Saturday, July 15, 2006

Jennylyn Mercado, kilala si Mystery Girl

HINDI mapilit ng press si Jennylyn Mercado na pangalanan ang diumano'y
totoong tini-text ni Jeremy Marquez. Ang sabi lang nito sa press visit
ng Eternity, magugulat ang lahat `pag nalaman ang identity ng babae.

Well, malapit nang makilala kung sino ang mystery girl na ito't alam na
ng ilang press sa ibang source kung sino siya.

Bina-blind item pa lang siya sa ngayon, pero alam n'yo naman ang press
people, 'pag nasa mood, bigla na lang isusulat ang kahit hindi dapat.

Gusto sana ng press na si Jennylyn ang magpangalan sa kanya para
malinis ang pangalan na naiskandalo sa pagkaka-involve sa Alessandra de
Rossi-Jeremy Marquez break-up.

Kundi ito gagawin ng dalaga, asahan ninyong may pasaway na reporter na
gagawa sa ayaw niyang gawin.

Nitz Mirallez

kung magpupursige, Jennylyn magiging syota ni Patrick

Buong Ningnig
ni Tony Gonzales

Kung hindi titigilan ni Patrick Garcia si Jennylyn Mercado malamang na mauwi talaga sa relasyon ang samahan ng mga ito. Paano nga ay loveless si Jennylyn and at this point ay malamang mahulog ang damdamin niya sa isang lalaking palagi niyang nakakasama. Constant visitor daw ni Jen si Patrick. Palgi raw itong nakabantay at kahit saan magpunta ang actress ay naroon ang aktor. Bagay naman sila. Sa tingin namin ay si Patrick ang nababagay sa edad ni Jennylyn at hindi ang bagets na si Mark Herras. Kapag kasi magkasama sina Jen at Mark, nagmumukha silang magtiyahin. Kahit anong gawin ni jennylyn, hindi sila bagay ni Mark in terms of look. Halata kasing mas matanda siya nang malaking taon kay mark. Si patrick ay magtereinta anyos na. Ganoon din daw kasi ang edad ni Jennylyn, samantalang si Mark ay bagets at teenager pa. ----- May isang isyu noon na nalilink si Jennylyn kay Hero Angeles. Ito iyong muntik-muntikanan nang magpunta ng siyete si Hero, ang pambungad na isyu ay nililink silang dalawa. kung natuloy ang paglipat ni Hero sa isatsyon ay maaarting sila nga ang pagtambalin at lagayan ng romantic angle. Naku, sayang iyon. Bagay din sana si Hero at Jennylyn, di ba? Only, mukhang lahat ng nababagay kay Jennylyn ay palaging hanggang sa ganyang isyu lang. Na gimmick lang or publicity lang. Hanggang nababansagan tuloy siyang playgirl.

Friday, July 14, 2006

E-TALK by Beth Gelena

SAKALING mabigyan ng tsansang makapagbitbit ng dating Kapamilya sa bakuran ng GMA-7, si John Lloyd Cruz ang gustong kumbinsihin ni Patrick Garcia.

Ito ang sinabi ng actor nang mag-guest sa isang episode ng Nuts Entertainment kamakailan.

Ang ibinigay na rason ni Patrick, mabait at mahusay na actor si John Lloyd.

Sa ngayon, wala pang ma-consider si Patrick na ka-close sa Kapuso Network. Pero, kaibigan daw niya ang lahat ng talents ng Siyete.

Kung papipiliin naman between Jennylyn Mercado at Bianca King, si Jennylyn ang pipiliin niya dahil may syota na ang ex-girlfriend.

Anyway, sa ngayo’y best friends pa lang daw sila ni Jen. Masigasig man sa panliligaw si Patrick, ayaw pa rin siyang paasahin ni Jennylyn.

Para sa young actress, mas mabuti na ‘yung nagkakasundo muna sila bilang magkaibigan. Ngayon, panahon na lang ang makapagsasabi kung hihigit pa roon ang kanilang pagtitinginan.

People's Tonight

Thursday, July 13, 2006

BELIEVE kami kay Mark Herras. He has good words to say pa rin sa dati niyang girlfriend na si Jennylyn Mercado na kapartner din niya ngayon sa bagong pelikula ng Regal Films, ang Eternity na idinidirek ni Mark Reyes.Sa interbyu namin kay Mark sa mismong shooting ng pelikula, nasabi niyang hindi siya naniniwala sa mga ibinibintang ng ilan kay Jennylyn na inaagaw nito si Jeremy sa girlfriend niyang si Alessandra de Rossi."Hindi naman ganu'n ang pagkakilala ko kay Jennylyn. Hindi ako naniniwala na mang-aagaw siya ng boyfriend ng may boyfriend. Wala `yun sa personality niya," wika pa nito.Naikuwento rin ni Mark sa amin na noong sila pa ni Jennylyn ay wala naman siyang nabalitaan na may ka-text na ibang guy ang kanyang girlfriend. Baka raw na-misinterpret lang ng iba ang mga pangyayari at nagsanga-sanga na ang balita kaya lumala ang isyu.Sa Eternity, purely work na lang ang relationship ng dalawa. Wala na raw `yung love na katulad ng dati, pero nando'n pa rin daw `yung concern nila sa isa't isa."The concern is still there, hindi naman puwedeng mawala `yon. Pero, `yung mga ginagawa namin before, nung time na kami pa, siyempre wala na. Pareho kaming naka-focus sa work namin ngayon," wika pa ni Mark.Eh, paano ang kissing scenes nila sa Eternity? Wala bang bumabalik sa kanyang alaala tuwing naghahalikan sila sa shooting?"We are portraying the role of two people na in love sa isa't isa kaya `yun ang ipinakikita namin sa screen. Na-experience din naman namin `yun before kaya ma-dali nang iarte," kuwento pa ng binata.In fairness, hanggang ngayon ay nananatiling sincere at honest si Mark sa kanyang mga nagiging pahayag. Hindi pa rin nagbabago ang bagets mula nang makilala namin siya sa audition pa lang ng StarStruck batch 1.Samantala, itinanggi rin ni Jennylyn ang tungkol sa pang-aahas niya kay Jeremy. Humingi rin siya ng paumanhin kung nakapagtaas man siya ng boses sa isang interbyu patungkol sa reaksyon ni Alessandra."Napuno lang kasi ako. Tao lang din naman ako. Para kasing masyado nang unfair kaya ako nakapagsalita ng ganu'n. Pero humihingi ako ng paumanhin sa mga nasabi ko," wika pa niya.Kasama rin sa Eternity sina Bobby Andrews, Juan Rodrigo, Jaclyn Jose, Hilda Koronel, Iza Calzado at Dingdong Dantes. Palabas na ito sa August 30.Leo M. Bukas

Abante Tonite
Abu tilamzik

Hindi ako sigurado kung magiging tahimik pa ang mundo ni Jennylyn. Kung matatapos na itong isyu niya kina Jeremy at Alessandra, nandiyan pa rin ang panliligaw raw sa kanya ni Patrick Garcia at itong latest, si Marco Alcaraz daw.

