Saturday, May 06, 2006

Jennylyn, nag-iimbita sa birthday!

c/o jeanilyn_qt

Veronica R. Samio
Ang Pilipino STAR Ngayon
05/06/2006

Walang pagkakataong magpahinga si Jennylyn Mercado kahit kararating lamang niya mula sa isang buwang pagti-taping ng bagong serye ng GMA7 na I Luv NY na kinunan pa sa US. Pagkarating na pagkarating niya ay sabak agad siya sa trabaho para paghandaan ang nalalapit niyang first major birthday concert na magaganap sa May 15, 3NH sa Music Museum. Makakasama niya sina Janno Gibbs, Mark Herras, Aiza Seguerra at ang bandang Hale. Kahit na siya ang celebrator, naghahanda si Jennylyn ng mga regalo at giveaways para sa kanyang mga fans, friends at mga lucky patrons. Kung like n’yong mag-watch, buy kayo ng tickets sa Music Museum, National Bookstores, Robinson’s Galleria at Starmall Edsa.

Mark, Jenny still love each other

c/o jeanilyn_qt


MAGKAIBA ng version nina Joe Barrameda at Lhar Santiago na nag-cover sa taping ng “I Luv NY” tungkol sa nangyari kina Mark Herras at Jennylyn Mercado habang nasa New York sila. They stayed there for almost a month at may nagtatanong kung nagkabalikan daw ba ang ex-sweethearts. Saksi ang dalawang mediamen sa super sweetness nina Mark at Jennylyn. Off-camera, panay raw ang lambingan ng dalawa,as if walang break-up na nangyari. Sila pa nga raw ang nahihiyang tumingin sa dalawa na walang pakialam magharutan sa harap nila. Too sweet for comfort daw sa isa’t isa sina Mark at Jennylyn na wala silang nakitang nagkailangan ang dalawa kahit noong mga unang araw nila sa New York.But then, tingin ni Joe Bar, hindi nagkabalikan sina Mark at Jennylyn. Kung naglalambingan man daw ang dalawa, walang malisya ’yon at friends na lang daw ang mga ito.Iba naman ang pakahulugan ni Lhar sa nakita niyang sweetness nina Mark at Jennylyn. Babe o Baby pa nga raw ang tawagan ng dalawa. Noong pareho silang nagkasakit, they took care of each other. Feeling ni Lhar, nagkabalikan sina Mark at Jen. Baka raw inililihim lang nila ’yon. “Feel ko, mahal pa rin nila ang isa’t isa,” ani Lhar. Whatever, only Mark and Jennylyn can tell what’s the real score between them. Sa May 15 na ang pilot telecast ng “I Luv NY” sa GMA-7. It also stars Jolina Magdangal and Marvin Agustin. (Rowena Agilada)

Friday, May 05, 2006

Jennylyn sets show at the Music Museum

Many people know Jennylyn Mercado as an actress who gained critical acclaim in the Metro-Filmfest entry Blue Moon.

Now, she will prove that she has what it takes to be a good singer.

Jennylyn will have another meaningful celebration as she thanks friends and fans by marking her 19th birthday via a concert dubbed Music in Me on May 15 at the Music Museum.

It's the Starstruck winner's first major concert and she has invited friends Janno Gibbs, fellow Starstruck winner Mark Herras, Aiza Seguerra and Hale to perform and add spice to the event.

Jennylyn refuses to reveal who her surprise guest is. But she assures fans they will have fun the whole night long.

"Its going to be a party," she promises.

Tickets are available at all National Bookstore branches, Robinsons Galleria and at Starmall EDSA.

Jennylyn has just arrived from the US where she shot I Luv NY, a teleserye with Mark Herras and Jolina Magdangal.

Jennylyn now a concert producer

PRODUCER na rin si Jennylyn Mercado. Nag-put up siya ng Jennylyn Mercado Productions at first venture ang kanyang first major solo concert na ga-ganapin sa Music Museum on May 15, coinciding with her 19th birthday.



Dream come true ito for Jen dahil matagal na niyang planong mag-produce ng kanyang concert na parating nauudlot dahil may conflict sa schedule.

