Friday, April 07, 2006

Mark- Jennylyn, di ininda ang pagod
Joe Barrameda
Abante Tonite

Finally ay natuloy ang first taping day ng I Love New York sa Soho District ng New York City sa lower Manhattan. Akala namin ay mapa- pack-up na naman ito dahil ayon sa weather forecast the night before, hindi maganda ang panahon sa umaga.

Kinaumagahan ay malinaw ang kalangitan at may may araw. Hindi nagtagal at umulan at biglang naging snow na ang bumabagsak. Nataranta ang lahat maski ang direktor na si Louie Ignacio dahil hindi nila malaman ang gagawin kung magpi-pictorial o itutuloy ang taping.

Natuloy ang taping at tuwang-tuwa ang lahat dahil hindi nila inaasahan ang pagbagsak ng snow at nakunan ito habang umaarte sina Mark Herras at Jennylyn Mercado.

Sobrang tuwa ang lahat sa pangunguna ni Redgie Magno ng mareview nila ang tape ng mga kinunang eksena. Sabi namin ay magandang teaser ito para sa drama series. Kinahapunan ay gumanda na uli ang panahon at kung tingnan namin ay parang walang pag-ulan ng snow na naganap. Madaling natuyo ang kapaligiran ng New York City at nakatirik ang araw. Gayun pa man ay sobra pa rin ang lamig lalo na kapag umihip ang hangin. Sa bawat eksena ay pumapasok ang mga artista sa mga malalapit na gusali tuwing magse-set-up ng bagong anggulo o lugar.

Alaga naman ang mga artista at crew sa kalusugan nila at madalas silang pinaiinom ng gamot ni Redgie Magno. Bawal kasi ang magkasakit at makahahadlang iyon sa maraming eksena sa siyudad na tinaguriang Big Apple.

Hindi naman ininda nina Mark at Jennylyn ang pagod although dumadaing sila sa sobrang lamig dito. Kapag napa-pack-up na ay takbuhan naman sa shopping sina Mark at Jennylyn at nahahawa na rin si Direk Louie Ignacio sa kanila.

Puspusan ang taping at sa Good Friday at Easter Sunday lang yata nila balak mag-dayoff sa taping. Napakasuwerte nina Mark at Jennylyn at malaki ang tiwala ng GMA Network sa kanilang tambalan para gastusan ng ganito ang kalaking budget at gawin ang taping sa New York City na isa sa pinakamahal na siyudad sa buong mundo.

Lalo kaming nalula nang makita namin na ang gumagalaw sa produksiyon na nagse-set-up ng ilaw at camera ay mga Amerikano at taga-ibang nasyon. Nalaman namin sa isang Fil-Am na si Cristina de Haven, ang coordinator ng New York crew, na kinuha siya at ang grupo nila ng GMA Network para maging second uint ng I Love New York.

Si Cristina ay professor ng Film Making sa New York University at producer ng Undertone Films. Bale sila ang nag-asikaso sa lahat ng permit ng I Love New York para makapag-shoot sa iba't-ibang lugar sa malaking siyudad na ito.

Natawa si Ms. Redgie Magno sa sinabi namin na masyadong bongga ang seryeng ito na may international crew. Malaki ang paniniwala nila na magugustuhan ng mga manonood ang seryeng ito at worth ang hirap ang trabahong ginagawa nila rito.

Balita namin ay sa Mayo na uumpisahan ang seryeng ito.

Kapuso magaling ding magpakilig

Alok Bati
Lolit Solis
4/6/06

Nagsisimula nang magtaping ang bagong soap na tinatampukan nina Mark Herras, Jennylyn Mercado, Marvin Agustin at Jolina Magdangal sa New York, USA.

May teaser na sa GMA-7. kaya baka ito siguro ang ipapalit sa timeslot ng Encantadia.

Hindi ito fantaserye para mapatunayan naman ng siyete na magaling din silang magdrama at mga pakilig sa soap.

