Saturday, September 23, 2006

Dennis Trillo, happy to be paired with Jen!

Article posted September 22, 2006

Aminado si Dennis Trillo na hanga siya kay Jennylyn Mercado sa bago nilang palabas simula sa Lunes – and Now and Forever: “Dangal.”

Nasanay na ang tao na kapareha ni Jen si Mark Herras, at si Dennis naman, si Angel Locsin. Sa unang pagkakataon, magkakatambal ngayon sina Dennis at Jen.

“Doon sa short time na nakilala ko siya, nakita ko ‘yung mga similarities namin, ‘yung mga traits. Tahimik lang din siya, magaling siya na artista, and I’m hoping to discover pa ‘yung mga hindi ko nalalaman sa kaniya.”

He adds, “Hindi naman ‘yun magiging Jennylyn Mercado for nothing, di ba? Siyempre, maganda, very talented - multitalented. Hindi lang puro acting lang, marunong din siyang kumanta, sumayaw, parang lahat, kaya niyang gawin, e.”

Pangako ni Dennis, siya raw ang unang kakausap kay Jennylyn pag nagsimula na silang mag-taping. “Ito na ‘yung chance na makilala ko siya, and marami namang posibleng mangyari, pero tingnan na lang natin, di ba? Sana magustuhan din ako nung mga Mark and Jen na fans,” he says.

c/o mhy_29

by Nitz Mirralez

Hindi nabakante si Jennylyn Mercado dahil pagkatapos ng I Luv NY, isinama siya sa Love to Love Musicale at magkatambal sila ni Dennis Trillo sa Season 7 ng Now & Forever (Dangal).

Wala itong mai-comment sa posibilidad na ma-link sila ng actor dahil hindi pa naman daw nangyayari. Saka, sanay na itong matsismis kahit hindi sa kapareha.

Lubos na nagpapa-excite kay Jennylyn ang makatrabaho si Cherie Gil na, kasama si Desiree del Valle, magpapahirap sa kanya. First time niyang makasama ang dalawa at napi-pressure siyang galingan or else maiiwanan siya.

Wala pa mang eksena, sinabi na ni Jennylyn na okey lang sampalin siya ni Cherie dahil trabaho 'yun.

Tinatapos din ni Jennylyn ang Super Noypi sa Regal at ipinagmalaki nitong wala siyang double sa mga ginawang stunt. Binigyan siya ng double ni Direk Quark Henares, pero dahil kaya, siya na mismo ang gumagawa ng stunts.

"Enjoy ako dahil dati, kumakanta at drama lang ang ginagawa ko. Ngayon, pati action, kaya ko. Ang sarap ng feeling. Nagulat nga si Mark (Herras) dahil kahit may scoliosis ako, kaya ko pa ring mag-back- flip. May stretching bago mag-take at nakukondisyon ang body ko. Hindi ako takot sa stunts, sa blasting lang ako takot, baka masabugan ang face ko," tsika nito.

May binanggit pang stickwork si Jennylyn, parang arnis, na ginamit niya sa movie. Leatherette with silver naman daw ang costume na ikinaaliw din niya.

Sa September 25 na magpa-pilot ang panibagong season ng soap na, sabi ni Direk Mac Alejandre, ay istorya ng pag-ibig, kaligayahan, pagdurusa at paghihiganti.

Abante Tonite
Abu Tilamzik


Napabalitang nagkabalikan na raw sina Patrick Garcia at Bianca King.

Paano na si Jennylyn Mercado na naging close na sa actor?

"Wala akong masasabi riyan, ayokong mag-comment about it. Mas maganda, si Patrick na lang ang tanungin n’yo kung nagkabalikan na sila," sagot ni Jennylyn na ang sabi’y close pa rin siya kay Patrick.

c/o mhy_29

from the blog of super noypi..


About Super Noypi
Six normal childhood friends bound together by friendship find themselves faced with a shocking revelation – their parents are the legendary Super Noypi, the most powerful superheroes in the land! But now they are in danger, taken hostage by the wicked super-villain Diego (Victor Neri).

One by one, the six friends discover their super powers: moving objects using the mind, becoming invisible at will, having superhuman strength and speed, transforming into any shape imaginable, casting spells and controlling fire and ice.

With the help of a strong and spirited stranger from the future named Lia (Jennylyn Mercado) who claims that the world as we know it will cease to exist if they don’t stop Diego now, Lorenzo (Mark Herras), Annys (Katrina Halili), Yñigo (John Prats), Euen (Polo Ravales), Michie (Sandara Park) and Tonton (Andrew Muhlach) stick together, taking a stand against evil in order to save the world and the people they love the most.


