Saturday, December 23, 2006

Jennylyn Mercado and Patrick Garcia were caught in the act

c/o denise_cf
originally posted by leikela at Patrick's thread (PEx)

The rumored couple was spotted holding hands at a Christmas party
Ruel Mendoza Wednesday, December 20, 2006 CF

Jennylyn Mercado and Patrick Garcia are rumored to be playing sweet music together but the two still deny their special relationship.

Hindi na siguro makakapagde-deny pa sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia sa kanilang itinatagong relasyon dahil sa isang Christmas party na dinaluhan ng dalawa, sabay silang dumating at buong-ningning na nag-holding hands buong gabi.

Ito ang kuwento ng aming source na namataan ang dalawa sa naturang Christmas party. Halos hindi raw maghiwalay ang dalawa at ipinakilala pa ni Jen si Partrick sa kanyang mga kaibigan.

"Nakunan ko ang holding hands nila. Hindi sila naghihiwalay. Obvious na super in-love ang dalawa," pagtiyak ng aming source. "Kaya naman ang ganda-ganda ngayon ni Jen, ‘di ba? Blooming siya kasi nga in love na in love sa dating crush niya na ngayon ay boyfriend na niya."

Ang ipinagtataka lang ng marami ay kung bakit hindi pa maamin ni Jennylyn ang kanyang relasyon kay Patrick? What is there to be ashamed of, e guwapo at binata naman si Patrick? Matagal na rin naman silang hiwalay ng ex-boyfriend niyang si Mark Herras.

Maging si Patrick—ex-boyfriend ni Bianca King—ay wala naman dapat ikahiya kay Jennylyn dahil bukod sa maganda ay sikat na sikat ngayon ang young actress.

So formal na pag-amin na lang ang hinihintay ng mga fans ng dalawa sa tila inililihim pang relasyon nila.

c/o shiela_marie

From Vinia Vivar's column in PM

Still on Jake, sinagot din niya ang mga issues hinggil sa kanila ni Jennylyn Mercado. Na diumano, siya ang shoulder to cry on ng young actress hanggang ngayon sa tuwing magkakaroon ito ng away with Patrick Garcia.

"Kailan ba lumabas ang balitang 'yan?"ani Jake na natatawa."Nakakhiya naman kasi kay Patrick, baka kung ano ang isipin niya. The truth is botong-boto ako sa kanya para kay Jen. Nasa GMA pa lang ako ay nagliligawan na sila and gustong-gusto ko siya para sa kaibigan ko.

Hindi naman daw siya shoulder to cry on ni Jen. Inaamin naman niyang may communication pa sila at paminsan-minsan ay binibigyan niya ito ng advice.

Pero walang malisya yun. Depensa agad ng young-actor."Baka kasi magkaroon ng ibang meaning at sabihing binabalikan ko si Jen.

Sa statement na yun ni Jake ay may nag-follow up question tuloy sa young actor ng "Bakit naging kayo ba ni Jen?"

Hindi agad nakasagot si Jake kaya kinantiyawan siyang nadulas at nabuking tuloy siya.

Nagpaliwanag naman agad si Jake na hindi naman daw naging sila. Nanligaw lang daw siya kay Jen pero naudlot. Hindi naman daw siya binasted. Siguro raw ay hanggang sa pagkakaibigan lang daw talaga sila nakatakda.

Nang hindi na siya kinulit ng press, napabuntong-hininga siya sabay sabing "Hay naakaraos din ako", kaya natawa na lang ang lahat.


-------------

excerpt from Ang Pilipino STAR Ngayon
12/23/2006

Nabanggit din ni Jake ang tungkol sa pagtatawagan nila ni Jennylyn Mercado dahil kino-comfort niya ito.

"Nangungumusta po siya, e, magkaibigan naman kami kaya okey lang na magkuwento siya ng problema niya, e, okey na naman sila at boto ako sa kanilang dalawa ni Patrick (Garcia), bagay sila, marami silang pagkaka-pareho," kuwento ng lalaking na-link din kay Jennylyn.