Naunang pumunta doon sina Mark at Jennylyn, kahapon naman ay si Jolina ang umalis patungong New York.

Di ko lang sure kung nakaalis na ri si Marvin o kasabay na ito ni Jolens.

Tiyak na maraming kwento ang apat pagbalik nila dito at abangan natin kung may development na ba kina Mark at Jen.

May itinata- gong syota!

Ang Pilipino STAR Ngayon 04/07/2006


Inaasahan naming bokya ang lovelife ni Jennylyn Mercado nang tanungin namin siya tungkol dito pero, halatang nadulas nang sabihing may ka-on siya ngayon. Kaya naman, wala itong nagawa kundi magbigay ng detalye tungkol sa kanyang bagong ‘papa’ na hindi taga-showbiz.

Malaki ang natutunan nito sa nakaraan nilang relasyon ni Mark Herras na talagang pinagpyestahan ng media. Naniniwala siya na kahit taga-showbiz sila ni Mark ay dapat binigyan sila ng privacy ng media para ma-enjoy nila ang kanilang personal na buhay.

Oo nga naman pero, papaano mangyayari yon, kung sila mismong dalawa ay walang pinipiling lugar at oras sa pagpapakita ng kanilang public display of affection, di ba?

Malaki ang pagpapasalamat ng aktres dahil nailihim nito at naitago ang kanyang relasyon ng mahaba-habang panahon sa mata ng publiko. Tinanong namin siya kung paano naman sila nagba-bonding ng kanyang inililihim na papa at kailan naman sila nag-on, pero isang mataginting na ‘secret’ ang kanyang sagot. Hindi kaya imaginary boyfriend lang ang kini-claim nitong papa dahil hanggang ngayon ay umaasa pa itong magkakabalikan sila ng dating syota?

Sa isang banda, tinawanan nito ang tsikang masama ang loob niya sa GMA-7 dahil sa pagpasok ng loveteam nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa soap na I Love New York. Wala siyang sama ng loob sa kanyang home studio dahil noong nasa planning stage pa ang project ay ipinaalam na sa kanilang dalawa ni Mark na kasama ang loveteam nina Jolina at Marvin. Ipinaliwanag din sa kanila na walang mangyayaring agawan ng eksena dahil equal exposure ang ibibigay sa kanilang apat as in, bawat isa ay may kanya-kanyang shining moment.

Ni-reveal ng aktres na kaya inilihim noon ang partisipasyon ng loveteam nina Jolens at Marvin dahil nang panahong pinag-uusapan pa ito ng production people ay hindi pa alam kung kailan ire-release o baka hindi ng ABS-CBN si Marvin.

Naganap ang nasabing tsikahan sa premiere night ng Moments of Love at kaya naman siya nandodoon ay dahil may partisipasyon siya sa movie. Sila ni Janno Gibbs ang kumanta sa theme song na para sa kanya ay isang achievement sa kanyang career bilang isang recording artist. Ginagawa na rin nito ang kanyang follow-up album kung saan kasama ang Moments of Love sa line-up ng mga kanta. – ALEX DATU

Thursday, April 06, 2006

Will Jen & Mark heat up anew in NY's cold lonely nights?

FREEHAND
By Mario E. Bautista
People's Journal

JENNYLYN Mercado and Mark Herras are now in the midst of taping I Love New York in Manhattan.

The nice thing about Jen is that she texts her reporter friends to update them about what's going on there.

Although they've been to the US, they only went to the West Coast before, and it's their first time in the Big Apple. They're shooting street scenes in busy Times Square with Direk Louie Ignacio, based on the script written by Dode Cruz.

Jen and Mark went there without any relatives as chaperons, so you can say they're really on their own.

"Ang lamig-lamig ngayon dito," she says in her text message. "It's already spring but still very cold."

Jen
Jennylyn Meracado & Mark Herras

and Mark occupy different rooms in the place where they stay, but with such cold lonely nights together and with them being so far away from home, who knows what will happen next?

