Thursday, April 13, 2006

Nawala ang ‘White Lady’ pero nakuha naman ni Jennylyn ang ZsaZsa Zaturnah kay Rufa Mae!

Ang Pilipino STAR Ngayon 04/13/2006
Reggee Bonoan

At dahil nasa New York City sina Jennylyn Mercado at Mark Herras ay nawala sa kanila ang project na White Lady, pero mas maganda naman ang kapalit nito dahil ang aktres na ang gaganap na ZsaZsa Zaturnah na intended for Rufa Mae Quinto.

Ang pagiging sobrang busy ni Rufa Mae ang dahilan kung bakit nagbago ang isip ni Mother Lily na sa kanya ibigay ang project dahil katwiran ng Regal Matriarch ay may hinahabol din siyang playdate.

At si Jennylyn ang naisip niya with Mark at Dennis Trillo, yan ay kung hindi uli magbabago ang plano ng lady producer.

Kaya sa story conference ng White Lady ay inalam namin kay Ms. Roselle Monteverde-Teo kung confirmed nang si Jennylyn ang ZsaZsa Zaturnah at ang sagot sa amin, "Yes, I think so, we are still waiting for the confirmation of GMA 7" dahil nga Kapuso talents ang tatlo.

Kung hinihintay ang sagot ng GMA, paano kung maki-joint venture na naman ang GMA Films sa Zsa Zsa Zaturnah?

"At, hindi ko alam kay Mother, ask mo na lang siya, wala na akong maisasagot dyan," natawang sagot ni Roselle na alam na agad ang punto namin.

Si Marky Ang Bago Ni Jennylyn

c/o cat_marcelo

Si Marky Ang Bago Ni Jennylyn
Bulgar

Mukhang mabibigo ang maraming umaasa na magkakabalikan sina Mark Herras at Jennylyn Mercado sa New York dahil as we write, ganun pa rin ang sitwasyon sa magka-loveteam---good friends. A

lam naman siguro ng lahat na may kani-kaniyang "labs" ang dalawa. Si Mark, naiwan si Marian Rivera at si Jennylyn naman, na bagama't ayaw niyang ireveal sa public kung sino, very vocal naman siya sa pagsasabing may special someone siya ngayon and we wonder kung si Marky Cielo ba ang kanyang tinutukoy.

Sa Startalk last Saturday, habang iniinterbyu ni Lorna Tolentino si Jennylyn via phone patch, nasa likod ang Final Four ng Starstruck 3 at sumasagot ng phone calls. Kitang-kita sa screen na panay ang kalabit ni Gian Carlos habang kausap ni LT si Jen, nangangantiyaw baga.

May mga bali-balita kasing nanliligaw talaga si Marky kay Jen ngayon. But then, ayon nga sa young actress, ay non-showbiz ang kanyang special someone, so paano na ang Sole Survivor ng Startruck 3?

Anyway, back to Jen and Mark, good thing wala naman kaming nababalitaang nag-aaway ang dalawa sa New York. Masyado silang enjoy sa work para isipan pa nag mga tampuhan sa ngayon. Besides, wala na naman silang dapat pag-wayan, 'di ba naman?

Tuesday, April 11, 2006

HOT 'n SPICY
Vinia Vivar
People's Tonight

Bago umalis si Jolina Magdangal patungong New York para mag-taping ng I Love New York with Mark Herras, Jennylyn Mercado and Marvin Agustin ay nakiusap siya sa mga fans nilang apat na huwag naman daw mag-away-away.

Ani Jolina, wala raw silang problema ni Jennylyn at close nga raw sila dahil parang ate ang tingin nito sa kanya.

"Sa halip na mag-away kayo, mag-join forces na lang kayo para sa ikatatagumpay ng soap," mensahe ni Jolens sa kanilang fans.

Pero mukhang hindi masusunod ang kahilingan ni Jolina dahil up to now, nag-aaway-away pa rin sa Internet ang Mark-Jen and Marvin-Jolina fans.

Pero ang nakatutuwa, habang nagbabangayan ang kanilang fans, ang mga idolo naman nila'y magkakasundo at enjoy na enjoy sa New York.

HOT 'N SPICY
Vinia Vivar
People's Tonight


Balitang pinalitan na sina Mark Herras at Jennylyn Mercado sa pelikulang White Lady ng Regal Films na malapit nang simulan. Ang original cast nito, bukod sa dalawang stars na nabanggit, ay si Pauleen Luna bilang white lady.

Ngayon, ang bida na raw ay sina Pauleen at JC de Vera, at ang gaganap naman na white lady ay si Angelica Panganiban na.

Pinalitan daw sina Mark at Jen dahil may conflict sa I Love New York soap opera, na kasalukuyang tine-tape sa NY.

