Saturday, December 09, 2006

Jennylyn, takot mag two-piece

c/o lette


Tiyak na magkakaroon ng kulay ang pagpayag ni Jennylyn Mercado para maging covergirl ng Maxim Men's Mag na pag-aari ng ABS-CBN.

Pero ani Jen, nagpaalam naman daw siya syempre sa Artist Center at pinayagan naman daw siya.

Hindi naman daw sexy ang pictorial niya dahil ang sout niya ay shorts and sleeveless. Yun daw ang usapan kaya pumayag siya at walang two piece o one piece swimsuit.

Hindi niya raw kasi matanggihan si Direk Quark Henares na Direktor niya sa Super Noypi na siyang kumausap sa kanya ara maging covergirl.

Last Thursday night ay nag-pictorial na si Jennylyn sa Maxim at tila January na ang release nito.

by Allan Diones

Galing sa kanyang Maxim magazine pictorial si Jennylyn Mercado nang matsika namin sa presscon nila ni Mark Herras kamakalawa para sa filmfest entry nilang Super Noypi.

Tsika sa amin ni Jen, lumabas ang pagka-‘manang’ niya sa nasabing pictorial dahil hindi siya pumayag na magsuot ng mga sexy outfit.

Medyo kinakabahan siya nu’ng simula dahil baka kung ano ang ipasuot sa kanya pero in fairness ay hanggang shorts at sleeveless top lang daw siya.

Ang direktor nila sa Super Noypi na si Quark Henares ang nagkumbinsi sa kanya na mag-pose for Maxim, at ito rin ang nagdirek ng photo shoot.

Ang photographer ay kaibigan din ni Direk Quark, si Lyle Sacris (na nagdidirek din ng pelikula).

Naging kampante si Jen sa pictorial kahit sa ABS-CBN Publishing ang Maxim dahil panay staff ni Direk Quark ang nandu’n.

Parang promo rin daw ito ng Super Noypi kaya mala-Lara Croft ang mga outfit niya sa pictorial, na kagaya ng superhero costume niya sa SN. Hindi niya lang sure kung sa Pebrero o Marso ito ilalabas ng Maxim.

Ang standard answer niyang "Happy ako for them!" ang dayalog ni Jen nang hingin namin ang reaksyon niya sa balitang pagkakamabutihan ngayon nina Mark at Katrina Halili.

Kung totoo ‘yon ay masaya raw siya para sa dalawa dahil malapit na kaibigan niya si Katrina at natutuwa siyang naka-move on na si Mark.

Mukhang nalilinya sa superhero roles si Jennylyn dahil after Super Noypi, ang susunod niyang fantasy series sa GMA ay ang Super Twins na pagbibidahan nila ni Nadine Samonte.

Kasama rin nila si Dennis Trillo (in a dual role, isang mabuti at isang masamang karakter) sa bagong show na ididirehe ni Dominic Zapata.

Na-late si Jen sa story-con ng Super Twins nu’ng isang araw at nagulat siya nang makita niya roon si Patrick Garcia na kasama pala sa telefantasya.

Tatawa-tawa lang daw si Patrick na mukhang inilihim ‘yon sa kanya para masorpresa siya.

Consistent pa rin si Jen sa pagsasabing friends lang sila ni Patrick at hindi niya raw sigurado kung magiging sila ngayong magsasama na sila sa isang show.

"Hindi ko po alam, pero hindi naman po siguro masama na mag-experiment ang GMA, di ba? Trabaho lang po ‘yon at ginagawa ko lang ang inuutos sa akin dahil masunuring bata ako! He! He! He!" natatawang sey niya.

Sa offer ng FHM kay Jennylyn: 'Wala akong ipapakita'

c/o shiela_marie

by Vinia Vivar
PM Tabloid

Matagal nang may offer kay Jennylyn Mercado ang FHM Magazine pero tinatanggihan ito ng young actress/singer dahil hindi pa daw siya ready.

Ayaw niyang magsalita ng tapos dahil who knows, baka in the near future ay makumbinsi rin siya pero sa ngayon parang hindi pa raw talaga kailangang mag shift ng image. "Saka parang wala naman akong ipapakita", she says.

Besides nalilinya si Jen ngayon sa mga pambatang proyekto tulad na lang ng Super Noypi na filmfest entry ng Regal Films. Role niya ay super heroine with matching costume.

Pambata rin ang next project nya sa GMA 7 ang Super Twins kaya paano raw niya maiisipang mag pasexy pag ganyan.

Sa parada sa Dec. 24 ay nakacostume si Jen at iba pang cast na sasakay sa karosa.

Sa gabi naman ay sa bahay lang sila ng pamilya at sama-samang magno-noche Buena.

