Monday, June 12, 2006

HOT N SPICY by : Vinia Vivar

Kahit walang special someone na nagki-care, okay naman ang buhay ni Jennylyn Mercado. At least ngayon, pagkatapos ng trabaho’y diretso siya sa bahay at nagtutulog lang.

Natahimik na rin ang prank texter na nanggugulo sa kanya. Inakala pala ng girl na inaagawan siya ng boyfriend dahil diehard fan ni Jennylyn ang nobyo nu’ng babae.

Sa kuwarto raw ng guy ay puro pictures ni Jennylyn ang makikita, kaya hayun, sa sobrang selos siguro ay kung anu-ano ang sinabi sa young actress sa text.

Binalak ni Jennylyn na isumbong sa principal ng school na pinapasukan ang prank texter, pero patatawarin na lang daw niya, since tumigil na ito sa pagti-text.

People's Tonight
6/12/2006
20:19 PM