Wednesday, November 29, 2006

Jennylyn, nailang kay Jeremy

Dalawang araw nag-taping sina Jeremy Marquez at Jennylyn Mercado ng ‘Carmelita Mendoza Story’ para sa Magpakailanman na ipalalabas bukas sa GMA 7.

Nang dinalaw namin ang second day taping ay napag-alaman namin kay Jennylyn na nagkakausap lang sila ni Jeremy tuwing may eksena silang kinukunan.

Kung matatandaan ninyo ay nagkaroon ng intriga sa pagitan nina Jen at Jeremy nang mag-ingay ang dating girlfriend (Alessandra de Rossi) ng huli na diumano’y nagte-text si Jen kay Jeremy.

Medyo nailang sina Jeremy at Jen sa isa’t isa sa set ng Magpakailanman.

Sa pakikipagkuwentuhan namin kay Jennylyn ay ayaw pa ring umamin niya sa relasyon nila ni Patrick Garcia, kahit pa kinukumpirma ‘yon ng dating girlfriend ni Patrick.

Wala raw katotohanan na sabay sila ni Patrick na pumunta sa Boracay, pero inamin niya na naroon si Patrick sa Boracay noong nandoon siya kamakailan.

Hindi raw niya alam na susunod si Patrick du’n. Ganu’n?

Nang malaman ng dalaga na may sama kami ng loob kay Patrick dahil nag-iiba na ito ng ugali sa pakikitungo sa mga entertainment journalist ay agad daw niyang pinangaralan ito tungkol sa isyung ito.

Concerned ang Jen for Patrick, huh, pero walang relasyon. Well, ganu’n lang talaga at kailangan niyang proteksyonan ang loveteam nila ni Mark Herras.


Joe barrameda
abante Tonite

Jennylyn Mercado, nagbigay- ligaya sa mga battered children
Article posted November 29, 2006

Pangatlong taon na ni Jennylyn na mag-celebrate kasama ng mga battered children na katulad niya. Pinuntahan niya ang mga ang mga batang kinukupkop ng Christian Mission Service Philippines, sa Nait, Cavite. Lagpas isang daan na bata ang napasaya ng aktres.

Isang battered child din si Jennylyn noon, kung kaya’t importante sa kanya ang pagpapasaya sa mga ito. Simula pa lamang ng career ng dalaga, nangako na ito sa sarili niya na tutulong siya sa mga battered children. Alam raw niya kasi ang sakit na pinagdaraanan ng mga bata.

Bukod sa pagdala ng mga regalo, inawitan pa ni Jennylyn ang mga bata sa party. Gumawa naman ang mga bata ng espesyal na Christmas card para kay Jennylyn, na siya namang ikinatuwa ng dalaga.

Katulad nung nakaraang taon, mag-aampon ulit si Jennylyn ng dalawang bata na titira sa kanilang bahay sa buong Christmas season.

Merece
Dino Erece
11/29/06

"Magpakailanman"

If there is one thing you cannot fault sa first starstruck female survivor, ang kaniyang professionalism. Queber na maintriga na naman sila ni Jeremy na naging cause ng isa sa mga naunang split up nito with alessandra de rossi dahil sila ang pinag partner for tomorrow's episode na Carmelita Mendoza also starring Ms. Sandy Andolong in the title role, umokey si jennylyn sa kissing scene nila ni jeremy na later on in the story malalaman nilang magkapatid pala sila.

Ultimong si jeremy n apartner ni jennylyn, nagulat ng pumayag ang girl sa kissing scene. Bago pa raw kunan ang eksena, natanong niya na si jennylyn kung ok lang daw ba ito and jennylyn said yes why not. Iwas intriga naman ang dalawa off cam dahil although they said hi and hello pagdating sa set, sa kani-kaniyang sulok lang sila kapag hindi sila ang tini-tape, nag-uusap na lang daw sila kapag kukunan na para malaman nila ang magiging diskarte nila sa eksena.

Watch kaya nito sina alex at patrick garcia tomorrow night after gma telebabad?

November 29, 2006 05:03 PM Wednesday Article read 1,274 time(s)

By: Dinno Erece



ANO kaya ang masa-sabi ng aming kaibigang si Alessan-dra de Rossi sa kissing scene nina Jennylyn Mercado and Jeremy Marquez?

Hindi kami nakarating sa special theater preview ng Zsazsa Zaturnnah last Tuesday night sa Robinson’s Galeria dahil naipit kami from our earlier commitment sa Garahe bar ng GMA-7 production manager na si Rams David.

Kasama namin si Jeremy na maagang natapos ang se-cond taping day ng Magpakailanman for its Carmelita Mendoza episode kung saan, although ang title role ay si Sandy Andolong, ang tiyak na mapag-uusapan ay ang na-ging halikan nina Jennylyn and Jeremy na sa kuwento ay hindi nila alam na magkapa-tid pala sila.

Biniro lang namin si Jeremy kung may love scene sila sa said incestuous episode tomorrow night right after GMA TeleBabad at ang isinagot ni-ya, wala raw, pero may kis-sing scene kaya nagulat kami.

