Saturday, May 12, 2007

c/o ate olive

ALEX STILL HARD ON JENNYLYN

SO the feud between Alessandra de Rossi and Jennylyn Mercado has not been resolved yet. Heard that at the taping of “Super Twins,” Jennylyn made several attempts to reconcile with her, but Alessandra won’t budge. Her reason for doing so must be deeply rooted. Or was it just pride?

If we were Jennylyn, we would not stoop that low. If one is trying her best to reconcile with a former enemy, and the other party keeps a hard stance, let her be. It won’t make Jennylyn a lesser person, and Alex a greater one for that matter.


/bong de leon

Friday, May 11, 2007

c/o sheila marie

Jennylyn at Patrick Ikinasal Na!
Vinia Vivar-Bulgar 11 May 2007

Nauna nang nagpakasal sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia. Kinunan ang wedding scene nila sa pelikulang Angels last Wednesday sa Fernwood Gardens kaya ang biruan tuloy, baka hindi na sila magkatuluyan sa totoong buhay.

Ang nasabing eksena ay idinagdag ng direktor na si Mark Reyes para mas matuwa ang mga fans nina Jen at Pat, lalo pa nga't unang pagtatambal nila ito ever.

Cute ang trailer ng said trilogy movie na ginawa ni Direk Mark. Pati ang theme song ay akmang-akma na isang original composition titled For the Rest of My Life to be sung by Kyla at may version din si Jennylyn. Nasa You Tube na ang nasabing trailer at nakakatuwa dahil ang ganda ng feedback ng mga members.

c/o ate olive

Buti pala sa July 25 ang playdate ng Quija movie nina Judy Ann Santos at Jolina Magdangal na produced ng GMA Films dahil kung sakaling magkakasabay sila ng Angels na produced nina Angel Locsin at Becky Aguila ay magsasalpukan ang mga talent ng Siete.

Contract stars ng GMA-7 sina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado para sa Angel Love, Angel at Eunice Lagusad Angel of Mine at Marvin Agustin at Valerie Concepcion Daddy’s Angel at hindi naman din gusto ng mga producer na makatapat ang pelikula ng kapwa nila Kapuso stars.

Samantala, nakatakda palang magkaroon ng premiere night sa Amerika ang pelikulang Angels at kung hindi magbabago ay sa June 25 ang alis ng grupo ng dalawa at iba pang staff right after ng opening dito sa Pilipinas sa June 13 na released naman ng OctoArts Films.

Isasabay na rin ni Angel ang bakasyon niya sa Amerika dahil magtatapos na ang Asian Treasures, pero bago mangyari’yun ay papunta muna sila ng China this month.

And speaking of Jennylyn, kaarawan nito sa May 15 (after ng election) at isosorpresa raw siya ng boyfriend niyang si Patrick na patatapusin lang ang kaarawan ng aktres bago tumulak patungong Alaska sa May 19

/regeee bonoan

c/o ate olive

Naka-post na sa You Tube ang full trailer ng Angels ng Eagle Eye Productions nina Becky Aguila at Angel Locsin.

Natutuwa naman ang mga producer dahil maganda ang feedback na natatanggap nito mula sa members ng nasabing website.

Ang isa sa mga napupuri sa trailer na ginawa ni Direk Mark Reyes ay ang theme song. Isa itong original composition na may titulong For the Rest of My Life. Balak ni Tita Becky na ipakanta ito kay Kyla at may version din si Jennylyn.

Tuwang-tuwa ang manager-cum-movie producer sa finished product. Wish niya na maging successful ito sa box-office para masundan pa.

Ngayon pa lang, may naka-ready na ang Eagle Eye na second project at ito ay isang sex-comedy na inspired ng Working Girls ng Viva Films noon. Si Dingdong Dantes ang nagdirek ng Daddy’s Angel episode ng trilogy movie at first film directorial job niya ito.

Jose Dantes na ang pangalang gagamitin niya bilang direktor dahil masyado raw pambata ang name niyang Dingdong.

/vinia vivar

Thursday, May 10, 2007

Kahapon nire-shoot ang ilang eksena nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia sa pelikulang prodyus nina Angel Locsin at Becky Aguila.

Sa Timog Avenue, Quezon City kinunan ang isang eksena at kagabi ay lumipat sila sa Fernwood Gardens para sa wedding scene nina Jennylyn at Patrick.


Abante Tonite
5/10/07
Jun Lalin

c/o sheila marie

JENNYLYN DEADMA SA MGA PARINIG NI ALESSANDRA
Abante Tonite-Joe Barrameda- 10 May 2007

May gusot pa rin sa pagitan nina Jennylyn Mercado and Alessandra de Rossi sa set ng Super Twins.

