Saturday, September 02, 2006

c/o shiela marie

From PM yesterday:

Birthday ng Mommy ni Jennylyn Mercado na si Mommy Lydia last Wednesday kaya pagkatapos ng presscon ng Eternty ay umalis na rin siya agad. Wala naman daw malaking party lalo pa nga't may sakit na iniinda sa balakang ang kanyang ina.

Pero ang mas napansin ng lahat kay Jennylyn that night ay ang sexy nitong aura at bihis. Nakalitaw ang kanyang cleavage at bumagay sa kanya ang pagdadagdag niya ng timbang.

Pati si Mark Herras ay kununan ng reaksyon sa sexy attire ni Jen at say niya, okay lang daw lalo pa't wala na kami ngayon.

"Maganda nga po, eh, bagay sa kanya" say ni Mark.

Hindi maiwasang itanong tuloy kay Jen ng press kung in-love na raw ba ito at blooming siya.

Kung sakali namang meron na ay hindi naman niya ililihim pero wala pa raw talaga dahil trabaho pa rin at pamilya ang kanyang priority.

Friday, September 01, 2006

Ruel Mendoza
Abante
9/1/06


Kahit mukhang pagod sa trabaho ay nagagawa pa rin ni Jennylyn Mercado na harapin ang mga commitments niya. Bakas sa hitsura ni Jennylyn ang pagod at halatang malalim ang iniisip nito.

Pero binabalewala ito ni Jen dahil importante sa kanya na matapos ang kanyang trabaho.

"Ayoko naman pong may masabi ang ibang tao sa work ko. Mahirap ‘yung may magsabing unprofessional ako o nag-iinarte ako. Ayoko pong mapagalitan ako. Kaya kahit may mga problema, tuloy pa rin po ang trabaho ko," sabi ni Jennylyn.

Kelan lang ay naospital si Jennylyn ng ilang araw dahil sa over-fatigue. Kailangan pa niyang magpaopera sa kanyang sinusitis. Tapos ay naputulan ng isang paa ang kanyang adoptive father dahil sa sakit na diabetes. Hindi pa man nakaka-recover si Jen sa nangyari sa kanyang amain ay kailangan na rin operahan ang kanyang adoptive mother na si Lydia Mercado sa isang mata dahil nagkaroon ng impeksyon.

Idagdag pa ‘yung mga intriga sa love team nila ni Mark Herras at ang kabi-kabila pang kontrobersya na kinasasangkutan ni Jen. Sa totoo lang, ang lahat ng mga nararanasan na ito ni Jen ay enough reason para maospital siya.

"Kinakaya ko naman po lahat. Alam ko naman po na hindi ako pababayaan ng Diyos," say ni Jen.

"Nagpapasalamat ako na dumarating sa akin ang mga trials na ito. Never ko naman pong kinuwestiyon si God sa nangyayaring ito sa buhay ko. Alam ko na may purpose ito. Siguro nga ay sinusubukan Niya kung hanggang saan ang kaya ko. Pero kaya ko naman lahat. Basta para sa pamilya ko, gagawin ko po ang lahat."

Okey na sila ni Mark at natapos na ang hindi magandang pagtitinginan nila sa isa’t isa. Natapos nga nila ang pelikulang Eternity na wala silang problema.

Cleavage ni Jen, nagmumura!

Hot 'n Spicy
by Vinia Viva
People's Tonight


Maraming ginulat si Jennylyn Mercado sa presscon ng Eternity last Wednesday dahil sa seksing bihis at ayos nito. Litaw ang cleavage at bukas ang top button ng malalim na blouse.

Pati tuloy si Mark Herras, kinunan ng reaksyon tungkol sa sexy attire ng dating girlfriend. Inamin ng young actor na noong bagu-bago pa lang sila ni Jen before, hinding-hindi niya ito pinapayagang magsuot ng ganun.

