Saturday, June 10, 2006

ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon

c/o livestrong

Ang Pilipino STAR Ngayon 06/10/2006

Palagay namin hindi maiiwasan ng isang artista, lalo na at magandang kagaya ni Jennylyn Mercado ang magkaroon ng isang stalker. Una kasi, exposed sila sa publiko, at mapipili mo nga ba ang mga taong makakaharap mo? Ikalawa, medyo lantad sa publiko ang kanilang buhay, at madaling maghanap ng kanilang mga telephone numbers. Minsan nga magugulat ka, ‘yong mga hindi naman taga-showbusiness alam kung saan mako-contact ang mga artista. Mas may impormasyon pa nga sila kung minsan.

Ang mga artista ay karaniwang biktima ng mga stalkers, kasi nga alam naman ng mga ‘yon na wala sila halos chance kung manliligaw sila ng harapan sa isang artista, kaya nga siguro out of frustration, nagiging mga stalkers na lang sila.

Huwag kayong magtatawa, pero hindi lang mga babae. Kahit na nga mga artistang lalaki nagkakaroon ng mga stalkers. Ang kailangan nga lang, alam nila kung papaano ang approach para maiwasan ang mga stalkers na iyan. Kahit na sino pang eksperto sa tililing ng utak ang tanungin ninyo, nakakakuha ng kasiyahan ang mga stalkers na ‘yan kung alam nila na affected sa kanilang ginagawa ang kanilang biktima. Kaya ang pinakamabuti sanang paraan, ipakita ng biktima na hindi siya apektado sa ginagawa ng kanyang stalker.

Friday, June 09, 2006

Jennylyn, inimbento lang ang ‘mad texter’ issue?

By : Pandora
YEHEY! Contributors
7 June 2006 9:28 PM

Halos hindi na raw makatulog dahil sa paranoia itong si Jennylyn Mercado. Nagpainterview na rin siya para maipaalam sa madla na siya ay biktima ngayon ng pananakot ng isang texter. Madalas daw makareceive ng mga threat mula sa isang hindi kilalang babae si Jennylyn. Pinagbabantaan diumano siya nito na hahagisan ng asido sa mukha once magkaroon ng chance na makita si Jenny in public.

Mabuti sana kung may idea ang aktres kung bakit nagagalit sa kanya ang hater sa text. Ang sinasabi nito ay mang-aagaw daw siya ng boyfriend at maghihiganti ang babae sa kanya. Kaso nga lang, loveless naman ngayon ang Jenny so paanong mapaparatangan siyang mang-aagaw ng bf ng may bf? Katwiran pa ng aktres, hindi niya kayang gawin ito dahil alam niya ang feeling ng naaagawan ng minamahal.

Kaya naman nang mag-album launching si Jenny sa isang mall ay 19 armed bodyguards ang nagbigay sa kanya ng security dahil nga sa mga banta sa kanya ng babae sa text. Ikinalat na rin ng kampo ni Jenny ang number ng texter niya dahil baka sakaling may nakakakilala rito. Apparently ay may nakaidentify nga sa number at sinabi na sa aktres ang identity nito.

Sa gitna ng hassle ng harassment na ito ay may mga intrigang natatanggap ni Jenny. Na kesyong gimik lamang niya ang ‘mad texter’ na ito para pag-usapan ang kanyang album na kakalaunch lang. Masyado raw kasing sakto sa timing ng launching ang issue kaya nababahiran ng speculations. At bakit kailangang ang issue pa ng pang-aagaw ng boyfriend ang maiisipang gimik ni Jenny kung hindi naman makakatulong ito sa pagkatao niya? Kaya sey na lang ng kampo ni Jenny, hindi magandang intrigahin pa ang aktres dahil masyado na rin itong nastressed ng mga threats sa kanya.

Thursday, June 08, 2006

MALAY
by : Roland Lerum


KAHIT ’di kami bilib sa mga balitang lumalabas tungkol kay Jennylyn Mercado, gaya ng tungkol sa tunay na relasyon niya kay Mark Herras at sa anonymous texter, bow naman kami sa desisyon niyang pagtayo ng negosyo.