Hala, nadulas si Jake na mag-on na sina Jen at Patrick, e, hindi pa nga pormal na inaamin nang dalawa ang tunay nilang relasyon?

Knows ba ito ng GMA Artist Center?

Friday, December 22, 2006

JEN, SHOCKED SA LIHIM NI PATRICK

c/o sheila marie

Gulat na gulat si Jennylyn Mercado nang malaman niyang kasama rin pala sa bago niyang fantasy series sa GMA-7 na Super Twins ang rumored boyfriend niyang si Patrick Garcia.

Sa story conference na lang nalaman ni Jen na magkasama sila at nagulat ang young actress dahil habang on the way siya sa storycon ay magkausap pa sila sa telepono at wala naman daw nababanggit ang young actor na pareho pala sila ng pupuntahan.

Sinadya palang ilihim ni Patrick kay Jen na kasama siya sa cast para sorpresahin ang rumored GF. At nagtagumpay naman siya dahil nagulat talaga ang young-actress singer nang makita siya at malamang magkasama pa sila, eh wala itong kamalaymalay.

Pero mukhang hindi sila magkapareha sa said TV series.Tila pinag-iisipan pa raw ng management kung sino ang magiging leading man ni Jen. Hindi rin daw si Dennis Trillo dahil mukhang magiging kontrabida sa kambal ang aktor.

Kahit hindi magka-partner sina Jen at Patrick we're sure na pareho silang masaya na magkakasama sila together in one project.

JEN, SHOCKED SA LIHIM NI PATRICK

Gulat na gulat si Jennylyn Mercado nang malaman niyang kasama rin pala sa bago niyang fantasy series sa GMA-7 na Super Twins ang rumored boyfriend niyang si Patrick Garcia.

Sa story conference na lang nalaman ni Jen na magkasama sila at nagulat ang young actress dahil habang on the way siya sa storycon ay magkausap pa sila sa telepono at wala naman daw nababanggit ang young actor na pareho pala sila ng pupuntahan.

Sinadya palang ilihim ni Patrick kay Jen na kasama siya sa cast para sorpresahin ang rumored GF. At nagtagumpay naman siya dahil nagulat talaga ang young-actress singer nang makita siya at malamang magkasama pa sila, eh wala itong kamalaymalay.

Pero mukhang hindi sila magkapareha sa said TV series.Tila pinag-iisipan pa raw ng management kung sino ang magiging leading man ni Jen. Hindi rin daw si Dennis Trillo dahil mukhang magiging kontrabida sa kambal ang aktor.

Kahit hindi magka-partner sina Jen at Patrick we're sure na pareho silang masaya na magkakasama sila together in one project.

Wednesday, December 20, 2006

Pramis sa ex, anumang mangyari... "...Never kong iiwan si Mark" - Jennylyn

c/o ashley

by Len Llanes


HULA ng psychic na si Rene Mariano, mas sisikat si Jennylyn Mercado kesa kay Mark Herras sa mga darating na panahon. Tulad ni Judy Ann Santos na napag-iwanan ang dating ka-love team na si Wowie de Guzman, ganito rin kaya ang mangyari kina Jen at Mark?

Bukod kasi sa pagiging dramatic star, mukhang ini-establish na ito sa pagiging Action Princess. Reminiscent of Angelina Jolie sa Tomb Raider?

She did a lot of dangerous stunts sa Super Noypi kasama ang mga fantastic young stars na sina Polo Ravales, Sandara Park, John Prats, Katrina Halili, Andrew Muhlach and of course, his screen partner, Mark Herras.

Sey ni Jennylyn sa amin, "Naniniwala ako sa hula, at true naman na 'di forever ang love team namin. Pero never kong iiwan si Mark. Malaki rin ang naitulong niya sa career ko, 'di ba?"
Nakaka-touch din naman itong si Jen, 'no?

Jennylyn Mercado, nagpa-sexy!