Ayon sa mapagkakatiwalaang sources ay madalas paringgan ni Alessandra si Jennylyn pero hindi na raw pinapatulan ni Jennylyn si Alessandra.

Dedma si Jennylyn sa mga parinig ni Alessandra kaya walang gulong nangyayari sa set.

Madalas daw binabati ni Jennylyn si Alessandra pero dedma ang huli.

Pinagsabihan daw ng production people si Jennylyn na huwag na lang batiin si Alessandra. Naiirita raw ito tuwing babatiin ni Jennylyn.

Mas feel daw ni Alessandra na wala na lang pansinan at ang trabaho na lang ang pagtuunan ng pansin.

Mukhang mahirap yata yung may katrabaho ka na alam mong hindi ka feel o galit sa iyo.

Sabagay, may mga taong sanay sa ganoong sitwasyon. Siguro, mas nakatutulong ito kay Alessandra sa kanyang role na api-apihin ang Super Twins.

c/o ate olive

NA-OVERCOME na pala ni Jennylyn Mercado ang nangyari sa kanya sa San Mateo, Rizal nu’ng Sabado ng madaling araw.

Galing ang aktres ng Super Twins sa bahay ng kanyang road manager. Pauwi na sana siya, kasama ang inang si Mommy Lydia at isang Tita, nang harangin ang kotse niya ng isang lalaki na naka-motor.

Takot daw ang naramdaman ni Jen dahil inutusan pa raw sila ng lalaki na ibaba ang mga bintana ng sasakyan. Anyong dinadamba pa raw ng lalaking hindi nakilala ang kanyang sasakyan. Lalong tumindi raw ang takot ng aktres nang sigaw-sigawan sila ng lalaki.

Kahit may naramdamang takot, nakuha pang tawagan ni Jen ang kanyang road manager na malapit lang sa lugar ng pinangyarihan. Agad naman daw dumating ang kanyang road manager at kasama pa nito ang kanyang asawa.

Kinausap ang lalaki at napagkasunduang sa barangay na lang magpaliwanagan. Pero laking gulat ng grupo ni Jen nang biglang tumakas ang lalaki sakay ng kanyang motor.

Hindi naman nakasaklolo ang boyfriend ni Jen na si Patrick Garcia na kasalukuyang nagteteyping din ng mga oras na ‘yon.

“Nagte-taping ako pero sinabi ko sa kanya na just have your doors locked at huwag na lang nilang pansinin. Kung naka-motor naman ‘yung lalaki at nasa kotse naman sila, Jen is more on a safer situation,” paliwanag ni Patrick sa interview sa kanya ng Chika Minute ng 24 Oras ng GMA.

Aminado si Jen na kapag hinarap sa kanya ang lalaki ay makikilala pa rin daw niya ito. Ayaw na nga lang niya magsampa ng kaso.


/lito manago

Wednesday, May 09, 2007

c/o sheila marie

JENNYLYN TINORTYUR ANG SARILI
VINIA VIVAR-9 MAY 2007

Nagkandapaltos-paltos ang talampakan ni Jennylyn Mercado nang tumakbong nakapaa sa gitna ng initan sa taping ng Magpakailanman last Saturday. ang atletang si Elma Muros ang ginagampanan ni Jen at kailangang tumakbo siyang walang suot sa paa dahil yun daw ang ginagawa noon ng sprinter sa training nito dati.

Kahit nasasaktan, ginawa ni Jen ng walang reklamo ang eksena kaya ang ending, umuwi siyang namamaltos ang talampakan.

Awang-awa naman ang staff sa young actress dahil kung tutuusin ay puwede namang itong magreklamo o di kaya ay gawan ng paraan para pagaanin ang eksena. But since wala naman daw itong sinasabi sa direktor, itinuloytuloy ang scene.

Good thing natapos naman ni Jen nang walang aberya ang eksena't hindi sinumpong ng kanyang sakit sa puso lalo pa nga't kagagaling lang niya sa hospital nung Biyernes.

Dito lalong humanga ang staff kay Jen dahil napaka-propesyunal daw talaga ng young actress.

c/o ate olive

Habang tumatagal, mukhang lalong nagiging seryoso sa isa’t isa sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia.

Halos araw-araw, magkasama sila at kapag magkahiwalay naman, hindi puwedeng magsinungaling kung nasaan ang isa dahil parehong may locator device ang mobile phones.

Halos lahat ng galaw at text messages ng isa ay alam ng isa. Hindi puwedeng magbura si Jen ng messages hanggang hindi nababasa ni Patrick.

Sinasabing si Jen lang ang nakapagpabago ng dati’y suplado at mainitin ang ulong boyfriend kaya pati ang mother ni Patrick ay natutuwa, gayundin ang kapatid nitong si Cheska.

By the way, abangan ang birthday celebration ni Jennylyn sa Sunday sa SOP dahil magkikita silang tatlo nina Patrick at Mark Herras.