Itinatanggi ni Jennylyn ang kay Marco dahil may kaibigang bading lang daw siya na Marco rin ang pangalan, pero pagdating kay Patrick tahimik si Jennylyn at mas mabuting si Patrick na lang daw ang tanungin.

Tinanong namin si Patrick at hindi ganu’n kalinaw ang mga sagot niya, pero inamin niyang lumalabas sila ni Jennylyn. "We’re okay" ang karugtong niyang sagot.

Mas nanaisin ni Jennylyn na huwag nang i-showbiz ang tungkol sa kanila ni Patrick dahil sobrang personal na raw ang kanilang pagiging magkaibigan.

Hanggang friends din ang sagot ni Patrick pero malay natin kung magkadebelopan sila at lalong maging maganda ang kanilang samahan sa bandang huli.

Ewan ko lang kung kailangang aminin ito ni Jennylyn dahil nandiyan pa rin si Mark Herras na ka-loveteam niya. May pelikula pa silang Eternity at TV series na I Luv NY, kaya hindi muna siguro palalakihin ‘yang involvement niya kay Patrick.

HOT N SPICY
by : Vinia Vivar


Ayaw ni Jennylyn Mercado ng may kaaway, kaya mas gusto niyang manahimik na lang sa mga bagong sinabi ni Alessandra de Rossi tungkol sa kanya.

Ilang beses na rin naman niyang naipaliwanag ang side niya hinggil sa text message issue kay Jeremy Marquez at ayaw na niyang ulit-ulitin pa ‘yun.

In the first place, wala siyang dapat ipaliwanag kay Alex dahil wala siyang kasalanan sa aktres.

It just so happened na kailangan niyang ipagtanggol ang sarili dahil hindi maganda’ng lumalabas siyang third party sa split-up ng dalawa.

Jen’s currently doing Eternity with Dingdong, Iza Calzado and Mark Herras, at uumpisahan na rin niya ang Super Noypi, filmfest entry ng Regal Films ngayong Disyembre.

“HINDI lang siguro mature at mahusay umarte,” komento ng isang mataray na observer sa parang kulang na kilig between ex-lovers Mark Herras at Jennylyn Mercado.

Naobserbahan kasi ng nasabing observer na parang nagkakailangan ang dating magsyota, lalo pa’t intimate at sobrang romantic ang scenes na kinunan sa dalawa sa Eternity.

Pero may istilo ang direktor na si Mark Reyes. Palihim niyang kinakausap ang dalawa kaya ’pag nagru-roll na ang kamera, swak na swak sa hinihinging emosyon ni direk ang ibinibigay ng dalawa.

Baka naman kasi hindi eternal ang dating ng love kina Mark at Jen kaya parang bitin ang mga usisera’t usisero? Hahaha!

by : Ambet Nabus
People's Tonight
7/13/2006 20:02 PM

Jennylyn hindi pa absuwelto sa ‘pang-aahas’ kay Alex

DAILY INSIDER
by : Dinno Erece


Jennylyn Mercado
TILA mas maiipit pa si Jennylyn Mercado sa usaping third party niya kina Alessandra de Rossi at Jeremy Marquez.

This is a non-showbiz friend’s comment na may valid point, so we’re using it. Since Jennylyn is insisting daw that she’s not the third party kina Jeremy and Alex at alam niya kung sino ito (the real third party), bakit hindi niya sabihin para maabsuwelto siya?

Ang nangyayari raw kasi, komento pa ng kaibigan namin, she’s calling Jeremy duwag for not talking and yet siya, ayaw ding magsalita kung sino nga ang sinasabi niyang third party.

It’s a case of the pot calling the kettle black nga naman. Jennylyn must protect her good image at this point. May soap siya sa GMA-7, ang I Luv NY, may series of movies ulit siya with Mark Herras sa Regal Films starting with Eternity na ipapalabas na sa Aug. 30 together with Dingdong Dantes and Iza Calzado.

She should blurt out kung sino nga ang third party kina Alex and Jeremy, so her reputation could be saved.

Sino nga raw ba ‘yung third party na ‘yun at tila takot din si Jennylyn na pangalanan?

Wednesday, July 12, 2006

I can face Alessandra with a clean conscience -- Jennylyn

People's Journal

WE visited the set of Eternity, Regal’s new romantic drama inspired by the huge success of Moments of Love that starred Dingdong Dantes and Iza Calzado, written by Gina Tagasa and directed Mark Reyes.

The same team is back in Eternity, plus the winning love team of Mark Herras and Jennylyn Mercado.

Just like Moments of Love, Eternity toys with time and the idea of love being eternal and timeless. Dingdong and Iza play Crisanto and Milagros, ill-starred lovers who lived in the Spanish times, with their scenes filmed in historic Vigan.

Their love story is intertwined with that of Mark and Jen who play Cholo and Meagan, who live in the present. How past and present eventually meet and coalesce is the climax of the film.

“My last movie with Mark, Blue Moon, for which we won as People’s Choice best actor and best actress in the Metro filmfest, kami ang characters who existed in the past during World War II,” says Jen. “This time, we’re the ones who exist in modern times. The story is magical and those fond of love stories will surely enjoy Eternity.”

Does she believe in eternal love? “Of course. I’m a hopeless romantic and kung sino ‘yung makakasama ko sa harap ng altar, I want it to be for eternity na.”

Could it be Mark? “We can never tell. I’m not closing my doors naman on him. But right now, I’d say we’re better off this way, close friends who do our job as a love team professionally. I’m really thankful nga na our fans continue to support us even if they know hindi na kami on.”

What can she say about the accusation that she caused the breakup of Alessandra de Rossi and Jeremy Marquez? “I don’t want to discuss that anymore as it’s a non-issue. Jeremy never courted me and I can face Alessandra with a clean conscience.”

What about Patrick Garcia? Is he really courting her? “We’re also friends. We’ve gone out. But I think it’s better you ask him if he’s courting me. Mamaya, sabihin kong yes, hindi naman pala.”

Re: Uno Magazine

BASTA
by : Nitz Mirallez

NGARAG-NGARAGAN sina Jennylyn Mercado at Mark Herras dahil pagkatapos ng pictorial sa Vigan para sa Eternity last Monday, agad bumalik ng Maynila at dumiretso sa Tagaytay para sa taping ng I Luv NY. Tiyak na sa araw na ito’y may iba na naman silang schedule, pero walang reklamo ang dalawa’t mahirap nga namang tumanggi sa trabaho.

Kinumpirma pala ni Jennylyn na may offer sa kanyang mag-cover sa Uno Magazine, isang men’s magazine na, kundi kami nagkakamali, ang isa sa mga may-ari ay si Diether Ocampo.