Article posted December 19, 2006

Kumpara sa ibang sexy teen stars na lumabas sa mga men’s magazines, hindi kasing daring ang pictorial ni Jennylyn Mercado. Lalabas ang dalaga bilang cover girl ng Maxim para sa January issue nito na lalabas sa December 26.

May pagka-conservative raw ang photos ni Jennylyn for the magazine. Ayon sa kanya, wala raw makikitang bastos ang mga tao sa photos niya. Pero conservative man ang mga litrato, halatang-halata pa rin ang pagka-sexy ng dalaga sa mga ito.

Wala namang tutol sa kanyang pagpayag lumabas sa men’s magazine. Sabi ng dating kasintahan ng dalaga na si Mark Herras, “Happy ako for her.”

Ang pag-pose ni Jennylyn sa magazine ay bahagi lang ng promotion para sa bago niyang pelikula, ang Super Noypi. Hindi raw ibig sabihin nito na mag-iiba na ang takbo ng career niya. Wala rin daw siyang balak na makipagsabayan sa ibang mga sexy teen stars.

Jennylyn Mercado nagpaseksi na rin

source: ABS CBN Interactive

Mistulang Lara Croft ng "Tomb Raider" na unang ginampanan ni Angelina Jolie ang body-fitting costume ni Jennylyn Mercado.

Aniya, naging role-playing ang sexy pictorial ng role niya bilang super hero na si Lia sa pelikulang "Super Noypi. "

Ito ang unang sexy pictorial ni Jennylyn na nakilala sa kanyang wholesome image.

"Sobrang nerbyos ko noong time 'yun. Oh my God, ano'ng ipapasuot sa akin? Ano'ng kailangan kong gawin? 'Yung preparation! Chineck ko ng mabuti kasi baka pag-suotin ako hindi ko kayang isuot!" aniya.

Pero naging komportable rin si Jennylyn na makikita sa bedroom pictorial na suot lamang niya ang puting sando at panty.

Ayon kay Jennylyn naging maingat sa pagpili ang magasing Maxim ipasusuot at ipagagawa sa kanya.

"For me, sa ginawa ko, walang masamang makikita hindi bastos, hindi pangit. Pinotektahan ako ng Maxim," dagdag pa niya.

Hindi naman tulad ng mga nakaraang teen stars na nagpaseksi sa mga men's magazine, ayon kay Jennylyn, hindi pa siya handa gumanap ng sexy roles.

Tuesday, December 19, 2006

Magbigay ng respeto!

by Allan Diones

Tuloy ang aming Pamaskong Santa Claus ‘series’. Paano kaya kung si Jennylyn Mercado ang maging Santa Claus at kaya niyang bigyan ng kahit na anong gusto niya ang mga babanggitin namin… kabilang ang mga ‘nakaaway’ niya this year na sina Alessandra de Rossi at Ryza Cenon? Heto ang mga sagot ng maaksyong bida ng Super Noypi…

Sa kanyang Mommy Lydia at Daddy Roger?

"Good health. Kasi, pag tumatanda pala talaga, lahat ng sakit, naglalabasan. So, para sa mother at father ko, good health ang ireregalo ko."

Sa rumored boyfriend niyang si Patrick Garcia?

"Sports-minded kasi si Patrick, eh! Mahilig siya ngayon sa archery, so ang ibibigay ko siguro sa kanya eh, bow and arrow! Tapos, kasama ‘yung puso ko na napana nu’ng arrow! Ha! Ha! Ha! Ha!"

Sa ex-boyfriend niyang si Mark Herras?

"Siguro, friendship ang pinakamaganda kong gift for him. ‘Yung palagi akong nandito para sa kanya kung kailangan niya ng kaibigan at karamay.

"Pag bagay naman, mahilig si Mark sa mga X-box at computer kasi, playful siya, eh!"

Kay Mother Lily Monteverde (na produ ng Super Noypi)?

"Mag-hit ang Super Noypi at lahat ng filmfest entries ng Regal, sana, maging patok sa takilya!"

Kay Ryza Cenon?

"Wala. Siguro, siya na lang ang magbigay sa akin ng respeto. Pag binigyan niya ako ng respeto, bibigyan ko rin siya ng respeto.

