Friday, February 24, 2006

HOT 'N SPICY
Vinia Vivar
People's Tonight

Balik-Encantadia si Jennylyn Mercado. Last Wednesday ay nagsimula na siyang mag-taping at inumaga na naman sa pagti-taping.

Siyempre, ang role pa rin ni Jennylyn ay si Lira, ngayo'y ina na ni Cassandra (Ella Guevarra). Sa istorya'y hinahanap daw kasi ng bata ang kanyang ina kaya nagpakita naman ito.

Hindi lang namin alam kung tulad ni Ynang Reyna (Dawn Zulueta), fake na Lira ang makakapiling ni Cassandra.

Ang tanong ng fans ngayon, kailan naman daw babalik si Mark Herras sa Encantadia? Bubuhayin daw bang muli ang Mark-Jennylyn loveteam sa nasabing fantaserye?

Well, abangan na lang natin, pero ang alam nami'y tuloy na tuloy na ang soap opera ng dalawa sa New York and, in fact, naghahanda na ang lahat sa pag-alis sa Abril.

Sina Mark at Jen lang daw ang aalis (plus the staff, of course) dahil sa New York na raw kukuha ng iba pang cast para mas makatipid. May mga Pinoy din namang artista na kasalukuyang naroroon.

* * *

Still on Jennylyn, tuloy na tuloy na rin ang pagdalaw niya sa mga naging biktima ng trahedya sa St. Bernard, Southern Leyte, kung saan lumaki ang kanyang adoptive and biological mother na sina Mommy Lydia at Jinky.

Kung hindi raw Saturday, baka Tuesday siya dumalaw doon at sa kasalukuyan, may 25 sacks na mga damit na siyang ipamamahagi. Nagpapasalamat si Jen sa kanyang fans na nagbigay ng damit gayundin ang ine-endorse niyang Particles T-shirts.

Nagbigay din ang WL Foods ni William Lim ng mga pagkain tulad ng cookies, Munchers and Drinkees.

Samantala, nagbigay naman ng pahayag si Mommy Lydia na kung sakali raw na kailangan ng mga taga-media ng matutuluyang bahay, puwedeng-puwede silang makituloy at makitulog sa kanyang bahay sa St. Bernard. Lahat daw ay welcome, taga-Dos o taga-Siyete man.

Labis namang ikinatuwa ng mga taga-Dos ang offer ni Mommy Lydia at puring-puri ng kabilang istasyon ang maganda niyang gesture.


Friday, February 24, 2006
6:26:41 PM

HOT SHOTS
Gerry Ocampo
People's Tonight


Marami ang nagulat nang mag-smack ang dating mag-syotang sina Mark Herras at Jennylyn Mercado matapos ang dance number nila sa SOP Gigsters nu'ng nakaraang Linggo.

Hindi raw tuloy nakapagtataka kung muli silang magkabalikan.

Sabi naman ni Mark, matured na sila ni Jennylyn at nagkakaintindihan, pero wala raw nangyaring balikan. Masaya raw sila ngayon bilang magkaibigan.

Samantala, ang pinakaaabangang Duel in the Palace showdown at sing at lookalike contest ng Jewel in the Palace ay magaganap ngayong Linggo sa SOP, plus ang pagdating ng mga diwata ng Encantadia.

Mapapanood at maririnig din for the first time ang MTV ni Jolina Magdangal at ang single ni Mike Hanapol, pati na ang SOP Pasiklaban Band.


Friday, February 24, 2006
7:22:37 PM

DAILY INSIDER
D i n n o Erece
People's Tonight

TULOY na tuloy na raw ang I Love New York nina Mark Herras and Jennylyn Mercado, hindi pa lang nila alam kung kailan.

All set na ang original Starstruck love team na umalis patungong New York to tape their soap there pero naunsiyame na naman daw ito. May tatapusin daw munang isang movie sina Mark and Jennylyn for Regal kaya malamang na unahin na muna ang mga Philippine sequence ng soap nila while finishing the picture na kung hindi kami nagkakamali ay ang last year project pa nilang White Lady.

Hindi tuloy alam ni Mark kung kailan pa raw talaga mauumpisahan ang New York soap nila ni Jennylyn dahil ang huli niyang narinig , uunahin daw munang simulan ang isa pang soap ng GMA, ang Captain Barbell, bago mapag-tuunan ng pansin ang sa kanila.

