Saturday, August 19, 2006

‘Inaalat’ sina Angel, Jennylyn

c/o mikichum

ISYU AT BANAT
Ni Ed De Leon
Ang Pilipino STAR Ngayon
08/19/2006

Medyo inaalat nga raw ngayon si Jennylyn Mercado, dahil maganda man ang takbo ng kanyang career, marami naman siyang kailangang intindihin sa mga magulang niya. Noon pala ay naputulan na ng isang paa ang kanyang ama dahil sa diabetes, tapos ang sumunod ay kailangang putulin pati ang isa pang paa noon.

Hindi pa roon natapos ang problema, ilang araw lang ang nakakaraan, ang ermat naman niya ang nagkaroon ng problema sa mata. Mukhang may ugat yata iyon sa mata na nagkaroon ng problema.

Kasabihan na basta may nangyayaring ganyan, "inaalat" o "minamalas" ang isang tao, pero hindi naman siguro masasabing ganoon. Kung sakali man at nangyari ang ganyang hindi magandang bagay sa mga magulang ni Jennylyn, mabait pa rin naman ang Diyos sa kanila at binigyan ang aktres ng isang magandang trabaho para matugunan naman kung ano mang problema ang idinulot ng pagkakasakit ng kanyang mga magulang.


Posted: Sat Aug 19, 2006 5:49 am Post subject:

‘Inaalat’ sina Angel, Jennylyn ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon Ang Pilipino STAR Ngayon 08/19/2006 Medyo inaalat nga raw ngayon si Jennylyn Mercado, dahil maganda man ang takbo ng kanyang career, marami naman siyang kailangang intindihin sa mga magulang niya. Noon pala ay naputulan na ng isang paa ang kanyang ama dahil sa diabetes, tapos ang sumunod ay kailangang putulin pati ang isa pang paa noon. Hindi pa roon natapos ang problema, ilang araw lang ang nakakaraan, ang ermat naman niya ang nagkaroon ng problema sa mata. Mukhang may ugat yata iyon sa mata na nagkaroon ng problema. Kasabihan na basta may nangyayaring ganyan, "inaalat" o "minamalas" ang isang tao, pero hindi naman siguro masasabing ganoon. Kung sakali man at nangyari ang ganyang hindi magandang bagay sa mga magulang ni Jennylyn, mabait pa rin naman ang Diyos sa kanila at binigyan ang aktres ng isang magandang trabaho para matugunan naman kung ano mang problema ang idinulot ng pagkakasakit ng kanyang mga magulang.

Naniniwala kami na kung may mga pagsubok mang dumarating sa ating buhay, hindi naman maaaring hayaan ng Diyos na magkaroon tayo ng problema na walang solusyon. Nasasabi namin ang mga bagay na iyan batay na rin sa aming mga personal na karanasan sa buhay. Kung nagkakaroon man kami ng problema, may dumarating namang solusyon. Alam ng aming editor na si Veronica Samio ang mga naging problema namin at kung papaano rin dumating ang solusyon, na hindi namin akalain samantalang kami man ay may sakit at naka-confine sa ospital. Kaya sinasabi nga namin sa mga nagkakaroon ng ganyang problema, hindi hahayaan ng Diyos na dumating sa iyo ang isang problema kung wala naman siyang mai-aalok na solusyon.

Friday, August 18, 2006

c/o macie

Dream Factory
Mario E. Bautista

After Mark Herras was rushed to the hospital when he broke down due to overwork, it is his ka-love team Jennylyn Mercado’s turn to be confined at St. Luke’s since her blood pressure dropped to 80 over 60, which is dangerously low. The reason? You guessed it. Just like Mark, she’s extremely tired after working nonstop.

Jen stayed there for three days and had a thorough check up. To both Mark and her, the doctors prescribed plenty of rest. It’s good the playdate of their new movie with Dingdong Dantes and Iza Calzado, "Eternity," has been moved to September 6, so they will still be able to help promote it.

People are asking why Mother Lily postponed the playdate. Is she scared because "Eternity" will be clashing directly against "You are the One" of Toni Gonzaga and Sam Milby on August 30?