"Balikan lang naman ‘yun, eh! If she wants to gain my respect, respetuhin niya rin ako. Ganu’n lang ‘yon!"

Kay Alessandra de Rossi?

"Alam ko naman na she’s a good person. Siguro, pinakita niya lang kung anong nararamdman niya. Kasi, medyo vocal si Alex, eh!

"So, siguro lahat ng magagandang bagay na lang ang gift ko sa kanya. Sana, maging okey na rin sila ni Jeremy (Marquez)! At saka fashionista si Alex, di ba? So, baka dress na lang ang ibigay ko sa kanya."

Kay Jeremy Marquez?

"Nako, ano kaya?! Gift of contentment! Ha! Ha! Ha! Siguro, dapat makuntento siya sa kung anuman ang meron siya!"

Sa sarili niya?

"Hindi ako mahilig sa materyal na bagay, eh! Siguro peace of mind lang ang gusto ko at saka gusto ko ng business. Siguro acoustic bar na may kantahan… at para makatipid, ako na rin ang kakanta! Ha! Ha! Ha!"

Jennylyn at Polo, magkaibigan lang

by Jun Lalin

Kalat na ang tsikang there’s something special going on between Polo Ravales and Jennylyn Mercado.

Hindi lang daw basta co-stars sa Super Noypi ang dalawa, kaya inusisa namin mismo si Polo tungkol sa tsismis na ‘yon.

"Wala. Wala talaga. Hindi kami ni Jennylyn, nagulat din ako sa tsismis na ‘yan. "

Noong mag-guest kasi ako sa All Star ‘K’ to promote Super Noypi, may fans si Jennylyn na nagpunta sa taping, kaya may mga nagduda tuloy at natsismis na kaming dalawa.

"Pero friends lang kami ni Jennylyn at hindi kami dapat matsismis!" sabi ni Polo.

Ano ang reaksyon ni Ara Mina sa tsismis na nagli-link sa kanila ni Jennylyn?

"Wala. Actually, wala pa siyang alam tungkol sa tsismis na ‘yan dahil nasa Europe pa siya. Siguro, pagdating na niya, saka namin ‘yan pag-uusapan.

"Wala akong dapat ipag-worry dahil hindi talaga totoo ‘yung pagli-link sa amin ni Jennylyn.

"Ni hindi ko kailangang mag-explain kay Ara!"

Monday, December 18, 2006

Jennylyn Mercado's Christmas wish list


Nora Calderon Monday, December 18, 2006

During the press con of the 2006 Metro Manila Film Festival entry Super Noypi last December 15 at the Imperial Palace Suites, PEP (Philippine Entertainment Portal) asked young actress Jennylyn Mercado to play Santa Claus.

Tinanong namin si Jennylyn kung anong gifts ang ibibigay niya this Christmas sa mga sumusunod na tao, at ito ang naging sagot niya:

Patrcik Garcia—"Feeling ko nasa kanya nang lahat. Pero mahilig siya sa sports, sa archery. Siguro bow and arrow na lang."

Mark Herras—"Ang friendship ko. Lagi ko namang sinasabi sa kanya na narito lang ako para sa kanya. Matagal na ang pinagsamahan namin ni Mark at marami na rin akong natutunan sa kanya."

Jeremy Marquez—"Dapat makuntento na siya sa kung ano ang meron siya."

Alessandra de Rossi—"Alam kong she's a nice person. Para sa kanya, dahil fashionista siya, bibigyan ko siya ng dress na ako ang nag-design."

Ryza Cenon—"Siya na lang ang magbigay sa akin. Bigyan niya ako ng respeto para irespeto ko rin siya."

Mother Lily Monteverde—"Maging successful itong Super Noypi."

To herself—"Peace of mind. Gusto ko ring matupad ang dream ko na makapagpatayo ng acoustic bar. Since marami na nito sa Tomas Morato at sa Timog area, siguro sa malapit sa amin sa Commonwealth. At para sa Mama at Papa ko, good health pa rin kasi nagiging masasaktin sila lately."