Their senior costars have been allowed to take companions with them in the trip. Jolina Magdangal is with her mommy, while Marvin Agustin is with his new manager Orly Ilacad.

"Bakit ganu'n? 'Yung mas matatandang costar, may chaperon, pero 'yung mga bata, wala?" asks one writer.

"For all we know, baka it might be a ploy of GMA 7 for Jen and Mark to help sort out their problems and eventually go back into each other's arms."

Well, who knows?





Friday, April 07, 2006
5:21:57 PM

Mark at Jennylyn, gininaw sa pictorial

Isang masaganang pananghalian ang pinagsaluhan ng grupo ng mga artista at production people ng I Luv New York noong Martes (Abril 4) sa Perlas Ng Silangan Restaurant sa Roosevelt Avenue sa Queens, New York para ipagdiwang ang birthday ni Direk Louie Ignacio.

Pagkatapos ng pananghalian, sakay ng isang malaking van ay nagtuloy ang grupo sa Manhattan para tingnan ang Washington Square sa may New York University kung saan kukunan ang mga eksena nina Mark Herras at Jennylyn Mercado.

Dumaan muna sandali ang grupo sa Central Park para i-pictorial sina Mark at Jennylyn.

Ginaw na ginaw ang dalawa tuwing iihip ang hangin. Maninipis kasi ang mga suot nilang jacket.

Kinahapunan ay nagtungo ang pangkat sa Chinatown kung saan mura ang mga bilihin.

Sa pamimili namin ay nagulat na lang kami nang biglang sumulpot ang Assistant Director na si Perry Lansing na naka-fur coat.

Hindi na nakayanan ni Perry ang lamig at kesehodang mahal ang furcoat ay binili niya ito.

Ang problema na lang niya ay kung paano niya ito magagamit sa Pilipinas pag-uwi niya. Maski sa Baguio ay sobrang kapal ito para gamitin.

Ang alam din namin ay ini-storage ang furcoat sa freezer kapag tag-init.

Napakasaya ng grupong ito na walang pasaway at lahat ay sumusunod sa schedule na ibinibigay ng EP.

Huwebes ang dating ni Jolina Magdangal sa New York at hindi Miyerkules gaya ng naisulat namin. (JOE BARRAMEDA)

VINIA VIVAR
People's Tonight

Jennylyn Mercado is enjoying the cold weather in New York, San Francisco, USA. "Grabe, ang lamig dito. Umuulan pa," parte ng kanyang text message sa inang si Mommy Lydia.

Nagpahinga lang daw sila sandali nang dumating sila at pagkatapos ay the whole day silang namasyal dahil the following day pa sila sasabak sa taping. Nang mag-text siya ay nasa Times Square Mahattan daw sila at say pa niya sa kanyang mensahe, "Ang saya-saya!"

Sa Eden Park Hotel naka-billet si Jennylyn and we just don't know kung magkakasama sila ni Mark Herras at iba pang staff.

Pero si Marvin Agustin ay balitang nag-rent pa ng sariling apartment sa New York na siya ang magso-shoulder.

Sosyal, di ba naman?

Dyowa ni Jennylyn Mercado non-showbiz

Alok Bati
Lolit Solis
4/5/06


Marami ang naiintriga kung sino ang special someone na tinutukoy ni Jennylyn Mercado na naiwan niya dito sa Pilipinas.

Duda ng iba, nagkipagbalikan na raw ito sa dati niyang boyfriend na si Jigz Cristobal. Pero parang ayoko naman maniwala dyan dahil ang dinig ko ay dyowa-dyowaan pa rin daw itong si Jigz na mayamang Okada ba yun?

May tsika ring anak ni Manny Villar ang matagal nang nanliligaw dito kay Jennylyn, pero itinaggi naman ito ng huli nang tinanong siya kung anak ng isang pulitiko ang tinutukoy niya.

Basat, hindi raw ito taga showbiz at napaka private daw ng taong ito, kaya huwag na raw alamin kung sino. Pero syempre malalaman din naman yan, no!