Its supervising producer, Manny Valera, tells us the reason is that they lack time to finish its post-production. "It’s partly a period film and Regal already spent so much for the sets, locations and the costumes, so Director Mark Reyes wants to make sure that all its technical aspects will be very polished when it’s shown on screen," says Manny. "So talagang binubusisi niyang mabuti ang post-production at ayaw niyang basta madaliin to make sure we’ll come up with a dazzling glossy movie. I’ve seen the rushes at talaga namang bongga ang scenes set in the Spanish regime, especially the masquerade ball shot at Ilustrado in Intramuros. Talagang you can see na expensive ang dating."

We’ve seen the trailer of "Eternity" being shown in movie theaters and the reaction of moviegoers is very positive. Some college girls sitting behind us even commented: "Ay, mukhang maganda! Panoorin natin ‘yan."

Thursday, August 17, 2006

C/o mhy

Mabibigat na aktres ang makakalaban ni Jennylyn Mercado para sa kategoryang Best Supporting Actress sa Luna Awards sa darating na September 16. Nandiyan sina Jean Garcia (Birhen ng Manaoag), Hilda Koronel (Nasaan Ka Man), Ana Capri (Kutob) at Irma Adlawan (Nasaan Ka Man).
Nominado si Jen para sa pagganap niya sa Blue Moon ng Regal Films.
Gaganapin ang awards night sa PAGCOR Grand Theater, Casino Filipino, Paranaque City under Eight Elephants Production nina Harlene Bautista-Tejedor, Romnick Sarmenta, Carlos de Leon, Allan Cordova, Hubert Navarro and Hero Bautista. Ipapalabas naman ito sa RPN9.
Pero kahit mabibigat ang kalaban ni Jen, positibo ang mga fans ng dalaga na may laban ito dahil ibang Jennylyn ang napanood sa Blue Moon.
Samantala, busy ngayon ang aktres sa pagpo-promote ng kanyang Eternity movie under Regal Films na showing na sa Sept6 kung saan katambal niya si Mark Herras. Kasama sa pelikula sina Dingdong Dantes at Iza Calzado sa direksiyon ni Mark Reyes.


--Janice delos Santos Navida

Luna is equivalent of Hollywood’s Oscar

RP’S OSCAR – The Luna Awards of the Film Academy of the Philippines should be the most coveted and prestigious and popular of all cinema awards. After all, Luna is the industry award, the peer award. Members of the movie industry nominate and vote on their fellow workers. Now what can be a greater honor than being recognized by one’s peer? It’s the ultimate honor.

Why is this so?

The Academy is divided. Many big-name directors, scriptwriters, and musicians do not belong to the Academy. A lot of actors are nominal Academy members, not bothe-ring to attend Academy func-tions, including the Luna night.

As the Film Academy of the Philippines marks its 24th Luna Awards on Sept. 16 at the PAGCOR Grand Theater, Casino Filipino, Parañaque City, Highspeed hopes that FAP director general Leo Martinez will succeed in getting the 100 percent cooperation of the movie industry. Enough of the lack of unity, Luna is theirs. In the words of National Artist Eddie Romero and Atty. Espiridion Laxa, "Atin ito."


PRODUCERS – After two years of producing the Luna Awards – and trying his best to make it bongga – Albert Martinez gave up. Lugi raw siya.

Taking over this year is Eight Elephants Productions, led by Harlene Bautista-Tejedor and husband Romnick Sarmenta and brother Hero Bautista. Co-producers are Cris de Leon, Allan Cordova, and Hubert Navarro. PR is Lito Manago.

Directed by Al Quinn with RPN as carrying station.

NOMINEES – Here’s the list of nominees.

Best Picture: "Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros" (UFO Films), "Nasaan Ka Man" (Star Cinema), "Dubai" (Star Cinema), "Blue Moon" (Regal Films), "La Visa Loca" (Unitel Pictures).

Best Director: Joel Lamangan ("Blue Moon), Aureus Solito ("Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros), Mark Meily ("La Visa Loca"), Cholo Luarel ("Nasaan Ka Man), Rory Quintos ("Dubai).

