Saturday, April 22, 2006

DREAM
Ed de Leon
Taliba

TALAGANG ipinagpipilitan pa rin nila na nag-reconcile na sina Jennylyn Mercado at Mark Herras. Kasi, nakita nila ang puwersa ng love team ng dalawang iyan. Kumita pati ang kanilang ginawang pelikula.

Pero, noong mag-split sila, kagaya ng inaasahan, bumaba nang kaunti ang popularidad ni Jenneylyn, samantalang si Mark Herras tila naapektuhan na talaga ang career.

Ngayon, may ginagawa silang isang television series, at alam naman nila na kakagatin lang iyon ng publiko kung mapapalabas na mag-on ulit ang dalawa.

Kahit naman kasi sabihin nila na okey ang trabaho nina Jennylyn at Mark, kahit hindi sila magkasintahan in real life, mukhang matabang pa rin sila sa mga tao. Kaya nga siguro ngayon, pinipilit na naman ng kanilang drumbeaters na mag-on ulit sila.

ISYU AT BANAT
Ni Ed De Leon
Ang Pilipino STAR Ngayon
04/22/2006

Naniniwala kaming mahuhusay namang artista sina Jennylyn Mercado at Mark Herras, at naniniwala rin naman kaming magugustuhan sila ng kanilang mga fans kahit na hindi pa sila magpanggap na mag-on ulit. Hindi natin maikakaila na talagang malakas ang kanilang love team. Napakita nga nila ang isang pelikula eh. Pero kung talaga namang magaling silang artista, hindi na dapat pang gumawa ng gimmick at palabasing nag-reconcile sila para lamang mapansin ang ginagawa nilang teleserye.

Noon namang nakaraang mga panahon, marami rin ang magkaka-love team na hindi talagang nagliligawan sa tunay na buhay, at nagawa rin naman iyong tanggapin ng publiko. Depende na nga kasi iyan sa kanilang kahusayang umarte eh. Hindi naman kailangang maging totohanan ang relasyon para magustuhan ng mga tao ang isang pelikula o isang teleserye.

Napansin lang namin, masyadong hard sell ang ginagawa nilang gimmick na nagkabalikan sina Jennylyn at Mark Herras. Hindi kami naniniwala riyan. Hindi ganoon kadaling mag-reconcile ang dalawang iyan, lalo na’t ikinakaila man nila, mahirap talagang ilihim na nasaktan si Jennylyn sa kanilang naunang relasyon.

Siguro napipilitan naman silang gawin iyon, dahil lalo namang hard sell kung ang pipilitin nilang mai-link sa isa’t isa ay sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal.

Friday, April 21, 2006

Abante
Billy Balbastro
04/21/06

Even though she enjoys the excitement of New York City where she is taping I Luv New York with Mark Herras, Jolina Magdangal and Marvin Agustin, Jennylyn Mercado looks forward to be home on the last days of April.

After all, May is an all-important month for Jennylyn who marks her 19th birthday on May 15.
Moreover, she has also set the end of May as the opening of her business, Jen’s Boutique.
Jennylyn’s birthday concert on May 15 will be at the Music Museum. She will have guests like Janno Gibbs, Aiza Seguerra, Mark Herras and the Hale band.

Her concert title is Music in Me.

Jen’s Boutique will have it’s opening on May 27 at Finds Department Store at Starmall, EDSA. Jen’s Boutique will carry her designs and fashionable dresses, skirts, blouses and some varied accessories.

We hope Jen’s Boutique will succeed so that Jennylyn Mercado can be regarded as a good example to the youth for investing her earnings wisely.

RATED A
Ni Aster Amoyo
Ang Pilipino STAR Ngayon
04/21/2006

Although very inviting ang weather sa New York, USA ngayon dahil malamig (Spring) at isang buwan silang magkasama dahil sa taping ng I Luv NY, hindi ito dahilan para magkabalikan ang dating magkasintahang Jennylyn Mercado at Mark Herras dahil pareho na umano silang nakapag-move on. Hindi kaila sa lahat na tutok si Mark sa panliligaw kay Marian Rivera habang si Jennylyn naman ay meron na umanong bagong inspirasyon na hindi taga-showbiz.