Encantadia wala ng extension

Merece
Dino Erece

Sa pagkakaalam namin wala ng gagawing extension ang "Encantadia". Mataas muli ang ratings ng "Encantadia, Pag-ibig Hanggang Wakas"sabi, big help ang new blood na sina Marky Cielo and Jackie Rice pati na rin ang pagbabalik ni Jennylyn Mercado.

But that doesn't mean "Encantadia" will not finish by the end of this month. More than one year in three book na nga naman silang nagtataping so they must move on na raw. Si Sunshine Dizon nga, didnidikit na ang pangalan sa "Captain Barbell" as her newest soap after this.

Magtapatan Tayo
Nora Calderon
4/5/06

Got a text message kahapon kina Mark Herras at Jennylyn Mercado. Dumating daw sila sa San Frabcisco, MOnday at 10:30 pm. Manila time. Ayon naman kay Jennylyn, kanya-kanya raw silang buhat ng kanilang mga luggages,dahil dinala na nila lahat ng mga requirement para sa taping, na sabi nga ni Mark last Sunday, hindi raw nila alam kung paano dadalhin lahat. Pero Tuesday (Monday sa kanila), magsisismula na raw silang magtaping ng "I love New York". Kasamang umalis nina Mark at Jen last Sunday evening sina Marvin Agustin at diect Louie Ignacio. Ngayong araw nmang ito,April 5, ang alis ni jolina Magdangal. Nagshow muna kasi sila nina JayR at German Moreno sa Dubai, sa launching ng GMA Pinoy TV sa Middle East.

Wednesday, April 05, 2006

Mark at Jennylyn, magkaakbay na naglakad habang umaambon sa New York

Joe Barrameda
Abante Tonite



Kinagabihan ay kailangan na naming humiwalay sa grupo dahil maaga ang flight namin for New York kesa sa kanila. Dumating kami sa New York City noong 6:30 AM ng Abril 3 (Lunes) pagkatapos ng limang oras na biyahe mula sa Los Angeles.

Nauna lang kami ng 10 minuto sa grupo nina Mark Herras, Jennylyn Mercado, Marvin Agustin, Direk Louie Ignacio, Lhar Santiago at iba na nagmula sa Pilipinas at nag-connect sa San Francisco, CA sa JFK airport (New York).

Sobrang pagod ang inabot ng grupo lalo na sina Jennylyn at Mark na hindi raw nakatulog sa biyahe.

Si Direk Louie Ignacio naman ay nagkasakit pagdating dito pero hindi ito naging hadlang sa naka-schedule na taping ng I Luv New York.

Birthday ni Direk Louie pag Abril 4 (Martes) at tuwing darating ang kanyang kaarawan ay nagkakasakit siya.

Sanay na raw siyang may sakit sa ganitong okasyon.

***

Pagkatapos makatulog at makapagpahinga nina Mark at Jennylyn ay ipinasyal namin ang dalawa (kasama ang asst. EP na si Nieva at ang talent handler ng dalawa na si Daryl Zamora) sa Times Square sa Manhattan at nag-treat kami ng dinner sa kanila sa Bubba Gump.

Namangha ang dalawang bida sa ganda at liwanag ng mga neon lights at billboards sa Times Square.

Hindi nila ininda ang manaka-nakang pag-ulan at feeling magsyota ang dalawa habang magkaakbay na naglalakad sa kahabaan ng Broadway at Seventh Avenue.

Naka-schedule na mag-first day taping sina Mark at Jennylyn ng I Luv New York nang Martes (Abril 4) sa Washington Square sa may New York University sa downtown Manhattan.

Dahil sa matinding buhos ng ulan ay na-pack-up ito. Pulos exterior kasi ang kukunan sana.

***

Noong umaga ng Abril 3 ay nag-umpisa nang magtrabaho ang production people ng I Luv New York at nagkukuha na sila ng establishing shots sa iba’t ibang lugar sa Manhattan.

