Thursday, October 26, 2006

SUNTOK SA BUWAN Ni Emy Abuan-Bautista
Ang Pilipino STAR Ngayon 10/26/2006



Sandara-Jennylyn, Best Of Friends
Inamin ni Sandara Park na napapaiyak siya kapag may nababasa siyang article na nagsasabing laos na siya.

Mabuti na lang at may pelikula siyang SuperNoypi na kung saan ay nakakilala siya ng mga bagong kaibigan at itinuturing niyang best friend ngayong si Jennylyn Mercado.

Monday, October 23, 2006

Direk Quark saludo sa tapang ni Jennylyn

c/o livestrong

MOUTHFUL
by : Mell T. Navarro

KALOKAH rin ang kuwento ni Jennylyn Mercado tungkol sa kanyang paglalambitin sa helicopter sa isang scene sa ginagawa niyang festival film, ang Super Noypi ng Regal pa rin, directed by Quark Henares.

Wiz nagpa-dobol ang lola niyo’t nag-enjoy naman daw si Jen na siya mismo ang gumawa ng paglalambitin na ‘yun ng beauty niya sa helicopter! Saludo si Direk Quark sa tapang ni Jennylyn.

More than a hundred feet ang taas ni Jen sa himpapawid, at naka-harness naman siya kaya safe. Pero kung ibang young actress siguro ‘yun, eh, baka magdalawang-isip at magpa-dobol na lang, matapos lang ang shoot.

“Hindi kasi puwede ang dobol, dahil kita ang mukha ko sa eksena,” say ni Jennylyn. “Pero kahit hindi rin kita, ako talaga ang gagawa.”

Take one lang si Jen at say nito, kaya niya in-enjoy ang feeling na ‘yun na nasa kalawakan siya, eh, malamig at malakas ang hangin na para bang feeling free na free siya habang umaandar ang helicopter.

“Unang plano was sasabit lang talaga, pero sabi ko kay Direk, itodo na! Ginawa ko na rin kasi ito sa Extra Challenge, eh, kaya kinaya na ng powers ko,” kuwento ni Jen.

Mabuti’t hindi naapektuhan o grumabe ang “vertigo” na nararamdaman lately ni Jen • ‘yung parang may nagwi-whistle sa tenga niya ‘pag mainit lang ang panahon.

Siyanga pala, kasama ni Jen sa Super Noypi sina Mark Herras, John Prats, Katrina Halili, Sandara Park, at Polo Ravales.