Friday, June 23, 2006

Jennylyn, nakikipag-date na kay Patrick Garcia!

Nitz Miralles
Ang Pilipino STAR Ngayon 06/23/2006

Itinanggi ni Jennylyn Mercado na may kinalaman siya sa break-up nina Alessandra de Rossi at Jeremy Marquez. Sa isang TV interview, nakiusap ito sa dalawa na ‘wag siyang idadamay kung may problema sila. Kaya lang, lalo siyang nadiin sa padudang sagot ni Alex, habang si Jeremy ay mas piniling manahimik sa isyu.

Sabi ni Jennylyn hindi siya bothered sa isyu sa kanila ni Jeremy nang makausap namin sa taping ng I Luv NY. Wala raw siyang dapat ikatakot dahil wala siyang kinalaman sa pinag-awayan nina Alex at Jeremy. Pero, kalaunan, inaming nairita siya.

"Hindi ko alam ba’t ako nasali at ‘di ko na rin pinapansin as long as ‘di totoo. Hindi ko kayang magpaligaw sa taong alam kong committed. Hindi ko rin ugali ang manggulo sa relasyon ng iba. Nakaka-iritang nadadamay ako na wala naman akong kinalaman," sabi nito.

Ang inamin ni Jennylyn ay ang paglabas-labas nila ni Patrick Garcia. Hindi na lang nito sinabi kung ilang beses basta, hindi ang pagvi-videoke nila sa Music Match ang first time. Nagka-kape raw sila pero, laging marami sila.

"Nagustuhan ko kay Patrick? Mabait siya sa akin, sobrang gentleman at nirerespeto ako. Wala akong masabi, sobrang bait niya."

Alam ni Mark ang tsismis kina Jennylyn at Patrick at alam din ng dalaga ang isyu sa kanila ni Nicole Anderson. Ang maganda lang sa dalawa, kahit walang relasyon, tanggap pa rin ng fans ang kanilang loveteam. Pinaaabangan pala nito ang mga susunod na episode ng I Luv NY dahil marami pa ang mangyayari hanggang matapos sa 18 weeks.

Thursday, June 22, 2006

Mark gumanti kay Jennylyn

by Nitz Miralles
Journal, 06/22/06

NAGGAGANTIHAN ba sina Jennylyn Mercado at Mark Herras? Nagtatanong kami dahil kung nali-link ang una kay Patrick Garcia, ang huli nama’y nali-link kay Nicole Anderson.

Si Nicole ang na-blind item na tini-text ni Mark, pero sabi nito, marami siyang tini-text at nakikipagkaibigan lang siya at ‘di nanliligaw.

Bago pa matsismis, ikinuwento na ni Mark na magkasama sila ni Nicole sa California Pizza Kitchen sa T. Morato last Sunday after SOP para pag-usapan ang gagawing dance number sa show.

Kasama nila sina Chynna Ortaleza, JC de Vera at Miggy Eugenio. Wala siyang time makipagrelasyon at tumigil nga pansamantala sa panliligaw kay Marian Rivera.

Nalaman din naming hindi sa pagbi-videoke unang lumabas sina Jennylyn at Patrick. Ilang beses na silang gumimik at dumalaw na ang ang actor sa bahay ng dalaga at nagpadala ng flowers nang ito’y magkasakit. Naniniwala si Jennylyn na ‘di makasisira sa I Luv NY ang pagkaka-link sa actor dahil iba ang trabaho sa personal life. Wala rin daw masama kung manligaw ito dahil pareho silang single, pero friends pa lang sila ngayon.

No need to worry ang fans nina Jennylyn at Mark dahil okey naman sila sa taping ng soap at sa shooting ng Eternity. Nagpapaka-propesyonal sila sa trabaho at ginagaya sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin.

Bukas, magkasama silang pupunta sa Tacloban para mag-show at sa Sabado na ang balik.

Samantala, papasok sa I Luv NY sina Gerald Santos as Jolina’s brother at Jonalyn Viray as Gerald’s girlfriend. Kasama na rin sa cast sina Harry Santos, Aicelle Santos at Charmaine Piamonte, puro taga-Pinoy Pop Superstar.

Not true na papasok si Bebong Muñoz, Jolina’s boyfriend, gaya ng tsismis.

Wednesday, June 21, 2006

JENNYLYN MERCADO: BALOT NG KONTROBERSYA AT INTRIGA

c/o rhenmarj
Ni Pablo Reyna Libiran



Sa hanay ng mga bagong artista sa pelikula, isa si Jennylyn Mercado sa masasabing nababalot ng kontrobersya. Noong bagu-bago pa lamang siyang sumisikat, nagkaroon ng usap-usapan na idedemanda siya ng kanyang tunay na ina dahil ayaw niya itong kilalanin bilang ina dahil hindi raw ito ang nag-alaga sa kanya.

Na di umano sa halip na ipagtangol si Jenny sa ama-amahan (stepfather) na nagmaltrato at pumalantsa ng likod niya, ito pa raw ang kinampihan ng kanyang ina. Bagay na pinasinungalingan naman ng ina ni Jenny na isang overseas contract worker noon. Na ayon pa rin sa isang artikulo hindi raw nagpapadala ng pera ang ina at ang tanging gumagastos ay ang kanyang tiyahin na kapatid ng kanayang ina.

Sa pamamagitan ng abogada ng ina ni Jenny na si Atty. Jenet Pinlaca, nalaman namin na hinding tutoong inabandona si Jenny ng ina. Lagi raw silang nagkakausap sa telepono at laging nagpapadala ng sustento . Ipinakita ng abogada ang mga dokumento na nagpapatunay sa bagay na ito.