Isa sa kukunan nila ay naroroon naman ang nagte-taping ang CSI, isang TV series sa Amerika, kaya napakaraming taong nag-uusyoso.

Ang production people ng I Luv New York na nasa NY ay sina Edlyn Tallada (executive producer), Nieva (associate producer), Perry Lansingan (asst. director), Direk Louie Ignacio, at ang PUM na si Redgie Magno.

Nang dumating kami sa hotel na tinutuluyan ng grupo ay subsob sa laptop si Redgie Magno sa paperworks ng production.

Hindi sila nagsasayang ng oras mula nang sila ay dumating. Malaki ang gastos nila rito at dollars at kaya dapat hindi masayang ang bawat araw na inilalagi nila rito.

***

Nakatakdang dumating dito nang Miyerkules (Abril 5) si Jolina Magdangal na nanggaling pa sa Dubai.

Ito ang reunion ng loveteam nina Marvin Agustin at Jolina na parehong may kani-kanya nang buhay.

Jennylyn Mercado may naiwang 'special someone'sa pinas

Alok Bati
Lolit Solis
4/4/06


Nung nakaraan Linggo,umalis sina Mark Herras at Jennylyn Mercado patungong Amerika para sa taping ng bagong soap nilang I LOve New York.

Dadaan muna daw sila sa San Francisco, California pagkatapos ay tutuloy na ng New York kung saan magkikita sila nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin. Bukas pa raw ang alis nina Jolina.

Iyak ng iyak ang mommy ni Jennylyn nang hinatid niya ang anak sa airport dahil first time na mapahiwalay sa kanila si Jen ng matagal-tagal. Ang daday naman ni Mark,gusto sanang sumunod pero wala pa yatang visa. Panatag naman daw ang loob nila dahil kasama ang staff ng soap at ang mga handler ng dalawa.

Ang hindi lang natin sure, kung pagbalik ba nina Mark at Jennylyn ay "sila na" o magkaaway na naman sila. Sabi naman ng dalawa, trabaho na lang para sa loveteam nila yun pero kung magkakabalikan, hindi raw nila masasabi. Pero tingin ko naman , hindi na dahil may kani-kaniya na silang love.

Sabi naman ni Mark friends lang sila ni Marian Rivera. Nagpaalam daw siya kay Marian at nagkausap sila. Pero ang Jennylyn, inaming meron siyang special someone na maiiwan.

Ang mensahe nga ni Jennylyn sa special someone niya, huwag daw mag-alala dahil safe naman siya at tiyak na magtatawagan o magti-text daw sila.

Naiintriga tuloy kami kung sino itong special someone ni Jennylyn,huh

Drama ni Jennylyn Mercado:Matagal na silang mag-on ng non-showbiz

Paistarrr
Alex Datu
4/3/06

Medyo nagulat kami sa sinabi ni Jennylyn Mercado na mayroon siyang boyfriend na non-showbiz guy.Matagal na silang mag-on pero nagawa nilang lihim ang kanilang relasyon dahil dalang-dala siya sa naging kinahinatnan ng relasyon nila ni Mark Herras na pinapiyestahan.

Kaya naman,what do we expect kundi ang sagot na "secret" and "no Comment" sa aming mga tanong regarding her secret lovelife. Natural, tinapos namin ang tsikahan na nagduda kung ini-echos lang kami ng aming kausap.

Tuesday, April 04, 2006

VINIA VIVAR
People's Tonight


Speaking of I Love New York, last Monday night ay nag-text si Jennylyn Mercado para ipaalam na lumapag na sila sa New York. Wala pang gaanong detalyeng ibinigay ang young actress since kararating lang nila, basta't ang nasabi niya, mahirap daw pala dahil kanya-kanya sila ng buhat ng mga gamit at walang ala-alalay.

Bago umalis si Jennylyn, nakapag-guest pa sila ni Mark sa Mel and Joey na inere last Sunday. Kinilig na naman ang fans nila sa sweetness na nakita sa magka-loveteam.

