang Babae Sa Daan ng "Wag Kukurap" kasama sina Mark Herras at Jaclyn Jose na mapapanood sa gabing ito.

Sa ngayon, lamang ang pagiging aktres ni Jen at ang mga karanasan at kabiguan niya sa lovelife ay nakakatulong upang maging epektibo sa pagganap.

Thursday, February 09, 2006

Hero Angeles gustong maging Captain Barbell

DAILY INSIDER
Dinno Erece

SI Hero Angeles sa Captain Barbell ng GMA-7? Hitsurang hindi.

Naaliw kami sa mga bagong posting ng Pinoy Exchange about the rumors and assumptions na pinapalipad ng Internet viewers na ang magbibida raw sa nalalapit na bagong fantasy soap ng GMA ay sina Richard Gutierrez bilang Captain Barbell, Jennylyn Mercado bilang partner at si Hero bilang si Enteng, ang alter ego ni Captain Barbell na tagabuhat ng barbell. Text pa sa amin ng isang malapit na PeXers, kahit ayaw daw nila si Hero, parang nakakakilig ang kumbinasyong Jenny and Hero.

Let's burst the bubble on this pipe dream immediately. Una, kahit wala pang napipisil na gaganap na Captain Barbell as everything is just speculations at this point, balitang kung sino ang magiging Captain Barbell ay si-ya ring gaganap
Hero Angeles

na Enteng, a new twist in the tale of Mars Ravelo's super hero kung magkatotoo. Ikalawa, binu-buhay nga ulit ang tamba-lang Jennylyn Mark Herras at nire-reconsider ang kani-lang I Love New York soap 'no! So, bakit kailangan pang ipasok ang fallen hero of ABS sa pinakamalakas na StarStruck tambalan?


* * *
TOMORROW, the prince and princess of R&B, sina Jay-R and Kyla, may sariling Valentine concert produced ng GMA.

This is the first solo production venture of the Kapuso network although dati, nakiki co-produce na rin sila with other partners. Heart Songs is a two night pre-Valentine concerts na gaganapin sa Aliw Theater on February 10 and 11. On both nights, guest nila sina Jonalyn Viray and Brenan Espartinez. For tomorrow's show, special guest nila sina Jennylyn Mercado and Mark Herras at sa February 11 naman, sina Rainier Castillo and Yasmien Kurdi.

Sa special preview ng mga magaganap sa two-night concerts nina Jay-R and Kyla, hu-wag daw muna silang tawa-ging king and queen of R&B dahil mga bata pa raw sila. Sa-ka wala pa nga namang competition at this point ang dalawa, sila lang ang naga-R&B sa henerasyon nila although they would favor a competition pa rin naman for them to better their craft. By the way, si Louie Ignacio ang magdi-di-rect nito sa stage, Rommel Ga-cho for TV and Tats Faustino as musical director.


* * *
GUESS kung sino ang magmi-Miss Saigon sa special 10th anniversary restaging sa Australia, si Denise Laurel. The girl, we specifically visited in Singapore years ago while she was doing the one-season MTV show Rouge is still at it, going places pa rin. After Rouge, nagpahinga muna si Denise at bumalik sa Pilipinas to do local shows like Leya noon sa TAPE and right now is part nga ng O Mare Ko nina Lorna Tolentino, Amy Austria, Sandy Andolong and Gina Alajar sa QTV every Thursday night at 8 ng gabi. Mamaya si Jennylyn Mercado ang guest opposite AJ Eigenmann.

Nang binisita namin ang set ng OMK na nagbago ang address for its second season na magsisimula naman next week, naikuwento ni Denise sa amin that she's about to leave again, for Australia nga, dahil siya ang napiling gaganap na Kim, ang immortal he-roine ng breakthrough stage play ni Lea Salonga noon. Iri-restage pala ang Miss Saigon sa Australia in comme-moration of its 10th year anniversary at si Denise ang napi-ling bida. Hindi pa niya alam kung hanggang ilang buwan siyang magi-stay roon, depen-de siguro kung magi-hit ang stage play. By the way, wala na rin pala si Denise sa kaniyang manager na si Becky Aguila.



Thursday, February 09, 2006
7:20:20 PM

Monday, February 06, 2006

Jennylyn, nagba-badminton para matanggal ang bilbil

ABOUT SHOWBIZ
Nitz Miralles
Ang Pilipino STAR Ngayon



Kapag walang trabaho, nagba-badminton si Jennylyn Mercado sa Smash kasama ang mga kaibigan. Gusto nitong pumayat at maalis ang bilbil na laging pinupuna mula nang siya’y tumaba.

Gusto rin nitong nasa kondisyon siya’t malapit na ang release ng second album niya sa GMA Records at mapapasubo siya sa promotion. Matatapos na this week ang taping ng Mis-Match episode ng Season 9 ng Love to Love kaya, makakapag-concentrate na siya sa promotion ng kanyang album.

"The Art of Letting Go", ang title ng album at ni-revive niya ang title track ni Mikaela at ginawang acoustics. Duet nila ni Janno Gibbs ang Moments of Love na theme song ng pelikula ng GMA Films with the same title. Ang lakas ng tawa ni Jennylyn nang biruin na after Ryza Cenon, siya na ang mali-link kay Janno.

Samantala, hiningi namin ang reaction ni Jennylyn sa sinasabing mas magaganda ang girls ng StarStruck 3 kesa sa grupo ng SS 1 at 2.

"May kanya-kanya kaming specialty, ganoon din ang SS2 at SS3. Wala na sanang compare-compare pa dahil ginawa naming mga taga-SS1 at SS2 ang the best. Ganoon din ang ginagawa ngayon ng SS3," sagot ni Jennylyn.

Kahit hate ang pagku-compare sa batches ng reality-based artista search ng GMA-7, bet pa rin ni Jennylyn sina Iwa Moto at Marky Cielo.