Yes, negosyante na nga si Jennylyn at kamakailan lang ay inilunsad ang line of clothes sa Finds Boutique located at Starmall.

Alam n’yo bang dala-dala doon ni Jennylyn ang Pomerasian puppy na pinangalanan niyang Blue?

Bigay ba ‘yun ni Mark H? Wrong!

Mismong si Jennylyn ang bumili nu’n. Kaya ayaw siyang bigyan ng bagong aso ni Mark ay dahil dala-dalawa na ang pet niya sa bahay. Baka hindi na niya maasikaso ang mga ito, ani Mark.

Nasa launching din nga pala ng line of clothes ni Jennylyn sina Sen. Manny Villar at Christian Bautista. Nagkaroon pa ng mini-fashion show, kung saan rumampa si Jennylyn suot-suot ang magaganda niyang apparel.

Siya ang nagdisenyo ng ilan sa mga inirampang dresses at magtataka kayo kung paano niya ito nagawa sa kabila ng pagiging busy.

People's Tonight
6/8/2006 19:15 PM

Wednesday, June 07, 2006

Jennylyn willing to pose sexy

AFTER being nominated as one of the sexiest women in the country, young singer-actress Jennylyn Mercado now expresses her willingness to pose for the covers of "FHM."



In an interview recently, Jennylyn said that she is very much open to the idea of posing for the magazine as long as it is still done in a wholesome form.

"Oo naman. ‘FHM’ is hindi naman ganon ka bold na bold. Di naman ganon. Meron namang wholesome pero sexy pa rin," Jennylyn said.

She also made it clear that though she is ready to pose for the magazine, there are still going to be restrictions.

"May limitation naman, e. Ganon lang ’yun. Sexy pero wholesome. Hanggang shorts lang ganon, kita tiyan." (Lyka Prescilla C. Tadeo)


Tempo
6/7/06

Jen open sa pagligaw ni Patrick

From igma (chika minute)
Article posted June 06, 2006

Aminado ang guwapong aktor na si Patrick Garcia na mayroon siyang paghanga kay Jennylyn Mercado, one of the stars ng nangungunang soap ng GMA 7 na, “I Luv NY.”

Ang aktres nga kaya ang dahilan ng binata kaya lumipat sa ‘Kapuso’ network?

“Hindi. Sana maging magkaibigan kami at magkasama sa trabaho,” Patrick said.

Wala naman nakikitang masama at okey lang naman daw kay Jen ang paghanga sa kanya ng binata at willing siyang makatrabaho ang aktor.

“Sana nga maging magkatrabaho kami, kasi nu’ng sa ‘SOP’ medyo nagkaka-ilangan eh,” sabi ng young actress.

Dahil magkasama na sila sa bakuran ng ‘Kapuso’ network, hindi kaya malayong dumating ang panahong manligaw sa kanya ang binata? “Ligaw lang po wala namang masama, wala naman akong boyfriend,” pahayag ni Jen.

Tuesday, June 06, 2006

BASTA
by : Nitz Mirallez


May message si Jennylyn Mrcado sa fans ng love team nila ni Mark Herras at fans ng tambalan nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin.

Nalungkot ang singer-actress sa nalamang nag-aaway sa Net ang dalawang kampo dahil hindi raw equal ang exposure nila ni Mark sa I Luv NY.

Ani Jennylyn: “Sana, ‘wag silang mag-away-away dahil nagtutulungan kami para maging successful ang soap.

“Pare-pareho kaming naghirap para mapaganda ito, kaya mag-enjoy na lang sila at ‘wag nang mag-away. Marami pa silang magagandang eksenang mapapanood.”

This week nga’y kilig at selosan ang mga tagpo nila ni Baste (Mark). Kuwela ang pakikipag-date ni Natalie (Jennylyn) kay Michael, kaya lang, nang magka-rashes siya’y ida-dump siya nito. Pero para kay Baste, maganda pa rin siya kahit puro rashes ang katawan at mukha.

Walang keber si Jennylyn sa pagtigil ni Mark sa panliligaw kay Marian Rivera, pero dapat lang daw na wala munang love life ang ka-love team at sa career muna mag-concentrate.