Ewan kung pakitang-tao lang sa parte ni Mark, pero ilang beses siyang nahuli ng camera na nilalambing ang ex-girlfriend habang masuyong nakaakbay. May eksenang hinihimas niya sa mukha si Jen at tinititigan nang pagkalagkit-lagkit.

Kung totoo ang sweetness na 'yun, we'd like to think na may feelings pa nga sila sa isa't isa at malamang na lalo itong mag-grow ngayong nasa States sila.

Well, abangan na lang natin dahil sila lang ang nakakaalam ng mga bagay na 'yan.




Wednesday, April 05, 2006
5:50:12 PM

Abante Tonite
Abu Tilamzik

Umalis na nung Linggo sina Mark Herras at Jennylyn Mercado patungong Amerika para sa taping ng bagong soap nilang I Luv New York.

Kasama ng dalawa si direk Louie Ignacio at tutuloy muna sila sa San Francisco, California bago sila mag-New York.

Bukas pa ang alis nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin pero deretso na sila ng New York at doon na sila magkikita.

Ang sabi ni Mark, friends pa rin sila ni Marian Rivera kaya hindi niya masasabing may espesyal na taong maiiwan dito bukod sa kanyang pamilya.

Iba ang statement ni Jennylyn dahil inamin niyang may special someone siyang maiiwan sa Maynila.

Ipinangako ni Jennylyn sa tinutukoy niyang special someone na babalik siya ng Pilipinas na sila pa rin.

Aminado ang dalaga na may puwang pa rin sa puso niya si Mark pero hanggang trabaho na lang daw ang sa kanila para sa kanilang loveteam.

Mukhang ganundin ang gusto ni Mark kaya mukhang malabo ‘yang pagbabalikan na sinasabi dahil sa pagsasama nilang muli sa bagong soap na ito.

Hindi na muna dinetalye ni Jennylyn kung sino itong special someone na maiiwan niya rito.

Non-showbiz daw ito kaya huwag na raw kulitin kung sino dahil sobrang private daw ang taong ito.

DAILY INSIDER
Dinno Erece
Taliba

SO sino na ang gaganap na Zsazsa Zaturnnah sa movie version nito?

Pre production na ang Regal Films for the film version of the award winning graphic novel turned successful musical stage play ni Carlo Vergara.

Truthfully, wala pang isang artista ang sure na gaganap sa tatlong main characters, kina Zsazsa Zaturnnah, kay Ada na baklang nakakuha ng mahiwagang bato at kay Dodong na magiging love interest nina Zsazsa and Ada although may ilang names being floated na rin.

Si Zsazsa, although it's a toss between Rufa Mae Quinto and Zsazsa Padilla, a third name came out, si Jennylyn Mercado. Magde-depende kasi ito sa availability ng mapipili as the shooting should start this month for its July play date.

Napipisil naman si Rustom Padilla to play the Ada role at nakipag-usap na nga ito kay Mother Lily Monteverde, Roselle Monteverde-Teo, Direk Manny Valera and director of the film Mark Meily, pero wala pang katiyakan over details.

For the role of Dodong, isang pangalan pa lang ang lumalabas, si Dingdong Dantes nga.

Mark at Jen, 'di insecure kina Jolens at Marvin
HOT SHOTS
Gerry OcampoPeople's
Tonight

ITINATWA nina Mark Herras at Jennylyn Mercado ang tsismis na insecure sila sa pagkakasama nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal sa I Love New York na kukunan sa Tate ngayong April.

Bagkus, masaya raw ang dalawa dahil makakasama nila ang nagbabalik-tambalang Jolens at Marvin.

Isang karangalan nga raw na makasama nila ang dalawa sa isang ginastusang teleserye ng GMA-7.Ayon pa sa dalawa, tama lang na mauna sa billing ang tandem nina Jolens at Marvin. Tutal, mas may napatunayan na ang mga ito, samantalang sila'y nagsisimula pa lamang.