"Music in Me" ang title ng birthday concert ni Jen at co-producer niya ang manager niyang si Becky Aguila. Siya rin ang pumili ng guests – sina Janno Gibbs, Aiza Seguerra, Hale, Mark Herras at isang surprise guest. Si Perry Lansigan ang director. Isa sa highlight ng concert ay ang dirty dancing nina Mark at Jen na aniya, "Dirting-dirty talaga. Basta abangan n’yo ang gagawin namin."

Since she’s turning 19, a different Jennylyn Mercado ang mapapanood, ayon sa kanyang manager. A little bit daring ang mga outfit ni Jen. About 20 songs or so ang kakantahin niya at may duet siya with her guests.

Birthday wish niyang sana’y maging successful ang first major solo concert. "First love ko naman talaga ang singing. Kabado ako dahil first time kong magma-major solo concert," said Jen.

Ticket prices are P1,200, P1,000 , P500 and available at the Music Museum and Ticketworld outlets such as National Bookstore and Robinson’s. May mga give-aways sa mga manonood ng concert. (Rowena Agilada)


-Tempo

Jennylyn nakatulog sa preskon

HOT N SPICY
by : Vinia Vivar


Super hectic pa rin ang schedule ni Jennylyn Mercado. Awang-awa nga ang press na dumalo sa presscon ng kanyang birthday concert dahil halos nakatulog na siya habang iniinterbyu.

Asked kung carry pa ba niya, “Kaya pa po, okay lang,” Jennylyn said.

Kahit pagod, marami namang reason ang dalaga para mag-celebrate ngayong Mayo dahil ilan sa malalaking events sa buhay niya’y magaganap ngayong buwan.

Unang-una na’y ang birthday niya sa May 15. Kasabay nito ang kanyang first major concert sa Music Museum at ang pagsisimula sa ere ng I Luv New York with Mark Herras, Marvin Agustin ang Jolina Magdangal.

Bubuksan din ni Jen ang bagong boutique, at idaraos ang launching ng kanyang second album under GMA Records.

Pero ang talagang pinagtututukan at pinaghahandaan niya sa ngayon ay ang Music in Me concert dahil first major concert niya ito mula nang pumasok siya sa showbiz.

Pinagmamalaki niyang magdi-dirty-dancing daw sila ni Mark Herras, kaya dapat daw abangan. Say pa niya, dirty daw talaga ang gagawin nila.

Kasama rin sa concert sina Janno Gibbs, Aiza Seguerra, Hale at isang surprise male singer na hindi pa raw puwedeng i-reveal kung sino.

“Sana lang po suportahan nila ang first major concert ko dahil talagang pinaghandaan at pinagpaguran ko po ito,” she said.

Thursday, May 04, 2006

• Jennylyn Mercado “Letting Go”

from gma records

Many have embarked on a full-time career in showbiz during their teens by winning a prestigious celebrity search show. Few have remained visibly consistent throughout their profession despite cutting controversies. Yet none has delivered as gracefully and convincingly as Jennylyn Mercado.

This young woman has faced sporadic hurdles but has held on to her faith to overcome the most troublesome adversaries. So after a relatively long hiatus, Jennylyn is back with her sophomore effort ironically tagged Letting Go. Astonishingly, this album signals a change in direction for Jennylyn, both musically and emotionally.

First single Sa Aking Panaginip sees Jennylyn singing with more assurance, more purity about love and loss that offers listeners an initial glimpse of a renewed star. Created by veteran Vehnee Saturno, Jennylyn is well complemented with the orchestral backing but she never drowns in the sea of musical arrangements. In fact, during the grand climax she funnels her rich voice as if declaring her valiant comeback, proving that she is a woman on a mission.

Tanging Ikaw and Nalilimutan Mo Na Ba slip back to the sweet, sappy, and syrupy territory that Jennylyn and her fans have grown accustomed to. Formulaic but effective nevertheless. Skipping on the constant ballad supply, Devil In Disguise suggests a Shakira-like capability to be sexy and groovy. With oriental histrionics, Jennylyn belts out “What they don’t know, he makes me feel alive/I love the danger in his eyes.” This breath of innovation further establishes Jennylyn as a more well-rounded artist instead of sticking to the usual arsenal of songs.

Title track, The Art Of Letting Go, gets an aesthetically acoustic treatment, different from the original. Here, Jennylyn sings with genuine sentiment about losing someone special. Wrapped with tender guitars, supple piano works, and delicate instrumentation, the minimalism of this song is cleverly planned, giving more focus on Jennylyn’s performance and definitely standing out as one of the best tracks on the album.