We asked him kung pumayag si Jennylyn? Oo raw, nagtanong naman daw siya beforehand bago nila ginawa ang eksena at sabi raw ni Jen-nylyn ay okey lang.

For what its worth, si Jennylyn talaga ang isa sa mga pinakahindi mo masasabihan na unprofessional dahil siya ay work kung work.

This is one episode na baka hindi namin kaligtaang panoorin just for that kissing scene alone.

Sunday, November 26, 2006

Big Breaks and Growing Pains

By: Becky Aguila
BECKY SPEAKS
People's Journal


EVERY time someone in showbiz gets a big break, someone else always wants to break him. Or in this case, her. Jennylyn Mercado has been pulled back into several old controversies in one blow by someone who has followed Jenn’s footsteps into showbiz and who herself has led a tough life. In an interview on one of the local gossip magazines, this younger talent brought back issues that have long been dead. Issues that I would like to call growing pains.

As an aggrieved party, this talent portrays herself as the victim in a power play between herself and Jenn, making look like a manipulative little cash cow in a network that has a long standing tradition of family. Or does she simply see herself as a victim? This is unfortunately the common self-perception of most adolescents who have gone through a difficult childhood, and I would like to take this time to ask parents to be extra careful in rearing children lest they have this unnecessary burden to deal with when they reach their teen years. As if being a teenager isn’t hard enough as it is. Sometimes, the teens never get over it and they bring it into their adult life and it becomes a vicious cycle, which we Filipinos do not need, especially in our family-oriented culture. Speaking of being family oriented, the network has better means of treating their artists than as cash cows--the artists are treated as ka-puso because they all share the same heartbeat, the same desire, the same passion.

As Jennylyn’s manager, I am proud to say that this young woman has pulled herself away from that pitfall of seeing herself as a victim despite her traumatic childhood. Yes, she has been through her own growing pains, has made mistakes as all young ones are bound to do, and has learned from them. Right now, she is up to her neck in work and enjoys every minute of it, using it as a stepping stone to becoming the responsible adult she is called to be without losing the youthfulness she is entitled to.

Having recently visited one of the universities in Quezon City, she hung out with friends and shopped in one of the organization’s bazaar, buying shirts like any normal girl in her twenteens and bringing home little gifts for her family and crew. She saw a flyer about an audition in one of the school’s play productions, a well-known musical, and has asked me to see if her schedule will permit her to join if she gets in. She’s looking forward to the audition, giddy and nervous as any teenager despite her accomplishment in the entertainment industry.

As if I could not be any more happy and proud of this humble yet open attitude, she has decided to hold a pre-Christmas Party for children who have been sheltered from abuse on my birthday. Jenn held a party for the Bata Foundation Christian Mission for battered kids in Naic, Cavite last Friday, November 24.. This was made possible through the sponsorship of McDonald’s, Drs. Manny and Pie Calayan, Particles, Converse, Faremo International, Starmall Jen at Finds Superstore, Aficionado Cologne, Bambini Lotion, Purefoods , Placenta and WL Foods. She does this because she wants these battered children to share in her view, that they have a hand in their lives. They don’t have to be victims. Jenn believes no one can please everybody so it doesn’t matter what people think or say so long as she knows she is living her life the best way she can: honestly and generously and lovingly. No one should live a life fearless of other people’s shadow. It’s no wonder she’s getting big breaks in the biz--because she lets nothing break her spirit.

Relasyong Patrick-Jennylyn halos ibuko na ni Bianca!

Rey Pumaloy
Abante Tonite


Si Bianca King ang naging daan kaya nabisto ang relasyong Mark Herras at Nicole Anderson. At posibleng ito rin ang maging "abre-lata" na magbubukas ng tunay na namamagitan kina Jen-nylyn Mercado at Patrick Garcia.

Sa maikling tsikahan namin kay Bianca sa presscon ng Matakot Ka Sa Karma, nasabi nito sa aming pinag-uusapan nila ni Patrick si Jennylyn.

Sinabi niya ito upang pasinungalingan ang balitang "front" lang ni Patrick si Jennylyn at hindi nito type ang dalaga. Ang sinabi raw ni Patrick sa kanya ay: "He cares for Jennylyn".

Hindi rin daw totoong mahilig ang aktor sa mga meztisa. Katunayan nga raw bago pa raw sila naging magkasintahan noon ng aktor, mas Pilipina pa raw sa itsura at kulay ang naunang kasintahan ni Patrick.

Ayaw lang masabit ni Bianca sa isyu, kaya kahit alam niyang may relasyon na sina Patrick at Jennylyn ay ayaw niyang ibuko ito. Tanungin na lang raw namin sina Jennylyn at Patrick.
Ipinagdidiinan din ni Bianca na umamin na raw sina Mark at Nicole.

Kasama nga pala si Bianca sa casts ng MMFF ‘06 entry na Matakot Ka Sa Karma under Canary Films directed by Joey Reyes starring Gretchen Barretto, Angelica Panganiban at Rica Peralejo.