Friday, December 15, 2006

c/o ate olive

Ang Pilipino STAR Ngayon 12/15/2006

Tulad ni Mark Herras, hindi na rin nasasaktan si Jennylyn Mercado kapag nali-link sa ibang babae ang kanyang ex-boyfriend. After all, pareho na silang nakapag-move on.

Although wala pang tahasang pag-amin na nagmumula kay Jennylyn, mukhang si Patrick Garcia ang kapalit ni Mark sa kanyang puso.

Kahit break na sina Jennylyn at Mark, tanggap pa rin ng kanilang mga fans ang kanilang tandem kaya muli silang pinagsama ng Regal Films sa Super Noypi na dinirek ni Quark Henares.

Thursday, December 14, 2006

c/o sheila marie

Sina Jennylyn Mercado at Mark Herras ang malaking bentahe ng pelikulang Super Noypi kumpara sa iba nilang kasama sa nasabing movie ng Regal Entertainment.

Malakas kasi ang dating ng kanilang tambalan at kahit pa tuluyang nasira ang maganda nilang relasyon ay naging solido naman ang kanilang friendship hanggang sa ngayon. Kaya nga laging nariyan si Mark para ipagtanggol si Jennylyn sa lahat ng mga maling intriga sa kanila gaya nga ng sex video raw ng dalaga.

Well kung di raw kaya nabuwag ang tambalang Sandara Park-Hero Angeles ay kasama rin sa pelikulang ito ang dating ka-loveteam ng Koreanang aktres?

Ewan lang namin. Pero maganda sana kung magkasama sa isang pelikula ang dalawang loveteams na sabay gumawa ng pangalan sa industriya, pero naiwan nang mag-isa si Sandara, samantalang buo pa rin ang Mark-Jen loveteam kahit 'di na sila.

(Oghie Ignacio-Bulgar-12/14/06)

c/o em

by Nitz Miralles

This Thursday ang schedule ng first taping day ng Super Twins, ang bagong telefantasy ng GMA-7. Tampok dito sina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Nadine Samonte, Marian Rivera, Ian de Leon, Bianca King, Tetchie Agbayani, Patrick Garcia, Gabby Eigenmann, Mura at Camille Prats. Bida rin ang mga batang sina Ella Cruz at Nicole, na ’di namin alam ang surname.

First week ng February ang airing nito at bata ang target audience, kaya maraming special effects na gagawin si Direk Dominic Zapata. With Direk Dom at the helm, ibig sabihin, hindi siya ang director ng Lupin III ni Richard Gutierrez.

Nasulat nang twins dito sina Jennylyn at Nadine at si Dennis naman ay dual character. Ang ibang surprises at twist ng story ay saka na namin isusulat

Mark and Jen, together again as superheroes
Article posted December 13, 2006


One of the country’s hottest teen tandems reunites once again, but this time, only on the silver screen. Mark Herras and Jennylyn Mercado joins this year’s Metro Manila Film Festival as part of the cast of Regal Films’ Super Noypi.

Jennylyn plays the role of Lia, an Amazon from the year 2075. She is an expert in the different kinds of martial arts. Mark, on the other hand, portrays Lorenzo who has power to move objects with his mind. He can lift the heaviest objects or even change the direction of the rain to ward off the attackers without even lifting a finger. They join forces with the other Super Noypis in battling the destructive force of Diego, played by Monsour del Rosario.

Far from their usual tweetums roles, Mark and Jennylyn don super hero outfits for the first time. Mark puts on a fitting black jacket with matching pants and boots, plus a red and black cape. As the leader of the Super Noypis, he is the epitome of power and order.

Earning good reviews from Director Quark Henares, he says that for him Mark is the best Super Noypi among the six. “He’s a very fun guy! Nakita ko na excited na excited siya sa project. Eto yung film na binigay niya ang lahat. Workshops pa lang, marami na kaming napag-usapan para maging mas lalong maganda ang performance niya,” adds the 26-year-old director.