Lead Actress: Zsa Zsa Padilla ("Ako Legal Wife"/Regal Films), Boots Anson Roa ("Blue Moon), Claudine Barretto ("Dubai), Irma Adlawan ("Mga Pusang Gala"/MLR Films), Claudine Barretto ("Nasaan Ka Man).

Lead Actor: Nathan Lopez ("Ang Pagdadalaga"), Dennis Trillo ("Blue Moon"), Eddie Garcia ("Blue Moon"), Marvin Agustin ("Kutob"/Canary Films), Ricky Davao ("Mga Pusang Gala").

Supporting Actress: Jean Garcia ("Birhen ng Manaoag"/Cine Suerte), Jennylyn Mercado ("Blue Moon"), Ana Capri ("Kutob"), Hilda Koronel ("Nasaan Ka Man"), Irma Adlawan ("Nasaan Ka Man").

Supporting Actor: Crispin "Pen" Medina ("Ang Pagda-dalaga"), Michael de Mesa ("Dubai"), BJ "Tolits" Forbes ("Ispiritista"/Regal Films), Ryan Agoncillo ("Kutob"), Johnny Delgado ("La Visa Loca").

Screenplay: Michiko Yamamoto ("Ang Pagdadalaga"), Allan Tijamo ("Blue Moon"), Ricky Lee, Shaira Salvador ("Dubai"), Mark Meily ("La Visa Loca"), Boots Agbayani ("Masahista"/Gee Ent. Prod.).

Cinematography: Rolly Manuel ("Ako Legal Wife"), Ely Cruz ("Enteng Kabisote"/Mzet), Lyle Sacris ("Exodus"/Imus Produc-tions), Jay Linao, Richard Padernal ("Mulawin, The Movie"/GMA Films), Charlie Peralta ("Nasaan Ka Man").

Editing: Marya Ignacio ("Ako Lega Wife"), Marya Ignacio ("Nasaan Ka Man"), Alex Castañeda ("Exodus"), Vito Cajili ("Kutob"), Manet Dayrit ("Mulawin, The Movie").

Production Design: Clint Catalan, Cristina Dy ("Ang Pagdadalaga"), Joey Luna ("Blue Moon"), Elfren Vibar ("Dubai"), Richard Somes ("Exodus"), Jon Cuyson ("Nasaan Ka Man").

Sound: Addis Tabong ("D’Anothers"/Star Cinema), Arnold Reodica ("Dubai"), Addis Tabong ("Enteng Kabisote"), Albert Idioma ("Kutob"), Addis Tabong ("Nasaan Ka Man").

Music: Lutgardo Labad ("Mulawin, The Movie"), Vincent de Jesus ("Ako Legal Wife"), Von de Guzman ("Blue Moon"), Von de Guzman ("Exodus"), Jesse Lazaten ("Nasaan Ka Man").

DREAM
by : Ed De Leon

WALA naman daw masamang nangyari kay Jennylyn Mercado.

Talaga lang sobrang pagod ang dahilan kung bakit sumama ang paki-ramdam niya at kinaila-ngang isugod siya sa isang ospital.

Pero, hindi ganoon ka-simple ‘yun. Siguro, kaya lang nila sinasabi ang ganun ay para huwag nang mag-alala ang fans. Pero, kung ang isang tao ay isi-nugod na sa ospital, ibig sabihin, kailangan na niya ng extra-ordinary care na hindi na maaaring asa-hang maibibigay sa kanya kung nasa bahay lang siya.

Kasi kung talagang simpleng pagod lang ‘yun, ma-kapagpahinga lang siguro siya, eh, magiging maayos na agad ang kanyang pakiramdam.

Pero, kung ipinayo ng doktor na dalhin siya sa ospital, may iba pang nakitang problema sa kanya.

Nauna rito, si Mark Herras ay naisugod na rin sa ospital dahil sa sobrang pagod.

Hindi masama ang maghanap-buhay, pero kailangan din naman nilang isipin ang kanilang kalu-sugan.

Baka naman masayang lang kung ano man ang kikitain nila dahil magagastos din ito sa pagpapa-hospital.

Kung magkakasakit si-la, mabuti kung babayaran ng kanilang producers ang gastos nila. Pero, ganun dito sa Pilipinas, ang mga artista rito ay walang medical benefits. Basta binabayaran sila ng talent fee batay sa kontrata nila, wala nang ibang benepisyong puwedeng ibigay sa kanila.