Christmas wish niya na sana next year, wala nang masyadong intriga sa kanya.

excerpts

c/o shiela_marie


by Ambet Nabus
Bulgar-Dec. 9 issue

Description of Direk Quark sa SN stars niya:

Jennylyn Mercado-"Promising" naman ang description niya. Very disciplined daw ito at hindi takot humarap sa mga risks na dulot ng mga ipinagagawang action stunts sa kanya.

----------------

Angelina Jolie pala bale ng Pilipinas itong si Jennylyn Mercado among our local young stars.Extraordinary feat yung ginawa niya sa SN.

Bilang si Lia, isa siyang amazonang galing sa year 2075. Bumisita siya sa year 2006 para pigilan ang masamang balak ni Diego na ginagampanan ni Monsour del Rosario.

Dito iba't ibang klase ng martial arts ang ipapakita ni Jen. May powers din siyang ibaling sa ibang direksyon ang mga bala o anumang tumama sa kanya.

Hanga pati ang ka-loveteam niyang si Mark Herras nung sumabit sa helicopter si Jen.Around 100 feet above the ground din yun at inilibot nito ang buong location!

-----------

But would you believe nakahit wala na silang relasyon, mas close ngayon sina Mark and Jen sa isa't isa?

May balitang si Patrick Garcia ang apple of the eyes ng ex ni Mark. Idedeny pa sana ito ni Jennylyn, pero nung sabihin ng isa naming kasamahan sa panulat na "Di ba, nagpadeliver pa nga ng flowers sa 'yo si Patrick nung nasa Cebu ka?". Nabigla yata ang batang aktress dahil ang sagot nito, "Paano mo nalaman? Ikaw talaga, ha?!"

So kung si Jennylyn ang Angelina Jolie ng Pinas, sino kaya ang Brad Pitt kina Mark Herras at Patrick Garcia?

Pakisagot nga Jen..

“This would be my happiest Christmas...I just feel complete”

By: Nitz Miralles

Sumaglit sa presscon ng Super Noypi si Jennylyn Mercado mula sa pictorial niya for the January issue ng Maxim magazine.

Si Direk Quark Henares ang nag-arrange ng pictorial at promo na rin ng Regal movie, kaya pinayagan siya ng GMA Artist Center kahit ABS-CBN ang publisher ng mag.

Hindi na naka-costume ng SN si Jennylyn sa pictorial, naka-shorts at sleeveless t-shirt na at labas ang legs.

“Sexy but conservative” ang sabi nitong concept ng pictorial na tiyak na aabangan ng fans.

Ikinuwento niya kung gaano kapagod ang shooting nila ng SN dahil sa mahihirap na stunts, pero ang role ni Lia ang pinakagusto niya.

Tumutulo sa boobs ang pawis niya, kaya every scene, nagpapalit siya ng costume at mabuti raw na may baon siyang undies.

Nanibago si Jennylyn sa mga ginawa niya sa pelikula at sa dubbing napanood kung gaano kaiba ito’t ka-challenging.

Action din ang Super Twins, next show niya sa GMA-7, kaya magagamit ang stunts at martial arts na natutunan sa SN.

Narinig ni Mark Herras ang sinabi ni Jennylyn na “This would be my happiest Christmas” at “I just feel complete,” kaya pilit inalam kung sino ang nagpapasaya sa ex-girlfriend. Pero, ’di siya sinagot. Alam yatang si Patrick Garcia ang tinutukoy nito, kaya nagbirong mas guwapo siya rito’t George Clooney ang kategorya niya.

Natsitsismis sina Mark at Katrina Halili, kasama nila sa SN, any comment?

“Totoo man o hindi, okey lang sa akin. Wala akong problema, dahil matagal na kaming wala ni Mark at kaibigan ko si Katrina.

“Happy ako for them and it’s time to move on. Ang message ko lang kay Katrina, kailangan niyang maging pasensiyosa, ingatan ang isa’t isa kasi mas maganda kung sa start pa lang, maganda na ang kanilang relasyon,” paalala ni Jen.

Pero itinanggi ni Mark ang sinasabing relasyon kay Katrina dahil friend lang niya ito StarStruck days pa.

“Hot Mama” ang tawag niya rito dahil sexy, pero close friends lang sila at nagsasabihan ng problema.

Wala raw siyang time magkaroon ng bagong girlfriend at parang nainis pa sa “he’s so yesterday” dialogue ni Nicole Anderson patungkol sa kanya.

Jennylyn pinag-iingat kay Patrick

By: Ambet Nabus

Ang Super Noypi lea-ding lady niya na si Jennylyn Mercado ay kakanta sa birthday show ni Mark.

Mas naging open na ang dalawa nga-yon sa kanilang mga bi-ruan at lambi-ngan. Very close friends nga sila dahil ka-hit sa ha-rap namin ay naga-gawa nilang magbiruan at mag-usap ng tungkol sa ka-ni-kanilang lovelife without getting affected.