May suspetsa rin ang marami na may unawaan na sina Mark at Marian dahil pinagseselosan umano ni Mark ang pagiging close nito kay Dennis Trillo. Iisa kasi ang manager nina Dennis at Marian, si Popoy Caritativo kaya natural na maging close ang dalawa.

Sa katapusan ng Abril ang balik ng tropa galing New York.

Thursday, April 20, 2006

Abante
Dondon Sermino
04/20/06

Nasa romantikong New York City pa rin hanggang ngayon sina Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Jennylyn Mercado at Mark Herras. Patuloy pa rin sila sa taping ng I Luv NY.

Malaking challenge nga sa kanila ang taping dahil sa malamig na panahon. Pero, dahil sa mainit na samahan daw ng apat, hindi ito naging mahirap sa kanila.

Sa totoo lang, maganda rin ‘yung may mga ganitong palabas sa TV, dahil nagiging aware ang mga Pinoy sa itsura ng ibang bansa, ‘di ba? Say nga ng GMA, first time ito sa Philippine primetime TV soap, na world-class location ang ginamit na backdrop.

At sa totoo lang, masuwerte ang apat na ito dahil pinagkatiwalaan sila ng GMA Network, ha! Aba, para gastusan sila ng GMA 7, dapat lang na doblehin nila ang sipag at pasasalamat nila, ‘no!

Abante Tonite
Billy Balbastro
04/20/06

Kahit nasa US pa si Jennylyn Mercado para sa taping ng I Luv NY ng Siete, pinaghahandaan na ng mga taong close to her ang kanyang birthday concert sa Mayo 15.

Remember last year, ginanap ito sa Virgin Café? Ang Zirkoh Timog ang unang kinontak nila pero hindi natuloy ang usapan.

This time, ang birthday concert ni Jennylyn ay sa Music Museum na.

Music in Me ang pamagat nito at kasama rito sina Janno Gibbs, Mark Herras, Aiza Seguerra at Hale band.
Ang punong abala ngayon dahil wala pa si Jennylyn dito ay si Becky Aguila na manager niya.

Naiyak sa Encantadia

SUNTOK SA BUWAN
Ni Emy Abuan-Bautista
Ang Pilipino STAR Ngayon
04/20/2006

Sa pagtatapos ng Encantadia ay di mapigilan ni Jennylyn Mercado na mapaiyak dahil napamahal sa kanya ang telefantasya.

"Dito kasi nahasa ang acting ko at nagkaroon ako ng isang pamilya dahil naging kaibigan ko sina Sunshine Dizon, Iza Calzado, Diana Zubiri at Karylle. Para kaming magkakapatid na nagsasabihan ng problema kaya mami-miss ko silang lahat. Iba talaga ang bonding na nabuo namin para sa isa’t isa," aniya.

Mystery Guy

Mystery guy
VINIA VIVAR
People's Tonight

Iri-reveal na nga ba ni Jennylyn Mercado kung sino ang non-showbiz boyfriend sa kanyang birthday concert sa May 15 at the Music Museum?

Sa kasalukuya'y nasa New York pa ang young actress at nagti-tape ng TV series nila ni Mark Herras, Jolina Magdangal and Marvin Agustin na I Love New York.

Pero bago umalis ng 'Pinas, ni-reveal na niyang may maiiwan siyang boyfriend. She wouldn't tell nga lang kung sino ito. Basta't non-showbiz daw ang guy.

Sa New York, balitang lagi rin daw kausap at ka-text ni Jen ang non-showbiz bf. Nagbigay pa siya ng mensahe sa guy sa isang phone-patch interview ng isang talk show:

Hintayin daw ang pagbabalik niya. Marami na tuloy ang naku-curious kung sino ang mystery guy sa buhay ni Jennylyn.

Pero say ng young actress-singer, mas maganda raw kung hindi na muna niya ilalantad ang identity ng boyfriend para walang intriga. Puwede ba naman 'yun, eh, public property siya?

