Thursday, March 09, 2006

Who Gets Who In L2L?

WHO GETS WHO IN 'L2L'?
Mario Bautista

THE current season of Love To Love wraps up this Sunday, and it's said that Isabel Oli and Paolo Contis really got so close while taping their episode in it.

Both episodes end with beautiful weddings: Jennylyn Mercado to Jake Cuenca, plus the double wedding of the two pairs in the second episode. But viewers will be held in suspense in the second episode as they don't know who'll get who. Will Paolo get Isabel or Julia Clarete? And which of the two sisters will go to Alfred Vargas, who's actually more in love with Isabel?

The episode Like Mother, Like Daughters really becomes more intriguing as Mike (Alfred) discovers that sisters Arlene (Isabel) and Cherry Pie (Julia) and their mom Susan (Gloria Diaz) have placed him and his brother Ivan (Paolo) under a spell, using a mysterious gayuma or love potion. How this will affect the story will be known in the concluding episode.

Don't miss the exciting finale of the top-rating Sunday-afternoon love program, Love To Love Season 9, after SOP, on GMA 7.

Excited na si Jennylyn Mercado sa soap opera nila ni Mark Herras sa New York. Kasalukuyan nang inaayos ang papeles nila at sa March 16, may interview siya sa U.S. Embassy. Kung magiging maayos ang lahat, April 1 nakatakdang umalis sina Mark at Jen patungong New York.

Marami ang nagsasabi na baka magkabalikan ang dalawa sa isang buwan nilang pagsasama sa NY, pero kung may gusto mang mangyari si Jen ngayon, ito ay ang magkalapit na lang sila ni Mark bilang magkaibigan.

Tama na raw 'yung minsang naging bahagi ng puso niya si Mark at mas maganda kung lalo pa silang magiging close as friends.

Samantala, nag-resume na naman ng taping si Jennylyn sa Encantadia and this time, kasama niya ang isa pang Sangg're na si Yasmien Kurdi, na nagbabalik din sa nasabing fantaserye.

Kung ano ang gagawin nina Yasmien at Jennylyn sa kanilang pagbabalik, 'yan ang abangan ninyo.

2 sa "Encantadia", Matsutsugi


Mahal talaga nina Iza Calzado, Karylle, Dingdong at Sunshine Dizon ang Encantadia dahil concerned sila sa 24.2 percent rating ng show last Monday.

Iyon na ang pinaka-lowest rating ng fantaserye dahil nakasabay sa replay ng Oscars. Pero, naniniwala ang apat na babawi rin ito't babalik ang magandang rating.

Nalaman namin na aaksyunan na ng GMA-7 ang request ng viewers na alisin ang cast na para sa kanila'y hindi nagdya-jive sa show.

We can't mention names yet at baka hindi pa nila alam na mawawala ang characters nila. Dalawa agad ang mawawala at 'pag hindi n'yo na sila napanood, ibig sabihin, tsugi na sila!

May mga babalik din, gaya ni Pen Medina, at may mangyayari sa kanya na magiging daan para tuluyang magalit si Pirena (Sunshine) sa mga kapatid.

Ayaw naming i-preempt ang viewers, kaya watch na lang kayo. Babalik din si Sid Lucero as Asval at extended din ang pagbabalik ni Jennylyn Mercado.

Magkakaroon din ng movie version ang Encantadia. Uumpisahan yata ito 'pag nagtapos ang Book 2 ng fantaserye.

Hindi pa alam kung isasali ito ng GMA Films sa 2006 Metro Manila Film Festival o baka earlier ang playdate.

Tuesday, March 07, 2006

Remembering Batch 1
Article posted March 06, 2006

The StarStruck fever is getting hotter. Remember the senior Survivors? Marami ang nagsabi na parang winners na silang lahat bago pa man sila mapili.

Let’s see what the previous Survivors did then, baka makikita na natin kung ano ang kapalaran nila Marky, Jackie, Iwa at Gian.

JENNYLYN MERCADO

Jen is everywhere with her commercials and promos, mula sa buhok hanggang sa kutis, na-model na niya ang lahat. With a successful album under her belt, she conquered the recording world. Idagdag mo pa ang mala-diyosa niyang television at movie career. Ultimate talaga ang success ng bida. She is even set to go to New York to film another possible hit with Ultimate Survivor and ex-boyfriend Mark Herras.

Re: NY Soap

c/o cat_marcelo

Mark at Jennylyn , 1 month magsasama sa Tate
Vinia Vivar

Kasalukuyan ng inaayos ang mga papeles ni Jennylyn Mercado para sa pagpunta sa New York with Mark Herras, kung saan ay magte-taping sila ng kanilang soap opera na may titulo raw na I Love New York.

Tuloy na tuloy na ang nasabibg soap opera at next month ay lilipad na sila. Isang buwang mananatilisa Tate sina Jen at Mark at hindi pa sigurado kung makakasama ang adoptive mother ng youngactress-singer na si Mommy Lydia.

Siyempre kung ang ina-inahan ni Jen ang tatanungin, type niyang samahan ang anak sa Tate dahil sa matagal daw itong mawawala at hindi siya sanay na wala sa piling ang young actress-singer ng ganu'n katagal.

Besides, may kaunting kaba sa puso niya dahil ng hindi siya makasama last year kay Jen ng pumunta ang cast ng SOP sa Tate, kung anu-ano ang nangyari sa anak. Naroong naligaw ito, nawalan ng load, at pag-uwi pa ay may bitbit pang masamang balita hinggil sa relasyon nila ni Mark.

Kaya wish talaga ni Mommy Lydia ay makasama na siya this time. Mayo na ang balik ni Jen at Mark at pag-uwi naman dito ay ilo-launch na ng young singer-actress ang kanyang second album under GMA Records.

Monday, March 06, 2006

Masayang ibinalita ni direk Louie Ignacio na tuloy na tuloy na ang drama series ng Channel 7 na I Love New York. Sa bandang April ang simula ng taping nito sa Big Apple at isang buwang mananatili roon ang cast upang tapusin ang kabuuan nito.

Base sa kuwento ni direk Louie, tanging ang loveteam pa lang nina Mark Herras at Jennylyn Mercado ang kumpirmado sa cast. Inaayos pa nila ang ibang artistang makakasama sa series.

Bukod sa shooting sa buong syudad ng New York, may eksena pa silang kukunan sa bundok ng dahil sa snow na kailangan sa mga eksena. Kaya nga si direk Louie, handang iwan ang anim na shows niya sa GMA para lang sa taping ng I Love New York.


*************************

NITZ MIRALLES
People's Tonight

Dapat pala'y guest ni Mark Bautista sa kanyang Pop Heartthrob concert sa March 24 sa Aliw Theater si Jennylyn Mercado at pumayag na ang singer-actress. Pero, hindi na siya matutuloy dahil sa budget.

Ipinaliwanag ni Veronique del Rosario-Corpus ng Viva Concerts, producer ng concert, na hindi naningil ng mataas na talent fee ang dalaga. Gusto lang ni Mark na dagdagan ang kanyang repertoire, kaya sa areglo ng mga kanta mapupunta ang dapat na talent fee ni Jennylyn.