Jennylyn happy this Christmas because of Patrick?

c/o emmie_t

Photobucket - Video and Image Hosting

Jennylyn says that this year is her happiest Christmas ever.
Alex Datu | Monday, December 18, 2006

Dahil break na sa kanyang dating boyfriend na si Mark Herras, marami ang nag-aakala na magiging malamig ang Pasko ng young actress na si Jennylyn Mercado.
Sa press con ng Super Noypi kagabi, December 15, sa Imperial Palace Suites, ay pinabulaanan ni Jennylyn na magiging malamig ang Pasko niya ngayong taon. Taliwas sa inaakala ng marami, ayon sa young actress ay ito na raw ang magiging pinakamasaya niyang Pasko.
Dahil kaya ito sa nababalitang bagong boyfriend niya na si Patrick Garcia?
"No, it's not only Patrick dahil friends lang naman kami," nakangiti niyang sagot. "Happy ako dahil kumpleto ang family ko, lahat ng friends ko nandito, tapos lahat ng mga supporters ko ay nandito na continuous pa rin ang pag-support nila sa akin."
Dagdag pa niya: "Special sa akin ang Paskong ito dahil marami ang mga taong laging nandiyan para protektahan ako kahit anuman ang mangyari sa akin."
Nang tanungin kung kasama si Patrick sa mga taong tinutukoy niya, "opo" ang naging sagot niya.
"Sweet" ang description ni Jennylyn kay Patrick, pero may mga pagkakataon daw na hindi nila ipinapakita sa publiko ang nasabing sweetness dahil baka makaapekto ito sa screen loveteam niya with Mark.


"Umiiwas lang po sa intriga," sabi ni Jennylyn. "Lalo na kung marami ang nakatingin, iwas na lang para maprotektahan ang sarili ko at para rin maprotektahan si Patrick."
Kasama ni Jennylyn si Mark sa Super Noypi, na isa sa apat na official entries ng Regal Entertainment sa 2006 Metro Manila Film Festival.

ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles
Ang Pilipino STAR Ngayon 12/18/2006

Sa final presscon lang ng SuperNoypi ng Regal nalaman ni Jennylyn Mercado na nali-link sila ni Polo Ravales pero, agad din nitong itinanggi. Kahit pang-promo lang sa movie, wala pa rin daw katotohanan ang tsika lalo’t ‘di naman sila magka-loveteam.

Ayaw lang naming maniwalang wala siyang love life ngayon dahil maganda ang aura nito at puro positive ang comments kay Patrick Garcia. Ang relasyon din yata nila ang rason kung bakit pinagsama sila sa Twin Sisters (dating Super Twins) kahit ‘di sila ang magkaloveteam.

Excited na si Jennylyn sa balitang may part 2 ang SN at wish nitong, siya pa rin ang kunin to portray the role of Lia. Dahil mapaghahandaan ng husto, tiyak na mas magagandang stunts ang kanyang gagawin at willing siyang ulitin ang paglambitin sa helicopter.

Samantala, may rason kung bakit ‘di napanood magsayaw sa SOP kahapon at sa mga promo ng SN si Jennylyn. Iniingatan nitong bumuka ang tahi sa operasyon niya ng cyst sa boobs noong December 11, sa V. Luna Medical Center at balitang maraming cyst ang inalis at mahirap kung magsibukahan ang mga tahi.

December 18, 2006 05:48 PM Monday Article read 2,005 time(s)



By: Nel Alejandrino



Inoperahan pala ng cyst sa boobs si Jennylyn Mercado noong December 11 sa V. Luna Medical Center.

Ang takot na bumuka ang tahi ang rason kung bakit ’di sumayaw sa promo ng Super Noypi sa SOP kahapon at sa dance concert ni Mark Herras kamakailan.

Nag-request itong kakanta na lang sa kanilang promo habang nagpapagaling ng operasyon. Marami raw tinanggal na cyst sa dalaga, pero okey na siya and in fact, darating siya sa premiere night ng movie sa Dec. 22, 7 p.m., sa Cinema 10 ng SM Megamall.

