Friday, November 03, 2006

Jennylyn Mercado, still not over Mark?
Article posted November 02, 2006

Is it true that Jennylyn Mercado still gets jealous of ex beau Mark Herras' girls? Rumor has it that she even sends them rude text messages!

Jen defends herself by saying, "Mayroon akong sariling personal life. So hindi ko kailangang gawin yun. Unang-una nakakababa yun ng personality, and for me, siguro, gawa-gawa lang nila yun."

Ipinagtanggol ni Mark si Jen. Hindi raw siya naniniwalang magagawa yun ng dating girlfriend. "Hindi naman siguro. Well, ayoko na lang makinig sa mga tsismis, basta ako, tahimik lang ako."

Despite leaving behind their romantic relationship, Mark says that they still retained their genuine friendship.

"We're friends naman, e. Any time, pwede siya lumapit sa akin, any time magkaproblema siya sa mga girls niya, pwede niya ako lapitan as a friend" shares Jen.

Thursday, November 02, 2006

c/o lette of igma

TRUTH AND VIEWS ni Rommel Gonzales

Marami ang nagagalingan sa ginagampanan ni jennylyn ngayon bilang isang pasyente ng isang mental institution sa now and forever.

Although hindi naman siya talaga confirmed na baliw sa kwento, mahusay ang pag-eemote ni jennylyn na-troubled siya at gulong-gulo ang isipan sa takbo ng mga pangyayarisa naturang afternoon soap opera.

Effortless ang acting na yun ni jennylyn to think na at present, sa totoong buhay, happy siya--tahimik ang mundo nya

Jennylyn, masaya para kay Mark

Allan Diones
Abante Tonite
11/02/06

Isang mabilis na, "Happy ako for him!" ang sagot sa amin ni Jennylyn Mercado nang kunin namin ang reaksyon niya sa balitang nagkakamabutihan na sina Mark Herras at Nicole Anderson.

"Kung totoo ‘yon, at least naka-move on na siya. Ako matagal na akong naka-move on. Wala akong bitterness, sobrang happy ako for him. At least ngayon, meron na rin siyang nahanap," bulalas ni Jen nang makausap namin sa pictorial ng Super Noypi.

Sa tono ni Jen ay parang nauna na siya kay Mark na magkaroon ng ‘special someone.’ Nang usisain namin siya kung si Patrick Garcia ba ‘yon ay nag-smile lang siya at iniba ang usapan na halatang umiiwas pag-usapan si Patrick.

"Sabihin na lang po natin na I want to keep it private. Kasi, personal ko na ‘yun, eh! Basta pwede kong sabihin ngayon na kuntento, masaya at inspired ako," sey ni Jen.

Aniya pa, if ever man aminin nina Mark at Nicole ang relasyon nila, siya raw ay hindi aamin kung meron man siyang bagong mahal para iwas-gulo.

"Ayoko na kasing maulit ‘yung nangyari sa amin ni Mark before na parang lahat ng tao, alam ang mga away namin! Kaya rin siguro kami naghiwalay dahil naguluhan na rin kami sa mga tao sa paligid namin, eh! This time, ayoko na ng ganu’n!" dayalog pa ni Jen na gumaganap bilang martial arts expert na si Lia sa superhero movie na Super Noypi.

Ang iba pa niyang kasama sa pelikula ay sina Mark Herras, John Pratts, Sandara Park, Katrina Halili, Polo Ravales at Andrew Muhlach.

Ang Pilipino STAR Ngayon 11/02/2006
Nitz Mirrales

Hindi naman siguro pinagseselos lang ni Jennylyn Mercado ang ex-boyfriend’ ng si Mark Herras dahil sa harap nito’y panay ang pisil sa pisngi at hinihipo ang muscles ni John Prats habang break-time sa pictorial ng SuperNoypi. Nagbiro na nga si John na tsinatsansingan siya ni Jennylyn pero, ayaw pa ring tumigil ang dalaga’t nakyu-kyutan daw siya sa actor.

Pangiti-ngiti lang si Mark habang nakatingin sa dalawa. Wala nga naman siyang karapatang magselos at alam na taken na si John. Nasa pictorial nga ang non-showbiz girlfriend nitong si Miakka Lim na kilala raw ng mga kasama’t dumadalaw din sa shooting nila.

Dedma rin si Mark sa narinig na sinabi ni Jennylyn na between them, ang dalaga ang unang naka-move on after their break-up. Pansin lang namin, hindi sinagot ni Jen kung may kapalit na ang ex sa puso niya at kung si Patrick Garcia ‘yun.

Sina Jen at Mark pa rin ang magka-loveteam sa SN pero, ang ikinatutuwa ng dalawa’y hindi focus sa loveteam ang istorya ng pelikula. Hindi rin daw kailangan ang kilig scenes kaya, 3 percent lang nito ang meron. Ang focus ng movie ay kung paano nila isi-save ang mundo sa masasamang tao gamit ang kani-kanyang powers.

People's Journal
by Dnino Erece

UMIIWAS na talaga si Jennylyn Mercado sa mga love and date issue.

Picture of contentment si Jennylyn during the pictorial session ng Super Noypi together with her co-stars Mark Herras, John Prats, Sandara Park, Katrina Halili and Polo Ravales. Kung blooming man siya, it has nothing to do with love, masaya na siyang single at hindi na muling napapag-usapan sa iba’t ibang anggulo ng kung sinu-sinong love affair.

Puro trabaho ngayon ang ina-atupag ni Jennylyn dahil bukod dito, busy rin siya sa Now and Forever season seven na Dangal.

Middle of this month pa magtatapos ang taping nila for the episode although si Inay Khryss Adalia na ang magha-handle ng last taping days nito dahil papunta na sina Direk Mac Alejandre sa Malaysia by November 5 or 8 for the Alfred Vargas show.

Natanong namin si Jennylyn kung saan mag-u-Undas, sa Boracay daw, kasama si Marco Medina, ang hairstylist and wardrobe ng Now and Forever and some friends.

At least doon hindi siya lalapitan ng issue dahil ang layo ‘non, no.