CHARACTER SKETCH


LIA (Jennylyn Mercado) is a master of martial arts and a rebel from the year 2075 who travels back through time to find a way to defeat the dictator and super-villain Diego. She tries to change the course of history by looking for the descendants of the greatest superheroes the country has ever known.

FOUR AGAINST JENNYLYN

FREEHAND
by: Mario E. Bautista



ONE star whose fans never tire of writing us to show their support to her is Jennylyn Mercado. We want to assure them that we forward their letters addressed to our mmhannah143 @yahoo.com address to GMA-7. They’re jubilant as Jen now stars in “Dangal”, 7th season of the afternoon drama, “Now & Forever”. She plays Alta, daughter of the rich couple Melissa Mendez and Mat Ranillo III.

She’s about to wed Dennis Trillo but, unknown to her, the people she trusts are plotting to make her life miserable. The show has not just one but four villains: Cherie Gil, Ciara Sotto, Katya Santos and Desiree del Valle. Why does she have to have four villains no less?

“Because she and the viewers do not know who these villains are,” explains Direk Mac Alejandre. “Jen loves all of them, unaware they’ve conniving to destory her.”

Friday, September 22, 2006

c/o mommy cat

Love Pow," pamalit sa Love to Love


Hindi pa man nangangahalati ang airing ng 10-week episode na Jass Got Lucky ng Love to Love Finale Season ay nakahanda na ang papalit na na programa na ang tentative title ay Love Pow, sounds familiar ba? he-he-he...parang ginaya sa Love Spell ang title, di na la (Lovi Poe?-Editor).

Pero inspired naman daw ang istorya sa programang Charmed na ang bida ay tatlong babae na tungkol sa mga magic-magic about love or love spell na nga in English.

Ang pagkakaiba nga lang ng Love Pow ay limang babae ang bida na may kanya-kanyang powers instead na tatlo tulad ng Charmed pero habang sinusulat namin ito kahapon ay wala pang final choices sa casting. Pero sa balita sa amin ng iba naming spy ay isa si [b]Jennylyn Mercado sa napipisil, at kung kami ang papipiliin sa apat pang natitira ay gusto naming idagdag sina Pauleen Luna, LJ Reyes, Yasmien Kurdi at Katrina Halili para may seksing maldita.

Anyway, tiyak na lalong malilito ang viewers' pag nagkataon dahil pareho na ngang may "love" dati pa ang magkatapat na programa ng Dos at Siyete pag araw ng Linggo, at halos magkatunog na rin ito. Kaya bahala na si Batman kung ano ang panonoorin nila.

Regee Bonoan - Balita

Jennylyn, gustong makilala nang husto ni Dennis

Photobucket - Video and Image Hosting



HOT N SPICY
by : Vinia Vivar

Ayon kay Dennis Trillo, ready daw siyang ma-link kay Jennylyn Mercado kung sakali. Alam naman daw niyang parte ng showbiz ’yun, lalo pa nga’t sila ang magkapareha sa bagong season ng Now and Forever.

Expected na raw niya na talagang magkakaroon ng mga ganyang tsismis at walang masama, pero kung siya ang tatanungin, mas magandang magkakilala muna sila nang husto ng young actress before anything else.

After Majika na isang telefantasya, mapapasabak na naman sa drama si Dennis sa Dangal ng Now and Forever. Naka-schedule na silang magkaroon ng last taping day para sa Majika at wala pa raw sinasabi ang network kung magkakaroon siya ulit ng primetime program.

Dahil busy nga sa TV projects, medyo natatagalan ang pagri-recording para sa debut album sa Indimusic nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

Hanggang ngayon pala, iisang track pa lang ang nairi-record niya dahil nga naisisingit lang ito ’pag maluwag ang oras. Sa November na ang release nito at pipilitin daw nilang matapos sa takdang oras.

Thursday, September 21, 2006

Photobucket - Video and Image Hosting



Kahapon sa press con ng ‘Dangal’ season ng Now and Forever ay inusisa namin si Dennis Trillo tungkol sa kanyang lovelife.

Noon pa kasi sinasabi ni Dennis na zero ang kanyang lovelife dahil wala siyang oras para sa bagay na ito.

Kahit sinasabi ni Dennis na wala siyang girlfriend ay hindi matigil-tigil ang tsismis na sila pa rin ng beauty queen na si Carlene Aguilar.