Marami pa nga naman silang kakaining bigas bago mapantayan ang tinamasang tagumpay nina Jolens at Marvin.Isa pa, magiging mas kampante raw ang dalawa dahil kahit paano'y hindi sila mangangamba't hindi lang sa kanila sesentro ang istorya.

BOUT SHOWBIZ
Ni Nitz Miralles
Ang Pilipino STAR Ngayon
04/04/2006


Nakaalis na sina Jennylyn Mercado at Mark Herras for New York para mag-shoot ng I Love New York. Almost one month ang dalawa at mga kasama para mag-shoot for the said series. Ang inaabangan ng fans nila’y kung magkaka-totoo ang sinabi ni director Louie Ignacio na sa kanilang pagbabalik, nagkabalikan na ang dalawa.

Samantala, dahil sa series sa New York, hindi na kasama sa White Lady si Jennylyn. Hindi na mahintay ang pagbabalik niya’t kailangan nang mag-shooting dahil may playdate na ito. Kaya, hindi na magkasama sina Jennylyn at Pauleen Luna. Kundi rin mahihintay ang kanyang pagbabalik, hindi na rin sa kanya ibibigay ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita na originally ay siya ang bida.

Pero, maganda namang kapalit ng dalawang pelikula ang bagong series at libreng trip sa New York. Nagtrabaho na’y makakapamasyal at makakapag-shopping din si Jennylyn.

Jennylyn, imbyerna kay Jolina?
SUNTOK SA BUWAN
Ni Emy Abuan-Bautista
Ang Pilipino STAR Ngayon
04/04/2006


Nagtataka si Jennylyn Mercado kung saan nanggagaling ang intrigang naiimbyerna siya dahil ayaw nitong makasama sa teleseryeng I Love New York si Jolina Magdangal.

Mariin itong pinabulaanan ng aktres at sinabing nahihiya siya sa intriga dahil baka akalain ni Jolens na totoo nga ang balita. Mataas ang respeto ni Jenny sa magaling na actress-singer at gusto nga niyang makasama ito sa pelikula na nagkaro’n naman ng katuparan sa soap opera nga nila. Wala itong reklamo kahit mauna pa sa billing si Jolens.

Umalis noong Linggo ng gabi ang grupo ni Jennylyn minus ang ina-inahang si Mommy Lydia dahil maghahanda naman ito para sa birthday concert ng singer-actress sa Mayo 15 katulong si Becky Aguila.

Baka dumating si Jenny sa April 24 mula sa pagti-taping sa New York.

Monday, April 03, 2006

Juicy Corner


Mark-Jennylyn, a thing of the past REALLY?

Whoever behind the move to link Mark Herras and Jennylyn Mercado again is plain desperate. Mark is courting Marian Rivera, and is serious about the newcomer (for now). Now that the ex-sweethearts have a movie together, people are trying so hard to link them together.

IT's not going to happen.

It's like what happened to John Lloyd Cruz poured his heart out about being in love with Bea Alonzo. It's a publicity stunt for their last movie and to get Bea off the book of negative publicity.

Abante
Rey Pumaloy

Speaking of Mark Herras, hindi pa niya masiguro kung puwede nga silang magkabalikan ni Jennylyn habang nasa New York sila. Sabi ni Mark, trabaho lang ang dahilan kaya sila nagpunta sa New York.

Malakas ang pakiramdam namin na si Marian ang rason kung bakit tumatanggi si Mark na isaisip ang posibilidad na magkabalikan sila ni Jennylyn. Pero ayaw aminin ito ni Mark.

Sabi ni Mark, gusto niyang ipakita sa GMA 7 na worth siyang pagkatiwalaan ng ganitong project. Natutuwa si Mark at naging close uli sila ni Jennylyn.

Pero, sabi ng mga kaibigang manunulat ni Mark, imposible na wala nang emotional attachment sa kanila ni Jennylyn, lalo na at lumabas ang kanilang halikan sa isang celebrity magazine.