Jennylyn, on the other hand, slips on an all-gray Lara Croft-inspired jacket and tights which showcases her curves. She went through various training classes in preparation for this role and amazed cast, crew and showbiz insiders when she hung from a helicopter that flew as high as 100 feet.

Roselle Monteverde-Teo, Super Noypi’s supervising producer, could not help but be impressed by Jen’s stunt. “Jen is the only Filipina actress to have done this kind of feat (alone). Hindi lang siya inangat, the helicopter actually made a complete round of the area. ‘Yung pilot asked Jen kung okay lang itaas pa ang height and she kept on saying

‘Yes.’ And to think she has fear of heights! Philip Ko, the stunt director from Hong Kong and Quark Henares were both overjoyed by her brave act.”

Jennylyn indeed reaped high praises from Director Quark Henares, “Si Jen, stand out talaga. Takot siya sa sabog at sa putok kaya sobrang brave niya when she did that helicopter stunt. She always does her best, but for Super Noypi, iba ang commitment niya.”

Without a doubt these two have come a long way from their stint in StarStruck. Despite the intrigues, they both manage to keep their head above water and their emotions in check -- a feat for any artist who has not so seldom been the center of bad publicity, the latest being a sex video. “Nakakaloka nga ang mga balita,” says Jen, quickly adding that she would rather talk about their film than react on these rumors.

Fans of the Mark and Jennylyn love team are undoubtedly waiting for the day when the two will be back in each other’s arms. The powerful tandem fulfills their wish this holiday season with Super Noypi. Catch this adventure flick in cinemas starting December 25.

Discuss

Tuesday, December 12, 2006

JENNYLYN, DI PA SERYOSO KAY PATRICK

c/o sheila marie

by Erlinda Rapadas-Bulgar 12 Dec. 2006

Gaano man kaseryoso ngayon si Patrick sa panunuyo kay Jennylyn Mercado, ilang kilalang psychics na ang nagsasabing hindi rin mauuwi sa malalim na relasyon ang maganda nilang samahan.

Ayon kay Rene Mariano, Madam Rosa and Madam Auring hindi pa handang isakripisyo ni Jennylyn ang kayang career kapalit ng kanyang love life.

Nakatakda pang sumikat nang husto si Jennylyn at kakayanin niyang magsurvive with or without a loveteam.Posible raw na marating ni Jen ang status at popularidad ni Judy Ann Santos. Kaya naman, tamang-tama lang na may mga TV exposures at pelikula siya ngayon.

Malawak na ang hukbo ng tagahanga ni Jennylyn M na very loyal sa pagsuporta sa kanyang mga pelikula tulad ng Super Noypi na kalahok sa darating na MMFFP '06. Kaya nararapat lang na sa career muna i-focus ni Jennylyn ang kanyang atensiyon at panahon.

Hindi lang si Patrick Garcia ang darating na manliligaw sa kanya.Patuloy pa ring magpapakilig sa kanilang mga tagahanga ang loveteam nila ni Mark Herras. At bawat pelikulang kanilang pagtatambalan ay lalong magaangat sa kanilang career.

JENNYLYN NEXT JUDAY!

c/o sheila marie

(Len Llanes Bulgar 12 Dec. 2006)

Nakausap namin si Rene Mariano, ang psychic na known na way back Inday Badiday's days pa. Nakasama namin siya sa taping ng Gandang Ricky Reyes aired every Sunday sa QTV 11.Tungkol sa mga manghuhula kasi yung topic ng talk show ni Mother Ricky Reyes that day, and this will be shown first or second week ng 2007.

Intriguing yung mga napi-feel niya for 2007. Here are some of them:

1. Digifilms will not flourish
2. Jennylyn Mercado is another Judy Ann Santos. (Oks lang kaya sa mga Judanians?)
3. Kahit magbold si Patrick Garcia, he will not make it. Hindi kasing-lakas ng kay Polo Ravales ang kanyang sex appeal.

Jennylyn, problemado kay Patrick!