"Lumalabas kami ni Carlene kapag may time. Pero hindi kami nagkabalikan. Wala kaming commitment sa isa’t isa.

"Siguro, pwede nating sabihing steady dates kami. Ganoon lang. Mas comfortable kasi kami sa isa’t isa. Pero wala nga lang kaming relasyon," sabi ng binata.

Kung wala silang commitment sa isa’t isa, pwede bang makipag-date sa iba si Carlene at siya naman ay puwede ring may ibang maka-date?

"Okey lang. Wala kaming usapang hindi kami pwedeng makipag-date sa iba.

"Pwede ring ligawan ng iba si Carlene at pwede rin akong manligaw sa iba. Walang problema sa bagay na ‘yon," pahayag pa ni Dennis.

Inusisa rin namin si Dennis tungkol sa desisyon ng GMA-7 management na sila naman ni Jennylyn Mercado ang gawing magkapareha sa Now and Forever.

"Ilang shows na rin kasi na kami ni Angel (Locsin) ang magkapareha. Si Jennylyn naman, palagi sila ni Mark (Herras) ang magkapareha.

"Siguro, ayaw lang ng GMA-7 management na magsawa ang mga tao, kaya kami naman ni Jennylyn ang ginawang magkapareha.

"Welcome sa akin ang idea na kami ni Jennylyn ang gawing magkapareha sa bagong season ng Now and Forever.

"I think, magugustuhan ng fans ang partnership namin dahil based sa taping namin, sa tingin ko, pati na rin ng staff ng Now and Forever, okey naman kaming dalawa ni Jennylyn. May chemistry raw," paliwanag pa ni Dennis

-Jun Lalin
Abante Tonite

Cherie Gil makes Jennylyn’s life hell in drama anthology

c/o mikichum

GMA-7 is bound to take the viewers to a different level of intense drama with the newest season of “Now and Forever”: “Dangal.”

Premiering September 25, "Now and Forever’s Season 7" boasts of a powerhouse cast topbilled by Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Katya Santos, Ciara Sotto, Desiree del Valle and with a special participation of Cherie Gil, whose role in this series is her first project in the Kapuso Network. Completing the cast are Mat Ranillo III and Melissa Mendez.

Under the direction of Mac Alejandre, "Dangal" is a tale of pretty Alta (Jennylyn Mercado), who seems to have it all. She comes from a wealthy family and about to marry her true love Adrian (Dennis Trillo).

She is surrounded by people she loves and trusts — her loving fiancé Adrian; her friends Celestine (Ciara Sotto) and Iyanna (Katya Santos) as well as their adopted sister Giovanna (Desiree del Valle).

Everything in her life is almost perfect until the women she trusts betray her and cause her immense despair and dilemma. Unknown to Alta, envy leads her friends Celestine, Iyanna and her sister Giovanna to connive and destroy her.

Iyanna will hide Alta’s youngest sister while Celestine, who is secretly in love with Adrian, will plan a scheme to make Adrian fall for her. Cruel and ungrateful Giovanna, on the other hand, aims to ruin the p*** of Alta’s family, the family who loved her as their own.

All these horrible events in Alta’s life have been carefully plotted by Chandra (Cherie Gil), a mysterious woman who vows to exact revenge against Alta’s family.

Amidst the pain and sufferings, Alta draws strength from the love of Adrian. But how pure are the intentions and love of her fiancé? Will destiny lead Alta to redeem herself and regain the pride and honor of her family that have been lost?

Don’t miss "Dangal" starting Monday, September 25, after "Pinakamamahal" on GMA-7.

Jennylyn vs Ciara, Katya & Desiree

c/o jeanilyn_qt


SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio
Ang Pilipino STAR Ngayon 09/21/2006

Isa sa maipagkakapuri kay Jennylyn Mercado ang kanyang pagkakaro’n ng tiwala sa kanyang sarili, lalo na pagdating sa kanyang trabaho. When confronted with the fact na bagaman at sa kanya naka-sentro ang istorya ng Dangal, ang pinaka-bagong episode ng Now & Forever, GMA-7, Sept. 25 marami siyang co-stars sa nasabing afternoon teleserye na magbibigay sa kanya ng magandang laban sa akting, namely, Ciara Sotto, Desiree del Valle at Katya Santos, not to mention the other ladies in the cast like Cherie Gil, Melissa Mendez at ang nag-iisang thorn among the roses na si Dennis Trillo.