"Walang ibig sabihin ang kissing na ‘yun. Pinagbigyan lang namin ang mga fans. Tapos may nag-utos sa amin na gawin namin ‘yun sa harap ng kamera," say lang ni Mark. Tumangging sabihin ni Mark kung sino ang tinutukoy niyang staff na nag-utos na maghalikan sila ni Jennylyn. Baka raw lumaki ang isyu at baka magalit pa ang kanilang mga tagahanga rito.

Nakikiusap na rin ang aktor na huwag nang pag-usapan pa ang tungkol sa kanila ni Marian, para hindi maapektuhan ang team up nila ni Jennylyn. Ayaw na ring palakihin ni Mark ang isyung may nakakita sa kanila ni Marian na naghahalikan sa backstage ng Zirkoh Comedy bar noong may show sila rito.

Imbiyerna
VINIA VIVAR
People's Tonight

Ngayong 10 p.m. ng gabi ang alis nina Jennylyn Mercado at Mark Herras papuntang New York para mag-taping ng TV series nilang I Love New York.

Kasabay nilang aalis si Marvin Agustin at susunod na lang si Jolina Magdangal pagkatapos ng show sa Dubai.

Bago umalis si Jennylyn ay gusto niyang linawin ang lumabas na balitang imbiyerna siya kay Jolina Magdangal at hindi niya gustong makasama sa soap opera.

Ani Jen, nakakahiya naman daw kay Jolina na may mga lumalabas na ganitong balita. Huwag naman daw sana silang pag-awayin dahil kaibigan niya ito at nakasama na sa pelikulang Lovestruck.

Okay daw sa kanya na pagsama-samahin silang apat at kahit sino pa ang makasama niya ay wala raw magiging problema.

Pati sa billing ay walang problema kung mauuna sina Jolina at Marvin dahil mas senior naman daw sa kanila ni Mark ang dalawa. "Management na po ang bahala sa ganyang bagay dahil sila naman ang mas nakakaalam. Wala pong problema sa akin," say ni Jen.

Almost one month magti-taping sa New York ang grupo at maiiwan naman dito ang kanyang inang si Mommy Lydia na habang wala ang anak ay magiging abala naman sa preparasyon para sa nalalapit na birthday-concert nito sa May 15 sa Music Museum sa tulong ng manager na si Becky Aguila.

May titulong Music & Me ang first solo concert ni Jen at kumpirmado nang guests sina Mark Herras, Janno Gibbs, Aiza Seguerra at Hale.

Sa mga nagtatanong kung nagkabalikan na sina Jen and Mark, ayon kay Jen ay hindi raw at good friends na lang daw talaga silang dalawa ngayon.

Mark-Jennylyn, a thing of the past REALLY?

Juicy Corner
4/3/06



Whoever behind the move to link Mark Herras and Jennylyn Mercado again is plain desperate. Mark is courting Marian Rivera, and is serious about the newcomer (for now). Now that the ex-sweethearts have a movie together, people are trying so hard to link them together.

IT's not going to happen.

It's like what happened to John Lloyd Cruz poured his heart out about being in love with Bea Alonzo. It's a publicity stunt for their last movie and to get Bea off the book of negative publicity.

LOVERS IN NEW YORK

IF I KNOW
By Aster Amoyo
People's Journal


ERSTWHILE loveteam Jolina Magdangal and Marvin Agustin will be reunited in GMA 7's upcoming TV series I Love New York, which also stars the tandem of estranged sweethearts Jennylyn Mercado and Mark Herras.

Sixty percent of the series directed by Louie Ignacio will be shot in New York, USA; the remainder will be taped in Manila. The cast will stay in New York for almost a month.

While there, Jolina will definitely have a chance to meet up with her lawyer boyfriend Bebong Muñoz, who is based in the US. Jennylyn and Mark will have the opportunity to rekindle their special friendship, which might lead to their reconciliation.