Naitanong namin ang estado ng panliligaw ni Pat-rick Garcia kay Jen at maa-yos namang inilarawan ng dalaga na nasa get-ting-toknow-each -other stage pa lang sila.

Hiningan namin ng komento ang dalaga tungkol sa mga kata-ngian ni Patrick na naimpress siya. “Mabait at seryoso,” ang ilan sa mga narinig na-min mula kay Jennylyn. Pero, dahil nandun si Mark, may corresponding remark ito sa bawat description ni Jenny kay Patrick.

Kung mabait si Patrick, mabait din daw siya. Kung seryoso ito ay makulit naman siya. Mas pogi rin siya at mas bata. Kahit ang pagi-ging sexy ni Patrick ay tinapatan ni Mark. But it was all fun talk with us. Ganun na nga sila kakomportable kahit sa harap ng press.

Mark wishes Jen well at pina-yuhan niya itong maging maingat sa pakikipagrelasyon.

Nagpayo din naman si Jen kay Mark na nagawa pang mangulit na ‘very yesterday’ naman daw ang mga isyu tungkol kay Mark gaya ng tsismis sa kanila ni Katrina Halili at ang pagtawag nga rito ni Nicole Anderson ng ‘very yesterday’ referring to Mark’s style of courting her.

Thursday, December 07, 2006

Patrick hindi maka-first base kay Jennylyn

By: Noel Asiñas


Cut!

NAIKUWENTO ni Jennylyn Mercado sa presscon ng Super Noypi na magiging busy na siya next month. Kasi, sisimulan na niya ang kanyang action adventure soap na Super Twins.

Bale panimula lang ng kanyang paga-action ang gi-nawa niya sa Super Noypi. Mas mabibigat na action scenes pa raw ang kanyang gagawin sa Super Twins.

According sa source na-min sa GMA-7, ang maka-kasama ni Jennylyn na top- billing bilang kakambal ay si Nadine Samonte.

Bale big break ito kay Nadine pagkatapos niyang lumabas sa isang off-beat role sa Bakekang bilang kontrabida ni Kristal (Lovi).

Samantala, nasabi ni Jennylyn na hindi pa sila officially on ni Patrick Garcia. Magkaibigan lang daw silang dalawa.

Tungkol sa kanila ng leading man niyang si Mark Herras, okey na rin daw sila. Kaya nga galit na galit si Mark sa isyu ng sex video umano nilang dalawa.

Wednesday, December 06, 2006

Jennylyn Mercado, nagsalita tungkol sa “sex video” nila ni Mark Herras

c/o macie

Article posted December 05, 2006


Kung noong una’y nainis si Starstruck 1 Ultimate Survivor Jennylyn Mercado sa issue na may sex video sila ni Mark Herras, ngayon ay pinagtatawanan na lang niya ito. Alam naman daw niya kasi sa sariling hindi siya gagawa ng anumang bagay na ikasisira niya.

Isa pa, wala naman daw mailabas na ebidensyang may sex video nga sila ni Mark.

Pinili rin niyang huwag patulan ang intrigang nagsasabing banta siya sa career ni Angel Locsin. Kahanga-hanga raw kasi ang kanyang ipinakita sa mga action scene sa pelikulang “Super Noypi”, ang official entry ng GMA Films sa 2006 Metro Manila Film Festival.

Sinabi ni Jennylyn na nire-respeto niya ang angking galing ni Angel, at hiniling na huwag silang ikumpara sa isa’t isa.

Jeremy, humingi ng tawad kay Jennylyn

December 06, 2006 06:28 PM Wednesday Article read 1,206 time(s)


By: Vinia Vivar

Hot 'n Spicy


Kuwento ni Jennylyn, humingi ng dispensa si Jeremy Marquez sa kanya at maging sa nanay niya nang magkita sila kamakailan sa taping ng Magpakailanman.

“Pero hindi ko na pinansin. Mahirap na kasi, baka mamaya, ’yung simpleng sagot ko, halimbawa, ay pagmulan na naman ng issue.

“Ayokong sumagot kahit konti, ayoko na siyang kausapin pa dahil baka ako na naman ang lumabas na, alam n’yo ’yun?”

Tinanggap lang niya ang proyekto dahil mahigpit ang pakiusap ng Magpakailanman at ayaw masabihang unprofessional.

Actually, mataas ang rating ng nasabing episode last Thursday, kaya sulit na rin para kay Jen ang pagpayag na tanggapin ito.

Pagdating sa rumored boyfriend na si Patrick Garcia, tikom pa rin ang bibig ni Jen. Hindi siya nagdi-deny at hindi rin umaamin.