Marami talaga ang nag-aabang kung sino ang masuwerteng lalaki na ipinalit niya kay Mark, kaya tiyak na kukulitin siya ng reporters kung sino ang boyfriend niya.

Well, for sure sa birthday concert ni Jen ay hindi puwedeng mawala sa audience ang non-showbiz guy na ito, kaya abangan na lang natin.

Anon'g malay n'yo, baka doon i-announce ng Ultimate StarStruck Survivor 1 kung sino ang bagong pag-ibig. 'Yan naman ay kung sila pa rin sa May 15, huh?

----------------

First posted 09:26pm (Mla time)
April 19, 2006
By Dolly Anne Carvajal
Inquirer

Jennylyn Mercado will have a birthday concert on May 15 at Music Museum—“The Music in Me,” with guests Janno Gibbs, Aiza Seguerra, Mark Herras and Hale. It will be her first venture as a producer. Will she finally reveal her special someone (a non-show biz guy) during the concert? Jen is also set to open her boutique, featuring her own fashion line, “Ms Jennylyn” at Star Mall on May 27. Many guys out there dream of making her “Mrs. Jen” but that will have to wait. This wise pretty miss does not want to miss out on all the opportunities fate is throwing her way.

Wednesday, April 19, 2006

Mark at Jennylyn, sabay na nagkasakit

Abante Tonite
Joe Barrameda
4/19/06

Na-pack-up ang taping ng I Luv NY noong Easter Sunday sa New York dahil nagkasakit sina Mark Herras at Jennylyn Mercado.

Opo! Maski sa pagkakasakit ay sabay ang dalawa at nagdadamayan.

Sa hotel muna sila habang nagpapagaling.

Syanga pala, gusto namin i-correct ‘yung nasulat namin kung saan nagte-training si Bebong Muñoz (bf ni Jolina Magdangal).

Naisulat namin na sa Michigan nagte-training si Bebong, pero sa Saint Paul, Minnesota pala.

Umalis na si Bebong noong Linggo sa New York para balikan ang job training niya sa Saint Paul.

***

Masarap na mahirap ang mag-taping sa ibang bansa lalo na kung sanay ang production people sa dami ng mga tao na nagtutulung-tulong sa isang proyekto para sa ikagaganda nito.

Napaka-unpredictable ng weather dito sa New York City. Minsan ay mainit at napakataas ng temperature. Hindi pa nagtatagal ay biglang lalamig, lalo na kapag umiihip ang hangin.

Ganyan ang nararanasan ng mga taong bumubuo ng taping ng I Luv NY. Nagiging consolation na lang sa kanila ang klima rito tuwing makakabalita sila sa sobrang init ngayon sa Pilipinas.

Sabi nga namin ay hahanap-hanapin nila ang lamig sa New York kapag nakabalik na silang lahat sa Pilipinas.

Gayun pa man ay hindi ito naging hadlang sa araw-araw na trabaho nila rito na minsan ay inaabot ng madaling-araw. Ganyan ang dedikasyon nina Mark, Jennilyn, Jolina at Marvin (Agustin). Kahit nangangatog na sila sa lamig ay nagagampanan pa rin nila nang buong husay ang kanilang mga eksena sa I Luv NY.

Maski sina Direk Louie Ignacio, Perry Lansigan, Edlin Tallada, si Nieva at ang PUM na si Reggie Magno ay subsob sa pagpapatakbo ng taping at sa tulong din ng New York crew.

Mark, Jennylyn ‘lovey dovey’ in NY

FUNFARE By Ricardo F. Lo
The Philippine Star 04/19/2006


On the home front, the "drama" of Mark Herras and Jennylyn Mercado is that they are "off" after a ho-hum ritual of breaking up and making up and breaking up and... oh, well!

But in The Big Apple where they are shooting I Luv New York, a new GMA teleserye also starring Marvin Agustin and Jolina Magdangal, Mark and Jennylyn’s "drama" is something else.