Samantala, tuloy ang pagpu-promote ni Jennylyn sa kanyang Letting Go album from GMA Records.

Ang Sa Aking Panaginip ang carrier single nito’t kasama ang sariling composition na Pangako Mo.

Kailangang mag-aral ni Jennylyn!

PARINIG NGA! Ni Lanie M. Sapitanan
Ang Pilipino STAR Ngayon 06/06/2006

Bawat stages ng buhay ni Jennylyn Mercado, lagi siyang may mahirap na pinagdadaanan. Nung 3 yrs old ito, battered child siya. Bago sila maghiwalay ni Mark Herras, sabi raw battered girlfriend siya. Ngayon exploited naman siya sa kanyang teenage life.

Nalulungkot nga si Jennylyn dahil napag-iiwanan na siya ng mga classmates niya. Halos tatlong taon na siyang huminto sa kanyang pag-aaral.

Tapos nung launching ng "Letting Go" album niya kamakailan, wala pa raw siyang pahinga at laging pagod sa dami ng kanyang trabaho.

"Gusto ko na po talagang mag-aral. Marami lang pong commitment. Pero hindi naman ako nagrereklamo sa trabaho ko. Dahil marami rin naman akong natutuhan dito," paliwanag ni Jennylyn.

Nag-stop si Jennylyn ng third year high school kaya kailangan niyang kumuha ng accelaration exam para makapasok siya sa college. At gusto niyang kumuha ng Masscom course.

Naawa nga ako sa kanya nung ini-interview siya ng mataray na reporter dahil hindi ito satisfied sa kanyang mga sagot dahil malayo ang sinasabi ni Jennylyn. Tinutulungan na nga siya ng mga PR ng Channel 7 na sumagot. Siguro nga dahil sa puyat. Nung time pa naman na yun ay na-tense din siya dahil may nang ha-harass sa kanya at tinatakot siyang sasabuyan ng asido sa mukha, minumura siya sa text at kung anu-anong pinagsasabi sa kanya.

Comment tuloy sa kanya ng reporter na yun, "Dapat talaga siyang mag-aral dahil she’s not articulate, she’s only wasting my time!!!"

Sana naman pagbigyan si Jennylyn ng GMA-7 na makapag-aral. Puwede namang gawan ito ng paraan ng kanyang manager kahit hindi formal studies.

"For the mean time na hindi pa ako makapag-aral, concentrate muna ako sa trabaho ko. At masaya ako dahil successful ang career ko. Pero nag-start na rin akong mag-negosyo, alam ko naman na hindi habang panahon sikat ako," paliwanag ni Jennylyn.

At ang dream ngayon ni Jennylyn ay magkaroon ng major concert pagkatapos ng matagumpay na birthday show nito. Pero bago yun, sana raw ay mag-hit muna ang mga kanta sa kanyang album na "Letting Go" tulad ng "Pangako Mo," "I’d Still Say Yes," "Tanging Ikaw," "Nalimutan Mo Na Ba," na release ng GMA Records.

Monday, June 05, 2006

Armed bodyguards for Jennylyn Mercado

First posted 06:10am (Mla time) June 04, 2006
By Nini Valera
Inquirer



Editor's Note: Published on page A3-4 of the June 4, 2006 issue of the Philippine Daily Inquirer


JENNYLYN MERCADO HAS BEEN GETTING threatening messages on her cell phone for several weeks, now from an unidentified person who, she believes, is a woman.

From cuss words to warnings that acid would be splashed on her face, the messages have escalated into death threats that started on Wednesday, when Jennylyn launched her second album, “Letting Go,” at the Hard Rock Café in Makati City.

GMA 7 and Ayala Center provided the 19-year-old singer with armed bodyguards. But no assassin turned up, and the show went on without a hitch.

During the question and answer portion with the entertainment media, Jennylyn briefly recounted the threats: “The messages say I’m a boyfriend grabber. The sender also said today would be the last time people would see me pretty because acid would be thrown in my face. ”

The sender seemed to know Jennylyn’s schedule. She told Inquirer Entertainment that she had no idea who would want to harm her.

