Saturday, November 25, 2006

c/o jenmark4ever


Abante Tonite
Joe Barrameda

Maaga pa lang ay nag-report na sa taping ng Magpakailanman sina Jennylyn Mercado at Jeremy Marquez. Pero, buong maghapon ay isang eksena pa lang daw ang nakunan sa dalawa.

Kaya natapos ang maghapon ay hindi nag-usap ang dalawa. Mukhang nagkakahiyaan pa ang dalawa. Alam namin na wala namang problema sa kanilang dalawa at naghihintay lang ang bawat isa na makapag-usap sila.

Friday, November 24, 2006

Ang Pilipino STAR Ngayon 11/24/2006
Reggee Bonoan


Gaano man ka-busy sa tapings at promo ng Super Noypi ay nagawa pa ring isingit ni Jennylyn Mercado ang Christmas party niya para sa mga battered children ng Bata Foundation Christian Mission Service, Philippines at Children’s Home ng Barangay San Roque, Naic, Cavite ngayong hapon.

For three consecutive years ay nakagawian na ni Jennylyn ang mag-share ng blessings sa mga batang biktima ng kalupitan ng kanilang mga magulang.

Para mapasaya ang mga kids na salat sa pagmamahal ng magulang ay mamamahagi si Jen ng mga laruan, pagkain at may mini-show din para sa dagdag kasiyahan ng mga bagets.

November 24, 2006 05:49 PM Friday Article read 949 time(s)

Jennylyn at Jeremy, nagharap
By: Vinia Vivar

Jennylyn Mercado
Ikalungkot kaya ni Alessandra de Rossi kapag nalaman niyang nagkita sina Jeremy Marquez at Jennylyn Mercado kahapon?

Pero wala namang personalan at trabaho lang ang dahilan dahil para iyon sa episode ng Magpakailanman.

Actually, maganda ang role ng dalawa at may pagka-maselan ang kuwento dahil tatalakay ito sa incest.

Wala namang problema kay Jennylyn na makatrabaho at makasama si Jeremy kahit na nga ba nagkaroon sila ng controversy before to the point na inaway pa siya ni Alessandra.

Eversince kasi, hinihiwalay niya ang personal na buhay sa trabaho.

After the controversy, ngayon lang ulit nagkita sina Jeremy at Jen and, hopefully, na-patch-up na nila ang kanilang differences.

Eh, si Patrick Garcia kaya, rumored BF ni Jen, mag-react?

Thursday, November 23, 2006

c/o sheila marie of igma

Cinderella (from Dolly Ann's column)
Is Jennylyn Mercado just keeping her romance with Patrick Garcia a secret? Or is she simply trying to keep her promise to herself to focus on her career first? Jen explains, "I don't deny that Patrick inspires me but that's is all for now. My love life takes a back seat to my work. I also sit in at Missy Mara's English and Literature class in Ateneo when I'm free.

She may not have enough time for her own heart but she's out to spread a different kind of love in a pre-Christmas celebration with Bata foundation at the Christian Mission of Battered children in Naic, Cavite. After all, she was once like them. Jen is truly a modern-day Cinderella. But Patrick and other "princes" would have to wait a little while longer before Jen is ready to try the glass slipper, er, their love for size and/or sighs.

Tuesday, November 21, 2006

c/o em

The highs and lows of F/X

By Bayani San Diego Jr.
Inquirer

excerpt

Jennylyn Mercado also scored points with Henares, who thought she was fearless in accomplishing difficult stunts—like dodging bullets and hanging from the metal skids of a helicopter that soared 100 feet.

“She was committed in playing Lia, a warrior woman from 2075,” the director relates. “She took arnis and martial-arts lessons under Jon Escudero and Philip, who discovered (martial-arts superstar) Cynthia Luster.”

Theron as model

Mercado also watched a DVD of “Aeon Flux” provided by Henares. “He wanted me to imitate Charlize Theron in that movie,” Mercado tells Inquirer Entertainment.

Henares jumped in the chopper with Mercado for a scene. He relates, “We used two cameras—one on the ground, for a long shot; the other one in the helicopter. So we got great close-ups of Jennylyn clinging to the chopper. The audience will see that it’s really her.”

c/o em

By: Dinno Erece

excerpt...

With all honesty, Sandara can call her StarStruck counterparts and co-stars sa Super Noypi ng Regal Films na sina Jennylyn Mercado, Mark Herras and Katrina Halili as among her real friends. Bonding ang nangyari sa kanila sa birthday concert ni Sandara na ginawa last week sa Klownz kung saan nag-guest si Jennylyn for free kaya naloka si Krung Krung. Sobrang touched daw si Sandara na kahit ano ang hilingin ni Jennylyn sa kanya that time, gagawin niya. Ang tanging request lang ni Jennylyn after the show, lumabas silang muli ni Sandara para mag-vi-deoke.

---------------

MAGPAPATULOY ang Jennylyn Mercado and Dennis Trillo team-up after Now and Forever “Dangal.”