Actually, na-tape na ang nasabing episode na iere sa Sunday at wala namang tensyong namagitan sa tatlo, lalo na kina Patrick at Mark.

/vinia vivar

Tuesday, May 08, 2007

Abante tonite
Jun Lalin
5/8/07

Si Jennylyn Mercado ang bida sa life story ni Elma Muros sa Magpakailanman.

Dapat ay magkasunod na araw (Sabado at Linggo) ang taping ng episode na ‘yon pero dahil nagkasugat-sugat ang mga paa ni Jennylyn sa isang eksenang kinunan nila noong Sabado, na-pack-up ang taping nila noong Linggo.

Nag-taping na lang si Jennylyn ng birthday celebration niya sa SOP noong Linggo. Ipalalabas ito sa Mayo 13.

Sa pakikipagtsikahan namin kay Jennylyn noong Linggo ay napansin namin na mas healthy na ang dating niya ngayon.

Nagkalaman na siya, unlike noon na sobrang payat niya.

Monday, May 07, 2007

c/o ate olive

By: Vinia Vivar
Hot 'n Spicy

HINDI naman Friday the 13th noong Biyernes, pero dalawang magkasunod na untoward incident ang nangyari kay Jennylyn Mercado last Friday.

Una, nang isugod siya sa hospital last Friday due to hyper-ventilation. Katatapos lang ng taping ni Jen ng Super Twins at nagpapahinga na siya sa bahay nang biglang hindi na naman siya makahinga.

Isinugod siya sa FEU Hospital sa Fairview at kaagad binigyan ng oxygen. Maya-maya, bumuti na ang pakiramdam ng young actress-singer, kaya pinauwi na siya.

Pag-uwi sa bahay, kung bakit naman maya-maya, naisipan niyang lumabas at pumunta sa bahay ng PA na si Mel Pulmano sa San Mateo, Rizal.

Gusto niyang magpasama kay Mel sa taping ng Magpakailanman kinabukasan (Saturday) dahil baka sumpungin na naman siya ng paninikip ng dibdib, lalo pa nga’t takbuhan ang mga eksena, dahil life story ng atletang si Elma Muros ang gagampanan.

Papauwi na siya galing San Mateo, Rizal, nang harangin ang sasakyan niyang Honda Jazz ng lalaking naka-motorsiklo.

Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa kanya and it turned out na naimbiyerna lang pala ang lalaki nang masilaw ng malakas na ilaw ng kotse ni Jen.

Sa May 15, kaarawan na ng young actress-singer at gusto sana niyang mag-celebrate out of town, pero hindi pa niya madesisyunan kung saan.

Sa kasalukuyan, ginagawa niya ang Tiyanak under Regal Films, kung saan ay kapareha niya si Mark Herras.

Mayroon pa rin siyang nalalabing eksena sa Angels ng Eagle Eye Productions na kukunan sa Miyerkules.

Sa Angel of Love episode ng Angels ay kapareha naman ni Jen ang real-life boyfriend na si Patrick Garcia.

First time niyang nag-two-piece sa said film alang-alang sa manager na si Becky Aguila at ka-kuwadrang si Angel Locsin, na producers ng movie.

c/o ate olive

Jennylyn hinarang ng 'di kilalang lalaki
By: Nitz Miralles

Jennylyn Mercado
PAGKATAPOS ng nangyari sa kanya noong madaling-araw ng Sabado, hindi na siguro lalakad nang walang kasama si Jennylyn Mercado, lalo na kung madaling-araw.

Naitsika sa aming hinarang ang sasakyan nito ng isang lalaking naka-motor while on her way to San Mateo para ipaalam sa PA na may taping siya ng Magpakailanman.

Noong una raw, sinabayan lang ang sasakyan ni Jennylyn, pero kalaunan, hinarang na. Nagpakilalang taga-GMA-7 ang dalaga at sagot ng humarang, wala siyang pakialam kahit si Mike Enriquez pa siya.

Agad tinawagan ni Jennylyn ang PA, na agad ding dumating at nang makita ng mga humarang na may mga kasama, biglang umalis.

Hindi siguro nakilala ng lalaki si Jennylyn dahil kung nakilalang artista, baka hindi lang pananakot ang ginawa sa kanya.

Mabuti rin at hindi nito kasama si Patrick Garcia dahil siyempre, magagalit ito at baka kung ano pa ang nangyari.

Kundi galing sa shooting ng Tiyanak, galing sa taping ng Super Twins si Jennylyn, kaya late nang pumunta sa San Mateo. Pero, mas safe pa rin kung tinawagan na lang nito ang PA kesa sumugod pa sa lugar nito ng dis-oras ng gabi.