According to the Funfare DPA who frequents the Perlas ng Silangan restaurant on Roosevelt Avenue in Queens, New York, owned by Nel Castellvi (nephew of former actor Romano Castellvi, whom I met two years ago when the The Champions had a concert in New Jersey), Mark and Jennylyn act as if they’re still "on."

"The GMA stars and crew often take their meals at Perlas ng Silangan," said the DPA who drew from Nel the following "revealing" observations. "I want to make it clear that Nel is clueless about Mark and Jennylyn, or that Mark and Jennylyn were ever sweethearts and are reported in Manila to have broken up."

According to Nel, Mark and Jennylyn are very close and very sweet to each other – lovey-dovey pa nga daw.

When I asked Nel if he saw signs that the relationship of the two young stars has fizzled out, Nel (who now knows better) said, "Anong break? They are always together, always seated beside each other and are always holding hands. They never separate from each other, lagi silang magkadikit. But there’s nothing wrong kung sila talagang dalawa. Bagay sila."

Nel also observed that the two seemed to be "inspired."

"They are nice, mababait sila," said Nel. "They even entertained their fans."

The DPA said that the shoot will wind up on April 26. Jasmine Trias, who was in New York for a concert with the South Border, did a "guest" scene for the teleserye, 60 percent of which was shot in New York and the rest in Manila.

I Luv New York reunites Marvin Agustin and Jolina Magdangal who have been separated for several years. Marvin has twin love children with his non-showbiz girlfriend while Jolina is going steady with lawyer Bebong Muñoz who is based in Missouri.

Tuesday, April 18, 2006

HOT SHOTS
Gerry Ocampo
People's Tonight

Malabo na raw magkabalikan pa sina Mark Herras at Jennylyn Mercado dahil inamin na ng huli ang tungkol sa special someone niya na non-showbiz.

Kahit anong pilit sa dalaga, tikom ang bibig niya sa tanong kung sino ang guy na ipinalit kay Mark. Higpit din ang pakiusap niyang huwag na lang siyang pilitin dahil hindi niya talaga sasabihin ang pangalan ng guy.

Dagdag pa ni Jen, mananatili silang magkaibigan ni Mark kahit ano pa ang mangyari. Diyos lang daw ang nakaaalam kung magkakabalikan pa sila o hindi na.

Samantala, malakas ang paniwala ng Mark-Jen fans na sila pa rin ang magkakatuluyan kahit may kanya-kanya na raw silang mahal sa buhay ngayon.

Gaya ng nababalita, super sweet nga raw ang dalawa habang nagte-taping ng I Love New York sa New York City. Halos isang buwan silang magsasama doon, kaya umaasa ang followers nila na may manunumbalik sa mga idolo nila.

Anyway, kasama rin nina Mark at Jennylyn sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa I Love New York.

Jun Lalin
Abante Tonite
04/18/06

Abala si Jennylyn Mercado sa taping ng I Luv New York nila nina Mark Herras, Marvin Agustin at Jolina Magdangal sa New York, pero palagi pa rin siyang nagtse-check tungkol sa birthday concert niya na Music in Me (gaganapin sa Mayo 15 sa Music Museum).

Si Jennylyn ang prodyuser ng concert na ito, kaya aligaga siya sa pagtse-check tungkol dito.

"First time ni Jen ito na magprodyus, kaya lahat ng bagay, eh, inaasikaso niya," sey ni Becky Aguila, Jennylyn’s manager.

Guests sa birthday concert ni Jennylyn sina Mark Herras, Janno Gibbs, Aiza Seguerra at ang bandang Hale. Available sa Music Museum at Ticketworld ang tickets nito.

Bukod sa pagpoprodyus ng concert, may iba pa ring negosyong bubuksan si Jennylyn katulad ng Ms. Jennylyn boutique sa Finds Department Star sa Star Mall sa Edsa, Mandaluyong.

Si Jennylyn daw mismo ang magde-design ng mga damit na ibebenta sa boutique niya.