The bouncy energy evident early on continues on No Way, a Jonathan Ong number bordering on pop rock. Clearly, Jennylyn showcases another side, one that is harder in edge and attitude as she delivers enough grit and angst to pull off a Lindsay Lohan resemblance. Kaya Mo Bang Ibalik seems to be a standard track but as the song develops, Jennylyn resonates with much depth that is so impressive for someone so young. Meanwhile, her version of I’d Still Say Yes manages to stay simple and sincere.

Whereas most of the tracks were written by veteran songwriters, Pangako Mo boasts Jennylyn’s flexibility, composing this song herself. For a newbie she succeeds in creating a connection with her listeners due mostly to the simple but effective lyrics she penned.
Jennylyn closes the album with the lush Moments Of Love, enjoying a great deal of airplay these days. Her newfound confidence and maturity glows throughout the loveliest ballad of the year. And if this is an indication of the future, fans and critics could only hunger for more.

Her second album is a testimony of how much Jennylyn trusts her individualism and personality; that within her, she is capable of producing great music. Letting Go displays her talent even more—her endearing voice, her animated personality, her unshakable determination—and no matter where her career will take her, fans and critics will surely welcome her back. For, who can resist that fabulous and adorable girl-next-door?

Featuring 10 beautiful cuts, her second album Letting Go is now available nationwide only from GMA Records and distributed by Ivory Music and Video.

Mark-Jennylyn, magdi-dirty dancing

oh laban ka?
Rey Pumaloy


Magdi-dirty dancing sina Jennylyn Mercado at Mark Herras sa b-day concert ng young actress na Music in Me sa Mayo 15 sa Music Museum.

Kung isasalarawan ang ‘dirty dancing’ nina Jennylyn at Mark, hitsura na para silang mga sawang naglilingkisan sa isa’t isa.

Ang isusuot ni Jennylyn sa ‘dirty dancing’ nila ni Mark ay magbibigay ng kakaibang image kay Jennylyn.

Isa ang dirty dancing sa paraan para unti-unting iakyat ang image ni Jennylyn mula sa pagiging isang teen star hanggang sa pagiging isa nang ganap na dalaga.

Ipinagdiinan ni Ms. Becky Aguila (manager ni Jennylyn) na 19 y/o pa lang si Jennylyn.

Maliban kay Mark, may surprise guest pa sa concert at hindi ito taga-GMA 7.

Ideya ni Jennylyn ang magkaroon ng concert dahil pag-awit ang "first love" niya.

Nang ma-interview namin si Jennylyn bago ang final judgemnt noon ng Starstruck 1, sinabi niyang bago siya napasok sa nasabing kumpetisyon ay isa siyang lounge singer.

Kinse anyos lang daw siya nang magsimulang kumanta sa bars and lounges.

Kuwento naman ni Ms. Becky, si Jennylyn mismo ang umungot o nakiusap sa kanya na bigyan ito ng concert sa mismong kaarawan nito.

Ang iba pang guests ni Jennylyn sa b-day concert niya ay sina Janno Gibbs (na ka-duet niya sa Moments of Love theme), Aiza Seguerra at and bandang Hale

insider
Billy Balbastro


Kung nangyari ito 10 years ago, big news ito. Pero sa ngayon, tila uso na ito — Aktres, inindyan ang presscon niya. O singer, hindi sinipot ang press sa show launch niya.

Pero ito ang nangyari sa presscon ni [b]Jennylyn Mercado [/b]last Tuesday (May 3) sa bago at magandang NP Kopi Tiam, isang Japanese-inspired eatery sa bandang Santolan at Benitez St. sa Horsehoe Drive. Alas-dos nang hapon ang presscon.

Ayon sa manager na si Becky Aguila at PR lady Vinia Vivar, hindi makasasaglit si Jen dahil nagte-taping para sa I Luv NY at siya lang ang kinukunan.

Kung pwede raw, susunduin ang press ng isang van para dumalo sa SET ng I Luv NY sa White Plains.

Okey sana ito sa karamihan sa press dahil malapit lang ang White Plains at mas mabuti ito kesa maghintay ng isa pang oras.