Ang katuwiran ng producers, malaki na ang ta-lent fee nila, at dahil bale contractual employees lang sila, wa-la nang ibang pananagutan sa kani-la ang mga producer.

Kung minsan, ayaw masabi ng mga artista na unprofessional sila kaya sige nang sige lang sila sa pagtatra-baho. Pero, papaano nga kung hindi na kaya ng kanilang ka-tawan ang trabaho?

Wednesday, August 16, 2006

c/o macie

Abu Tilamzik

Umiiwas muna si Jennylyn Mercado na magpa-interview lalo na kung mga matitinding intriga ang pag-usapan dahil sa dami raw ng iniisip niya.

Nakausap namin ang manager ni Jennylyn na si Becky Aguila at naaawa na raw siya sa young actress.

Bukod sa dami ng ginagawa ni Jennylyn sa shooting ng Super Noypi at taping ng I Luv NY, kagagaling lamang ng young actress sa hospital at sumabay ang problema niya sa kanyang ama na pinutulan ng paa at may sakit din daw ang Mommy Lydia niya.

Nakiusap sa amin si Tita Becky na iiwas na lang muna si Jennylyn sa mga intriga dahil hindi na siya makapag-isip nang maayos sa mga problemang dumating sa kanya.

Sa ngayon ay alalay na lang muna sila kay Jennylyn. Kahit hindi pa nito gaanong kaya ang magtrabaho, pinipilit niya dahil kailangan at hindi pwedeng magtagal siya sa hospital.

Jennylyn, dinalaw ni Patrick sa ospital

RATED A Ni Aster Amoyo
Ang Pilipino STAR Ngayon 08/16/2006



Nang ma-ospital si Jennylyn Mercado sa St. Luke’s Medical Center ay walang patlang na dumalaw sa kanya ang aktor na si Patrick Garcia. Dumalaw din sa kanya sina Victor Neri, Jake Cuenca at ang representative naman ni Mark Herras ay ang kanyang Daddy Jun.

Marami ang naniniwala na may unawaan na sina Jennylyn at Patrick dahil nakikita na ang dalawa na madalas na magkasama sa mga lakaran. Hindi naman isinasara ni Mark ang posibilidad na muli silang magkabalikan ni Jen dahil hindi na ito nagpatuloy ng kanyang panliligaw kay Marian Rivera dahil gusto pa rin niyang alagaan ang tambalan nila ni Jen.

Pero paano kung si Patrick na nga ang boyfriend ngayon ni Jen? Hindi rin ikinakaila ni Jake na posible siyang mainlab sa dati niyang kapareha sa Love to Love. At si Victor ay dumalaw bilang kaibigan lamang.

Jennylyn dedma lang kahit tawaging nega

MOUTHFUL
by : Mell T. Navarro

SPEAKING of Eternity, Sept. 6 na nga ang showing nito.

The stars don’t mind this dahil mas maipo-promote pa nga nila nang husto ang movie.

Kasama sa Mark Reyes movie si Jennylyn Mercado na kasalukuyan pa lang nag-papa-tutor sa isang taga-Ateneo at plano nitong tapusin ang high school.

Napasabak kasi sa showbiz si Jennylyn nang hindi man lang nakatata-pos ng high school. Plano raw nitong kumuha ng Interior Design sa college.

Hilig daw niya talaga ang interior design to the extent na binago niya ang ayos ng mga gamit niya sa house, bagay na ikinagalit ng taong nag-feng shui dito.

Recently ay nagkaroon ng ‘negative image’ si Jennylyn na nang-aagaw daw ng jowa, and with this, hindi naman apektado ang young actress.

“Hindi ko mapi-please lahat ng tao. Pero this time, tinatawanan ko na lang... Sanay na ako, eh, ito kasi ang showbiz!” hirit ni Jennylyn.

Masaya naman siya nga-yon kahit hindi pa talaga sila nagkakabalikan ni Mark Herras na nasa Eternity rin.