Jennylyn on alleged sex video with Mark: ‘It’s unfair’

December 06, 2006 05:16 PM Wednesday Article read 962 time(s)


By: Mario Bautista

FREEHAND

AT the "Super Noypi" presscon, the writers present were requested not to ask anything about the alleged Jennylyn Mercado-Mark Herras sex video, but it was obvious Jen herself wanted to clear the issue as she quickly answered when questioned about it.

“Mark and I were shocked as we didn’t even know that we have a sex video pala,” she says. “If something like that really exists, I hope they will show it to us so we can see kung kami ba talaga ang nandun. What’s happening now is puro accusations and speculations, which is unfair for us, lalo na sa’kin dahil ako’ng babae. Basta ako, my conscience is clear and God knows na wala kaming ginagawang ganoong video.”

She says she’s used to intrigues about her lovelife. “But this is something different. I was linked to Jeremy Marquez, na hindi naman totoo. It was also reported that I went with Patrick Garcia to Boracay when we just saw each other there by chance noong All Saints’ Day. Pero okay lang ‘yun dahil uso naman sa showbiz ang nili-link ka kung kani-kanino. But this one can ruin my reputation. Iniisip ko na lang na imbento ito ng mga taong walang magawa kundi manira ng mga artista. Nahihiya nga ako sa GMA as they take real good care of my career tapos sinisira ako ng ganito. But it’s obvious they don’t believe such rumors dahil hindi man lang nila ako tinanong about it and I’m thankful that they trust me. I also want to thank Mark for defending me. Alam naman niyang wala kaming ginawang ganun talaga.”

She’s happy that even her co-stars in “Super Noypi” like John Prats, Polo Ravales, Sandara Park and Katrina Halili all support her and cheer her up. “Kilala nila ako at alam nilang hindi ako pakawala. I’m really happy na nagkasama ang GMA at ABS stars in ‘Super Noypi’ dahil friends na kami ngayon. I’m also proud of my role as Lia, the girl from the future, Year 2075, who travels in time to the present to save the world from the domination of the evil Diego, played by Monsour del Rosario.”

The trailer of “Super Noypi” is really impressive, particularly that scene where the spaceship that Jen used in time travel disassembles and becomes as small as her watch.

Jennylyn awang-awa sa biktima ng sex video

December 06, 2006 06:53 PM Wednesday Article read 1,528 time(s)


By: Gerry Ocampo


Sanay na sa intriga si Jennylyn Mercado, kaya deadma na siya sa kumakalat at pinagpipistahang sex video sa cellphone at mga bangketa.

Nakita na namin ang sinasabing sex video, pero halatang-halata namang ’di si Jen ang girl, kundi kamukha lang ng young actress.

“Sana matigil na ’yan. Hindi ako apektado dahil ibang tao naman ’yun, pero kawawa naman ’yung biktima. Sana makarma ang mga taong may gawa n’yan,” ani Jennylyn sa presscon ng Super Noypi ng Regal Films.

Mukhang true ang sinasabi ng aktres na ’di siya affected, dahil sa taping ng Ganda ng Lola Ko, masayang-masaya ito at nakikipagbiruan pa kina Camille Prats, Celia Rodriquez, Gloria Sevilla, Baby O’Brien at Bella Flores.

Tuesday, December 05, 2006

Mark-Jennylyn, Mas Strong Ang Bonding

Ang Pilipino STAR Ngayon 12/05/2006

Akala namin ay may bago nang pag-ibig si Mark Herras at magiging masaya ang kanyang Christmas. Yun pala ay tumigil na ito sa panliligaw kay Nicole Anderson.

Abala ngayon si Mark sa paghahanda ng kanyang birthday concert sa December 16 kung saan magkakaron siya ng dance party show sa Zirkoh at magiging guest ang ilang kaibigan sa StarStruck gaya nina Rainier Castillo, Yasmien Kurdi, Jennylyn Mercado, EB Babes at iba pa.

Gustung-gusto ni Mark ang karakter niya sa SuperNoypi kung saan may power siya sa telekinesis. Sa movie ay napapagalaw nito at napapalipad ang mga sasakyan without lifting a finger.

Sa kabilang banda lalong nagkalapit ang loob nina Mark at Jennylyn dahilan sa SN at natatandaan ko ang sinabi ni Jen nang makausap namin na wala pa ring kapalit sa kanyang puso si Mark kahit inili-link ito sa iba.

Maxim

By: Nitz Miralles
BASTA

Tuloy na sa January issue next year ang paglabas ni Jennylyn Mercado sa Maxim magazine ng ABS-CBN Publishing.

Pero ’di siya makikita in sexy pose or in two-piece dahil costume niya sa Super Noypi ang suot. Si Direk Quark Henares ang naging daan para tanggapin niya ang offer na lumabas sa magasin at ’di natanggihan.