Pero at the last minute, ayaw raw ng GMA na magpa-press visit sa set.

Kaya si Becky Aguila na lang ang nag-feed ng info tungkol sa Music In Me birthday concert ni Jennylyn sa Music Museum sa Mayo 15 at sa Jen Boutique’s opening sa Mayo 27 sa Starmall sa EDSA. Plus her second GMA Records music album.

Kung ano man ang nabasa ninyo kahapon dito, advance reporting iyon. Actually, alam namin ang lahat ng data last month pa, mula sa aming most reliable sources (again).

Isang aspect lang ang na-miss namin: si Jennylyn ang magpu-produce ng concert niyang ito. A show producer and a boutique owner at 19!

HOT SHOTS
by : Gerry Ocampo
Journal


HABANG wala pa si Jennylyn Mercado sa presscon ng birthday concert niyang Music in Me sa Music Museum, naikuwento ng manager niyang si Becky Aguila na daring na Jennylyn ang makikita ng concertgoers sa stage on May 15.

Super late dumating ang young actress sa ipinatawag na presscon dahil halos ayaw pawalan sa taping ng I Love New York. Karamihan sa writers ay nakaalis na nang siya’y dumating.

Anyway, ibinulgar ni Madam Becky na first time ni Jen magsusuot ng daring outfit sa mala-Jennifer Lopez concert. Dapat din daw abangan ang inihandang dirty dancing number nila ng special guest na si Mark Herras.

Gaano nga ba ito ka-dirty? Ayaw sagutin ni Becky, pero sigurado raw na magugulat ang lahat.

Samantala, makasasabay nga pala ng Music in Me ang pangalawang gabi ng two-night concert ng international singer na si Paul Anka sa Araneta Coliseum. Maging si Becky daw ay panonoorin ang Anka concert, dahil fan siya nito.

May 14 daw siya manonood kay Anka para sa May 15 ay na kay Jen siya.

Hindi sila takot sumabay sa music legend dahil magkaiba naman daw ng crowd ang dalawang singers. Medyo may edad na ang kay Anka, teenagers o bagets naman ang kay Jen.

Bukod kay Mark, guests din sa Music in Me sina Janno Gibbs, Aiza Seguerra, Hale at isang talent na taga-ABS-CBN 2.

by : Nitz Mirallez
Journal

Very sleepy and obviously tired Jennylyn Mercado ang humarap sa press sa presscon ng birthday concert niyang Music in Me sa Music Museum sa May 15.

Mula nang bumalik from New York sa taping ng soap na I Luv New York, hindi pa siya nakatutulog nang maayos.

Pagdating ay nag-taping siya para sa Kakabaka-Boo! At sunud-sunod na ang taping for the soap na magpe-premiere sa May 15.

Puro iyakan daw ang eksena nila ni Tirso Cruz III at naka-contact lens pa siya na nagpapahirap sa kanya.

Pero nagpapasalamat pa rin sa GMA-7 si Jennylyn sa pagdadala sa kanila nina Mark Herras, Marvin Agustin at Jolina Magdangal sa New York.

First time niyang makakita ng snow at makapag-suot ng apat na patong ng damit dahil sa sobrang lamig.

Nag-shopping din si Jennylyn sa New York at ipinagmalaki ang Sony digital camera. Bumili rin siya ng make-up at 25 bottles of different perfumes. Nagku-collect pala siya ng pabango kaya, ‘di pinalampas ang chance.

Sabay na magpe-premiere ang I Luv NY at Bituing Walang Ningning ni Sarah Geronimo, ano ang masasabi niya rito?

“Wala akong reaction. Magkaiba ang show namin at wala akong isyu kay Sarah. Sana lang, parehong tangkilikin ng viewers ang soap namin,” sabi nito.

Ngayong nakabalik na si Jennylyn, mailu-launch na niya ang Letting Go album from GMA Records. May sarili siyang composition na ayaw banggitin ang title. Magagawa na rin nila ni Mark ang bago nilang pelikula sa Regal Entertainment na Magic Kamison.

Pero ang concert muna ang gustong pag-usapan ni Jennylyn. Joint venture nila ito ng manager niyang si Becky Aguila at sa direksyon ni Perry Lansigan.