“Masaya ako dahil mas may focus na ako ngayon sa buhay,” say ni Jen. “Naka-tutok na ako. Naaalagaan at naiintindi ko na ang sarili ko,” wika pa niya na para bang nung in love pa siya kay Mark, eh, hindi niya na-gagawa.

‘Yun na!

People's Taliba8/16/2006 17:59 PM

Monday, August 14, 2006

Luna 2006, walang PRETENSYON na magpaka-OSCARS KUNO!

Matapos manalo sa Star Awards at matalo sa Gawad Urian, dalawang Best Actress nominations ang nakuha ni Claudine Barretto sa 2006 Luna Awards -- isa para sa Nasaan Ka Man at isa para sa Dubai, na parehong prodyus ng Star Cinema.

Ang tatlong kalaban niya sa BEST ACTRESS category ay sina Zsa Zsa Padilla (Ako Legal Wife), Boots Anson-Roa (Blue Moon) at Irma Adlawan (Mga Pusang Gala).

Magtutunggali sa pagka-BEST ACTOR sina Eddie Garcia (Blue Moon), Ricky Davao (Pusang Gala), Dennis Trillo (Blue Moon), Marvin Agustin (Kutob) at Nathan Lopez (Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros).

Double nominations din ang nakuha ni Irma Adlawan na bukod sa Best Actress ay nominated din bilang BEST SUPPORTING ACTRESS (para sa Nasaan Ka Man).

Kalaban niya rito sina Hilda Koronel (Nasaan Ka Man), Ana Capri (Kutob), Jean Garcia (Birhen ng Manaoag) at Jennylyn Mercado (Blue Moon).

Maglalabanan bilang BEST SUPPORTING ACTOR sina Johnny Delgado (La Visa Loca), Michael de Mesa (Dubai), Ping Medina (Maximo), Ryan Agoncillo (Kutob) at BJ ‘Tolits’ Forbes (Ispiritista).

Nominadong BEST DIRECTOR ang limang direktor ng Best Picture nominees na Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros (Auraeus Solito), Blue Moon (Joel Lamangan), Dubai (Rory Quintos), La Visa Loca (Mark Meily) at Nasaan Ka Man (Cholo Laurel).

Sa Setyembre 16 nang 6:00 PM gaganapin ang Luna Awards ng Film Academy of the Philippines sa PAGCOR Grand Theater, Casino Filipino (Parañaque City). Mapapanood ito sa RPN-9 sa direksyon ni Al Quinn.

A Movie you’ll love for all Eternity

Article posted August 14, 2006


Photobucket - Video and Image Hosting


Love is in the air once again as Regal Films releases yet another romantic drama that’s sure to make your heart skip a beat.

True love knows no bounds and can transcend different lifetimes. Such is the thesis of the new obra maestro from the blockbuster-making tandem of seasoned scriptwriter Gina Tagasa and acclaimed TV and film director Mark Reyes entitled Eternity.

“Doing Eternity has been a challenge. Unlike other movies, this was complicated in terms of production design because parts of it were set in the Spanish era,” says Direk Mark. “We really flew to Vigan, Ilocos Sur, to shoot the old streets. If you watch the movie, you’ll really be transported to that time.”

Eternity is about a pair of star-crossed lovers who pursue their love despite their families being at odds with each other for years. Crisanto (Dingdong Dantes) is a half-Spanish mestizo whose father accidentally killed Milagros’ (Iza Calzado) rebel father.

Vehemently against the couple’s relationship is Milagros’ mother Chayong (Sandy Andolong) and Father Miguel (Jaime Fabregas), the friar Chayong is working for. The two insist on pairing her with the Spanish soldier Capitan de Joya (Bobby Andrews). Crisanto and Milagros eventually decide to elope and escape their sad fate. Unfortunately, Chayong and de Joya catch up with them and in a perverse twist of fate, Crisanto ends up dead.

Fast forward to a hundred years later. Cholo (Mark Herras) and Maegan (Jennylyn Mercado) are two different people with different backgrounds, finding each other as if by fate. Sparks fly between them the moment they meet and soon enough, they realize that they’ve already met in another life—they’re the star-crossed lovers Crisanto and Milagros!