“I didn’t steal anyone’s boyfriend,” she said. “I have suitors, but I don’t have a boyfriend right now. [Besides] I know how it feels to lose a boyfriend to another girl.”

Best friends

She is not about to shrug off the threats, she said. She has become extra careful, and has confided her fears to ex-boyfriend Mark Herras.

Has love been rekindled between them? “No!” said Jennylyn. “He’s my best friend [now and] I tell him everything.”

She denied that her new album’s title is about the end of their romantic relationship. “It’s about letting go of bad memories, so you can move on,” she said.

Stalker, gimik ng manager ni Jennylyn Mercado?

Alfie Lorenzo



MULA sa cellphone number 0927-9819138 ang message na ito. Hindi ko alam kung sino ito, pero narito ang kanyang message.

"’Wag po kayong maniwala na may stalker si Jen (Jennylyn Mercado). Gimik lang po `yan lahat ng manager niya na si Tita Becky Aguila. Siya po ang nagti-text niyan kay Jen at sa iba pang tao, na kunwari ay siya ang stalker. Para lang pag-usapan ang album at pag-usapan si Jen. Gawain po niya talaga ‘yan pag gusto niya pag-usapan si Jen."

Well, mas maganda sana kung nagpapakilala ang nagpadala ng mensaheng ito para mas kapani-paniwala, ‘di ba? Pero anyway, kayo na lang ang bahalang mag-guess kung sino ang nagsasabi ng totoo.

May nag-text pa sa amin. Galing kay 0927981913-.

Sinadya naming ‘wag ilagay ang huling numero, dahil baka putaktihin siya ng hate messages ng fans ni Jennilyn Mercado...

Here it goes (here it goes daw, o!)...“‘Wag po kayong maniwala na may stalker si Jennylyn Mercado at sasabuyan daw siya ng asido. Gimik lang po lahat ‘yan ng manager niyang si Tita Becky Aguila.

“Siya po ang nagti-text kay Jen at sa iba pang tao na kunwari, siya ‘yung stalker. Para po ‘yan pag-usapan ang album niya at pag-usapan si Jen.

“Gawain po talaga niya ‘yan pag gusto niyang pag-usapan si Jen. Salamat po!”

Ewan kung sinisiraan lang din ng nag-text sa amin ang manager ni Jen. Pero totoo man o hindi ang “stalker isyu,” sa lahat ng pagkakatao’y dapat maging alerto si Jen.

Mahirap na, baka kung hindi man ito talaga totoo, eh, baka may tumotoo. Knock on wood.

by Ogie Diaz
People's Tonight
6/5/2006 18:22 PM

ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles
Ang Pilipino STAR Ngayon 06/05/2006


Clueless pa rin si Jennylyn Mercado kung sino ang may lihim na galit sa kanya at nagti-text nang pagbabanta. Nabasa namin ang ilang messages na naka-save sa kanyang cellphone at kinilabutan kami. Paulit-ulit siyang minura, tinawag pang bitch at may "f__k you" pa.

Dalawang SIM card ang ginagamit nito para ‘di siya makilala at obvious ang laki ng galit kay Jennylyn. Kaya nga, bukod sa apat na bodyguards na laging nakabuntot sa kanya, binabantayan pa siya ng ilang close friends at pati si mommy Lydia, laging alert.

Matapang din si Jennylyn dahil kahit may threat, tuloy ang pagpo-promote niya ng second album niyang "Letting Go" mula sa GMA Records. Tuloy ang kanyang mall tour sa June 11 (SM City Sta. Rosa), June 25 (SM City Bacoor), July 2 (SM City Clark), July 9 (SM City Marilao), at July 16 (SM City Fairview). "Ang Sa Aking Panaginip" ang carrier single ng album.

Samantala, thankful si Jennylyn sa fans nila ni Mark Herras dahil kahit wala ng love involve sa kanilang love team ay suportado pa rin sila at ang mataas na rating ng I Luv NY ang patunay nito. Marami pa raw mangyayari kina Natalie at Baste, ang respective names nila sa soap, subaybayan lang ang mga susunod pang episodes.

Texter ni Jen, tukoy na!