Ruel Mendoza

GAANO katotoo ang balitang nasagap namin na takbuhan ni Jennylyn Mercado si Jake Cuenca tuwing nagkakaproblema raw sila ni Patrick Garcia? Ayon sa aming source, si Jake ang tinatawagan ni Jennylyn at hinihingan ng sama ng loob dahil minsan daw ay hindi siya masaya sa lihim na relasyon nila ni Patrick.

Minsan daw ay dumadalaw pa si Jennylyn sa condo unit ni Jake para lang makipagkuwentuhan sa binata.

Sure ang aming source dahil ilang beses daw niyang nakita ang sasakyan ni Jennylyn na naka-park sa lote ng condo building kung saan may unit si Jake.

Pero ang tanong ay ano ba ang naging relasyon nina Jennylyn at Jake? Naging sila ba noon? Bakit si Jake ang tinatawagan ni Jennylyn? Wala ba itong mga kaibigang babae para doon siya maglabas ng mga sama ng loob niya?

At may relasyon ba talaga sina Jennylyn at Patrick? Ilang beses nila itong idini-deny pero bakit naman daw hindi masaya si Jennylyn kay Patrick?

At least, itong nasagap naming tsismis ay naiiba sa sex video issue nila ni Mark Herras na paulit-ulit na nasusulat. Sa true lang naman, hindi makakatulong ang sex video issue sa pelikula nilang Super Noypi na pambata pa naman.

As if naman makakatulong din ang pagkakaugnay ulit ni Jennylyn kay Jake at ang pagiging hindi niya masaya sa relasyon nila ni Patrick.

Monday, December 11, 2006

December 11, 2006 05:18 PM Monday Article read 1,787 time(s)

By: Nitz Miralles


Tuwang-tuwa si Direk Quark Henares sa positive feedback ng tao sa trailer ng Super Noypi. Hindi raw halatang malaking pressure sa kanyang gawin ang pelikula.

Ipina-describe namin sa kanya ang cast ng SN at ito ang kanyang sagot.

“Jennylyn Mercado is very professional at kahit takot sa paputok at height, ginawa pa rin ang lahat for the movie. Mark Herras is a nice guy at ang galing niyang sumayaw. Polo Ravales is very serious with his craft, Sandara Park is crazy, Krung-Krung talaga. John Prats is funny, he’s one of the crew at ’di takot pagtawanan ang sarili. Andrew Muhlach has potential and Katrina Halili is hot at marunong umarte.”

Kung matutuloy, ang Rak en Roll ang next movie ni Direk Quark sa Regal at ’di pa rin naggi-give-up na maidirek sa movie ang all-time crush niyang si Sheryl Cruz.

Viewer siya ng That’s Entertainment when he was seven years old at up to now, nakatago ang t-shirt niyang nakasulat ang Sheryl Cruz Fans Club.

Si Romnick Sarmenta ang gusto niyang ka-loveteam nito.

Si Sheryl din ang rason kung bakit ’di niya mabitawan ang isang episode ng Shake, Rattle & Roll 8, pero kailangan niyang mag-concentrate sa SN.

Sunday, December 10, 2006

Jennylyn, kinalyo sa sandata!

Jun Nardo

Kinalyo ang mga palad ni Jennylyn Mercado dahil na rin sa sandatang parangarnis na gamit-gamit niya sa Super Noypi. Eh, nag-aaral na rin siya ngmartial arts para sa bagong series nila ni Dennis Trillo, kaya lalong kumapal ang mga kalyo niya sa mga palad.

"Subukan ninyong hawakan at magaspang talaga! Ha! Ha! Ha! Ha!" sabi ni Jen.

Siyanga pala, magkasama sina Jen at Mark Herras sa Super Noypi. Sabi-sabi na hanggang ngayon ay umaasa si Jen na magkakabalikan pa rin sila ni Mark?

"Hindi naman ako hoping. Magkaibigan naman kami ni Mark. Okey na `yung nagkakasama kami sa trabaho," reaksyon ni Jennylyn.

Kunsabagay, nandiyan naman si Patrick Garcia, ‘di ba? Pero, totoo ba na sila naman ni Bianca King ang magkaaway ngayon dahil kay Patrick?