Pero sabi ni Jennylyn, hindi pa siya nagdi-decide kung tatanggapin ang offer na mag-cover sa magasin na idinaan sa GMA Artist Center.

Marami na ring Kapuso talents na nag-cover nang sexy, sa pangunguna nina Angel Locsin, Katrina Halili at Bianca King.

Saka, three years na siyang napapasama sa FHM Sexiest at walang masama kung magku-cover kahit sa karibal nitong magasin.

Incidentally, this Wednesday sa I Luv NY, nakatakda na ang kasal nina Natalie (Jennylyn) at Sebastian Santos (Alfred Vargas).

Nagpasya naman si Baste (Mark Herras) na umuwi na ng ’Pinas, pero nag-iwan ng sulat para kay Natalie, na nakikiusap na magkita sila for the last time sa may Statue of Liberty.

Dumating si Natalie at masaya na sana sila kundi lang huhulihin si Baste ng immigration officers.

Patrick, taga-alaga na lang ng aso ni Jennylyn

HOT N SPICY
by : Vinia Vivar

MEDYO bothered si Jennylyn Mercado habang nagsu-shooting ng Eternity sa Vigan, Ilocos Sur, dahil iniwan niya sa Maynila ang asong si Blue na may sakit.

Kasalukuyan itong naka-confine sa veterinary clinic at hindi pa okay, kaya nag-aalala si Jen. Ang nasabing pet ay binili ng young actress last May and since then, tatlong beses na itong nagkasakit.

Pati si Mark Herras, alalang-alala rin dahil nakitang wala sa mood ang ex-girlfriend.

“Nakatulog ka na ba?” tanong ni Mark sa dating karelasyon. Sagot ni Jen, hindi pa nga, dahil dinala sa hospital si Blue.

Sweet moment pa naman nina Jen at Mark ang kukunan by the beach. Napaka-romantic ng place at very inviting ang dagat, pero talagang worried si Jen sa aso, kaya hanggang matapos ang take, sad siya.

Ipinagpapasalamat na lang niya na habang nasa Vigan siya, si Patrick Garcia ang nagbabantay sa asong naka-confine sa clinic.

Ganu’n katiyagang manligaw si Patrick, huh?

Tuesday, July 11, 2006

Jennylyn, handang kausapin si Alessandra

Abante-Tonite
ni Allan Diones


Iyung tungkol sa isyung siya ang dahilan ng paghihiwalay nina Alessandra de Rossi at Jeremy Marquez ang inusisa kay Jennylyn Mercado nang dumalaw kami noong Biyernes sa set ng Eternity sa Museo Pambata sa Roxas Bouelavard.

"Kung alam lang ng mga tao kung sino talagang dahilan (ng hiwalayan), magugulat sila! Pero ako, wala akong kinalaman doon.

"Kung anuman ang problema nila, sana, huwag nila akong idamay kasi, wala talaga akong koneksyon kay Jeremy. Hindi ko nga siya kilala, eh! Parang… baket??! ‘Di ba?" umpisang dayalog sa amin ni Jennylyn.

Talaga, hindi niya kilala si Jeremy?

"I mean, kilala ko siya as Jeremy, pero hindi kami close. Hindi kami nag-jive! Wala, wala talaga! Pag nagkikita kami sa GMA, ‘Hoy!’ Ganu’n lang! Kasi, magkakasama kayo sa iisang channel, ‘di ba?"

Eh, bakit ayon kay Alessandra, nagti-text-an daw sila ni Jeremy?

"Siya (Jeremy) lang siguro ang nagti-text, pero ako, hindi ko siya sinasagot. Bilang respeto na rin kay Alex (palayaw ni Alessandra)…"

So, alam ni Jeremy ang celfone number niya?

"Oo, pero matagal na rin po akong nagpalit ng number!"

Bakit kaya siya ang itinuturong dahilan ng break-up ng dalawa?

"Hindi ko alam. Wala akong idea. Sabi ko nga, magugulat po kayo kasi, talagang hindi ako ang dahilan. Pero alam ko kung sino dahil kilala ko! Kaya sinasabi ko na unfair sa akin dahil pinipilit nila na ako!

"Ako ‘yung pinu-front nila, eh, hindi naman ako! Siguro, may mga taong walang magawa at masaya sa paninira ng iba!" pakli ni Jen.

Handa ba siyang makipag-usap kay Alessandra?

"Yeah, para sa akin, anytime naman, pwede ko siyang makausap, eh! And I feel so sorry about what happened kasi kumbaga, sorry dahil nakapagsalita rin ako nang hindi maganda dahil sa init ng ulo.

"Dala na rin ng napuno na rin ako at saka nu’ng una, hindi ko pinapansin ‘yung isyu. Dedma ako. Kasi, hindi naman totoo!

"Pero nu’ng time na pinalalaki na nila at meron nang mga interview na hindi magaganda, syempre, kailangan ko nang ipagtanggol ang sarili ko!

"Sorry kung medyo nakapagtaray man ako last time, medyo nakapagsungit ako. Kasi, ayoko mang gawin ‘yon, eh, medyo nakakapika na sila, ‘di ba?

"Hindi ko na nagugustuhan kasi unang-una, hindi ko ugali ang manghimasok sa isang relasyon!" bulalas ng dalaga.

Friends ba sila ni Alessandra?

"Hindi naman kami magkaaway pero kumbaga, hindi rin kami nakakapag-usap. Kasi, nagkakasalubong lang kami sa GMA. Kaya nagulat na lang ako na bigla na lang akong nadamay!"

Pag nagkita ba sila ni Alessandra ay posibleng may maganap na hindi maganda?

"Wala naman po siguro. Kasi, nalaman na rin siguro niya kung sino ‘yung tao na ‘yon. Lalabas din naman po kung ano ‘yung totoo, eh!"

‘Pag si Jeremy ang nakita niya, sisitahin ba niya ito hinggil sa isyu?

"Wala, hindi na! Kumbaga, kahit hindi niya ako nai-defend, alam kong tahimik siya, pero sana nga sabihin na niya ‘yung totoo dahil talagang hindi ako ‘yon!"

So, nagkamali lang pala si Alessandra sa sinabi nito na siya ‘yung nagti-text kay Jeremy?

"Kaya kong patunayan na hindi ako ‘yon. Ipakita nila ‘yung message at saka ‘yung number, kaya kong i-prove na hindi ako ‘yon! Ipakita nila ‘yung sinasabi nilang basehan," mariing sambit niya.

Sa rami ng mga sinabi ni Alessandra, bakit hindi man lang niya ito kinausap at hinayaan na lang niyang magsalita ito nang magsalita laban sa kanya?

"Hinayaan ko dahil para sa akin, ang totoo, hindi mo maitatago, eh! Lalabas at lalabas ang totoo! Nu’ng una, wala ako ni konting concern sa kanila. Parang, ‘As if?!’ Ganu’n ‘yung reaction ko nu’ng una.