“Naranasan ko pa’ng makipag-away sa wardrobe noon,” kuwento ni Mark, na sinegundahan ni Jennylyn ng, “Oo, inaaway niya ‘yung wardrobe at tinatanong kung bakit ganu’n ang suot ko.”

Pero nu’ng tumagal sila, na-realize rin niyang hindi tama ang pagiging sobrang konserbatibo, kaya okay na sa kanya, lalo na ngayong wala na sila.

Matagal-tagal na ring panahon ang lumipas mula nang mag-break ang dalawa, pero very much identified pa rin sila sa isa’t isa simply because sila pa rin ang magka-loveteam.

Kapag nandiyan si Mark, hindi puwedeng mawala si Jen and vice versa. Kahit saan sila magpunta, laging tinatanong ang isa sa isa and up to now, ang classic question na “kailan kayo magkakabalikan?” ay tinatanong pa rin sa kanila.

Kaya naman hindi nakapagtataka kung hindi sila maka-move-on move-on at hindi magkaroon ng successful relationship sa iba.

* * *

Excited na ang apat na bida ng Eternity — Dingdong Dantes, Iza Calzado, Mark and Jen — sa nalalapit na showing ng pelikula dahil kakaiba raw ito’t tumatalakay sa eternal love and reincarnation.

Sa trailer pa lang, magiging interesado ka sa movie dahil nakaaaliw ang mga magkakaparehong eksena ng dalawang magkasintahan na nabuhay sa magkaibang panahon.

Nabuhay noong Spanish era sina Dingdong at Iza samantalang sina Mark at Jen naman ay sa present generation. Pero kung ano ang mga nangyari sa magkasintahan noong unang panahon, siyang ring nangyayari sa dalawang bagets ng present time.

Say nga ni direk Mark Reyes, hindi madi-dissapoint ang fans nina Dingdong-Iza at Mark-Jen.

“Mas dramatic ang roles dito nina Mark at Jen kesa sa Blue Moon. Sina Dingdong at Iza naman, talagang serious actors na sila, hindi na teenyboppers,” say ni Direk.

Ilan sa highlights ng film ay ang confrontation scene between Hilda Koronel (as Iza’s mom) and Jaclyn Jose (Dingdong’s mom), Dingdong’s duel with Bobby Andrews, Iza’s breakdown, at ang eksena nina Jen at Mark kung saa’y pinaglaban nila ang kanilang pagmamahalan.

Posted: Fri Sep 01, 2006 5:17 am Post subject:

Good karma

FREEHAND
By Mario E. Bautista
People's Journal

SINCE ‘Eternity’ is about reincarnation, we ask Jennylyn Mercado if she truly believes that one’s soul can be really be reincarnated later? “It’s a matter of faith,” she says, “and I believe puwedeng mangyari ‘yon, depending on how you lived your life on earth, if you were good or bad in your lifetime.”

So, if every she’d get reincarnated, would she still like to join showbiz? “Oh yes and, preferably, gusto ko pa ring maging ako dahil enjoy naman ako as I am now at masaya rin ako sa showbiz. Also, I wish na si Mark (Herras) pa rin ang maging ka-love team ko.”

That means Mark is really still someone special for her. “That’s true. Kasi, kahit hindi na kami on, maganda pa rin naman ang samahan namin. Basically, he’s really a nice guy.”

Jen continues to be a dutiful daughter to her adoptive parents. Her Mommy Lydia says Jen has helped her family so much. “When my husband had a heart attack and had one of his legs p*** due to diabetes, it was Jen who shouldered all the hospital expenses,” she says. “Tapos, naputol na rin ang kabilang leg niya. Kawawa nga. Now, ako naman ang kailangang operahan sa hips ko to correct something sa bone ko.

Sunud-sunod talaga ang pagsubok na dumarating sa amin at kung wala si Jen, I don’t know where to get the money for all the medical expenses. Kaya nga lagi ko na lang ipinagdarasal ang batang ‘yan para maka-yanan niya lahat ng hirap dahil talagang napakabait niya sa amin.”