Mahirap naman kasi ang magiging logistics ng kanilang soap dahil sa ibang bansa pa ito kukunan kaya all the details will be needed to be arranged bago sila makapagsimula.

Kaya se-segue din si Mark sa 10th season ng Love To Love kung saan sila ni Pauleen Luna ang bida.


Friday, February 24, 2006
6:49:10 PM

Thursday, February 23, 2006

‘Operation tulong’ ni Jennylyn!

SUNTOK SA BUWAN Ni Emy Abuan-Bautista
Ang Pilipino STAR Ngayon 02/23/2006

Nalulungkot ang nanay-nanayan ni Jennylyn Mercado dahil sa trahedyang nangyari sa Southern Leyte kung saan dito sila nagmula.

Naluluha ito kapag may napapanood o naririnig na balita tungkol sa nangyaring trahedya. May bahay sina Jennylyn sa St. Bernard sa Leyte na pinangyarihan ng trahedya.

Dahil dito, may balak na maglunsad ng "operation tulong" si Jennylyn para makatulong sa mga kababayan dun.

Likas na matulungin ang aktres dahil may foundation ito na tumutulong din para sa mga battered children.

Tuesday, February 21, 2006

JEN LOYAL SA ORIG MANAGER

c/o matheresa_23 of igma


SAKSI
2-20-06
BOY'S LAW
ni Boy Villasanta

Nagbigay na naman si Jennylyn Mercado ng pera sa kanyang unang manager na si Dong Novelo ng Face Asia Talent Creator. At si Dong naman talaga ayon na rin kay Jennylyn ang unang nakadiskubre sa kanya. Bagamat walang kasulatan sina Novelo at Mercado ay daig pa nila ang magkatambal sa talent management.

Nagsisisi ba si Dong at hindi niya pinapirma ng kontrata ang batang aktres? " Hindi naman. Kasi, wala sa akin yon. Mas mahalaga ay nandyan siya at sikat," pahayag ni Dong. Si Becky Aguila ang nagtatamasa ng biyaya ngayon mula kay Jen. Si Novelo talaga ang nagtiyaga kay Jenny at kahit pipitsuging show ay ipinapasok siya ng talent discoverer. Tumatanaw ng utang na loob si Mercado kay Novelo. Tinanong nga siya ani Dong noong isang gabi kung ano ang kanyang pakiramdam na hindi siya ang opisyal na manager. "Sabi ko, okey lang sa akin. Hindi ko naman inaasahan na ganyan siya kabait sa akin," wika ni Dong.

Sunday, February 19, 2006

CHANGING PARTNERS

IF I KNOW
Aster Amoyo
People's Journal


GMA 7 is doing an experiment by teaming its contract talents with different partners.

After the much-talked-about breakup of Jennylyn Mercado and Mark Herras last year, Jennylyn was given a new love interest in Season 9 of Love To Love in the person of Jake Cuenca — and they clicked.

GMA 7 is now preparing L2L's 10th season, which will pair up Mark Herras and Pauleen Luna.

It's about time GMA tries out other pairings.


Sunday, February 19, 2006
5:47:21 PM

IN JEST
Ambet Nabus
People's Tonight


Nasalubong namin sa GMA-7 ang nanay-nanayan ni Jennylyn Mercado na si Aling Ligaya. Medyo emosyonal ito nang iparating sa amin ang kalungkutang nadarama dahil sa bagong trahedya sa Southern Leyte, kung saan sila nagmula.

"Nakabibigla. Hanggang ngayo'y abot-nerbiyos ako kapag may mga balita akong naririnig. Nakaaawa naman ang mga kababayan ko," ang maluha-luha pang sambit ng nanay-nanayan ni Jennylyn.

Mayroon palang bahay sina Jennylyn sa St. Bernard sa Leyte, kung saan mismo nangyari ang trahedya, at kahit na wala silang mga kamag-anakan na nasawi, lubos-lubos ang pagdadalamhati nila. May plano nga raw na maglunsad ng isang mabilisang 'operation tulong' si Jennylyn para sa mga kababayan dahil sa ganu'ng paraan lang daw sila makatutulong, bukod pa sa pagbibigay ng taimtim na pagdarasal.


Monday, February 20, 2006
7:35:08 PM