"Pero nu’ng tumagal na ‘yung isyu at umiiyak na si Alex, doon ko naisip na parang, ‘Ano bang nangyayari? Seryoso ba talaga sila?’"

May galit ba siya kay Alessandra?

"Wala, wala. Siguro, mari-realize rin niya ‘yon pagdating ng time kung sino ‘yon. At kung nalaman na niya ‘yon ngayon, good for her!

"Para sa akin, bahala na sila. Basta sa sarili ko, alam kong wala akong ginagawang masama!"

Anong gusto niyang iparating kina Alex at Jeremy?

"Wala, wala akong message for them dahil unang-una, wala akong kinalaman diyan at wala akong pakialam!" mataginting na pahayag ni Jennylyn.

Insider
Billy Balbastro


Hindi pa rin nauunawaan ni Jennylyn Mercado ang inis at galit sa kanya ni Alessandra de Rossi dahil lang kay Jeremy Marquez.

Kahit friends, hindi sila naging close ni Jeremy. Ayon kay Jennylyn, ang handler niya ang ka-text ng actor. Inis siya dahil tahimik ang actor.

Incidentally, nabalitaan daw ni Jen na okey na muli sina Alessandra at Jeremy. "Sana, malimutan nating lahat ang ganitong uri ng feud," sabi niya.

Abala ngayon si Jennylyn sa siyuting ng Eternity nila ni Mark Herras, sa taping ng I Love NY at kanyang fourth year high school home study plan.

***

Sinasabi ni Jennylyn na wala siyang bf sa kasalukuyan.

Kaya bigla naming naalaala si Patrick Zamora na tinutulungan ng kaibigang Vir Gonzales. Isang finalist sa isang GMA contest si Patrick.

Sinasabi ni Patrick na "ex-bf ni Jennylyn" siya noong hindi pa sumali si Jennylyn sa Starstruck.

"Nagkasama kami sa isang contest," kuwento ni Patrick. "Doon kami nagkakilala. For a while talagang close kami talaga. Magbuhat nang sumikat siya, nag-iba na si Jennylyn sa akin.

"Lumipat ng bahay. Hindi ko na sila nakikita. Nawalan na lang kami ng kontak. Tipong nagbago."

Nasa showbiz na rin si Patrick. Tila sinundan niya ang yapak ng dating gf. Lumabas na siya sa Daisy Siete, Triple K ni Carlo Caparas at patuloy ang kanyang pag-aaral ng Tourism sa PWU.

Jennylyn at Alessandra, nag-isnaban

Abante-Tonite
Allan Diones

Tinutukan namin ang pagtatagpo nina Jennylyn Mercado at Alessandra de Rossi sa GMA anniversary Fantastic 56 show nu’ng Linggo, pero walang nangyari dahil hindi sila nagkabati at talagang dedmahan ang dalawa kahit magkasama sila sa stage at magkatapat pa sila ng dressing room.

Unang dumating si Alessandra sa backstage at nakatsikahan namin ito pero nakiusap siyang huwag nang pag-usapan ang tungkol kay Jennylyn.

"Ayoko na kasing magsalita. Pinagsabihan na akong manahimik, bahala na siya kung ano ang gusto niyang sabihin," sabi sa amin ni Alessandra.

Officially, nagkabalikan na sina Alessandra at Jeremy at magkasabay nilang pinanood ang interview ni Jennylyn sa Startalk pero ayaw nang mag-comment ni Alessandra.

"Basta ako pumayag na akong magkabalikan kami dahil nakita ko kung ano ang pagtitiyaga ni Jeremy para magkabalikan kami," pahayag nito.

"Nag-usap na kami nang mabuti at inamin niya lahat ang mga pagkakamali niya. At tinanggap niya ako kahit ano pa ang mga sinabi ko tungkol sa kanya sa mga interview pero kinalimutan na niya para magkaayos lang kami," dugtong ni Alessandra sabay pakita ng singsing na bigay ni Jeremy.

Nang dumating si Jennylyn, nasa labas lang ng dressing room si Alessandra at nakipagtsikahan sa ibang staff pero parang hindi ito nag-e-exist kay Jennylyn dahil dedma lang siya na parang walang nakita, at ganundin si Alex.

"Di ba, sabi niya, ki-kiss daw siya sa akin pag magkita kami? Di ba, parang kaplastikan naman ‘yun na iki-kiss mo ako sa kabila ng mga pinagsasabi ko sa ‘yo?" pahayag ni Alessandra.

Mabuti at hindi lumapit sa kanya si Jennylyn at baka hindi maganda ang mangyari kung nagkataon.

Abante
Jojo Gabinete

Inimbitahan si Jennylyn Mercado na mag-guest sa S-Files noong Linggo pero tumanggi ang kanyang handler na si Daryl Zamora ng Artists Center. Ang brilliant excuse ni Daryl, para siyang kumuha ng bato na ipupukpok sa kanyang ulo kapag tinanggap niya ang imbitasyon ng S-Files dahil dalawa ang show ni Jennylyn, isa sa SM Marilao at isa sa SM Bacoor.

Hindi nagsabi ng totoo si Daryl dahil noong Linggo, naroon lamang si Jennylyn sa World Trade Center.

Hindi kasalanan ang maging honest. Kung ayaw ni Daryl na mag-guest si Jennylyn sa S-Files para huwag nang maungkat ang participation ng kanyang alaga sa Alessandra de Rossi-Jeremy Marquez issue, hindi na niya kailangang magsinungaling dahil siguradong maiintindihan siya ng S-Files staff.

At bago pa nakaisip ng brilliant alibi si Daryl, alam na ng S-Files staff na walang mall shows si Jennylyn ng araw na ‘yon. Kaninong kredibilidad ang nasira? Nasaan na ang bato na ipupukpok sa ulo? Ano ang mararamdaman niya kung siya ang nakatikim ng ganoong trato?

Huwag sanang mangyari kay Daryl ang ginawa niya sa staff ng S-Files, ang show na palaging bukas para sa mga contract star ng Artists Center sa tuwing mayroon silang ipino-promote at mga reklamo na ihinahanap nila ng kasagutan.

Mabubuting tao ang staff ng S-Files kaya hindi tama na pinaglalaruan sila ng isang tao na kapwa nila Kapuso.

Not guilty

Dollywood
Dolly Ann Carvajal
Inquirer - 07/11/06

Jennylyn Mercado was pinpointed by Alex as one of the many girls who had flirted with Jeremy. She claims that Jen kept sending Jeremy sweet messages even while she was in the US filming “I Luv NY.”

I cornered Jen about it. She clarified: “Jeremy asked for my number; I gave him the number of my road manager, not mine. I didn’t want to embarrass him by not giving any number. I’m wary of cell phone bills so when I was in the States, I hardly texted anybody. I hope Alex and I get a chance to talk so I can prove to her that I’m not the one texting Jeremy. But I won’t apologize because I’m not guilty naman.” If being friends with Jeremy is wrong, Jen doesn’t want to be a repeat offender.