Tickets are priced at P1,200, P1,000 and P500 at mabibili sa Music Museum, Robinson’s Galleria, Ticketworld (National Bookstore) at Starmall. Pinasasalamatan ni Jennylyn ang sponsors niya, gaya ng GMA Network, Finds, Drs. Manny & Pie Calayan, Bambini, Kopitiam, Gerry’s Grill, Converse, Renew, PCSO, Particles at marami pang iba.

c/o jeanilyn_qt of igma



Awang-awa naman kami kay Jennylyn Mercado dahil 11 days na lang mula ngayon at major concert na niya sa Music Museum sa May 15, pero tila wala pa rin siyang sapat na tulog para ipahinga at ikundisyon ang kanyang boses, ni hindi pa rin nagre-rehearsal para sa mga piyesa niya, maging sa production numbers niya ay wala rin.

Kailan lang dumating ang dalaga galing New York at heto, isinabak kaagad siya sa taping ng ILNY ng GMA 7, ni hindi man lang inalam kung kaya pa ng aktres, katwiran daw ng production ay naghahabol din sila ng playdate nito sa May 15 na kasabay mismo ng concert ni Jennylyn na siya ang producer.

Naawa naman ang mga kasamahan sa hanapbuhay sa ka-loveteam ni Mark dahil hindi nito namamalayan na nakakatulog na pala siya habang may kinakausap siya.

"Kakaloka ang Artist Center at GMA 7 hindi man lang pinagpapahinga si Jennylyn, kalabaw nga, napapagod, siya pa, ang liit-liit ng katawan," sambit ng reporter friend ni Jennylyn.

Paging Artist Center at GMA 7, magko-concert ang talent ninyo, manong bigyan n’yo naman ng sapat na panahon para ipahinga ang boses at mapag-aralan ang mga kanta niya, hindi birong punuin ang Music Museum lalo na kung first timer. — Reggee Bonoan

Tuesday, May 02, 2006

Pinaglalaban sina Jennylyn at Sarah!

ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Mirallez
Ang Pilipino STAR Ngayon
05/02/2006

Hindi maiiwasang paglabanin sina Sarah Geronimo at Jennylyn Mercado dahil sabay na magpi-premiere sa May 15 ang kani-kanilang soap opera. Si Sarah with her Bituing Walang Ningning ng ABS-CBN at si Jennylyn with I Luv NY ng GMA-7. Mas magiging maganda ang laban kung ang dalawang soap ang pagtatapatin at tiyak na gabi-gabi’y magpapataasan sila ng rating.

Kasama ni Jennylyn sa ILNY sina Jolina Magdangal, Mark Herras at Marvin Agustin. Mabigat din ang kasama ni Sarah na kinabibilangan nina Zsazsa Padilla, Tonton Gutierrez, Amy Austria, Ryan Agoncillo, John Prats at Aiai delas Alas.

Good luck na lang sa dalawang shows na siguradong susuportahan ng kani-kanilang fans.

* * *

Sabay ng premiere ng I Luv NY sa May 15, ang birthday concert ni Jennylyn Mercado sa Music Museum billed Music In Me. Guests sina Janno Gibbs, Hale, Mark Herras at Aiza Seguerra. Ang singer-actress din ang producer ng concert, her first business venture kaya, umaasang tatangkilikin ng kanyang fans.

Nagulat lang kami dahil hindi sa GMA-7 kundi sa RPN-9 ang airing ng concert sa June 9. ‘Di ba nakaka-intriga? Kapuso si Jenny pero, sa ibang channel mapapanood ang TV coverage. Inilapit ba niya ito sa Siete o siya ang in-offeran ng Ch. 9?

Samantala, nalaman namin kay Lhar Santiago na sobrang smitten kay Jennylyn ang American actor na kasama sa cast ng ILNY. Nag-i-email ito sa kanya para kumustahin si Jennylyn. Kundi lang daw ito busy, gustong dumalaw ng ‘Pinas para mas makilala ng husto ang singer-actress.

SANGA-SANGANDILA
Ni Veronica R. Samio
Ang Pilipino STAR Ngayon
05/02/2006

Hanggang kailan kaya magtatagal ang balitang balikan nina Mark Herras at Jennylyn Mercado na balitang nagbalikan habang ginagawa nila ang serye ng GMA7 na I Luv NY sa US. Ayon kay Lhar Santiago, lubhang napakalamig habang nagpi-pictorial ang dalawa sa Central Park. Hindi nila ito alam kaya wala silang dalang pananggalang sa lamig.