Sabi pa ni Becky Aguila, very proud siya kay Jennylyn dahil good example raw si Jennylyn ng kabataang artista na kumikita at alam i-invest wisely ang pera na pinaghihirapan nito.

Producer Na Negosyante Pa

SUNTOK SA BUWAN
Ni Emy Abuan-Bautista
Ang Pilipino STAR Ngayon 04/18/2006

Nag-text sa amin si Becky Aguila para ibalita na pagbalik ni Jennylyn Mercado mula sa Amerika kung saan nagti-taping sila dun ng I Luv NY ay maghahanda naman ito sa kanyang major birthday concert na gagawin sa May 15 sa Music Museum. Magiging guest niya si Janno Gibbs na naka-duet nito sa kanyang second album na naglalaman ng theme song ng Moments of Love (The Movie).

First venture ni Jennylyn bilang producer ang concert kung saan kasama rin sina Mark Herras at Aiza Seguerra.
Bukod sa pagiging prodyuser ay magbubukas na rin ang young actress ng Jennylyn’s boutique sa Starmall (Edsa) kung saan ipo-focus ang kanyang mga sariling designs on fashion dresses, skirts and blouses at affordable lang ang prices ng mga ito.

Umaasa ang aktres na magiging matagumpay siya sa pinasok na negosyo.

Re: Jen's Birthday Concert

c/o denise_cf

VINIA VIVAR
People's Tonight

HABANG wala si Jennylyn Mercado at nagti-taping ng I Love New York sa USA, abalang-abala naman ang kanyang manager na si Becky Aguila at inang si Mommy Lydia sa paghahanda para sa nalalapit na concert ng young actress-singer.

Gaganapin sa May 15 ang concert at excited na raw si Jen dahil bukod sa first solo concert niya ito, birthday concert pa. May titulong Music and Me at gaganapin sa Music Museum, co-venture ito ng young actress at kanyang manager.

Matagal na hinintay ni Jennylyn ang concert na ito. Matatandaang last year pa ito nakaplano, pero laging napo-postpone dahil sa busy schedule ng bagets.

Ngayon ay 100 percent sure na tuloy na ito and in fact, puwede na nga raw magpa-reserve ng tickets sa Music Museum at sa Ticket World or call Becky Aguila's office at 932-8261/64.

Monday, April 17, 2006

c/o mommy cat

Vinia Vivar
Bulgar

Grabeng magmahal ang mga fans ni Jennylyn Mercado. Would you believe na ang mga tagahanga niya sa Canada ay gumastos pa na pumunta sa New York para makita lamang ang idolo nila?

Plani nilang maka-bonding si Jennylyn sa New York pati na rin ang ibang fans ng young actress-singer na naroon sa Tate. Last Saturday sila naka-schedule na magkita-kita at sila pa mismo ang gagastos sa get-together.

Masuwerte si Jennylyn sa kanyang mga fans kaya naman sinusuklian din niya ang paghihirap ng mga ito.

Sa kabila ng kanyang hectic schedules, talagang pinaglalaanan din niya ng oras para makasama ang mga tagahanga dahil naniniwala siyang kung hindi dahil sa mga supporters niyang ito ay wala siya ngayon sa kanyang kinalalagyan.

In fact, bago umalis dito sa Pinas si Jen ay nagpadespedida party pa siya para sa kanyang mga tagahanga.

Samantala, isang linggo na lang at matatapos na ang taping ng I
Love New York kaya inuumaga sa taping ang cast kung saan kasama ni Jennylyn sina Mark Herras, Jolina Magdangal at Marvin Agustin.

Pagdating ng young actress ay ang preparations naman para sa kanyang first solo concert ang haharapin niya.

Music and Me ang titulo ng kanyang concert na gaganapin sa May 15 sa Music Museum kasabay ng kanyang kaarawn. Kumpirmado ng guests sina Mark Herras, Janno Gibbs Aiza Seguerra, Hale at isa pang sikat na male singer na ayaw oang i-reveal kung sino.

Ang mga interesado ay puwede ng magpa-reserve ng tickets sa Music Museum at sa lahat ng Ticket World outlets.