Ano ba ang drama nina Alex at Jeremy?

Ang Pilipino STAR Ngayon
07/11/2006

So, nagkabalikan na sina Jeremy Marquez at Alessandra de Rossi?

Samantalang kailan lang ay putak si Alex na kaya sila naghiwalay ng saksakan ng gwapo niyang boyfriend ay dahil kay Jennylyn Mercado na mariing pinabulaanan nito.


Hindi pa rin naniniwala si Alessandra sa pagtatapat ni Jen dahil nagsalita pa rin ito ng "Ang kapal ng mukha," after magpaliwanag ng ka-loveteam ni Mark Herras sa isang talk show na akala ni Alex ay nagdi-deny nga ang dalaga.

Ang ikinagulat lang namin ay ikinuwento ng ilang katoto na dumalaw sa set ng programang Project 11 ng QTV na nakita nilang nagsusubuan ang dalawang nagbalikan samantalang the day before ay tumatalak ang aktres na hiwalay nga sila ni Jeremy?

Anong drama ‘yun? May upcoming movie si Alex yung idinirek ni Gil Portes sa Barcelona, Spain, ayaw naming isiping ‘ginamit’ niya si Jennylyn para pag-usapan ang movie niya? At ito namang si Jeremy, bakit hindi siya nagsalita para aminin kung sino talaga ang ka-textmate niya?

Kating-kati na kaming isulat kung sino ang ka-textmate ni Jeremy, pero pinagsabihan kami ng mga taong involved na huwag muna at hayaang sa boyfriend ni Alex manggaling kung anong numero ang tine-text niya.

For the record, hindi si Jennylyn ang ka-textmate ni Jeremy. Alex, sana bago ka pumutak, nag-imbestiga kang mabuti! – REGGEE BONOAN

Malaya’ na sina Jennylyn, Mark

DAILY INSIDER
by : Dinno Erece

HINDI magsasalita si Jeremy Marquez about the triangle issue nila nina Jennylyn Mercado and Alessandra de Rossi.

Humirit pa ng isang beses si Jennylyn during the TV interview na ginawa sa kanya at the Eternity press visit last Friday.

In all honesty and without bias, we can understand Jennylyn’s reaction dahil siya ngayon ang naiipit about the issue lalo pa’t na-paratangan siya ni Alex, ang girlfriend ni Jeremy, na isa sa mga cause of break-up nila. Jennylyn is in a precarious position and she has to defend herself. Kaya nga lang, no threats will make Jeremy talk about this. Away-babae ito — between Alex and Jennylyn.

Aral si Jeremy sa ama niyang si Joey Marquez pagdating sa babae , gentlemen do not talk.

Isa pa, alam naman ng lahat na kapag nagsalita nga siya, lalaki na naman ang gulo, marami pang ma-dadamay and in the end, lahat si-la talo sa usaping ito. Ang pagkakaalam nga ni Jeremy, napagbawalan na silang lahat na magsalita pa about this, eh, again for the good of everyone.

Jennylyn had the last word; Jeremy is giving it to her na lang for the sake of peace.

* * *

ANYWAYS, hanggang working relationship na lang ang kayang ibigay ni-na Jennylyn Mercado and Mark Herras sa isa’t isa.

Tuluy-tuloy ang shooting ng newest movie nila for Regal Films, ang Eternity directed by Mark Reyes from a Gina Marissa Tagasa-Gil script. Kasama sina Dingdong Dantes and Iza Calzado, by Monday, magpu-proceed sila sa Vigan for a two-day shoot. Last Friday night, sila ang kinunan sa Museo Pam-bata sa may Roxas Boulevard, and Jennylyn was so beautiful that night. Ang chemisty nina Jen at Mark ay nandoon pa rin.

Right now though, pa-rehong single ang dalawa. Wala nang Marian Rivera or Nicole Anderson na ikina-kabit sa pangalan ni Mark. At si Jennylyn naman insis-ted that she is just as free kahit napakaraming guys ang ikinu-connect sa kanya. Having said that, wala nang chance for them na magkabalikan pa. Natanggap na nila, and even their fans, that what they can have is a team-up. Actually mas be-neficial daw ito ngayon kasi less tension na sa kanilang dalawa.

Monday, July 10, 2006

HOT N SPICY
by : Vinia Vivar
People's Tonite

MAY dance concert si Mark Herras sa September at special guest niya si Jennylyn Mercado, pero ayon sa young actor, hindi na siguro nila uulitin ang dirty dancing na ginawa noong birthday concert ng ex-gf sa Music Museum. Ayaw daw kasi nito.

Kinumpirma naman ni Jennylyn na talagang hindi siya mapasasayaw ni Mark sa concert nito. “Hirap na hirap talaga akong magsayaw, pramis. Pinipilit ko lang, pero ewan ko ba, hindi ko alam kung mabigat ba ang katawan ko, mahina ba ang pick-up ko, ewan ko,” say niya.

Kahit nga sa SOP Gigsters, napipilitan lang siyang sumayaw. “Anim na oras akong nagri-rehearse, pero ‘yung mga kasamahan ko, two hours lang,” kuwento pa ni Jen.

Talagang sa pagkanta siya mas kumportable, tulad din ni Mark, na mas sanay naman sa dancing.

Speaking of singing, by October or November ay plano ni Jennylyn na mag-concert uli bilang follow-up sa very successful birthday concert noong Mayo.

Napag-usapan na raw nila ng manager niyang si Becky Aguila ang tungkol dito at baka gawin nila itong two nights, sa Music Museum pa rin.

Malapit nang matapos ang Eternity, na kasalukuyan nilang ginagawa ni Mark with Dingdong Dantes and Iza Calzado, dahil may August 30 playdate na ito. Pagkatapos nito, uumpisahan nila ang Super Noypi, isa pang entry ng Regal Films sa MMFFP 2006.

BIDA
by : Ben dela Cruz
People's Tonite

SA set ng pelikulang Eternity sa may Museo Pambata, tinanong sina Mark Herras at Jennylyn Mercado: Nasa anong level na ang relasyon n’yo ngayon?

“We’re good friends. Okay naman kami. Ako kasi, pahinga muna’t gusto kong mag-concentrate sa trabaho…para madali kong mabayaran ’yung bahay ko sa Northview,” lahad ni Mark.

His new property is worth P6 million, pero hindi maidetalye kung ilang square meters ang nabiling house and lot.

However, Mark admits na may night life pa rin naman siya with some male friends.

“Ano kami, working partners. Busy kami sa trabaho at pareho kaming may dapat bayarang bahay. Magkaibigan kami, pero hanggang doon na lang ’yun,” ani Jennylyn.

Wala nang spark at kilig factor, lalo na ’pag may eksenang yakapan at halikan sa pelikula? “Wala na po talaga. Ganoon po ang artista, kailangang maging flexible at alisin ang personal feelings ’pag nagtatrabaho.