Nung una raw ay dedma pa ang dalawa, hindi nagpapansinan, may kanya-kanyang ginagawa habang naghihintay na tawagin sila. Laking gulat daw ng lahat nilang mga kasama dahil kinabukasang mag-resume sila ng taping ay holding hands na raw ang dalawa. Katunayan, lovebirds na ang tawag sa kanila ni Marvin Agustin.

Monday, May 01, 2006

c/o rosee_jen2005

Some Like It Hot
VV; PM 04/30/2006

Kararating lang ni Jennylyn last Friday ng madaling-araw mula sa halos isang buwang pagti-taping ng I Luv New York sa New York, pero sumabak na agad siya sa trabaho.

Nang dumating siya ay nagpahinga lang siya sandali at tumakbo na sa taping ng Mel & Joey. Kahapon ay guest siya sa Startalk at next week ay fully loaded na naman siya sa katakut-takot na guestings and tapings.

Tuesday next week ay magti-taping na sila rito ng I Luv New York at kasabay nito ay ang preparasyon pa niya para sa darating niyang birthday concert na gaganapin sa May 15 sa Music Museum.Namumula ang pisngi ni Jen nang dumating kaya lang ay medyo nangitim din siya dahil say niya kapag nakakakita siya ng araw ay nagbababad siya dahil giniginaw siya.

Pagdating niya sa bahay nila ay gumulat kay Jennylyn ang bagong ayos ng kanyang kwarto. Ito pala ang pinagkaabalahan ni Mommy Lydia habang wala siya. Binago niya ang design ng bahay at pina-repaint niya ang room ng anak.

Type na type ni Jennylyn ang pinturang lilac ng kuwarto niya dahil kakulay daw ito ng kanyang costume sa Encantadia.

RATED A Ni Aster Amoyo
Ang Pilipino STAR Ngayon
05/01/2006

Nakabalik na ng Maynila nung Biyernes (April 28) ng umaga ang buong tropa ng I Luv New York na nag-taping ng halos isang buwan sa Big Apple sa pamamahala ni Direk Louie Ignacio.

Magkakasamang bumalik sina Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Jennylyn Mercado at Mark Herras ang production staff ng bagong teleserye ng GMA-7.

Samantala, isang kasamahan ng grupo ang nagbalita sa amin na pinagselosan umano ni Mark Herras ang Hollywood actor-model na si Mark Fraiden na nagpakita ng interes sa kanyang ex-girlfiend.
Si Mark Fraiden ay may special participation sa I Luv New York bilang manliligaw ng character na ginagampanan ni Jennylyn. Sa isang exclusive interview, personal na inamin ng Amerikanong aktor na kursunada niya si Jennylyn dahil gandang-ganda umano siya rito.

Kakaiba umano ang beauty ni Jennylyn sa mga babaeng kanyang nakilala. At dahil dito, balak umano ni Mark magpunta ng Pilipinas para dalawin ang singer-actress.

Ngayong nakabalik na sina Jennylyn at Mark Herras ng Maynila, balik kaya si Mark ng kanyang pamimintuho kay Marian Rivera? Naging extra sweet kasi sina Mark at Jennylyn nung sila’y nasa New York at madalas silang makitang magka-holding hands pa.

Nakabawi naman si Jolina sa kanyang US-based boyfriend na si Bebong Muñoz dahil isang linggong namalagi ang huli sa New York para lamang makasama ang kasintahan. Bago naman bumalik ng Pilipinas ay dumaan si Jolina sa Minnesota para naman magpaalam sa kanyang boyfriend.

Napag-alaman naman namin na nakipag-negotiate na umano si Marvin sa condo unit na balak niyang bilhin sa Manhattan, New York.

Ipagpapatuloy naman dito ang taping ng I Luv New York.
* * *

VINIA VIVAR
PM
APRIL 29,2006

Lumabas na ang nominasyon ng PMPC para sa knilang taunang Star Awards for movies na gaganapin sa Western Philippine Plaza sa June 30,2006.

Narito ang listahan ng mga nominado sa major categories.