Maganda naman ang resulta ng tangkang paghaharap ng demanda o reklamo ng nanay ni Jenny. Mukhang nakipag-ayos na ria ang tiyahin ng dalaga sa tunay na ina ni Jenny na namamalagi sa ibang bansa at may malaking negosyo doon.

Pagkaraan ng naturang isyu, naging usap-usapan naman at naging laman ng mga pahayagan ay ang lagi nang pag aaway nila ng kaniyang boyfriend na si Mark Herras .
Di umano labis ang pagkaselosa ni Jenny at sa harap ng maraming tao ay sinasaktan niya ang kasintahan.

Bagamat isang negatibong publicity, wari’y hindi ito alintana ng dalaga. Sa halip tuloy ang on and off relationship nila ni Mark. Napapabalita rin na ang pagseselos ay dahil sa pagiging chickboy ni Mark.

Pero hindi pa roon nagtapos ang realsyon ng dalawa. Bagamat may mga young actor na inuugnay sa pangalan ni Jenny, may mga young actress din na nalilink din sa pangalan ni Mark. Kamakailan lamang, nang kapanayamin si Patrick Garcia kung gagawa siya ng pelikula o tv series, sinabi niyang gusto niyang maging leading lady is Jenny.

Bigla may mga reporter na sumulat ng artikulo na kaya raw lumipat si Patrick sa Channel 7 ay dahil kay Jenny. Isa na namang intriga ang lumabas. At kung talagang magiging mapaniwalain tayo sa balita ay iisipin nating nanliligaw nga si Patrik kay Jenny. Pero sinabi naman ng una na ayaw niyang pag-awayin sila ni Mark. Kung magtatambal man sila ni Jenny ay trabaho lamang iyon, paglilinaw nito.

May mga malalapit naman kina Jenny at Mark na nagsasabi na nang muling magkasama ang dalawa sa shooting ng I Love New York ay lalong naging malambing ang pagtitinginan ng dalawa. Nagsusubuan pa raw ito ng pagkain at laging magkasama kung namamasyal.

Ang tutoo, kung career naman ang paguusapan, marami rin ang nagsasabi na pwedeng maging mahusay na artista si Jenny. Ang kailangan lamang niya ay mabigyan ng magandang role at mahusay na director na mag-dedevelop ng kanyang acting ability.

Napanood na rin namin si Jenny na gumanap sa pelikulang Blue Moon. Bagamat mahusay ang pagkakaarte niya ay hindi gaanong na-established ang role niya. Bigla ay nawala siya at bigla rin ay lumitaw sa pelikula. Sa kanya kasi at kay Mark Herras iinog ang istorya, Pero biglang gumulo nang pumasok si Eddie Garcia bilang ang matandang si Mark Herras.

Maging sa pelikulang Let the Love Begin na ginampanan ni Angel Locsin at Richard Guttierez, second lead lang ang role nila ni Mark . Kung sabagay, may kasabihang bad or good publicity is still publicity. Pero sabi nga ng nakatatanda, mas magandang sumikat ka nang walang intriga sa buhay mo bilang artista. Na napag-uusapan ka dahil sa napakahusay na pagkakaganap ng isang role na ipinagkatiwala sa iyo.

Marami rin ang nagsasabi na bata pa naman si Jenny. At marahil ang mga nangyayari sa kanyang buhay at mga mangyayari pa ay isang magandang karanasan upang higit siyang matuto sa kinabukasan. At pag nangyari yun, marahil ay isang mahusay at magaling na Jennylyn Mercado na ang ating mapapanood. Mahusay umarte at hinog na hinog na.

KAPAG na-interview uli sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia, hindi na nila sasabihing hindi pa sila personal na magkakilala. Ito ay kung totoong nakita silang magkasama sa Music Match, isang videoke bar sa may Tomas Morato last Saturday. O, ’di ba, bukod sa kuwentuhan, nagkantahan pa ang dalawa sa una nilang paglabas?!

Tinawagan si Patrick ni Joe Barrameda para tanungin sa balita. Hindi ito nag-deny at ‘di rin nag-confirm. Si Jennylyn na lang daw ang tanungin dahil nakahihiya kung sa kanya pa manggangaling ang kuwento.

Sa sagot na ‘yun ni Patrick, tila may katotohanan nga ang balita.

Hindi kami naniniwalang makasisira sa I Luv NY ’pag nalaman ng fans na lumabas si Jennylyn na si Patrick, hindi si Mark Herras, ang kasama.

Matagal na silang break at bakit sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin, tanggap pa rin kahit may mga anak na ang huli at naaaliw ang viewers sa kanilang tambalan?

source: journal.com.ph 06/21/06

Tuesday, June 20, 2006

Jennylyn at Patrick, nag-date

Joe Barrameda
Abante-Tonite
6/20/06


Sa wakas, nagtagpo na sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia! Nagkayayaan ang dalawa noong Sabado nang gabi sa Music Match (Motato Av., QC).

Kasama ni Patrick ang kanyang mga kaibigan, samantalang kasama ni Jennylyn ang mga kasambahay niya.

Matatandaang ipinahayag ni Patrick sa presscon ng Captain Barbell na gusto niyang ma-meet si Jennylyn.

Balita namin, nag-umpisa nang dumalaw si Patrick sa bahay ng young actress.

Ano kaya ang masasabi rito ng ka-loveteam ng dalaga na si Mark Herras?