Wala na ’yung kilig factor,” dugtong pa ni Jen.

What about ’yung involvement niya sa isyung Jeremy (Marquez)-Alessandra (de Rossi)? Mag-a-apologize ba siya sa kanila?

“Hindi ko nga po alam kung paano nagsimula, eh. Hindi po totoo ’yun, kaya bakit ako magsu-sorry sa kanila? Kung sabagay, ’yung nabalitang ibinili ko ng condo unit si Hero (Angeles), lumabas nang hindi namin alam kung sino ang source, ito pa kaya? “Kung sarili ko nga po, hindi ko maibili ng condo, ibang tao pa kaya?” hirit pa ni Jen.

Period movie nga pala ang Eternity, at kina Mark at Jennylyn mari-reincarnate ang characters nina Dingdong Dantes at Iza Calzado.

Jennylyn Feels Being Used in Alex-Jeremy Split-up

Jennylyn feels being used in Alex-Jeremy split-up
by Rowena Agilada
Tempo

Feeling ni Jennylyn Mercado nagamit lang siya sa isyung siya, diumano ang dahilan ng break-up nina Alessandra se Rossi at Jermy Marquez.

Unfair daw pagbintangan siyang nag-text kay Jeremy. Bakit daw niya ito ite-text, eh, hindi naman sila close? Nagkita lang daw sila sa isang "racket" (as in show). "Yun lang 'yon, ani Jennylyn ng nakausap ng Tempo sa set ng "Eternity" sa Children's Museum along Roxas Blvd, Manila.

Masama ang loob niya kay Jeremy dahuil hindi man lang daw ito nagsalita para sabihin kung ano ang totoo. Hindi pa sila nagkikita ni Alessandra matapos ang kontrobersiya na, ayon kay jennylyn, kapag nagkita sila'y gusto niyang ipakita sa kanya ni Alex kung sino ang nag-text na 'yon kay Jeremy bilang pruweba.

Kung dededmahin naman daw siya ni Alex, hihintayin na lang niya ang panhong kusapin siya nito. "Hindi ako guilty at hindi ko mag-aapologize sa kanya dahil walang rason para gawin ko yon," said Jennylyn.

Somehow, may idea raw siya kung sino'ng gumawa ng intrigang 'yon at kung malalaman lang ng tao'y magugulat sila. "Lalabas din naman ang totoo." she said.

When told na nagkabalikan na sina Jeremy at Alex, "Wala akong pakialam. Disappointed talaga ako na nadamay ang pangalan ko. Ayoko na sanang patulan ang isyu. Pero noong napanood ko si Alex na nagsalita at umiiyak pa sa TV, naapektuhan ako, kaya kinailangan kong magsalita na rin," said Jen.

When asked about Patrick Garcia, hindi masabi ni Jen kung nanliligaw ito sa kanya. He visits her at home with matching flowers. They go out if they have free time. They texted each other, ayon kay Jen. "Getting to know each other pa lang kami ni Patrick. Mahirap magsalita at yokong mag-assume kung nanliligaw siya. Baka hindi naman," ani Jen.

And what about Mark Herras? "Working partners na lang kami ngayon. Mas okey kami ngayon dahil wala ng away, puro trabaho na lang kami" she said.

Abante Tonite
Abu Tilamzik

Nagulat si Jennylyn Mercado sa tanong namin tungkol sa panliligaw umano ni Marco Alcaraz sa kanya.

"Ha? Baka ibang Marco po ‘yun, ‘yung kaibigan kong bading," sagot agad sa amin ng dalaga.

"Nagkasama lang po kami ni Marco sa ibang taping, pero wala po ‘yun, hindi po siya nanliligaw sa akin at wala po kaming komunikasyon," pagdi-deny uli ni Jennylyn.

Ayon sa mga sagot ni Jennylyn, parang si Patrick Garcia ang masasabing pinakamalapit na lalaki sa kanya. Nanliligaw ba si Patrick sa kanya?

"Siya (Patrick) na lang po ang tanungin nyo," sagot ni Jennylyn na mukhang meron ngang ligawan at nagkamabutihan na ang dalawa.

"Personal na po ang sa amin ni Patrick. Ang focus ko po ngayon, trabaho lang," dagdag pa niya.

Sa trabaho ay si Mark Herras ang tinutukoy niyang lalaking pinakamalapit sa kanya. Tuloy pa rin daw ang loveteam nila ni Mark at kung ano mang closeness na ipakikita nila sa fans, para lang daw sa trabaho nila iyun dahil aware sila na silang dalawa pa rin ang gusto ng fans.

Ganundin ang sagot ni Mark tungkol diyan, dahil hanggang trabaho na lang daw sila ni Jennylyn, at sa taping o shooting lang sila nag-uusap at wala na silang pinag-uusapang mga personal na bagay.

Sey ni Alessandra kay Jennylyn...

'Ang kapal ng mukha niya!'

Abu Tilamzik


Ayaw na magsalita ni Alessandra de Rossi tungkol sa break-up nila ni Jeremy Marquez dahil mukhang nagkabalikan na silang dalawa.

Consistent si Alessandra sa pagdadawit kay Jennylyn Mercado na isa sa mga dahilan ng hiwalayan nila ni Jeremy, habang pinaninindigan ni Jennylyn na hindi iyon totoo.

Pinagsabihan na si Jennylyn na huwag nang sagutin o patulan ang isyung iyun pero sa shooting ng Eternity ng Regal Films ay sinagot pa rin ng dalaga ang mga ganung isyu at patuloy pa rin siya sa pagde-deny.

Hinahamon ni Jennylyn sina Alessandra na maglabas ng pruweba dahil alam daw nila (lalo na si Jeremy) kung ano ang totoo.

Baka hindi raw siya iyun at base sa mga sagot ni Jennylyn, parang ibang Jennylyn o ibang babae itong nali-link kay Jeremy at pinagselosan ni Alessandra.

"Baka ma-shock pa sila pag malaman nila kung sino ang babaeng iyun," sey pa ni Jennlyn sa shooting ng Eternity noong Biyernes.

"Pasensya na kung nakapagsalita ako nu’n nang hindi maganda, kasi, unfair naman sa akin na pagbintangan ako ng ganu’n.

"Sana, magsalita si Jeremy dahil alam niya kung ano ang buong katotohanan," pahayag ni Jennylyn.

Sana raw ay tapusin na ang pagkaka-link sa kanya kay Jeremy.

Ayon naman sa mga taong nakapaligid ngayon kay Jennylyn, kaya tahimik na rin si Alessandra ay dahil alam na niya siguro ang totoo at nagkabalikan na rin kasi sila ni Jeremy.

Nakarating sa amin ang balitang napanood nina Alessandra at Jeremy sa Startalk ang interbyu kay Jennylyn, at kaagad na nag-react daw si Alessandra.