"Hindi naman. Para sa akin, kaibigan ko pa rin si Bianca. Halimbawa, ‘yung mga ex-girlfriends ni Mark, siyempre, gusto ko ring maging kaibigan. Ayoko namang magkaroon ng kaaway. Gusto ko maayos ang lahat," sabi niya.

Totoo bang nasabi niya na mas masaya siya sa piling ngayon ni Patrick kesa kay Mark noon?

"Wala akong sinasabing ganu’n. Sa naging relationship namin ni Mark before, naging masaya ako at marami akong natutunan!

"Ayokong ikumpara si Mark kay Patrick dahil si Patrick, kaibigan ko lang naman. Walang kailangang i-compare sa dalawa.

"Good friends lang kami ni Patrick. Kung nanliligaw siya sa akin, siguro, si Patrick ang makakasagot sa tanong na ‘yan," iwas ni Jen.

Nagulat na lang si Jen nang may nagsabi sa kanyang na nu’ng nasa Cebu siya, pinadalhan siya ng flowers ni Patrick.

"Paano ninyo nalaman ‘yon? Ah, siguro, marami lang siyang connections. Siguro kaya rin siya nagpadala, gusto lang niya akong maging happy. ‘Yun lang!

"Off cam? Friends lang talaga kami. Wala pa namang proof, eh. Tulad ng sabi ni Mark, if ever na may taong makakita sa amin, sila rin ang unang makakaalam.

"Kung sabihin ni Patrick in public na kami na nga, wala namang masama. Ngayon talaga, friends lang kami!" paniniguro pa ng young actress.

Baka naman kasi gusto niyang protektahan ang career nila ni Mark?

"Talagang pinoprotektahan ko ang career namin ni Mark lalo na sa GMA na siyang nagbigay ng opportunity sa amin. Ayokong sirain ang tiwala ng GMA at ng mga tao sa paligid ko dahil lang sa lovelife ko o dahil sa ibang bagay," sagot niya.

Anyway, na-shock nga si Jen sa isyung sex video sa kanila ni Mark.

"Shock kami na meron pala kaming sex video na naman. Hindi naman totoo. God knows na hindi totoo ‘yon.

"Ang alam ko at sa sarili ko at alam ni God na wala talaga kaming ganoong video. Hindi ko alam ‘yon!

"Anyway, wala akong time sa ganoong negative issues! I am busy with my career!" mataray niyang pahayag.

by Allan Diones

Tila pikon na si Jennylyn Mercado sa mga nagpalabas ng isyung meron umano siyang sex video kaya balak na niyang gawan ito ng aksyon.

"Napaka-unfair po kasi nu’ng isyu sa akin, eh! At saka pinagbigyan ko na sila roon sa una at sa lahat ng mga inilabas nila. Pero this time, galit na ako!

"Kabastusan na kasi ang ginagawa nila sa akin! Ang daming nasisira, pati pamilya ko. Nag-usap na kami ng manager ko at ng parents ko about it. Kasi, sobra na, eh! Below the belt na ang ibinibintang sa akin!

"So, gagawa na kami ng aksyon para patas ang laban. Hindi ko pa nasasabi sa GMA ‘yung gagawin namin, pero this time, decided na ako na pag napatunayan kong hindi totoo ‘yung mga isyung ibinibintang nila, lagot sila sa akin!" may pagbabantang sambit ni Jennylyn, na isa sa mga bida sa pelikulang Super Noypi.

***

Kung action princess si Jennylyn, ano si Angel?

Ang Pilipino STAR Ngayon
12/10/2006
Veronica R. Samio

May nagsabing pwede raw maging action princess si Jennylyn Mercado base sa pelikula niyang SuperNoypi na kung saan ay sumabak siya sa mga maaaksyon at maseselang eksena, ng walang double! Talagang hindi siya pumayag na iba ang pagawin ng mga eksena niya, sa halip ay talagang nag-aral siya ng martial arts (arnis, taekwondo at kaunting gymnastics).

