Friday, October 06, 2006

c/o glenn

Afraid si Jennylyn Mercado nang makitang nagbibitak-bitak ang daan sa Antique kahapon nang magtungo siya roon for a show kasama si Mark Herras.

Akala nila, magkakaroon ng landslide at mabuti nama’t walang masamang nangyari.

On the contrary, maganda nga ang nangyari dahil successful ang show at dinumog sila ni Mark sa nasabing lugar.

Happy si Jen na kahit may ka-loveteam siyang iba (Dennis Trillo sa Now and Forever) ngayon, mainit na mainit pa rin ang tandem nila ni Mark.

Sa out-of-town shows sila bumabawi dahil sila talaga ang laging request ng mga tao.

Ikinatuwa rin ng young actress-singer na nagustuhan din ng fans ang loveteam nila ni Dennis at in fact, pinag-uusapan nga sa Internet ang nakaraang kissing scene nila sa Now and Forever.

c/o glenn

PATRICK: YES TO JENNYLYN, NO TO BIANCA

PATRICK Garcia was one of Jennylyn Mercado’s well-wishers when the latter was confined at the St. Luke’s Medical Center recently due to over fatigue. The award-winning young actor does not deny that he’s courting Jennylyn but he dispels the rumors that he has reconciled with his ex-girlfriend, Bianca King.

Patrick is yet to be given another meaty role like “Batang PX” that gave him an almost grand-slam win as Best Child Actor many years ago. He is one of the better actors we have but he rarely gets good roles lately.

Wednesday, October 04, 2006

HOT N SPICY
by : Vinia Vivar

Medyo nawawala na ang hiyaan factor nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado dahil nag-uusap na ang mga ito sa set ng Now and Forever. Hindi katulad noong mga first few taping days na puro ngitian lang sila, ngayon ay nagpapalitan na ng mga linya ang dalawa, although maiikling usapan lang naman daw.

Nagkailangan at first sina Dennis at Jen dahil first time nilang magkapareha sa isang project. Nagkasama na sila sa Blue Moon, pero hindi naman sila nagkaroon ng eksena together at sa NAF lang talaga sila nagkaeksena.

Samantala, dahil sa ilang araw na brownout sanhi ng bagyong Milenyo, apektado ang ratings ng NAF (actually, lahat naman ng TV shows), kaya hinayang na hinayang si Jen since pilot week pa naman nu’ng nakaraang linggo.

Ganunpaman, masaya naman sila sa naging resulta ng ratings ng first few days (Monday, Tuesday, Wednesday), kaya thankful siya sa lahat ng sumusuporta sa kanila ni Dennis.

Tuesday, October 03, 2006

by : Nitz Miralles
Peoples Tonight
10/03/06


Hindi pa man sinasagot ni Pauleen Luna si Marvin Agustin, may intriga na agad sa panliligaw nito sa dalaga. Bago raw nito ligawan si Pauleen, sinubukan muna nitong ligawan sina Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi. Hindi lang daw siya in-entertain ng dalawa, kaya sa iba itinuloy ang panunuyo.

Naalala tuloy ng isang press ang sinabi ni Marvin na “ligawan ko kaya si Jennyyln” noong time ng I Luv NY, na ewan kung seryoso o nagbibiro.

Sinubukan din daw nitong ihatid ang actress, pero ’di rin natuloy.

Iwas-pusoy si Marvin nang usisain kay Pauleen sa presscon ng Hoooo U? Paano kaya niya sasagutin ang bagong isyung ito?

Sunday, October 01, 2006

c/o jen_her

People's Tonight
10/1/2006 17:51 PM
By Vir Gonzales

GUSTONG humirit sa ratings ang GMA 7, kaya inilagay si Jennylyn Mercado sa Now And Forever, na tila palaglag lately. Napupuna kasi ng televiewers, puro na lang sigawan, awayan, patayan ang mga eksena -- o kaya’y umaatikabong inggitan at pagnanasa. Pulos galit sa dibdib.


Hindi nga ba, sa Love To Love, isinalpak din si Jennilyn para maka-attract ng attention ng mga manonood?


Sa grupo ni Jennylyn, na nanalo sa StarStruck 1, outstanding siyang umarte. Ibang klase talagang mag-alaga si Mommy Lydia.