Gusto niyang marinig ang comments ng tao sa mga ginawa niyang stunt.

December 18, 2006 06:01 PM Monday Article read 857 time(s)

Jennylyn kinalimutan na ang birthday ng ex-BF
By: Noel Asiñas

Mark Herras & Jennylyn Mercado
Cut!

MAGANDA ang ratings ng Takeshi Castle sa QTV11. Pumapalo ito sa 12 % (high-iest) at hindi bumababa sa 5% ratings.

Kaya naman, para mas marami pang makapanood na kabataan sa weekend ay ili-lipat na ito, simula Dec. 23, sa GMA-7. Gagawin itong pre-programing ng SOP tuwing Sunday. Mga bagets ang target audience nito. Walang pa-sok ang mga bagets kapag weekends kaya lalong magi-enjoy sila sa panonood ng Ta-keshi Castle.

Sabi ng aming source, every week din ay may special guest na artista ang Ta-keshi Castle. Regular hosts pa rin sina Joey de Leon at Ryan Yllana.

Dalawang big stars ang mga guest ngayon sa show, si-na Jennylyn Mercado at Mark Herras at mapapanood pa rin ngayong Monday to Friday sa QTV, ika-8 ng gabi.

* * *

SPEAKING of Jennylyn Mercado, nakalimutan na niya ang birthday ni Mark Herras ngayong December 2006. Ka-ya nang tawagan mismo ni Mark si Jen to remind her of his natal daw nagulat pa ang dalaga. Gayunpaman pina-dalhan niya si Mark ng isang bote ng paboritong pabango nito as birthday gift.

Kahit hiwalay na sila bilang magkatipan, best of friends pa rin naman daw sila. At mas maganda ang sama-han nila sa ganitong relasyon at resulta, naging mas smooth ang shooting nila for Super Noypi, entry ng Regal Entertainment sa Yuletide filmfest ngayon, at kung saan pareho silang bida. Wala na ang usual na awayan nila noon nang sila’y magsyota pa na nagiging dahilan ng problema sa shooting o taping nila.

Sa Super Noypi ay co-stars nila sina Katrina Halili, Polo Ravales, Sandara Park, John Prats. Aubrey Miles, Monsour del Rosario at iba pa. Si Quark Henares ang direktor ng super adventure, futuristic movie na ginastuhan ng Regal ng milyun-milyong pi-so dahil kumuha pa si Mother Lily ng American special ef-fects expert para ang movie ay maging at par sa Hollywood movies.

* * *

DENY-to-death si Polo Ravales hinggil sa issue na siya’y nanliligaw kay Jennylyn Mercado. Sinabi ito ni Polo sa presscon ng Super Noypi kamakailan.

Ayon sa actor, nagkasama lang sila ni Jen sa Super Noypi pero, never niya itong niligawan.

Ani Polo: “Talagang si Ara Mina lang ang babae sa buhay ko ngayon. Hindi ko siya papalitan kahit madalas siyang wala sa bansa.”

Darating bukas, Dec. 19, si Ara mula sa European concert tour nito. At sa Dec. 24, on Christmas eve, ay magnu-no-che Buena si Polo sa piling ng pamilya ni Ara.

Sunday, December 17, 2006

c/o shiela_marie

"A little daring daw lamang ang pagpu-pose niya sa cover ng MAXIM Philippines, na lalabas na sa December 24, say ni Jennylyn Mercado before the presscon ng Super Noypi ng Regal Entertainment.

Wala raw magagalit sa kanyang pagpu-pose dahil nagpaalam daw siya sa GMA Artist Center kasi nga sa ABS-CBN ang said men's magazine. Unang usapan nga raw ay ang costume niya sa movie ang isusuot niya, pero nagreguest daw ang magazine kung puwedeng nakashorts at sleeveless tops ang isuot niya.