Matagal na ring may offer ang FHM kay Jennylyn na mag-cover, pero ’di pa niya kayang magpaseksi kahit sa magasin lang. Ilang taon pa ang kanyang palilipasin dito.

Samantala, ayaw tanggapin ni Jennylyn na siya lang ang bida sa SN dahil pelikula nilang lahat ito at pare-pareho silang naghirap para ito’y mapaganda.

Kaya, ang ganda ng ngiti nito na nagustuhan ng press ang trailer ng pelikula.

Ang sinang-ayunan nito’y based sa character ni Angelina Jolie sa Lara Croft: The Tomb Raider ang character niyang si Lia sa Regal MMFF entry.

Monday, December 04, 2006

Mark at Jennylyn, na-shock sa sex video


Iritado si Mark Herras nang matsika namin sa presscon ng Super Noypi dahil sa tsismis na meron silang sex video ng ex-girlfriend niyang si Jennylyn Mercado.

Dati ay nadawit na rin si Jennylyn sa nude video scandal (na si Mark umano ang kumuha) at mariing pinabulaanan noon ni Jen na siya ang babaeng nakahubad sa banyo na kinukunan ng video.

Ngayon naman ay may sex video raw sila na kuha sa isang hotel.

"Okey lang na mang-intriga sila pero sana ‘yung totoo, di ba? Actually, bawal kaming sumagot tungkol doon, pero kampante ako sa sarili ko na hindi totoo ‘yon!

"Kung totoo ‘yon, pinagalitan na sana ako ng GMA at nagsalita na ako kung saan-saan para ipagtanggol ang sarili ko!

"Ang pangit pa roon, nakahihiya kay Jen dahil siya ‘yung babae. Sa pagkakaalam ko, sa kabilang istasyon nanggaling ang isyung ‘yan kaya disappointed talaga ako.

"Dati na kasi silang gumagawa ng isyu pag may movie kami ni Jen, eh! Basta ang masasabi ko eh, hindi talaga totoo ‘yon!" bulalas ni Mark.

Nakita na ba niya ang kopya ng sinasabing sex video raw nila ni Jen?

"Hindi ko na kailangan pang makita kasi, wala naman akong ginawang ganu’n, eh! At gaya nu’ng sinabi ko before nu’ng unang maglabas sila ng (nude) video, ganu’n ba akong klaseng tao para gawin ko ‘yon?

"Ano ako, gago? At buti sana kung kami ni Jen eh, nagkagaguhan lang kami, di ba? Minahal ko ‘yung tao, so konting respeto naman!

"Hindi ako gagawa ng ganu’ng kababuyan sa sinumang tao! Hindi ko ibi-video ng ganu’n ang girlfriend ko o kahit na sinong babae, kahit hindi ko girlfriend!

"Ang sabi pa, nagmo-modeling daw si Jen doon sa video tapos, pumayag daw siyang i-video ko siya na nagmo-model nang nakahubad. Di ba, malaking kagaguhan?

"Katarantaduhan na naman nila ‘yan! Hindi ako magdedemanda pero ang masasabi ko lang eh, mga gago sila! Mga gago!!!

"Unang-una kasi, ang pangit ng isyung ‘yon para roon sa babae, di ba? Pangalawa, nagmumukha lalo akong masama sa tingin ng mga tao. Kasi, kilala na nga ako na bad boy daw, playboy... tapos, maglalabas sila ng isyung gano’n?

"Kaya gusto kong i-clear ‘yung name ko dahil pangalan ko na ang nakataya rito! Kami ni Jen, hindi na namin kailangang pag-usapan pa ‘yon dahil alam naming hindi totoo.

"At kung may ilalabas sila, ilabas nila! Pero alam kong wala silang mailalabas! Malakas ang loob ko dahil alam kong wala akong ginawang gano’n!" dire-diretsong litanya ng bad trip na si Mark.

Bakit kaya ginagawan siya ng mga ganoong isyu?

"Ewan ko sa mga gagong ‘yun! At saka napipikon din ako pag may mga kakilala ako na nagtatanong sa akin tungkol doon. Ang sinasabi ko, ‘Gago ka ba? Naniniwala ka roon?’ Kahit sino naman, mapipikon, di ba?!"

***

Maging si Jennylyn ay hindi malaman kung bakit siya idinadawit sa bagong sex video issue...

"Actually, ang unang reaksyon namin ni Mark eh, na-shock kami dahil hindi namin alam na may sex video pala kami! Ayokong mag-comment about it kasi, hindi naman totoo and God knows kung ano talaga ang totoo!

"Kung meron mang ganoon, sana ipakita nila sa amin at ipakita nila sa mga tao kung talagang ako at si Mark nga ang nandu’n! Basta ako, alam ko sa sarili ko at alam ni God na wala kaming ginawang gano’n!" bulalas ni Jen, na muling katambal ni Mark sa Super Noypi.