Because of her kindness to her parents, there’s no doubt “Eternity” will be a hit as Jen deserves a very good karma.

iGMA Exclusive: Jennylyn

Article posted September 01, 2006


Jennylyn Mercado is happy to have finished filming Eternity, but she admits that it was hard to part with the movie’s cast and crew. “Malungkot dahil medyo magkakahiwa-hiwalay na kami,” she shares.

Jennylyn plays Maegan, who falls in love with Cholo (Mark Herras). The two later discover that they knew each other from their past lives as Milagros (Iza Calzado) and as Crisanto (Dingdong Dantes). “I’m a simple girl who has this simple family na may past na related din sa past ng family ni Mark,” Jen says.

For Jennylyn, some of her most memorable moments while filming were in Vigan. “Maulan doon pero kahit na umuulan, enjoy na enjoy kami,” Jen says. “Nafi-feel naming na kaming lahat, magkakasama. Tapos ‘yung ulan, habang nagshoshoot kami, ine-enjoy din namin, kahit na nababasa kami, okay lang.”

Unlike her co-actors, Jen didn’t have to learn any special skills to play Maegan. “Wala namang (challenge) kasi hindi ako nag-train ng Spanish, so for preparation, script lang, nagbasa ako ng script,” she says.

Jen also says that what made her role stand out from all the other one is that she’s played is the people she’s working with. “Different lang dahil sa mga kasama ko, si Ate Iza and Kuya Dingdong, first time ko sila makasama sa movie,” she says.

Eternity opens in theatres on September 6, 2006. Catch it and find out if Maegan and Cholo will be able to right the wrong done to Crisanto and Milagros one hundred years ago. “Iniimbita naming kayo manood ng Eternity, napakagndang pelikula,” says Jennylyn. “Pinaghirapan naming lahat ito. I’m sure mag-e-enjoy kayo at kikiligin kayo.”

Text Eternity On to 4627 to get the latest Eternity logos and downloads from Fanatxt!

To get in touch with Jen, text Jennylyn and send to 4627.

Thursday, August 31, 2006

Bagong Mark-Jennylyn Project, niluluto na

c/o cat_marcelo

Magtatapos na rin ang ILNY at last taping na nila nung Martes kunsaan isinabay na rin nila ang farewell party nila. Pagkatapos nito, marami pa ring mga fans nina Mark Herras at Jennylyn Mercado ang umaasang magsasama pa rin sila sa isang soap.

Tingin ko naman ay malakas pa rin ang loveteam ng dalawa kaya nga confident si Mother Lily Monteverde na maganda ang kalalabasan ng pelikula nilang Eternity na kasama rin si Dingdong Dantes at Iza Calsado.

Wala pa rin daw puwedeng itambal kay Mark kundi si Jennylyn lang, kaya sana daw ay masundan pa sila ng isa pang project. Ang alam ko , meron na, pero siyempre, hindi ko naman puedeng kalkalin muna at hindi pa puwedeng itsika sa inyo.

Siyanga pala, marami na ang nakakapansin ngayon na lalong gumanda si Jennylyn. Maaaring nakapagpahinga na ng mabuti ito lalo na't nabawasan na ng trabaho pagkatapos ng ILNY.

Pero si Patrick Garcia nga kaya ang lalong nagpapaganda kay Jennylyn? Nagde-deny pa rin itong si Jennylyn at naka-focus lang daw siya sa trabaho. Wala na muna ang mga boys na yan!

Wednesday, August 30, 2006

c/o mommy cat

Noong Linggo ay nasa SOP si Jennylyn Mercado. Sa tingin namin, gumanda ang ex-girlfriend ni Mark Herras. Hindi namin siya nakilala sa
malayo. Akala namin ay may kung sinong bagong artista na guest sa SOP noong Linggo.

Anyway, hindi namin nakitang pumasok sa dressing room si Jennylyn. Tila sa may lobby lang siya nag-stay.