"Nakakakaba, dahil alam ko naman na mas matagal na sila sa business at may mga napatunayan na sila. Pero, I consider it a big challenge na makipagsabayan ng akting sa kanila. I know I have to give an effort para naman di nila ako makain sa mga eksena namin," say ng magandang aktres na binigyan ng magandang role sa series bilang si Alta, isang mayamang babae na wala nang mahihiling pa sa buhay. Kasama niya ang mga mahal niya sa buhay, ang fiance na si Adrian (Dennis), ang mga kaibigang sina Celestine (Ciara) at Iyanna (Katya) at ang adopted sister niyang si Giovanna (Desiree). Ang hindi niya alam, may inggit sa kanya ang tatlo at magkakaisa ang mga ito na pabagsakin siya sa pamamagitan ng pagpaplano ni Chandra (Cherie), na sumumpang paghihigantihan ang pamilya niya.

Si Adrian ( Dennis) lamang ang sandigan ni Alta pero, totoo ba ang pagmamahal at intensyon sa kanya nito?

"O, di ba nakakatakot? Isipin ko lamang ang mga sasabakan kong eksena, tumatayo na ang balahibo ko pero, ang maganda, tinutulungan nila ako, sinusuportahan, lalo na si Direk Mac Alejandre na malaki rin ang tiwala sa aking kakayahan. Sana lamang di ko sila mabigo," ang dasal ni Jennylyn na ang lahat-lahat ng pansin ay nakatuon sa kanya at umaasang katulad sa Blue Moon ay mabibigyan din niya ng justice ang kanyang role at magagawa itong isang award winning performance.

Wednesday, September 20, 2006

Ang Pilipino STAR Ngayon 09/20/2006

Hindi pala sina Kim Chiu at Gerald Anderson ang katapat nina Mark Herras at Jennylyn Mercado sa Love Spell kundi sina Rayver Cruz at Shaina Magdayao dahil halos pareho ang concept ng Love to Love at LS, parehong genie sina Mark at Rayver sa istorya.

Masasabing hindi nakatulong ang tambalang Mark at Jennylyn sa loveteam nina Cogie Domingo at Lovi dahil nakamit nila ang lowest rating ever ng L2L last Sunday na 8.3% kumpara sa LS na 11.3%.

Ayaw naming isiping wala nang followings ang Mark at Jennylyn dahil nagsawa na o hindi maganda ang role nila sa L2L kaya hindi sila kinagat. Tiyak na sa kanila ang sisi dahil ang press release ng L2L ay "guest" lang naman ang dalawang Starstruck Survivor kina Cogie at Lovi.

Tuesday, September 19, 2006

Jennylyn, Dennis paired in daily soap, Mark jealous?

from www.yesmagazine.com.ph


Text by Wells Avante

JENNYLYN Mercado will be teaming up with Dennis Trillo in the upcoming season of GMA-7's afternoon drama series Now and Forever. Dennis is constantly paired with Majika co-star Angel Locsin while Jennylyn has always worked with fellow Starstruck Ultimate Survivor Mark Herras.

Mark Herras denies being jealous of Dennis Trillo, who was voted Most Handsome by Hi! Magazine. He is appealing to Mark-Jen fans to understand the situation: "Hopefully maintindihan nila (they will understand)." Meanwhile, Jennylyn noticed that some fans expressed rather strong feelings about the new arrangement. "May mga fans na nag-email na ayaw nila ("Some fans have e-mailed against our pairing.")"

The so-called "Bad boy of the Dance Floor" wishes all the best for the new team up. "Siyempre wini-wish ko na maging maganda yung pagsasama nila sa Now and Forever. Magkakasundo sila ni Dennis, ("Of course I wish their team-up would turn out fine; that they would get along")." he predicts.

Dennis assures Mark that he has no plans of pursuing Jennylyn. "Siguro yung pagiging magkasama namin dun, nami-mistaken na lang for closeness. Wala naman siyang dapat ikabahala. Magkaibigan kami ni Jennylyn ("I guess our companionship was mistaken for closeness. He has nothing to fear. Jennylyn and I are just friends")." He is also flattered to be chosen as the Most Handsome guy by Hi! Magazine. "Nagulat ako, hindi ko naman in-expect. Masaya dahil siyempre para mapili out of napakaraming lalake ("I was surprised, I didn't expect it. I'm happy to be chosen among so many men")."

