Thursday, January 04, 2007

c/o sheila_marie

Lifted from Nora Calderon's column in PM

Kailangan sa isang artista ang humility, para lalo siyang magtagumpay. Nagreact ang mga nagtext sa amin na napanood daw nilang pag-interview ni Lhar Santiago kay Ryza Cenon sa SOP last Sunday sa Rajah Sulayman Park at ipinalabas sa 24 Oras last Tuesday evening, na tumakbo ito at hindi sinagot ang tanong ni Lhar kung handa na ba siyang makipagbati kay Jennylyn Mercado since New Year na.

Nang tanungin naman si Jen, handa na raw siyang makipagbati kay Ryza dahil mas maganda iyong bagong taon, wala siyang kaaway. It seems daw na ayaw pa talagang makipagbati at parang nagmamalaki pa si Ryza na siya namang umungkat sa dati nilang tampuhan noon ni Jennylyn nang magpainterview ito sa isang magazine at inilabas ang matagal na pala niyang galit kay Jen.

Nasaktan daw kasi siya na tinawag siyang batang ahas ng mga fans ni Jennylyn noon. Pero hindi raw ba mas magandang maging humble si Ryza kaysa magmalaki pa?

-------------

Deadma lamang sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia sa pamimilit ng hosts na sina Janice at Gelli de Belen at Carmina Villaroel na sagutin ang tanong nila kung sila na nga talaga ngayon, sa live presentation ng show kahapon, kahit sinabi nilang dapat daw ay hindi na maglihim ang dalawa dahil 2007 na. Pero nung tanungin si Jennylyn kung ano ba sa face ni Patrick ang gusto niya at bakit, ang pinili niya, mga mata raw ni Patrick dahil magaganda raw ito, pero may sinabi pa si Jen na understanding at sweet daw si Patrick.

Nang si Patrick naman ang tanungin, na since lumilipad din siya sa Captain Barbell saan ba nya ililipad o dadalhin si Jennylyn? Dadalhin daw niya sa kanyang puso para daw makilala nitong mabuti kung sino siya. Payag daw naman si Jen, kaya lalong kinilig ang 3 hosts. Kailan kaya aamin sina Jennylyn at Patrick?

Wednesday, January 03, 2007

Jennylyn, sumusunod sa yapak ni Judy Ann


SUNTOK SA BUWAN
Ni Emy Abuan-Bautista
Ang Pilipino STAR Ngayon
01/03/2007


Nang maging guest kami sa Gandang Ricky Reyes nina Vero Samio, Nene Riego, Linda Rapadas at Len Llanes ay naging ispesyal ding panauhin ang mga manghuhulang sina Rene Mariano, Madam Rosa at Madam Auring.

May mga tanong kami tungkol sa mga artista na sinagot nila.

Isa sa mga tanong namin ay kung sino sa mga kabataang artista ang nakikita nilang susunod sa yapak ni Judy Ann Santos. Nagkakaisa ang tatlong manghuhula sa pagsasabing si Jennylyn Mercado ang posibleng maging katulad ni Juday na isang magaling na dramatic actress at mahusay din sa komedi. "Bukod sa may ibubuga sa pag-arte ay propesyonal pa rin ito," anila.

Sa kabilang banda, sinabi ni Becky Aguila na kaya hindi nakadalo sa MMFF Awards Night si Jen dahilan sa isang linggo na itong maysakit dahil sa broncho-pneumonia at kinakailangan siyang magpahinga ayon sa doctor nito.

Tuesday, January 02, 2007

c/o yahu_dhudz

Para namang pinagtiyap, noong Biyernes, Dec. 29, sabay na nasa St. Luke's ang dalawang alaga ni Tita Becky na sina Angel at Jennylyn Mercado.

Isinugod ng inang si Lydia si Jen sa hospital dahil inaapoy ito ng lagnat.

Bronchitis at tonsillitis ang findings ng doktor pero hindi naman siya kinailangang ma-confine at pinauwi rin ng gabing 'yun, kaya hindi na sila nagkita ni Angel, na nauna lang sa kanya ng dating.

Idinaos naman ni Jen and Mommy Lydia ang Bagong Taon sa bahay ng manager at para silang isang masayang pamilya na sinalubong ang pagpapalit ng taon.

Dinig namin ay bracelet ang Christmas gift ni Patrick Garcia kay Jen. At hindi lang ang young actress ang may regalo, kundi pati si Mommy Lydia. Binigyan siya ng young actor ng mamahaling starter set na makikita na raw ngayong naka-display sa dining table ng dalaga.

Kahit hindi direktang umaamin, it's very obvious na si Patrick na nga ang nagmamay-ari ng puso ni Jen.

-------------

Still on Jen, kauumpisa pa lang ng 2007, may buwena-mano nang intriga sa kanya. Bumulaga agad ang tsismis na nagparetoke siya ng boobs dahil malaki raw ito ngayon.

Natatawa na lang ang young actress dahil hindi siya nagparetoke.

Totoong nagpaopera siya sa boobs, pero ito ay para tanggalin ang cyst na tumubo roon. Actually, tig-isang bukol nga ang inalis sa magkabilang boobs ni Jen. Akala nila ay isa lang, pero the doctors found out na meron na ring maliit na cyst ang kabila. Good thing, nakita na agad bago pa man lumala.

Lumabas na ang findings ng cyst na nakuha mula sa breast ni Jen at benign naman daw ito, kaya laking tuwa ni Jen, pati na ang mga mahal sa buhay.

Ngayon, sa mga mag-i-insist na nag-breast enhancement si Jen, puwedeng ipakita ng kanyang manager ang certificate ng findings just to prove na hindi totoo ang tsismis.

Love(less) JENeration




Manila Standard Today
Eye Candy
01/02/07

JENNYLYN Mercado is a star in a limbo.

After her widely publicized on and off-cam relationship with Mark Herras went kaput, Jennylyn’s popularity seemed to have gone down the drain as well. Although no StarStruck winner has ever duplicated, if not surpassed the popularity of Jennylyn to this day, the breakup deeply affected the young girl’s career. And because many Kapuso fans have come to associate her with Mark, Jennylyn is having a hard time finding a more suitable onscreen partner. Rumormongers have also resorted to stirring hearsay linking Jennylyn with Polo Ravales. But alas, only a few believe in it.

Fortune is still smiling on the young girl, though. Because if it weren’t, then Jennylyn Mercado would have gone stale—unbankable and uninteresting—by now. She stars in Quark Henares’ Metro Manila Film Festival entry Super Noypi, which is now in theaters. —GLibarios