Movie of the Year
1.Bluemoon-regal films entertainment 2.Ako legal wife-MAQ Productions 3.Nasaan Ka Man-Star Cinema 4.Dubai-Star Cinema 5.La visa Loca-Unitel Pictures

Movie Director of the Year
1.Joel Lamangan-Blue Moon(Regal Entertainment) 2.Joel Lamangan-Ako legal wife(Regal Entertainment) 3.Cholo Laurel-Nasaan ka Man(Star Cinema) 4.Rory Quintos-Dubai(Star Cinema) 5. Mark Meily-La visa Loca(Unitel Pictures)

Movie Actress of the Year
1.Zsa Zsa Padilla-Ako Legal Wife(Regal Entertainment) 2.Claudine Baretto-Nasaan ka Man(Star Cinema) 3.Cherry Pie Picache-Bikni Open(Seiko Films) 4.Irma Adlawan-Mga Pusang Gala(Erasto Production) 5.JENNYLYN MERCADO-BLUEMOON(REGAL ENTERTAINMENT)

Movie Actor of the Year
1.Eddie Garcia-I.C.U.Bed no.7(Mediarevolution Film Production) 2.Aga Muhlach-Dubai(Star Cinema) 3.Deither Ocampo-Nasaan ka man(Star Cinema) 4.Robin Padilla-LA Visa LOca(Unitel Pictures) 5.Ricky Davao-Mga pusang Gala(Erasto Productions)

Movie Supporting Actress of the Year
1.Boots Anson roa-Bluemoon(regal Entertainment) 2.Ruffa Mae Quinto-Ako Legal Wife(Regal Entertainment) 3.Cherry pie Picache-Ako Legal Wife(Regal Entertainment) 4.Gloria Diaz-Nasaan Ka man(Star Cinema) 5.Hilda Coronel-Nasaan Ka Man(Star Cinema)

Movie Supporting Actor of the year
1.Dennis Trillo-Bluemoon(Regal Entertainment) 2.Christopher De Leon-Bluemoon(Regal Entertainment) 3.John Lloyd Cruz-Dubai(Star Cinema) 4.Johnny Delgado-La visa loca(Unitel Pictures) 5.Emilio Garcia-Dilim(Topel lee film

New Movie Actress of the Year
1.LJ Reyes -lovestruck(GMA films) 2.Ryza Cenon-Lovestruck(GMA Films) 3.Roxanne Guinoo-Can this be love(Star Cinema) 4.Paw Diaz-Can this be love(Star Cinema) 5.Marian Rivera-Enteng Kabisote(m-zet Productions)

New Movie Actor of the year
1.Mike Tan-Lovestruck(GMA Films) 2.Joross Gamboa-Can this be love(Star Cinema) 3.JC de Vera-Ako Legal Wife(Regal Entertainment) 4.Ryan Agoncillo-Kutob(Canary Films0 5.Nathan Lopez-Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros(UFO Pictures) 6.Rafhael Martinez-Can this be Love(Star Cinema)

Movie Child Performer of the Year
1.BJ Forbes-exodus(Imus Production) 2.Elijah Castillo-Pepot Artista 3.Sam bumatay-Mulawin the movie(Gma films) 4.Miguel Tanfelix-mulawin the Movie(Gma films0 5.Annalyn Bangsi-il-Ang daan patungong Kalimugtong(Sampay Bakod n Cine Larga Productions)

Darling of the Press
Kris Aquino,Ogie Alcasid,Ara mina,Rafhael Martinez,Sylvia Sanchez.

Ulirang Artista Award
Armida Siguion Reyna.

c/o denise_cf

Dumating na kahapon nang umaga mula sa Amerika ang apat na bida ng bagong soap ng GMA 7 na I Luv NY na sina Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Jennylyn Mercado at Mark Herras.

Mukhang hindi pa pagod si Jolens at dumeretso agad siya sa live episode ng Unang Hirit. Miss na miss na raw siya rito sa atin kaya kahit pagod, go sila sa mga TV guestings.

Mukhang mas napagod ang magka-loveteam na Mark at Jennylyn dahil humingi sila ng isang araw na pahinga.
Aminado ang dalawa na sila ang adik sa shopping kaya madalas na lumalabas sila para ma-mili.

Magkasama silang umaalis tapos maghihiwalay para makaikot nang husto sa pamimili at ilang sandali lang, nagti-text na raw si Jennylyn kay Mark para magpasundo dahil hindi na raw niya mabuhat ang mga napamili.