May version din ng tsismis na kesyo si Jeremy Marquez ang kasama ni Jen sa nasabing sex video...

"Ha?? Natawa na lang ako kasi, may mga tao talagang naninira at hindi nakukuntento. Wala akong masabi kasi, hindi talaga totoo ‘yun, eh!

"Pagkatapos ni Mark, si Jeremy naman? Sino naman kayang susunod? Meron din kami ni Patrick (Garcia, napapabalitang boyfriend niya) o ni John Prats o ni Polo Ravales (co-stars niya ang dalawa sa Super Noypi)?

"Siguro, may mga tao talagang wala lang magawa at gusto lang mag-imbento ng mga ganyang istorya about me. Sana, tigilan na nila dahil hindi ito healthy for myself and for my career!

"Nakahihiya rin sa GMA! Para sa akin, hindi ko gawain ang ganu’n, eh! Dahil ayokong babuyin ang sarili ko.

"Alam kong makakasira ‘yon sa personality ko, sa pagkatao ko, so hindi ako gagawa ng mga bagay-bagay na ikasasama ko!" mariing dayalog ni Jen.

Mabuti na lang at nandiyan si Mark na handa siyang ipagtanggol...

"Dapat lang pong ipagtanggol niya ako dahil wala talaga kaming ginagawang masama ni Mark. At saka wala akong time for negative issues...

"Siguro may mga gumagawa lang talaga ng mga ganyang klase ng paninira. Kaya ako, gusto kong makita ang video na ‘yon dahil curious din ako about it.

"Pero nagulat kami ni Mark dahil may ginawa pala kaming sex video na hindi namin alam! Isa pa, matagal na kaming wala at kahit nu’ng kami pa, wala kaming ginawang ganu’n!

"So, parang nag-usap kami na protektahan at ipagtanggol namin ang isa’t isa for the sake of our friendship.

"Wala akong balak magdemanda pero kung talagang hindi ko na kakayanin at below the belt na ang mga paratang sa akin, siguro that’s the time para gumawa na kami ng aksyon para matigil na ang mga panini-rang ‘yan!" seryosong sambit ni Jennylyn.


-Allan Diones

Jennylyn, Gustong Sumabak Sa Aksyon

SUNTOK SA BUWAN Ni Emy Abuan-Bautista
Ang Pilipino STAR Ngayon 12/04/2006


Nag-aral ng martial arts si Jennylyn Mercado para sa pelikulang SuperNoypi at ang kanyang fight instructor ay mula pa sa Hongkong. Gagampanan nito ang papel ni Lia na makakalaban ni Diego (Monsour del Rosario). Isa siyang amazona kaya sumabak sa mga delikadong stunts.

Hindi niya malilimutan ang pagbitin sa helicopter. Takot pa naman sa heights ang magandang aktres pero hindi siya nagpa-double.

Pangarap ni Jen na sumabak sa aksyon at maging kapareha ng mga sikat na action stars.

December 04, 2006 07:55 PM Monday Article read 895 time(s)

By: Vinia Vivar


Ayon kay Mark Herras, willing siyang maging tulay para magkaayos sina Jennylyn Mercado at Ryza Cenon.

“Actually, matagal na kasi ’yang isyung ’yan, last year pa. May mga nagsasabing ako ang dahilan.

“Sige, if ever nga na ganu’n, willing akong mag-bridge o gumitna sa kanilang dalawa para magkaayos na sila,” pahayag ni Mark.

Wala siyang kinakampihan between Jen and Ryza. “Kaibigan ko si Ryza, ex-girlfriend ko si Jen. Pareho silang may tama at may mali. Ang dapat lang nilang gawin, ibaba ang pride nila.”

Pero mukhang hindi willing si Jen na makipag-ayos kay Ryza dahil aniya, sobra-sobra na ang ginawa ng young actress sa kanya.

“Grabe ang ginawa niya. Ang dami na niyang kasalanan sa akin, dinagdagan pa niya,” sabi naman ni Jen.

Tuloy, hindi maiwasang itanong kay Jen kung paano ba talaga sila nagkaroon ng away noon ni Ryza.

“Nahuli ko siyang tinext si Mark ng ‘I love you.’ Kami pa ni Mark noon, so sabi ko, bakit ganu’n, akala ko kaibigan ko siya? Du’n nag-start. Tapos, parang feeling niya, ako raw ang kinampihan ng Artist Center.”

Para kay Jen, tapos na ’yun, pero hindi niya alam kung bakit binuhay uli ni Ryza. Kaya sa ngayon, malabo na siguro talagang maibalik pa ang dati nilang friendship.