"Hindi naman nakakatakot, mas nakaka-excite pa nga, nakalimutan ko nga na takot ako sa mga matataas na lugar. Kaya lang matitigas na ang mga kamay ko. Parang kamay ng lalaki, puro kalyo na, paano kasi ang ginamit kong arnis, gawa sa bato, talagang mabigat. Pero kahit ganito parang mas madaling gawin ito kesa magpa-sexy sa cover ng mga magazines," sabi niya, sabay explain na hindi naman niya sinasara ang kanyang doors para magpa-sexy sa covers ng men’s mags pero, "Hindi pa ako handa sa ngayon," paliwanag niya.

Dadagdagan pa niya ang kanyang kaalaman sa martial artis dahil mag-aaral siya ng isang Brazilian form of martial arts, ang Ca Poera, para sa susunod niyang TV series.

Samantala, sumailalim din si Angel Locsin sa martial arts para naman sa kanyang TV series din with Robin Padilla. Pwede ba siyang i-categorize na action princess din? Sino naman ang action queen kung dala-dalawa silang action princesses ni Jennylyn?

Ang Pilipino STAR Ngayon
12/10/2006
Nitz Miralles

Itinanggi ni Mark Herras ang panliligaw (o girlfriend na?) kay Katrina Halili pero, mukhang naniniwala ang ex-girlfriend niyang si Jennylyn Mercado sa sitsit. Nakangiti itong nag-wish ng happiness sa dalawa totoo man o hindi ang tsismis.

May message pa ito kay Katrina para tumagal umano ang relasyon nila ni Mark. Sabi ni Jennylyn: "Kailangan lang maging pasensyosa siya kay Mark at ingatan nila ang isa’t isa dahil mas maganda kung sa simula pa lang ay ayos na ang kanilang relasyon."

Sabi, sa shooting ng SuperNoypi muling na-develop si Mark kay Katrina kaya, hindi nito ininda masyado ang pambabasted daw ni Nicole Anderson. Kaya tuwing natatapos ang promo ng movie na entry sa Metro Manila Film Festival, sila ang nagkakasama.

Ayon pa kay Jennylyn, walang dapat alalahanin si Katrina sa kanya dahil matagal na silang break ni Mark dahil masaya na siya sa kanyang buhay and she’s looking forward to next year. In fact, happiest niya ang darating na Christmas hindi lang sa SN, also because of her special someone at sa tuluy-tuloy na blessings na dumarating sa kanya.

Napansin pala naming Inglesera na si Jennylyn ngayon at kampante nang gumamit ng English words na ‘di namin naririnig sa kanya dati. Dala raw ito sa special English class na kinukuha niya at pagsi-sit in sa English class ng teacher niya sa Ateneo kung saan, maraming guwapo. After high school, type niyang mag-enroll ng Interior Design.

By: Vir Gonzales
ALL THE WAY

NAGTATAKA si Jennylyn Mercado kung bakit naglalabasan ang negative issues tungkol sa kanya tuwing siya’y may pelikula.

Saan daw kaya nanggagaling ang mga pakulong ito? Hindi makapaniwala si Jen na may nude video silang umiikot ng dating BF na si Mark Herras. Paano raw mangyayari ’yon, eh, wala naman silang ginawang ganu’n?

“Nakaloloka nga ang mga balita,” himutok niya.

Mas mabuti pa raw pag-usapan na lang ang Super Noypi movie nila nina Mark Herras at Sandara Park. Tuwang-tuwa si Jen dahil ngayon lang siya nakapag-aksyon.

No comment naman siya sa napababalitang break-up nina Mark at Nicole Anderson. Wala naman daw siyang dapat pang ipagselos.

Dahil kaya kay Patrick Garcia?

Samantala, wala namang pakialam ang mommy ni Nicole na si Jean Saburit sa bali-balitang tapos na ang lahat sa anak at kay Mark.

“Basta huwag lang niyang lolokohin o sasaktan ang anak ko, kundi ako’ng makakalaban niya,” ani Jean.

Sa British school nag-aaral si Nicole at magaling ito sa klase. Plano nilang bumisita sa Sweden sa Pasko kung walang magiging aberya.