(With reports from S Files, September 17, 2006)

Monday, September 18, 2006

ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles
Ang Pilipino STAR Ngayon 09/18/2006

Ngayong Lunes palang magti-taping si Dennis Trillo ng Season 7 ng Now & Forever (Dangal). Mahaba pa rin ang buhok niyang magre-report sa taping dahil sa September 24 pa siya puwedeng magpagupit. Sa Sept. 23 pa ang last taping ng Majika at tamang-tama ito sa simula ng shooting ng Mano Po 5 ng Regal at pagtatambalan nila ni Angel Locsin.

Kahit ‘di magka-loveteam, marami ang natuwa sa pagtatambal nina Dennis at Jennylyn Mercado sa Dangal. Wala pa man silang project, may thread na sila sa PEX na nagsimula nang mag-break sina Jennylyn at Mark Herras. Ang fans ang naghanap ng makakapareha ng singer-actress at naniwala silang bagay ang dalawa.

Sinimulan na rin ni Dennis ang recording ng kanyang 13-track album under Indi Music. Una nitong ni-record ang "Mangarap Lang" na composition nina Raul Mitra at Cacai Velasquez-Mitra. Siya rin ang gumawa ng drum track na una niyang ni-record bago ang vocals.

Jennylyn, ayaw nang pag-usapan si Patrick
SUNTOK SA BUWAN Ni Emy Abuan-Bautista
Ang Pilipino STAR Ngayon 09/18/2006

Kung noon ay very vocal si Patrick Garcia tungkol sa malaki nitong paghanga kay Jennylyn Mercado ngayon ay tahimik lang ito. Balitang nagkakamabutihan na naman sila ng dating girlfriend na si Bianca King.

Kaya naman ayaw na rin ng magandang aktres na pag-usapan pa ang aktor.

Nagteyping na si Jen ng Now and Forever kasama si Dennis Trillo. Papasok na rin sila ni Mark Herras sa Love to Love kaya wala itong panahon sa lovelife.

Sunday, September 17, 2006

c/o jeanilyn_qt


Maiiksi ang sagot ni Jennylyn Mercado nang makausap namin sa first day taping ng Season 7 ng Now & Forever (Dangal) at may "Hindi ko alam," pa rin itong sagot. Sabi sa amin, dahil daw ito sa pinagsabihan ang dalaga ng Artist Center na ‘wag nang magko-comment sa mga isyu sa kanya para hindi na siya maintriga.

Ngiti at ‘di sumagot si Jennylyn sa tanong namin kung ano ang gagawin niya pag na-link sila ni Dennis Trillo, ang kapareha niya sa afternoon soap. Hindi tuloy namin alam kung okey lang sa kanya yun.

Nagpapa-excite raw sa kanya na makasama si Cherie Gil na kilalang magaling na actress at identified sa ABS-CBN. Okey lang kay Jennylyn na masampal at masaktan sa eksena nila.

"Excited ako na may kasamang tense at medyo napi-pressure. Alam kong mahusay siya at sana, masabayan ko siya," banggit nito.

Magpi-premiere sa September 25 ang Dangal na sabi ni direk Mac Alejandre ay tungkol sa pag-ibig, kaligayahan, pagdurusa at paghihiganti. Nasa cast din sina Melissa Mendez, Desiree del Valle, Katya Santos at marami pang iba na ngayon lang makakasama ni Jennylyn.

c/o jeanilyn_qt



Batista-Jennelyn romance? No way!


FREEHAND
MARIO E. BAUTISTA

WHILE he was here, World Wrestling Entertainment superstar David Batista, who’s half-Filipino, said in a TV interview that among local stars, his crush is Jennylyn Mercado. As a result, some writers are now trying to pair the two of them. Jennylyn was also interviewed and she said she’s flattered that Batista admires her. What everyone seems to forget is that Batista is very much married.

And he has declared that he loves his wife so much as she is a cancer survivor.

Going back to Jen, she and partner Mark Herras will be the special guests in “Love to Love Musicale’s Jass Got Lucky”. They will play genie in vibrant outfits who help Cogie Domingo and Lovi in their theatre project. Jen is the song genie named Jena while Mark is the dance genie, Marco. Jena and Marco are both assistant of Lovi’s fairy godmother, Marides (Alyssa Alano), who wants them to make it in the school’s talent show.

Before “Love to Love”, the party beings with the birthday celebration of Janno Gibbs on “SOP” and the homecoming of Jaya after giving birth to her first baby.