Sunday, May 06, 2007

c/o schizophrenichegelaluh

Dinno Erece

Sunday, May 6, 2007

Rating

Kung naging busy man si Mother Lily Monteverde sa pag-i-endorso ng
mga paborito niyang senatorial candidates, working in the background
naman ang team ng anak niyang si Roselle Monteverde at si Direk
Manny Valera for Regal Entertainment' s second and third movie of the
year, after Happy Hearts.

Sabay na kinukunan ngayon ang My Kuya's Wedding at Tiyanak.

Tiyanak stars Jennylyn Mercado, Mark Herras, JC de Vera, Karel
Marquez, and Rica Peralejo. The remake is under the direction of
Mark Reyes from the script of Fairlane Raymundo. Ang locations nito
ay sa Apalit sa Pampanga, Pulilan sa Bulacan, at Tagaytay sa Cavite.

My Kuya's Wedding stars Ryan Agoncillo, Maja Salvador, Jason Abalos,
and Pauleen Luna. This is from the script of-US based scriptwriter
Allan Tijamo, who also wrote the script of Blue Moon, sa direction
naman ni Topel Lee. Sa Bulacan mostly kinukunan ang major scenes ng
movie.

Monday, Wednesday, and Friday ang schedule ng shooting ng Tiyanak.
Tuesday, Thursday, at Saturday naman ang My Kuya's Wedding. Depende
sa kung ano ang mauuna sa dalawang pelikula ang magiging playdates.
Maaaring end of June ang Tiyanak at sumunod ang My Kuya's Wedding,
or baka ang My Kuya's Wedding ang mag-end of June at sundan naman ng
Tiyanak.

Inaayos na rin ang mga susunod na movie ng Regal Films: isang Rahyan
Carlos movie at isang Joel Lamangan movie.

PEP

c/o schizophrenichegelaluh

Mahusay raw magpalambot si Jennylyn Mercado.

Totoo `yon, pero bago kayo mag-isip ng kung anu-ano, magpalambot po
ng puso ng tao ang gusto naming tukuyin.

Sabi-sabi kasi na si Jennylyn ang dahilan kung bakit biglang-bigla
ay naging malambot ang personalidad ni Patrick Garcia ngayon.

Hindi na nga raw katulad noon si Patrick na parang palaging mainit
ang ulo. Na konting kibot lang, parang nagagalit na.

Hindi na rin daw katulad noon si Patrick na isnabero. Dahil mula raw
nang maging karelasyon nito si Jennylyn ay naging malambing na ito
sa ibang tao.

Hindi rin daw totoo na tutol na tutol ang pamilya ni Patrick kay
Jennylyn. Katunayan, botong-boto nga raw ang pamilya ni Patrick kay
Jennylyn.

Sabi ni Patrick, hindi rin daw, nakikialam ang kanyang pamilya sa
mga karelasyon niya. Kung sino raw ang gusto nila, `yun na rin ang
nagugustuhan nila.

Lalo na ngayon na magandang impluwensiya si Jennylyn kay Patrick.
Pero ang tanong, gaano kaya katagal aabot ang relasyong ito nina
Patrick at Jennylyn?

Aba, nasaksihan na sa showbiz ang pakikipagrelasyon nila noon, na sa
simula ay makikita mo talagang mahal na mahal nila ang mga kapareha
nila, na parang `yun na talaga ang makakatuluyan nila, pero
makalipas lang ang ilang taon, bigla ring nawawala ang mga taong
`yon sa buhay nila.

Pero sana naman, dahil maganda naman ang impluwensiya nila sa isa't
isa, magtagal na nga sila.

Siyanga pala, marami ang pumupuri sa katawan ngayon ni Jennylyn.
Aba, seksing-seksi nga ito, ha!

Na dapat lang daw na maging seksi siya, dahil si Patrick nga kasi,
mahilig sa mga babaeng seksi talaga.

May mga nagtatanong lang kung bakit parang may mga nagbago sa ibang
bahagi ng katawan ni Jennylyn. Tulad na lang ng kanyang boobs na
medyo lumaki yata, at pati na rin ng kanyang balakang, na parang
kumurba na rin.

Dati raw kasi, medyo maliit ang kanyang balakang, at manipis din ang
umbok sa kanyang dibdib.

Kunsabagay, sa panahon ngayon ay hindi na rin dapat busisiin pa ang
mga pagbabago sa katawan ng mga babae sa showbiz. Aba, normal na
lang sa ngayon ang magparetoke, `di ba?

At kung makagaganda nga sa katawan ng isang babae ang pagpaparetoke,
okey lang `yon. At least, may effort siya na pagandahin ang kanyang
katawan.

Hindi nga siya tulad ng ibang artista na lumalabas at lumalantad sa
publiko na ang pangit-pangit ng katawan o ng itsura nila, `no!

Alfie Lorenzo