Mukhang hindi pa alam ni Jennylyn at Mark ang tungkol dito, dahil as we write ay nasa New Jersey daw sila't namamasyal dahil off nila sa work.




Tuesday, April 11, 2006
6:57:42 P

Monday, April 10, 2006

Jennylyn Mercado, mabenta sa mga Kano sa New York!

Jolina Magdangal, clapper sa 'I Love New York'!



Balitang New York pa rin tayo ngayon.Dumating na rito sa New York si Jolina Magdangal kasama ang daddy at mommy niya noong Huwebes ng umaga mula sa Pilipinas via San Francisco.

Kinagabihan ay nag-report na sa set si Jolens sa gitna ng naglalakihan at maliliwanag na billboard sa Time Square. Doon na lang sila nagkita ni Marvin Agustin at bale ito ang balik-tambalan nila.

Sobrang excited si Jolens nang mag-report sa set ng I Luv New York. Hindi niya ininda ang pagod ng biyahe kahit sandali pa lang siyang nakakapahinga at sobrang lamig ng panahon dito kahit springtime, ha.
Inabot ng ala-una ng madaling-araw ang first taping day nina Jolens at Marvin.

Sa second day ng taping nina Jolens at Marvin, kasama na sina Mark Herras at Jennylyn Mercado. Aliw na aliw nga kami kay Jolens, dahil maaga siyang natapos sa taping, pero hindi pa siya umuwi agad sa hotel na tinutuluyan nila.

Aba, nagbabad siya sa taping nina Mark at Marvin at nagprisinta pa na maging clapper. Kaya tawa nang tawa sa kanya si Direk Louie habang pumapagitna tuwing kukunan ang mga eksena nila.
Noong umaga naman ay ang mga eksena nina Mark at Jennylyn ang kinunan sa kahabaan ng 5th Avenue. Kahit maraming naglalakad na mga tao sa kahabaan ng 5th Avenue ay hindi naman ito naging sagabal sa taping. Nakakatuwa nga dahil may mga Amerikano na tumitigil at nakikiusyoso sa taping. Minsan ay may nagpapa-picture at nagpapa-autograph pa kay Jennylyn na mga Kano.

Siguro, nagagandahan sila sa magandang aktres natin.

Gaya nang unang naisulat namin, wala naman naging problema sa taping dahil lahat ng ginagalawan nila ay may permit mula sa city of New York.

Excited din si Direk Louie Ignacio at ang kanyang Asst. Director na si Perry Lansing dahil sa dami ng nakikita nila sa paligid ng Manhattan. Maraming ideas na pumapasok sa kanilang mga utak na lalong ikinagaganda ng mga shots para ipakita ang kagandahan ng New York City. Hindi sila napapagod sa kaiikot sa Manhattan para makunan ang magagandang lugar sa nasabing siyudad.

Tuwang-tuwa naman siyempre ang PUM ng show na si Redgie Magno sa outcome ng kanilang mga taping dito. Masayang-masaya si Redgie dahil maganda rin ang rating na nakukuha ng Majika (nina Dennis Trillo at Angel Locsin), na siya rin ang in-charge.

Abante Tonite
Jun Nardo

Si Jennylyn Mercado na kaya ang lalabas na Zsa Zsa Zaturna sa movie version nito na gagawin ng Regal Films? Kung totoo, hihintayin ng Regal ang pagbabalik ni Jennylyn mula sa New York kung saan may teleserye itong ginagawa roon.

Anyway, sa balitang pagtanggi ni Rustom Padilla sa project, kay Dennis Trillo pa rin daw nakatuon ang pansin ni Mother Lily para lumabas na bading na alter ego ni Zsa Zsa.

Subalit atubili pa rin ang manager ni Dennis na si Popoy C kung tatanggapin ang project. Pati kami ay tinanong ni Popoy tungkol dito.

Sa ganang amin ay huwag nang tanggapin ni Dennis ang role dahil hindi ito tulad ng Aishite Imasu niyang project. Huwag lang niyang isara ang mundo sa ganitong role na siyang nagbigay ng rekognisyon sa kanya bilang magaling na aktor, huh!

Oo nga pala, bida si Dennis sa pelikulang Pamahiin.

JENNYLYN MERCADO, MABENTA SA MGA KANO

c/o mommy cathy of igma


Noong umaga naman ay ang mga eksena nina Mark at Jennylyn ang

kinunan sa kahabaan ng 5th avenue. Kahit maraming naglalakad na mga

tao sa kahabaan ng 5th Avenue ay hindi naman ito naging sagabal sa

taping. Nakakatuwa nga dahil may mga Amerikano na tumitigil at

nakikiusyoso sa taping. Minsan ay may nagpapapicture at nagpapa-

authograph pa kay Jennylyn na mga Kano.

Siguro, nagagandahan sila sa magandang aktres natin.


-Joe Barrameda