Anyway, tuwang-tuwa si Jen sa papuri ng press sa trailer ng Super Noypi. Maging siya ay gandang-ganda rin at sulit lahat ng pagod, partikular na ang helicopter scene na pikit-mata niyang ginawa.

Sunday, December 03, 2006

MOUTHFUL
MELL T. NAVARRO

PINUTAKTI ng press people si Jennylyn Mercado sa big presscon ng Super Noypi, ang pang-Metro Manila Filmfest entry ng Regal sa Disyembre, kunsaan kasama niya sina John Prats, Mark Herras, Sandara Park, Katrina Halili, and Monsour del Rosario, directed by Quark Henares.

Pumutok kasi ang chikang may kumakalat na sex video scandal sina Jennylyn and Mark, at kahit na nude photos ni Jen ay kalat na diumano sa maraming celphones at maging sa Internet ay pinagpapasa-pasahan na rin ng ilan.

“Na-shock talaga ka- mi ni Mark sa isyung ‘yan. Hindi namin alam na may gano’n pala! It’s not true!” mariin niyang pagtanggi. Ayaw na nga sanang mag-comment ni Jennylyn tungkol dito.

Pero, once and for all at para matapos na ang isyu ay naghamon na si Jennylyn na ipakita sa kanila ang said sex video nila ng dating boyfriend.

“Ipakita na lang nila,” paghahamon ni Jennylyn na sinasabing naging ‘stunt woman’ dito sa Super Noypi dahil sa action scenes niya at may matching helicopter scene pa na di siya nagpadobol.

Ayon sa chismax, naibenta raw ni Jenny ang kanyang celphone at hindi niya alam na andun ang nasabing sex video.

“Naku, wala po akong panahon at oras sa mga ganyang issues,” sey ni Jen.

“Busy ako sa career ko and alam ko sa sarili ko, alam ni God na walang ganun! “Alam namin sa sarili namin ni Mark na hindi totoo ‘yun,” seryosong lahad ni Jennylyn.

Siyanga pala, impressed ang press people sa ipinakitang trailer ng Super Noypi, na kaya pala ‘panalo’ ang special effects, eh, dahil ayon kay Roselle Monteverde-Teo ng Regal Entertainment, eh, nag-hire pa sila ng services ng special effects supervisor and consultant na galing sa Los Angeles, USA.

Jen at Mark may gap

TATTLE
NEL ALEJANDRINO

Halatang may gap sina Jennylyn at Mark, kahit pa magkadikit sila halos during the presscon. ’Di lang sila ’di nagkikibuan. Ni sulyap, ayaw nilang tapunan ang isa’t isa.

Kung sabagay, matindi ang dahilan ng diumano’y pag-aaway nila, kung ang pagbabatayan ay ang mga balitang lumalabas lately.

Bagama’t ang maituturing na dehado ay si Jennylyn, Mark is being pointed to as the culprit.

Politicians reveal their showbiz crushes

by Rose Garcia

Six young representatives from the House of Congress squeal on their showbiz crushes.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na ma-interview over late dinner sa Congo Grill near ABS-CBN last Wednesday, November 29, ang anim na kilalang congressmen ng bansa na sina Bem Noel of Anwaray Party List, Gilbert Remulla of Cavite, Timmy Chipeco of Laguna, Sonny Angara of Aurora, Joel Villanueva of Cibac Party List, and Mujib Hataman of Anak Mindanao Party List.

Bukod sa anim, kasama rin nila sa kanilang grupo si Rep. Chiz Escudero of Sorsogon, pero huli na itong nakarating dahil sa kanyang radio program.

Silang pito ang tumatayong producers ng pelikulang Donsol starring Angel Aquino and Sid Lucero. Unlike others, wala raw pangalan ang grupo nila since they don't take themselves seriously naman daw.

Basta para sa kanila, masaya sila sa nabuong pagkakaibigan na labas ang pagiging politicians nila. Pare-pareho raw sila ng hilig sa pagkain at paglalaro ng basketball. Siguro raw, kung meron man masasabing similarity nilang pito at masasasabing simula ng friendship nila ay ang hindi maitatagong lahat sila ay pro-impeachment.

Nakatuwaan ng PEP na itanong sa kanilang anim kung sino sa female stars natin ngayon ang masasabing nagugustuhan or crush nila.

Ayon kay Gilbert Remulla, "Favorite kong talaga si Angel Aquino. First of all, siya ang star namin sa Donsol. She's really beautiful, talented, napakabait at walang-ere."

Si Timmy Chipeco naman, na bukod-tanging single sa grupo, ay namumroblema dahil marami raw siyang ina-admire. Pero bandang huli, nagsabi rin ito na: "Si Sitti. I really admire her. Mas gusto ko pa siya kapag kumakanta na siya because she's really good."