HOT N SPICY
by : Vinia Vivar


Marami ang nagtatanong sa amin kung gimmick lang daw ba ni Jennylyn Mercado ang isyung pinagbantaan siya ng isang texter na bubuhusan siya ng asido.

Bakit daw kasi timing na kung kailan launching ng Letting Go album niya, saka pa lumabas ito?

Maging ang manager ni Jennylyn na si Becky Aguila ay nakare-receive ng text na nagsasabing pakana lang daw niya ang nasabing issue.

Kung nakita lang sana nila kung paano naalarma si Jennylyn at ang mga taga-GMA Artist Center sa naturang pangyayari.

After the launching, madaling-araw na’y nakatatanggap pa ang young actress ng mga mensahe na tila inaasar pa siya ng texter sa pangyayaring nagulo ang launch sa Hard Rock Cafe-Makati.

Inilathala rin namin ang number ng texter para in case na may nakakikilala sa kanya, may magsabi kay Jennylyn. Na siya ngang nangyari. Sa huling interbyu sa young actress, nabanggit niyang kilala na niya kung sino ‘yun.

Isa pa, bakit naman kung gigimik din lang si Jen ay ‘yun pang magmumukha siyang nang-aagaw ng boyfriend?

Base sa text, dahil sa selos kaya nagbanta ang texter kay Jen dahil nang-agaw daw ito ng boyfriend. Ang pangit naman yatang gimmick nu’n.

Naiiling na lang si Tita Becky sa mga kung anu-anong speculation. Alaga na nga niya ang nalagay sa hindi magandang sitwasyon, sila pa ang napagbintangan.

Sunday, June 04, 2006

Jennylyn Mercado, nang-agaw ng lalake?

c/o heidi yasay david

"Hindi ako papatol sa lalakeng may sabit!"

Pinapayuhan ng marami si Jennylyn Mercado na huwag paniwalaan ang sabi-sabing stalker niya. Sabi nga kasi, hindi na raw nananakot ang mga taong may masamang balak sa isang tao.

Kumbaga, hindi na nila dinadaan sa salita, bagkus ay magugulat ka na lang sa aksyon nito.

Si Jennylyn kasi, napa-paranoid talaga sa mga tini-text sa kanya ng stalker niya. Kaya ang pinakamagandang gawin ay kumuha siya ng bodyguard na puprotekta sa kanya.

Sabi, nagkaroon ng stalker si Jennylyn dahil nang-agaw daw ito ng boyfriend. Pero, sumumpa si Jennylyn na wala siyang inaagaw na boyfriend kanino man.

"Hindi naman ako ‘yung tipong nang-aagaw ng boyfriend. Kilala niyo naman ako at hindi ako papatol sa lalakeng may sabit. Babae rin ako at alam ko kung ano ang pakiramdam ng babaeng inaagawan ng boyfriend.

"Ayokong makasakit kaya nagtataka ako kung bakit may mga warning na ganu’n siya sa akin," mahinahong say ni Jennylyn.

Kung meron man daw babae na iniwanan ng kanyang boyfriend dahil sa sobrang paghanga sa kanya, labas na raw siya roon.

"Wala akong natatandaang nang-ahas ako ng boyfriend. Kung may babaeng iniwanan ng kanilang boyfriend dahil sa paghanga sa akin, wala talaga akong alam doom.

"Kaya sana, huwag naman nilang isipin na may kinalaman ako doon!"

Sa ngayon, wala raw siyang boyfriend. Maraming gustong pumorma sa kanya pero may ilang naniniwala na nagkabalikan na sila ni Mark Herras. Pero, muling iginiit ni Jennylyn na hindi sila nagkabalikan ni Mark.

Kung sweet man sila sa ngayon, ‘yun ay dahil sa I LUV NY. Kailangang maging kumportable raw silang dalawa sa mga eksena nila kaya hindi pwedeng magkaaway sila.

Okay na naman daw sila ni Mark ngayon. Parehong silang libre, at kung may matatagpuan silang magmamahal sa kanila, hindi raw magiging sagabal ang isa’t isa.

Tanggap na rin daw ng mga fans nila na hanggang TV at movie na lang ang romansa nila.