Ewan ko kung magsasalita pa si Alessandra, pero sinabi raw nitong hintayin na lang kung si Jeremy na ang magsalita dahil mapapahiya lang daw si Jennylyn.

"Ang kapal ng mukha niya!" ‘yun daw ang eksaktong dialogue ni Alessandra nang napanood ang interbyu kay Jennylyn.

***

Nagulat si Jennylyn Mercado sa tanong namin tungkol sa panliligaw umano ni Marco Alcaraz sa kanya.

"Ha? Baka ibang Marco po ‘yun, ‘yung kaibigan kong bading," sagot agad sa amin ng dalaga.

"Nagkasama lang po kami ni Marco sa ibang taping, pero wala po ‘yun, hindi po siya nanliligaw sa akin at wala po kaming komunikasyon," pagdi-deny uli ni Jennylyn.

Ayon sa mga sagot ni Jennylyn, parang si Patrick Garcia ang masasabing pinakamalapit na lalaki sa kanya. Nanliligaw ba si Patrick sa kanya?

"Siya (Patrick) na lang po ang tanungin nyo," sagot ni Jennylyn na mukhang meron ngang ligawan at nagkamabutihan na ang dalawa.

"Personal na po ang sa amin ni Patrick. Ang focus ko po ngayon, trabaho lang," dagdag pa niya.

Sa trabaho ay si Mark Herras ang tinutukoy niyang lalaking pinakamalapit sa kanya. Tuloy pa rin daw ang loveteam nila ni Mark at kung ano mang closeness na ipakikita nila sa fans, para lang daw sa trabaho nila iyun dahil aware sila na silang dalawa pa rin ang gusto ng fans.

Ganundin ang sagot ni Mark tungkol diyan, dahil hanggang trabaho na lang daw sila ni Jennylyn, at sa taping o shooting lang sila nag-uusap at wala na silang pinag-uusapang mga personal na bagay.

***

Hindi na tumanggi si Mark sa tanong namin kung totoong nagkalabuan na sila ni Marian Rivera.

Napatango na lang si Mark nang tinanong namin kung wala na ba sila o may problema silang dalawa dahil din kay Jennylyn.

Ayaw nang sagutin ni Mark ang buong detalye ng problema nila ni Marian.

Sa ngayon daw ay sa trabaho na rin daw siya mag-concentrate at kung ano mang meron daw sa kanila ni Jennylyn ay trabaho na lang talaga at wala nang iba.

Kung kanino man daw ma-in love si Jennylyn, good luck na lang daw.

Leading separate lives...

Billy Balbastro
7/10/06


Inspite of the not-easily-forgotten past and the current soap I Luv NY, the first Starstruck winners Mark Herras and Jennylyn Mercado seem to be leading separate lives.

Even if they see each other more often now wince they’re making a movie together, playing co-stars to another pair in Eternity and before filming their action-fantasy Metro Manila filmfest 2006 entry, Super Noypi.

At the Museo Pambata grounds at Roxas Boulevard, beside the US Embassy and Rizal Park last Friday night, film director Mark Reyes was directing Mark as the Spanish mestizo Cholo and Jennylyn was Meagan, his girlfriend.

Mark told us he just came from SM North EDSA where at 5:00 pm, he had this free show to plug his Mark Herras Dance Hits album, which is now double platinum (80,000 copies sold).

Now he was telling me about his role: Cholo is a Spanish-Pinoy so right now he’s learning Spanish. Jackie Castillejo portrays his mother in Eternity.

"Sabi sa akin ni Tita Jackie, kung paano ang spelling ng word, `yun din ang pronunciation kaya madali lang pala," he confided. "Paulit-ulit din akong nakikinig sa CD study guide para sa tamang tono at pagsasabi ng Espanyol."

Mark for his action scenes in Eternity is also learning Muay Thai (Thai boxing) under Brad Turvey.

In the movie, Jennylyn has no action scenes, only demanding drama scenes.

So that Friday evening, on the left yard of the museum, we started talking about her house, her feud with Alessandra de Rossi (her handler was texting Jeremy Marquez, not Jennylyn) and later about Eternity.

She looks forward to Super Noypi, another Regal festival entry. Filming starts in late August. Hers will be an action role, like Angelina Jolie’s Lara Croft.

Sunday, July 09, 2006

HOT 'N SPICY by Vinia Vivar

Bagama’t pinapanay-panay ni Patrick Garcia ang pagdalaw sa bahay ni Jennylyn Mercado, ayon sa young actress/singer, kaibigan lang daw sa ngayon ang tingin niya sa young actor at ayaw niyang madaliin ang mga bagay-bagay.

“Gusto ko munang magkakilala kami nang husto at ganu’n din naman siya,” say ni Jen nang makatsikahan namin sa shooting ng Eternity ng Regal Films.

Mas mabuti na raw ‘yung maging magkaibigan muna sila sa ngayon dahil mas magandang foundation daw kung sakaling humigit pa ang kanilang pagtitinginan.

But then, hindi pa rin masabi ni Jen ang chances ni Patrick.

“Hindi ko pa alam, talaga. Basta sa ngayon, enjoy naman ako sa company niya. Tingnan na lang natin kung ano ang mangyayari in the near future,” aniya.

Hindi naman worried si Jen na baka maapektuhan ang loveteam nila ni Mark Herras ng panliligaw ni Patrick dahil matagal na raw namang accepted ng fans nila na may kanya-kanya na silang buhay ng dating boyfriend.

“Sa trabaho, kami pa rin ang magkasama pero sa personal naming buhay, tanggap naman ng fans na hanggang dun na lang kami.”

Magkasama sina Mark at Jen sa Eternity with Dingdong Dantes and Iza Calzado mula sa direksyon ni Mark Reyes na ipalalabas sa August 30.

***********

More on Jennylyn, naaliw kami nang ikuwento niya na kapag may libre siyang oras ay nagtitinda siya sa Finds located at Starmall, kung saan ay may slot siya ng apparel clothes.

“Naku, talagang kinakarir ko ang pagtitinda pag nandu’n ako. Hinihila ko ‘yung customers para bumili. Bumibili naman,” masaya niyang kuwento.

Kapag maaga raw natatapos ang taping niya sa I Luv New York ay diretso na siya sa Starmall para magtinda. She’s happy na maganda ang resulta ng kanyang line of clothes and someday, dream niya na magkaroon na rin ng sariling boutique.

People's Tonight

Hindi mang-aagaw ng boyfriend si Jen -- Mark

FOOTLOOSE
by: Leo M. Bukas


BELIEVE kami kay Mark Herras.

He has good words to say pa rin sa dati niyang girlfriend na si Jennylyn Mercado na kapartner din niya ngayon sa bagong pelikula ng Regal Films, ang Eternity na idinidirek ni Mark Reyes.