Nag-uutangan pa raw sila madalas dahil kinukulang sila ng datung sa dami ng mga pinamili nila.
Sayang daw at nagkasakit sina Mark at Jennylyn dahil sa pabagu-bago ng weather kaya hindi sila nakapag-ikot nang husto sa kasa-shopping.

Mukhang walang balikang nangyari pero ang maganda raw roon, lalo silang naging close sa isa’t isa kahit hindi na isyu sa kanila ang pagbabalikan.

Mismong si Jolina ang nagsasabing never daw niyang narinig na nag-away sina Mark at Jennylyn. Malay natin, baka pwede na silang magkadebelopan muli. Para na lang sa bagong soap nila, di ba?

Mamaya sa Startalk ay guest ang apat para itsika ang mga experience nila sa New York.

THIS year, the Box Office Entertainment Awards of the Guillermo Mendoza Scho-larship Foundation gets a notch higher as it has one of the major networks, ABS-CBN 2, as its carrying station. Several cate-gories were modified to meet the dynamic demands of the enter-tainment world. The best of the best in the music, television, and movie industries will gather at the plush RCBC Plaza on April 30 to celebrate the entertainment industry’s greatest performances.

The awardees are:

Box Office King – Vic Sotto; Box Office Queen – Kristine Hermosa; Film Actors of the Year – Aga Muhlach and John Lloyd Cruz; Film Actress of the Year – Zsa Zsa Padilla; Prince of Philippine Movies – Richard Gutierrez; Princess of Philippine Movies – Angel Locsin;

Most Popular Male Concert Artist of the Year – Regine Velasquez; Male Recording Star of the Year – Christian Bautista; Female Recording Star of the Year – Sarah Geronimo; Most Popular Recording Group – MYMP; Most Promising Recording Group – Orange & Lemons;

Most Popular Loveteam – Mark Herras and Jennylyn Mercado; Most Promising Male Star – Jose Manalo; Most Promising Female Star – Toni Gonzaga; Most Promising Male Singer – Sam Milby; Most Promising Female Singer – Yasmien Kurdi; Dance Group of the Year – Sexbomb Dancers; Most Popular Novelty Singer – Vhong Navarro; Most Popular Child Performer – BJ "Tolits" Forbes; Most Popular Child Performers (Cast/Ensemble) – Cast of "Mga Anghel na Walang Langit";

Most Popular Film Producer – Star Cinema; Most Popular Screen Writer – Shaira Salvador and Ricky Lee; Most Popular Film Director – Rory Quintos; Most Popular TV Program – "En-cantadia"; Most Popular TV Director – Mark Reyes and Gil Tejada;

Special Awards: Bert Marcelo Lifetime Achievement Award – Bayani Agbayani; People’s Hero Award – Manny Pacquiao; Phe-nomenal TV Program of the Year – "Pinoy Big Brother"; Oustanding TV Program for Value Formation – "Diyos Ko… Mahal Mo Ba Sila"; Oustanding TV Program for Multi-Channel Telecast – "KKK… Krusada Kontra Krimen."

RATED A
Ni Aster Amoyo
Ang Pilipino STAR Ngayon
04/29/2006

Isang twenty-three year old Hollywood actor na nagngangalang Mark Fraiden ang bagong tagahanga ngayon ni Jennylyn Mercado na kanyang nakakilala sa New York, USA kung saan nag-taping ang I Luv New NY TV series. May guest appearance ito sa nasabing teleserye.

Mula kay Mark Herras, may panibagong Mark (Fraiden) na naman si Jennylyn. Hindi ikinakaila ng guwapong Amerikanong aktor na hanga siya sa beauty ni Jennylyn na balak pa niyang dalawin sa Pilipinas. Kilig syempre si Jennylyn nang malaman niyang may gusto pala sa kanya ang Hollywood actor.

Nakatakdang bumalik ng bansa ang cast at production group ng I Luv New York na halos isang buwan ding nag-shoot sa Big Apple City.

Samantala, napag-alaman namin na nagpaiwan umano si Marvin sa New York dahil may bibilhin umano itong apartment o condo sa nasabing lugar. Na-in lab marahil si Marvin sa nasabing lugar kaya gusto niyang mag-invest dito ng property.