Friday, October 20, 2006

JENNYLYN NAKIKIPAGSABAYAN NG GALING SA AKTING KAY CHERRIE GIL

c/o lette

->vir gonzales

Agaw eksena talaga si jennylyn mercado sa now and forever. Naloloka ba naman ang role, sinong hindi magiging outstanding sa performance.

Hindi nakakapagtaka kung bakit si jennylyn ang kinuha para sa bagong season ng nila. bagay kasi kay jen ang role nya at hindi kayang gampanan ng mga kasabayan nyang young stars today.

At wala syang takot (parang hindi man lang umuiinom ng kape) kung makipagsabayan kila cherrie gil, desiree del valle at melissa mandez. Wa;la syang pakialam kahit taga ABS-CBN si desiree kung sagot-sagutin nya, maging si cherrie gil nga ay napapangiti sa pag-arte ni jennylyn hindi man magdayalog si cherrie parang naririnig mong puring=puri c jen.

Bagay na mag-ina sila cherrie at desiree parehong mababangis ang beauty at kahit tumatawa ay dinig mo pa rin ang kaplastikan ng halakhak.hindi nga makasingit si ciara sotto na super drama naman ang role at si melissa naman parang nakikipaghabulan sa byuti ng anak nyang si jennylyn.

Jennylyn and Sandara super friends ngayon

c/o sheila marie

Friends na sina Sandara Park and Jennylyn Mercado dahil magkasama silang nag-malling the other day. As everybody knows, magkasama ang dalawa sa Super Noypi at dahil magkaiba ang kanilang network bukod pa sa silang dalawa ang mahigpit na magkalaban noon, hindi namin ma-imagine na magiging close sila.

Aminado naman si Sandara na during the first few days ng shooting ng Super Noypi, medyo naiilang daw siya kay Jen dahil akala raw niya ay masungit at suplada ito.

Pero hindi naman daw pala dahil lagi siya nitong kinakausap at binabati.

At ngayon nga, friends na sila dahil silang dalawa ang laging magkasama lately.

Matatapos na ang Super Noypi dahil nakatakda na itong maglast shooting day kundi this week ay next week. Pang filmfest ito ng MAQ Productions sa December at isa sa highlights ng movie ay ang pagsabit ni Jennylyn sa helicopter flying more than 100 ft. high.

PM-Vinia Vivar-20 Oct. 2006

Wednesday, October 18, 2006

Jennylyn, tatlong taon nang walang pahinga

c/o em
By : Pandora | YEHEY! Contributors
17 October 2006 | 8:27 PM

Three years nang nasa showbiz si Jennylyn Mercado. At mula nang pumasok siya after manalo sa Star Struck ay naging tuloy-tuloy na ang projects niya up to the point na maging lagarista siya in the past three years of her life. Ang consequence, naging sickly na si Jennylyn lately at palaging nasusugod sa ospital dahil sa over fatigue.

Inaamin naman ito ni Jenny. Hindi umano siya tumatanggi sa kahit na anong project. Kung ano ang ibigay sa kanya ay tinatanggap niya basta maisisingit sa kanyang calendar. Katwiran ni Jenny, mahirap maumpisahang tumanggi sa project dahil baka masira ang momentum ng kanyang career. Mas mahirap naman daw ‘yung walang offer kesa naman sa halos hindi na siya nababakante.

Pero marami na ang nagwoworry sa health ng young actress. Sa pagkakasakit nito dahil sa pagod at puyat, ang katawan naman nito ang nagsusuffer. Buti na lamang at iba ang fighting spirit ni Jenny. Hindi niya hinahayaang masira ng pagkakasakit niya ang drive niya para maging successful.

Ang point ni Jenny, sige lang ng sige hangga’t may offer dahil mahirap naman daw ‘yung dumating ang point na wala na siyang project pero wala pa rin siyang naitatabi for her future. Pero para mapagbigyan ang need ng sarili to relax and rejuvenate, nakaschedule na ang vacation ni Jenny sa Boracay this November. Excited ang young actress dahil first time niya itong makakapunta sa pamosong isla.