Umiiwas na kaya siya sa intriga?

Busy pala ngayon si Jennylyn sa promo ng teledramang I Luv New York na malapit ng mag-tapos, at pelikulang Eternity na malapit ng ipalabas.


Jun Lalin - Abante Tonite

Tuesday, August 29, 2006

Jen's New Assignment

After “I Luv NY” ay hindi pa raw alam ni Jennylyn Mercado ang next project niya sa GMA-7. Iba ang ibinigay na assignment sa kanya ng network- magpataba raw siya.

Bumaba kasi ang timbang ni Jennylyn dahil sa pagkakasakit niya recently kaya ang order ng management, magdagdag siya ng timbang na siya nga niyang ginagawa ngayon.

Naririnig daw nilang ipapasok sila ni Mark Herras sa “Atlantika” pero wala pang kumpirmasyon.

Anyway, tuloy-tuloy pa rin ang pagti-training ni Jen para sa “Super Noypi” na kasalukuyan na ring sinu-shoot. Isinasabay pa rin niya ang high school tutorial kapag may free time.

Last Sunday ay bumalik na rin ang young actress/singer sa SOP Gigsters. Dapat ay next week pa ang balik niya pero napaaga dahil sa promo ng “Eternity”. At least ay nakapagpahinga naman daw siya sa three weeks niyang bakasyon sa said variety show.

People's Tonight
8/29/2006 17:59 PM

Anak ni Senador Manny Villar, nali-link kay Jennylyn

Billy Balbastro
8/29/06


Kung nagkikita-kita ang mga entertainment writers sa kasalukuyan, marami silang pinag-uusapan.

Hindi maiiwasan na maapektuhan tayo ng oil spill sa Guimaras, ang bagong lalawigan ng bansa na dati ay bahagi lang ng Iloilo, my home province.

From my hometown Oton, kitang-kita ang Guimaras, isang malaking isla na may malaking krus sa tuktok.

Kilala na ito bilang Mango Capital natin with half-a-kilo mangoes grown here.

With the oil spill, biglang center of interest at favorite topic of conversation ang Guimaras -- dating vacation place lang ng mga Lopez with their La Roca Encantada mansion.

Pinag-uusapan din ang Baywalk Bodies na nadampot sa Alindog Lounge sa Guam -- sina Jeannette Joaquin, Luxx Laurel, Palmolive Palma at Clarisse Mercado. Naka-detain pa rin sila ngayon.

Ayon mismo sa kanilang manager na si Lito de Guzman, nadampot ang mga alaga niya dahi hindi ipinaliwanag sa kanila ng may-ari ng club ang mga patakaran na dapat nilang sundin. Tumanggap daw sila ng "tip," mula sa customer ng club.

May nakapagsabi sa amin na ayon sa standard na patakaran sa mga club, kung performer ka, binabayaran ka sa performance mo. Ibang trabaho ang pag-upo sa table ng mga customer at kumuha ng bayad (tip ba ang tawag diyan kung hindi naman sila waiter?).

Pinag-uusapan din ang girls na nahuli ng mga pulis sa Hotel Camelot sa pamamagitan ng police entrapment. Isa sa grupo ay ang aktres na si Raja Montero.

Nang dumalo kami sa Cuba Libre sa Starmall to enjoy the Friday evening sa cozy music lounge na ito with Senate Manny Villar and daughter Camille, napag-usapan din ng mesa namin ang latest showbiz buzz na ito.

Naikuwento ng No. 3 official ng bansa ang kalunus-lunos na pangyayari sa Guimaras. Dahil ang mga magulang niya ay nagmula sa Iloilo, nalulungkot din siya sa trahedya.

"Patuloy ang pagdaloy ng oil mula sa barko at kitang-kita namin ito nang lumapit kami," sabi ng Senate President na only that Friday morning ay personal na pumunta sa Guimaras at tiningnan ang perhuwisyong nagaganap.