(JOEY DIEGO)

Armed bodyguards for Jennylyn Mercado

First posted 06:10am (Mla time) June 04, 2006
By Nini Valera
Inquirer



Editor's Note: Published on page A3-4 of the June 4, 2006 issue of the Philippine Daily Inquirer


JENNYLYN MERCADO HAS BEEN GETTING threatening messages on her cell phone for several weeks, now from an unidentified person who, she believes, is a woman.

From cuss words to warnings that acid would be splashed on her face, the messages have escalated into death threats that started on Wednesday, when Jennylyn launched her second album, “Letting Go,” at the Hard Rock Café in Makati City.

GMA 7 and Ayala Center provided the 19-year-old singer with armed bodyguards. But no assassin turned up, and the show went on without a hitch.

During the question and answer portion with the entertainment media, Jennylyn briefly recounted the threats: “The messages say I’m a boyfriend grabber. The sender also said today would be the last time people would see me pretty because acid would be thrown in my face. ”

The sender seemed to know Jennylyn’s schedule. She told Inquirer Entertainment that she had no idea who would want to harm her.

“I didn’t steal anyone’s boyfriend,” she said. “I have suitors, but I don’t have a boyfriend right now. [Besides] I know how it feels to lose a boyfriend to another girl.”

Best friends

She is not about to shrug off the threats, she said. She has become extra careful, and has confided her fears to ex-boyfriend Mark Herras.

Has love been rekindled between them? “No!” said Jennylyn. “He’s my best friend [now and] I tell him everything.”

She denied that her new album’s title is about the end of their romantic relationship. “It’s about letting go of bad memories, so you can move on,” she said.

Jennylyn launches 2nd album

After a hiatus as a recording artist, Jennylyn Mercado is back with her second album, Letting Go."

The album features 10 songs, with "Letting Go" as its carrier song.

It iis not clear what made Jennylyn distanced herself from recording, but whatever the reason, her return is an indication that she is the master of herself: She sings when she wishes.

And here she is back. Perhaps because there is so much that she wants to reveal or express. And singing is the freest way to express a long pent-up emotion.

From the songs in her second album, one will understand her more!

The first song, "Sa aking panaginip", appropriately announces her return to the limelight.

With "Sa aking panaginip", Jennylyn sings "with more assurance, morepurity about love and loss that offers listeners an initial glimpse of a renewed star"

Her rich voice "declares her valiant comeback, that she is a woman on a grand mission."

"Tanging Ikaw" and Nalimutan mo na ba ako," according to music aficionado,"are sappy and syrupy," songs with which her fans have grown accustomed to. Formulaic but effective nevertheless.

Her other tagalog song in the album,"kaya mo bang ibalik," is decribed "like a standard track but as the song develops, Jennylyn resonates with much depth that is so impressive for someone so young."

"Pangako Mo", her fisth tagalog song, "boasts Jennylyn's flexibility, composing the song herself. For a beginner, she succeeds in creating a connection with her listeners due mostly to the simple but effective lyrics she wrote."

The album's title and carrier song "The art of Letting Go," is definitely a song everyone wants to sing. The song "gets an aesthetically acoustic treatment, different from the original. During the album launch, Jennylyn sang the song with "genuine sentiment about losing someone special."

The song was accompanied with tender guitars, supple piano works, and delicate instrumentation.

Indeed, the song as Jennylyn performed it, really stands out from among the other songs in the album!

Other tracks in the album are "Devil in Disguise", "No Way," "I'd Still Yes", and "MOments of Love."

"Moments of LOve" is enjoying a lot of airplay nowadays!

Jennylyn's 2nd album is " atestimony of how much she trusts her individualism and personality, that within her, she is capable belting out great music."

Song lovers must not miss Jennylyn's 2nd album - her endearing voice, her animated personality, her unshakable determination - and the fact that she is the fabulous and adorable girl next door.!"

Have a date with Jennylyn, here are her mall tour shedules: June 4, SM San Lazaro, June 11- SM Sta ROsa, June 25- SM City Bacoor, July 2- SM City Clark, July 9-SM Marialo, July 16-SM City Faitview.

Manila Bulletin
Crispina Martines-Belen
June 4, 2006