Monday, October 16, 2006

c/o ate mhy

Jake umamin kung bakit biglang atras kay Jennylyn

Vinia Vivar
Bulgar
10/16/06


Inamin sa amin ni Jake Cuenca na talagang nagkaroon sya ng feeling for Jennylyn Mercado ito ay nung time na ginagawa nila ang encantadia at rocky pa lang ng relasyon ng dalaga kay mark herras. Hanggang sa tuluyang nagbreak sina mark at jennylyn at sya ang naging shoulder to cry on ng young actress-singer. Lalo silang naging lose to the point na binigyan pa nya ng aso ang dalaga para malibang ito since alam niyang dog lover si jen. During that time, pagkakataon na sana niya un para sabihin ang feelings niya kay jen pero hindi niya ginawa. "Hindi ko nakayang ligawan sya dahil naging kaibigan ko rin naman si mark at ayoko ring samantalahin si jen na porke depressed lang sya,liligawan ko na sya." pahayag ni jake. Kaya pinangatawan na lang nia ang pagiging magkaibigan nila hanggang sa magdesisyon na syang lumipat ng bahay from gma7 to abs cbn. Ngayon daw ay na-outgrow na nya ang feelings for jen lalo pa ngat alam niyang may patrick garcia na raw ito at sya nman ay nasa kabilang network na.

Sunday, October 15, 2006

ABA!
by : Noel Asiñas
People's Tonight
10/15/2006 19:29 PM


HANGGANG friends lang ang relationship nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia.

Nagparamdam si Patrick na siya’y manliligaw kay Jen, ngunit nasabi ng aktres na mas mabuting maging magkaibigan sila muna.

Ani Jen: “Ayokong pagsamahin ang career at lovelife. Mas gusto kong walang iniisip na ibang bagay kundi trabaho. Sinabi ko ‘yun kay Patrick.”

Nagkikita pa rin ang dalawa paminsan-minsan.

Nang tanungin namin kung ilang buwan nang nanliligaw sa kanya si Patrick, tanging nasabi ni Jen: “Basta nu’ng ginagawa ko pa ang I Luv NY.”

Sa latest movie ni Jen na Super Noypi, hindi niya makalilimutan ang kanyang paglambitin sa helicopter which was flying up to 100 feet high.

Jen recalled: “‘Di ako kinabahan dahil may harness naman. Saka, nagawa ko na rin ito sa Extra Challenge.”

Patrick, may pag-asa kay Jennylyn

c/o mikichum

SUNTOK SA BUWAN
Ni Emy Abuan-Bautista
Ang Pilipino STAR Ngayon 10/15/2006

Tinanong namin si Jennylyn Mercado kung ano ang masasabi niya kay Patrick Garcia na nanliligaw sa kanya ngayon.

"Sobrang bait po niya sa akin at napakamaalalahanin. Propesyonal din po siya at magaling umarte," aniya.

"Kung ire-rate mo siya from one to ten, saan mo siya ilalagay? Tanong uli namin.

"Number 10," sey nito.

Kaya malaki ang pag-asa ni Patrick na makamit ang pag-ibig ni Jennylyn.

-------------

Pati si Mark Herras nagulat sa pagpayag ni Jennylyn Mercado na gawin ang stunt na nakabitin siya sa helicopter at 10 seconds siyang tumagal sa ere para sa ikagaganda ng Super Noypi. Pero, si direk Quark Henares, hindi nahirapang kumbinsihin siyang gawin ang isa sa pinakamahirap niyang stunt. Ang sabi lang ng director, bakit hindi nila itaas ang pagbitin siya sa chopper na agad niyang sinang-ayunan.

Hindi na inisip ni Jennylyn na may vertigo siya’t inisip lang na gawin ang stunt para iba ang mapanood sa kanya. Ito rin ang rason kung bakit niya tinanggap ang pelikula’t pati siya ay nagsasawa na ring magdrama, mag-comedy, kumanta’t sumayaw. Hindi rin siya nagpapa-double hangga’t kaya niya ang stunt.

Handa rin naman si Jennylyn na mag-action dahil may one month training siya sa martial arts, arnis at gymnast. Pati eksenang naka-harness siya’y prinaktis para hindi siya mahirapan at dahil doon, maayos niyang nagawa ang action scenes na isa sa panghatak ng movie.

Yes! Celebrity Homes




If Jennylyn Mercado had her way, she would still live in Las Pinas, where she spent her childhood days. But her busy schedule dictated the need for a house in Quezon City, closer to the hub of showbiz.

Las Pinas is never out of Jen’s mind. “Kasi nandoon lahat ng kamag-anak naming, especially ang father ko,” she says. “Saka dito sa Quezon City, ang layo ko din sa mga kaibigan ko,” Jen adds.

Her future plans include saving up and relocating to Las Pinas. “Gusto ko sana, ipa-renovate ko ‘yong bahay naming doon. O kaya, kahit hindi sa dati, basta malapit pa rin doon.”

Still, she intends to hold on to the Quezon City townhouse. “Dito lang siya. Uuwi lang ako dito pag maraming trabaho or pag alanganin na. Parang halfway house lang.”