Kung ilang dekada raw ang ginugol ng mga taga-Guimaras para maiangat ang buhay at kondisyon nila. Ngayon, on its way to progress, ito pa ang nangyari.

Tila mawawalan ng hanapbuhay ang karamihan doon. Biglang nahinto raw ang pagiging tourist destination ng Guimaras. Stand still ang lahat doon.

Hindi maiiwasang mag-comment din si Senate President Villar tungkol sa Baywalk Bodies sa Guam. That time, hindi pa nakaabot sa kinalaman niya ito.

Pero ayon sa kanya, dapat kumuha na agad sila ng magaling na abogado sa Guam para tulungan sila.

At tungkol sa Camelot incident? Hindi siya pamilyar sa balitang ito. Isang police enforcement at legal matter daw ito.

May isang typical na obserbasyon siya: "Baka may naiinggit kaya nagsumbong."

Napatawa ang pangulo ng Senado nang tinanong siya tungkol sa pagkaka-link ng isang son niya kay Jennylyn Mercado.

"May puwesto kasi si Jen dito sa Finds (Superstore)," sabi niya.

Ang Finds Superstore ay bahagi ng Villar Group at sold exclusively sa Finds ang mga attire na na-design ni Jennylyn sa Jen area.

Ang target customers ay ang young and hip set at makikita ito sa ground floor ng Starmall sa Shaw at EDSA area.

Monday, August 28, 2006

Mark, wala pang kapalit sa puso ni JENNYLYN

c/o denise_cf

Parang naawa kami kay Jennylyn Mercado nu’ng huling presscon nila ni Mark Herras para sa Eternity.

Bukod sa late siyang dumating ay parang wala siyang ka-energy-energy at malat pa ang boses nang magsalita sa mikropono para sagutin ang tanong ng press.

Galing pa kasi siya sa isang mall show sa SM Dasmariñas at napaos siya sa dami ng kinanta niya.

Madalas siyang nagkakasakit dahil parang wala na siyang pahinga pero pag walang trabaho ay bumabawi ng tulog si Jen.

Sanay na siya sa ‘patayan’ na schedule pero panay ang take niya ng vitamins para lumakas at kahit paano ay makabawi. Buti na rin daw at medyo tumataba siya ngayon dahil ganado siyang kumain.

Wala silang love scene ni Mark sa Eternity gaya nina Iza Calzado at Dingdong Dantes pero meron silang kissing scene.

Ayon kay Jen, kahit wala na silang relasyon ay wala pa ring nagbago sa kanila ni Mark pagdating sa trabaho.

Parang ganu’n pa rin daw ang napi-feel niya pag nagki-kiss sila ni Mark at tulad ng binata ay nami-miss din niya ang maganda nilang samahan noon.

Aniya, hindi niya nilalagyan ng tuldok ang posibilidad na magkabalikan sila ng ex-boyfriend.

Dayalog ni Jen, wala pang kapalit si Mark sa puso niya at wala pa siyang nakikitang iba. Dagdag niya pa, sakaling mare-reincarnate siya ay pipiliin niya pa ring mahalin si Mark kahit ganu’n ang nangyari sa kanilang relasyon.

Nag-smile lang si Jen nang intrigahin namin kung hindi ba siya nagtampo na hindi man lang siya dinalaw ni Mark nang maospital siya kamakailan samantalang si Patrick Garcia ay buong tiyagang nagbantay sa kanya. ( si Jen nahawa na kay Pat sa pagsagot, kaysa "no comment"... smile nalang! )

Iniintindi na lang daw niya si Mark dahil baka marami itong ginagawa. Nagpunta naman daw ang Daddy Jun ni Mark bilang proxy, so okey na ‘yon.

Isa pa ay dinalaw siya ng friends niyang sina Yasmien Kurdi, Jake Cuenca at mga kapatid sa GMA Artist Center kaya ayaw nang mag-emote ni Jennylyn.