Sa interbyu namin kay Mark sa mismong shooting ng pelikula, nasabi niyang hindi siya naniniwala sa mga ibinibintang ng ilan kay Jennylyn na inaagaw nito si Jeremy sa girlfriend niyang si Alessandra de Rossi.

“Hindi naman ganu’n ang pagkakilala ko kay Jennylyn. Hindi ako naniniwala na mang-aagaw siya ng boyfriend ng may boyfriend. Wala ‘yun sa personality niya,” wika pa nito.

Naikuwento rin ni Mark sa amin na noong sila pa ni Jennylyn ay wala naman siyang nabalitaan na may ka-text na ibang guy ang kanyang girlfriend. Baka raw na-misinterpret lang ng iba ang mga pangyayari at nagsanga-sanga na ang balita kaya lumala ang isyu.

Sa Eternity, purely work na lang ang relationship ng dalawa. Wala na raw ‘yung love na katulad ng dati, pero nando’n pa rin daw ‘yung concern nila sa isa’t isa.

“The concern is still there, hindi naman puwedeng mawala ‘yon. Pero, ‘yung mga ginagawa namin before, nung time na kami pa, siyempre wala na. Pareho kaming naka-focus sa work namin ngayon,” wika pa ni Mark.

Eh, paano ang kissing scenes nila sa Eternity? Wala bang bumabalik sa kanyang alaala tuwing naghahalikan sila sa shooting?

“We are portraying the role of two people na in love sa isa’t isa kaya ‘yun ang ipinakikita namin sa screen. Na-experience din naman namin ‘yun before kaya ma-dali nang iarte,” kuwento pa ng binata.

In fairness, hanggang ngayon ay nananatiling sincere at honest si Mark sa kanyang mga nagiging pahayag. Hindi pa rin nagbabago ang bagets mula nang makilala namin siya sa audition pa lang ng StarStruck batch 1.

Samantala, itinanggi rin ni Jennylyn ang tungkol sa pang-aahas niya kay Jeremy. Humingi rin siya ng paumanhin kung nakapagtaas man siya ng boses sa isang interbyu patungkol sa reaksyon ni Alessandra.

“Napuno lang kasi ako. Tao lang din naman ako. Para kasing masyado nang unfair kaya ako nakapagsalita ng ganu’n. Pero humihingi ako ng paumanhin sa mga nasabi ko,” wika pa niya.

Kasama rin sa Eternity sina Bobby Andrews, Juan Rodrigo, Jaclyn Jose, Hilda Koronel, Iza Calzado at Dingdong Dantes. Palabas na ito sa August 30.

People's Taliba

Jennylyn pinatawag ng GMA-7

by: Nitz Mirallez

Eksena naman nina Jennylyn Mercado at Mark Herras ang binisita namin sa shooting ng Eternity sa Museo Pambata. Eight days na lang at tapos na ni direk Mark Reyes ang pelikula na showing sa August 30. Eternal love ang tema ng movie at sabi ni Manny Valera’y bagay sa dalawa dahil loveteam at may kanya-kanya ding isyu sila.

Magandang abangan kung paano ginawa ni direk Mark na ‘yung mannerism ni Iza Calzado ay magagaya ni Jennylyn. Magkakaroon din ito ng flashback sa nangyari kay Iza noong 1897.

Bukas, pupunta ang buong cast sa Vigan para mag-pictorial at mag-shoot ng ilang eksena.

Samantala, itinanggi ni Jennylyn na ipinatawag siya ng GMA-7 dahil sa negative issues na naglalabasan sa kanya, na nakaka-apekto raw sa love team nila ni Mark at sa rating ng I Luv NY. Hindi nito alam kung bakit may ganoong isyu at ‘di rin nito maintindihan kung bakit walang tigil ang intriga sa kanya at pagka-involved sa love life ng iba.

Pinag-comment namin ito sa pagbabalikan nina Alessandra de Rossi at Jeremy Marquez dahil isa siya sa sinasabing cause ng break-up ng mga ito.

“Wala akong masasabi dahil wala akong kinalaman sa kanila. Ayaw ko na ring magsalita’t baka masabi ko kung sino talaga ang dahilan. Unfair sa akin na ako ang sinisisi at naiinis ako. Kung alam lang nila talaga kung sino, magugulat sila,” wika nito.

Hindi sinabi ni Jennylyn kung sino ang kanyang tinutukoy at ni hindi nagbigay ng clue. Nagkasalubong na raw sila ni Alex, pero ‘di sila nag-usap at ngayong nagkabalikan na ang dalawa, wish nitong hindi na siya ma-involve sa love affair ng mga ito.

People's Tonight

Sa isyung Alex/Jeremy: "Di ko gagawin sa iba yong nangyari sa akin"

SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio
Ang Pilipino STAR Ngayon 07/09/2006

Bagaman at kinakikitaan na ng pagkabagot si Jennylyn Mercado sa mga tanong sa kanya tungkol sa naging partisipasyon niya, kung meron man, sa isyung Alex at Jeremy wala siyang magawa kundi sagutin ang mga tanong kung ayaw niyang mapagsabihan at maisulat ng di maganda.

lalo’t may prino-promote sila ni Mark Herras na isang magandang pelikula na ginagawa nila sa Regal, ang Eternity na kung saan ay kasama rin nila ang pareha nina Iza Calzado at Dingdong Dantes.

Waging-wagi sa pelikulang ito sina Mother Lily at Direk Mark Reyes. Trailer pa lamang ay kakikitaan mo na ng ganda ang pelikula at maraming kilig scenes di lamang sa parte nina Mark at Jenny kundi maging kina Dingdong at Iza. Lalo na si Dingdong na napaka-cute sa kanilang eksena sa simbahan ni Iza.

Kahit walang patid ang pag-amin ni Jennylyn na working partners na lamang sila ngayon ni Mark, hindi naapektuhan bahagya man ang kanilang tandem, naro’n pa rin ang chemistry, parang di sila nag-break. Pero, sabi nga nilang dalawa ni Mark, ini-internalize na lamang nila ang kanilang mga roles. At maganda marahil ang mga episodes nila nung sila pa dahil nadadala nila ito sa harap ng camera. Hindi nagre-register yung pag-aaway nila na humantong sa paghihiwalay nila na inamin ni Jennylyn na may third party na involved. At di lang iisa.

"Kaya yung ibinibintang sa akin ni Alex, di totoo yun, di ko gagawin sa iba yung nangyari sa amin ni Mark. At gusto ko ngang makaharap si Jeremy para makita kung sa akin nga yung mga numero ng cellphone na nakita ni Alex.

Sumama pa ng husto ang loob ko kay Jeremy dahil ni hindi man siya nag-effort na i-clear ang name ko eh alam na alam niya ang totoo," ani Jennylyn na nagsabing di siya hihingi ng apology kay Alex pero, gusto niyang patunayan dito na talagang wala siyang kinalaman sa nangyari sa kanilang dalawa. "Lalabas din naman sa kalaunan ang totoo," sabi na lang niya.