Si Joel Villanueva, anak ni Bro. Eddie Villanueva ng Jesus Is Lord Fellowship, ang pinakabata at 31 years at ang pinaka-kalog. "Si Jennylyn Mercado, ka-age ko kasi siya!" biro niya. "But seriously, humanga ako sa story niya from rags to riches at sa napakarami na niyang napagdaanan sa buhay. Wish ko nga, sana makapagpa-picture with her," natatawang hirit pa niya.

Para kay Bem Noel naman, si Megastar Sharon Cuneta raw ang ina-admire niya na sinundan ng tukso ni Rep. Villanueva na kaya raw pala madalas nila itong mahuli na masama ang tingin kay Sen. Francis Pangilinan.

Si Kristine Hermosa naman ang type ni Rep. Sonny Angara na siyang napansin naming pinaka-tahimik sa grupo.

Si Mujib Hataman ay mahilig daw manood ng mga Pinoy movies at hinangaan niya ang aktres na si Gina Alajar dahil sa mga pelikula nitong may social relevance.

Jennylyn Mercado denies sex video with Mark Herras

Mell T. Navarro
Saturday, December 2, 2006

Jennylyn wants to see for herself the alleged sex video.

Halatang pinipigilan lang ni Jennylyn Mercado ang mapikon sa isyung may kumakalat silang sex video ng ex-boyfriend niyang si Mark Herras. Ito ang naobserbahan ng PEP sa press con ng pelikulang Super Noypi kahapon, December 1, sa Imperial Palace Suites.

Ayon kasi sa balita, kalat na raw sa mga cell phones at maging sa Internet ang diumano'y nude photos ni Jennylyn, pati na ang sex video nu'ng mag-on pa sila ni Mark.

Kung si Mark ay aminadong napipikon na sa nasabing issue, si Jennylyn naman ay cool lang at naghahamon na ipakita sa kanya ang nasabing sex video scandal nila ni Mark.

"Gusto kong mapanood yan," sabi ni Jennylyn. "Curious ako and I'm sure, curious din si Mark. Gusto ko ngang makita e. So sana lang, mai-produce nila-kung sino man ang nagkakalat no'n."

Nang hingan ng komento ang young actress sa alegasyong taga-ABS-CBN, kakumpitensiyang istasyon ng GMA-7 na home studio nina Jennylyn at Mark, ang nagpakalat nito ay minabuti niya na huwag magsalita tungkol dito.

"Ayoko na lang mag-comment tungkol diyan," pakiusap pa ni Jen. "Siguro nga, may mga taong hindi nakukuntento hangga't hindi sila makapanira ng ibang tao. Basta ako, wala akong ginagawang masama. Wala kaming ginagawang masama ni Mark."

Dagdag pa niya: "Ayokong gumawa ng kasalanan para sa sarili ko. Ayokong gumawa ng kasalanan na ikakasira ng pagkatao ko."

Idinagdag pa ni Jennylyn na hiyang-hiya siya sa GMA-7 management dahil sa mga ganitong malisyosong tsismis sa kanila ng dating boyfriend na si Mark.

"Nakakahiya talaga sa GMA," seryosong sabi ng young actress. "Basta ako, sa sarili ko, malinis ang konsensiya ko dahil hindi totoo yun!

"Baka mamaya niyan, ang sumunod nang intriga e, may sex video na rin kami ni John Prats [co-star niya sa Super Noypi] o kung sino pa man ang maisip nila!" pagbibiro ng young actress.

"Siguro, may mga tao lang talagang walang magawa sa buhay nila. Please lang, sana lang ay tigilan na nila, kasi hindi na healthy ito," pakiusap niyang muli.

"Hindi naman sa apektado ako. Kung hindi naman totoo ay talagang hindi ako maaapektuhan. Tigilan lang sana nila ang paninira nang walang basehan!" bulalas ng StarStruck 1 female ultimate survivor.

Samantala, tigas pa rin si Jen sa pagtangging sila na nga ni Patrick Garcia, kahit halos "ibuking" na ito ni Bianca King (dating girlfriend ni Patrick) sa kanyang interviews.

"Wala naman po akong aaminin dahil talagang friends lang kami ni Patrick," diretso niyang pahayag.

Hindi kaya ang dahilan ng hindi niya pag-amin ay dahil pinoprotektahan niya ang loveteam nila ni Mark?

"Hindi po dahil doon," pagtanggi niya. "Talagang magkaibigan lang kami ni Patrick. Kung ano man ang nababalitaan nila, sana sa akin sila maniwala. Ayokong sirain ang tiwala sa akin ng GMA and sa loveteam namin ni Mark."

Magkasama sina Jennylyn at Mark sa Super Noypi, isa sa official entries ng Regal Entertainment sa 2006 Metro Manila Film Festival.