Ayaw daw niya talaga magpasexy pictorial dahil naniniwala siya sa sinabi ni Rica Peralejo na dapat daw kung magpu-pose ka ng sexy pag-isipan mo muna ng 1,000 times para hindi ka magsisi tulad ng pagsisisi nito ng magpose ng sexy noon sa isang liquor calendar.

Hindi raw niya alam kung totoong nagtatampo sa kanya ang FHM dahil hindi siya sa kanila nagpacover. Ang totoo raw, nerbiyos na nerbiyos siya sa shoot lalo pa at ngarag siya ng araw na yun dahil paputol-putol ang pictorial niya.

Nasabay din yun sa story conference ng bago niyang TV series na Twin Sisters at press conference nila ni Mark Herras ng Super Noypi."

c/o shiela_marie

lifted from an article of Nora Calderon in PM

Kahit anong pilit kay Jen, hindi siya napaamin na silang dalawa na ni Patrick Garcia.Basta this Christmas daw ay masaya siya, hindi malamig ang Pasko niya dahil she's complete.

Kasama niyang magsi- celebrate ng Christmas sa bahay niya sa may Batasang Pambansa ang buo niyang family dahil iuuwi niya roon ang kinikilala niyang ama,si Daddy Roger na sa Las Pinas nakatira.

Ikinagulat niya na nali-link na naman siya kay Jake Cuenca pero mas nagulat siya kay Polo Ravales at hindi niya alam kung saan nanggaling iyon.

Natawa rin siya na pinupuntahan pa raw niya si Jake sa condominium nito para lamang sila magkausap. Sa rami daw ng trabaho niya, may time pa raw ba siyang pumunta kung kani-kaninong bahay para lamang makipagusap. Kaya raw pala nagtext si Jake sa kanya at sabi nito "Jen, iniintriga na naman tayo."

HOT SHOTS
Gerry Ocampo

Dahil ayaw tantanan si Sandara ng isyung tomboy kay Katrina Halili, sinabi nitong mas gusto at paborito niya si Jennylyn Mercado kesa kay Katrina.

Paliwanag ni Sandara: “Marami kaming similarities ni Jen. Pareho kaming mahilig kumanta, almost every week nasa videoke bar kami. Ang paborito pa naming kanta ay songs ni Regine Velasquez.

“Masarap kasama si Jennylyn, isa siya sa mga pinakagusto ko sa showbiz,” patuloy pa ng binansagang Krung-Krung ng showbiz.

Lalo raw silang naging close ni Jennylyn mula nang magkasama sila sa Super Noypi entry ng Regal sa Metro Manila Film Festival.

By: Nitz Miralles

PAREHONG nagulat sina Jennylyn Mercado at Polo Ravales sa isyung may secret relationship sila na nabuo habang ginagawa ang Super Noypi.

Nabuking daw ito nang bantayan ang actor ng dalawang alalay ng actress sa taping ng All Star K! at umalis lang nang tapos na si Polo.

Ang paliwanag ni Polo, natutuwa lang sa kanya ang fans ni Jennylyn at naging close rin siya sa mga ito dahil maganda ang naging samahan nila sa shooting.

Sila pa rin daw ni Ara Mina at wala siyang balak na palitan ito kahit ’di masyadong nagkikita.

Walang makitang rason si Jennylyn para ma-link kay Polo kahit promo ng SN dahil ’di sila ang magka-loveteam sa movie.

Naloka nga ito dahil may tsismis pang binabalikan siya ni Jake Cuenca at ang actor pa ang nag-text para ipaalam ang tsismis.

Jennylyn inoperahan sa boobs

FOOTLOOSE
LEO M. BUKAS

HINDI pa puwedeng sumayaw si Jennylyn Mercado dahil naoperahan siya sa boobs nung Dec. 11 sa V. Luna Hospital. May mga tinanggal na cyst sa kanyang boobs at kailangan pa niyang magpagaling bago muling makahataw sa pagsayaw.

Part dapat si Jennylyn ng isang dance number sa SOP this Sunday para sa promo ng movie nilang Super Noypi ng Regal pero dahil sa operasyon, hindi na muna siya sasayaw.