“Eternity is different because we’re basically telling two love stories about two different and the same people. They’re the same souls, they’re the reincarnations. Dingdong and Iza are the original lovers, but they have a tragic past. In the future, when they get reincarnated, they find each other again and they have to undo what happened in the past in order to be together for Eternity,” says Direk Mark.

Eternity has more than just drama. It has light, even comedic moments, as well as full-on action scenes. Here, Mark does Muay Thai and Dingdong tries his hand at fencing.

Both of them were tutored by some of their respective sports’ best athletes, who are also showbiz personalities. Dingdong’s mentor even has a cameo in the movie! Dingdong, who has been performing his own stunts in Encantadia got to perform his first stunt for the big screen.

“Dingdong did his first stunt where he got dragged by a horse. It was too slow, so I said, ‘Let’s have him get dragged by a truck!’ Ganyan ako kasadista!” Direk Mark laughs. “We had a double on standby, but Dingdong said ‘Direk, I’ll do it.’ The following morning, he had major back pains and a few gashes, but it was all worth it.”

When asked what scenes the audience should watch out for, Direk Mark was quick to say, “The kissing scenes, of course!” There are also many scenic shots, and of course, stellar acting from some of today’s brightest stars.

Eternity is another wonderful cinematic offering that will spark the romantic fires in you. It’s a movie that’s not to be missed!

As Direk Mark says, “Please watch Eternity, it’s on the 6th of September. It’s a movie that’s full of romance, action, suspense, history, and I’m sure you’re all going to love it for all Eternity.”

Seryoso Kay Jennylyn

SUNTOK SA BUWAN Ni Emy Abuan-Bautista
Ang Pilipino STAR Ngayon 08/14/2006


Kalalabas lang ni Jennylyn Mercado ng ospital kung saan na-confine ito sa St. Luke’s Medical Center dahil sa overfatigue. Hindi nakadalaw si Mark Herras dahil sa araw-araw na syuting kaya ang dumadalaw ay ang ama nitong si Daddy Jun.

Halos gabi-gabi ay dumadalaw si Patrick Garcia na open sa pagsasabing crush niya si Jenny. Seryoso na nga ang binata sa aktres.

Propesyonal ang alaga ni Becky Aguila kaya kahit nagpapagaling pa ito nang lubusan ay sumabak agad sa Mall tour para sa Eternity.

Magsisimula na rin ito sa syuting ng Super Noypi na entry ng Regal Entertainment sa darating na MMFF.

HITSURANG Eternity will not be the last project for the four stars of the film and its director.

Unang nagkasama-sama sina Dingdong Dan-tes, Iza Calzado, Jennylyn Mercado and Mark Herras and director Mark Reyes sa GMA fantaserye Encantadia.

Sila rin ngayon ang front-liners sa pinakabagong pelikula ng Regal Entertainment titled Eternity nga na ipapalabas this Sept.6. That is why naging napakagaan ng trabaho para sa production ng nasabing pelikula dahil gamay na nga nila ang isa’t isa.

Advantage din siyempre na, dahil tested nga ang chemistry ng dalawang pares, hindi na kailangang i-career ang mga eksena nila.

Now, na-announce na ang main cast ng Atlantika, one of the two new soaps of GMA-7 na about to start production na. This will be composed of Rudy Fernandez, Dingdong, Iza, Jean Garcia, Cherry Pie Picache, Paolo Contis and Isabel Oli among others.

Recently, someone told us na kinukuha rin daw sina Jennylyn and Mark for the said soap.

Actually, ang narinig lang namin ay si Jennylyn, but since wala pa namang balak tapusin ang tambalan nila ni Mark, we presume join din si Mark.

This could be Jennylyn and Mark’s next soap after I Luv NY.

INISNAB man ng Luna Awards (dating FAP) ang performance ni Robin Padilla sa La Visa Loca, na nagwagi ng Urian best actor trophy kamakailan lang, dalawang nominasyon naman ang inani ng noo’y controversial Urian nominee na si Claudine Barretto.

Nominado si Claudine for best actress para sa pelikulang Dubai at Nasaan Ka Man, both under Star Cinema. Makakalaban niya sa nasabing kategorya sina Zsa Zsa Padilla (Ako Legal Wife), Boots Anson-Roa (Blue Moon) at Irma Adlawan (Pusang Gala).