Last two weeks na lang ang last season ng Now and Forever — ang next dito na Princess Charming will not be under the umbrella of Now and Forever, but we will go into that later — na part ng GMA Drama Rama Sa Hapon but since nag-click ang tambalang Jennylyn and Dennis, isusubok naman sila this time sa primetime. Sila pala ang magbibida sa bagong soap ng GMA-7, ang Ma-gic Twins. Magsisimula na ang taping nito this week, some days following the other Kapuso soap na si-nimulan na rin, ang Asian Treasure nina Robin Padilla, Angel Locsin, Marvin Agustin and Diana Zubiri.

Tila going separate ways na nga sina Jennylyn and Mark after their Super Noypi sa Regal Films ‘no? Si Mark kasi, ipa-pares naman kay Jackie Rice sa Princess Charming bilang main teen stars na pagbibidahan ni Eunice ‘Charming’ Lagunsad together with Carmina Villarroel and Zoren Legaspi.

Kapag nag-click din ang tambalang Mark and Jackie, what will stop GMA-7 na bigyan din sila ng primetime soap just like Jennylyn and Dennis di ba? If it happens, matagagalan nga bago makita ulit ng mga fans nina Jennylyn and Mark na mag-kasama ang idols nila.

For the time being, may Dennis muna si Jennylyn na nagsisimula na nga sa Now and Forever and soon, may Jackie na si Mark.

c/o em

Bianca defends self, Katrina, Jennylyn et al.
By: Mario Bautista

excerpt

How does she feel now that ex-BF Patrick Garcia is linked to Jennylyn Mercado?

“Okay lang. Nagkasalubong kami sa beach in Boracay recently. I even told Patrick ligawan na nga niya si Jen dahil princess ng GMA-7 ‘yan.”

Is it true Jen snubbed Nicole Anderson there since Nicole is now linked to Mark Herras? “No, I was with Nicole at nauna pa nga kaming mag-hi kina Jen. Walang isnabang nangyari.”

-----------------

By: Mell T. Navarro

PASOK na pasok sa mga kabataang fans ang action fantasy entry ng Regal Entertainment sa Metro Manila filmfest, ang Super Noypi na dinidirek ni Quark Henares.

Bibihira tayong makapanood ng isang pamba-gets na pelikulang puno ng action, fantasy at sanrekwang powers ng mga ba-gets na bida kaya mukhang hihirit sa fans ang said film.

Tapos na ang shooting ng Super Noypi at tiyak na ngayon pa lang ay pinag-iipunan na ng fans ang datung mapanood lang ang kanilang idols sa big screen — Jennylyn Mercado, John Pratts, Mark Herras, Sandara Park, Katrina Halili, Polo Ravales, and more. Pabulosa ang isinagawang picture taking para sa still photos ng cast, sa studio mismo ni Raymond Isaac lang naman and mapapansing ‘di ‘yun tinitipid ni Mother Lily ng Regal dahil mahal ang talent fee ng isang Raymond Isaac, in fairness, kumpara sa ibang fotogs diyan. Andun ang press to visit the cast and kakatuwa at buhay na buhay ang mga fans nina Mark and Jennylyn na makikita mong nag-aabang sa labas ng studio, at kapag may time ang dalawang big youngstars eh magiliw naman nilang chinichika ang kanilang fans. Hindi tulad ng ibang young stars na deadma lang sa kanilang mga tagahanga. Nakita namin ang pagmamahal nina Mark and Jenny sa kanilang mga fans kaya naman siguro ito ang dahilan ng patuloy na paglago ng kani-kanilang mga pangalan at pagningning ng kanilang mga bituin.

Sunday, November 19, 2006

Patrick, Jennylyn sweet na sweet sa Boracay


By: Noel Asiñas

HALATANG wala nang selos na nararamdaman si Bianca King sa pagkukuwento niya tungkol sa panliligaw ng ex-BF na si Patrick Garcia sa tinagurian ngayong ‘prinsesa ng GMA -7’ na si Jennylyn Mercado.

Wika ni Bianca sa press conference para sa Gigil, kung saan gumaganap siyang kontrabida ni Katrina Halili: “ Ako pa ang nagsabi kay Patrick na sipagan niya ang panliligaw kay Jennylyn. Kaya naman natuwa ako nung nakita ko silang dalawa na very sweet sa date nila sa Boracay.”

Para kay Bianca, tapos na ang kanilang relasyon ni Patrick kahit pa tumagal ito ng more than five years. Nagkahiwalay silang magkaibigan at hindi magka-away.

“Pumasok ako sa showbiz na hiwalay na kami. Alam naman ni Patrick na mayroon din akong idini-date na non-showbiz guy. Kilala rin niya iyon.”

Sa Gigil, si Bianca ang magpapahirap sa buhay ni Katrina. Bilang kontrabida, makikipag-agawan ang una sa napupusuan ng huli na si Alfred Vargas. Showing ang movie sa Nov.22. Kasama rin dito sina Say Alonzo, Boom Antonio at Gab Drillon.