They’ll be singing with co-hosts Ogie Alcasid and Regine Velasquez. There’ll be a showdown between the World Stars: Jonalyn Viray, Brenan Espartinez, Gerald Santos, Faith Cuneta, John Joven and Jeremie Antiporda. All set to premiere is SOP Gigsters Gigstruck, a dance showdown where Starstuck Batches 1, 2, and 3 vie to be the Dance Dream Tream. They will choreograph their own numbers supervised by Joshua Zamora of Maneouvres, Wowide de Guzman of UMD and Jayjay del Rosario of Kids at Work. The winning team gets P50,000 cash. You can also vote for your favorite team through texting and win cellphones.

-----------


Jennylyn bigo kay Patrick-- sinusundo at nakikipagkita pa rin sa ex-gf?


MOUTHFUL
MELL T. NAVARRO

FINALLY ay nagsalita na si Bianca King tungkol sa ex-boyfriend niyang si Patrick Garcia at sa pagkaka-link nito lately kay Jennylyn Mercado. Sa pakikipag-chikahan namin kay Bianca tungkol sa pagpasok ng kanyang character sa Atlantika ng GMA-7 (habang nasa cast din siya ng Love to Love), walang pretensiyong nag-comment ang tisay young actress tungkol sa is-yung Patrick-Jennylyn.

Una munang i-namin ni Bianca ang pagsundo sa kanya ni Patrick sa airport recently galing sa isang out-of-town/the country gig.

“Pa’no n’yo nalaman ‘yun?!” gulat na tili ni Bianca. “Patrick is just being nice. Mabait talaga ‘yun.”

Wala raw kasi si-yang driver that time kaya nag-offer ito na ipag-drive siya going home. “Ayaw na niya ka-sing abalahin pa ang Mommy ko kaya he offered the ride.”

Pinapaubaya na ba niya ang ex-BF na si Patrick kay Jennylyn?

“I’m happy na nakakahanap siya ng girls na gusto niyang i-pursue,” aniya. “Magaling mamili si Patrick dahil si Jennylyn ang pinili niya.

“Although I don’t know Jennylyn in and out, but I think, she’s okey. Wala akong problema kay Jennylyn.”

Matatandaang ba-go sumabak sa showbiz ay tatlong taon silang naging magsiyota ni Patrick, pero nga-yon daw ay talagang magkaibigan na lang sila.

“We’re better off as friends,” say ng alaga ni Arnold Vegafria na bago ring manager ngayon ni Patrick. Tanging si Bianca ang babaing magsusuot ng ‘wet suit’ sa Atlantika ni-na Dingdong Dantes at Iza Calzado, at carry nito ang role dahil isa na siyang certified SCUBA diver.

--------------
LAGARE si Jennylyn Mercado sa shooting ng Super Noypi at taping ng Love To Love Musicale at Season 7 ng Now And Forever: Dangal.

Kahit hirap nang konti sa kanyang action scenes sa Regal movie, nag-i-enjoy pa rin siya’t ngayon lang gumagawa ng back flip, na pati si Mark Herras ay ’di in-expect na magagawa niya.

Susubukan ng GMA 7 ang tambalan ni Jennylyn at ni Dennis Trillo sa Dangal. Sayang at nu’ng bumisita kami sa taping ay wala ang aktor at bukas pa magsisimula mag-taping. Walang sagot si Jennylyn sa posibilidad na ma-link sila ng aktor. Basta excited siya’t first time niyang makatatrabaho si Dennis, pati sina Cherie Gil, Desiree del Valle, Katya Santos at Melissa Mendez.

Tila kulang naman ang excitement ni Jennylyn sa pagpasok nila ni Mark sa Love To Love. Siguro dahil may mga naririnig siyang nagsabi na bakit pa sila ipinasok sa show na tampok sina Lovi at Cogie Domingo.

“Kami ni Mark, kahit saan kami isabak, tatanggapin namin dahil trabaho. May side na ayaw kaming ipasok, pero GMA at buong production ang may desisyon na isama kami. Medyo matagal kami sa show at kung support kami, ’di ko alam,” sabi niya.

Sa ipinadalang production notes ng L2L, nakalagay na gagampanan nina Jennylyn at Mark ang papel nina Genie Jena at Genie Marco, a song and a dance genie respectively. Assistant sina Jena at Marco ni Marides (Alyssa Alano), ang guro at mahiwagang ninang ni Jass (Lovi) na tutulong sa grupo nito sa kanilang school project.

Abangan n’yo at this Sunday na lalabas sa L2L sina Jennylyn at Mark.

Sa Sept. 25 magpa-pilot ang Dangal.