Maiuwi na kaya ni Claudine ang much coveted na tropeo o malulusutan din siya ni Zsa Zsa, na talaga namang pinag-usapan ang kagalingan sa Regal comedy movie na ipinalabas nu’ng nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) last year?

Naging matunog kasi ang misis ni Raymart Santiago sa Urian best actress category, pero naisahan ni Jaclyn Jose nang ito ang magwagi para sa digi-movie na Sarungbanggi.

Malaking bagay kung mananalo si Claudine dahil sabi nga, most prestigious ang Luna sa lahat ng award-giving bodies sa bansa dahil kapuwa taga-industriya ang mga bumoboto para sa mga pinakamagagaling.

Narito ang kumpletong listahan ng Luna Awards nominees para sa taong ito:

Best Picture: Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros (UFO Films), Nasaan... (Star Cinema), Dubai (Star Cinema), Blue Moon (Regal Films), La Visa Loca (Unitel Pictures);

Best Director: Joel Lamangan (Blue Moon), Aureus Solito (Maximo), Mark Meily (La Visa), Cholo Laurel (Nasaan), Rory Quintos (Dubai);

Lead Actor: Nathan Lopez (Maximo), Dennis Trillo (Blue Moon), Eddie Garcia (Blue Moon), Marvin Agustin (Kutob), Ricky Davao (Pusang Gala);

Supporting Actress: Jean Garcia (Birhen ng Manaoag), Jennylyn Mercado (Blue Moon), Ana Capri (Kutob), Hilda Koronel (Nasaan), Irma Adlawan (Nasaan Ka Man/Star Cinema)

Supporting Actor: Crispin “Pen” Medina (Maximo), Michael de Mesa (Dubai), BJ “Tolits” Forbes (Ispirista), Ryan Agoncillo (Kutob), Johnny Delgado (La Visa);

Screenplay: Michiko Yamamoto (Maximo), Allan Tijamo (Blue Moon), Ricky Lee, Shaira Salvador (Dubai), Mark Meily (La Visa), Boots Agbayani Pastor (Masahista);

Cinematography: Rolly Manuel (Legal Wife), Ely Cruz (Enteng Kabisote), Lyle Sacris (Exodus), Jay Linao, Richard Pademal (Mulawin, The Movie), Charlie Peralta (Nasaan);

Editing: Marya Ignacio (Legal Wife), Marya Ignacio (Nasaan), Alex Castañeda (Exodus), Vito Cap (Kutob), Manet Dayrit (Mulawin);

Production Design: Clint Catalan, Cristina Dy (Maximo), Joey Luna (Blue Moon), Elfren Vibar (Dubai), Richard Somes (Exodus), Jon Cuyson (Nasaan);

Sound: Addis Tabong (D’Anothers), Arnold Reodica (Dubai), Addis Tabong (Enteng), Albert Idioma (Kutob), Addis Tabong (Nasaan);

Music: Lutgardo Labad (Mulawin), Vincent de Jesus (Legal Wife), Von de Guzman (Blue Moon), Von de Guzman (Exodus), Jesse Lazaten (Nasaan Ka Man).

People's Tonight
8/14/2006 20:15 PM

by: NItz Miralles

Patuloy na dumaranas ng problema sa puso ang pareha nina Albert (Marvin Agustin) at Polly (Jolina Magdangal) at Natalie (Jennylyn Mercado) at Baste (Mark Herras) sa I Luv NY.

Dahil kay Edward (Tirso Cruz III), mapipilitang lumayo si Baste kay Natalie para tuluyang gumaling.

Kinuntsaba naman ni Albert si Wendy (Isabel Oli) para galitin at lumayo si Polly. Ayaw niyang mahirapan ito dahil grabe na ang sakit niya sa puso.

Ayaw pa ring sabihin ni Marvin kung happy ang ending ng love story nila ni Jolina sa malapit nang magtapos na serye.

Samantala, how true na after I Luv NY, papasok sa Atlantika si Jennylyn? Hindi pa lang namin alam kung ano ang magiging role niya. Dapat pala siyang magpalakas kung ganoon, dahil sasabak na agad siya sa taping.

People's Tonight
8/14/2006 18:53 PM