Thursday, August 16, 2007

August 16, 2007 05:20 PM Thursday Article read 1,909 time(s)

By: Mercy Lejarde
Tell & Tell




Heard na na-trauma si Jennylyn Mercado dahil kuno sa pagsigaw sa kanya with matching panlilisik ng mga mata ng isang powerful person who cannot accept defeat. Ang dati raw fave song nito ay ang pinasikat na awitin ng The Platters na may lyrics na ... “You are my special Angel, coming from above...,” pero ngayon ay iba na, na tipong ... “Go! Go out the door because you’re not welcome anymore...!”

Jusme, parang tunog ng awiting I Will Survive, ’noh?

Naku, matanong nga si Jennylyn kung sinex itech na puwedeng maging another Bella Flores in the making, tsuk!

Komento tuloy ng ilang showbiz insiders, nami-miss nila si Lenny Parto, dating bossing sa GMA-7.

Oh, that good old days ... that good old days ... now is gone ... gone ... gone! Idinaan daw sa medley, o! Hahaha!

Hayyy, dapat yata ay may ilang exec diyan sa tabi-tabi na mag-seminar kay Charo Santos-Concio ng ABS-CBN on how to handle their position with a kind heart at maging prim and proper in any kind of situation. Huwag magpakalunod sa “isang basong position” na ipinagkaloob ni Lord, amen!

Jennylyn No Show

Manila Bulletin
08/16/07


Jennylyn Mercado must really be feeling bad with what’s happening with her career on GMA 7, in the midst of the feud between her manager, Becky Aguila, and the network because of Becky’s other talent, Angel Locsin. Jennylyn gets inevitably caught into the fray of Angel’s controversial transfer to ABS-CBN that’s why Jennylyn has not been getting any TV guestings and other projects on GMA 7.

Last Sunday, Jennylyn made a statement when she didn’t show up in the fourth anniversary of GMA’s Artists’ Center. She was supposed to have a special production number with her loveteam partner and former boyfriend, Mark Herras, which was supposed to be one of the highlights of the celebration.

There was also a scheduled reunion of "Starstruck" discoveries. But Jennylyn, who was the first "Starstruck" grand champion, didn’t give any explanation why she didn’t grace the occasion. She was simply said to be feeling bad about her status in the network.

Last Saturday, Jennylyn cried buckets when she was interviewed on "Startalk." She has a contract with GMA 7 until February, 2009, but lately she has not been given any projects on the network. The bosses assure Jennylyn that she has nothing to worry about, but they do otherwise since they don’t give her any assignment.

by Billy Balbastro
Abante
08/16/07

We foresee it all: Jennylyn Mercado would be caught in the GMA-Angel-Becky fray, being another Becky protégé.

But we hope someone in GMA realizes that Jennylyn is their top, most popular Starstruck star and she – again we say – is like a "historic icon" who represents GMA-Starstruck to the world.

You don’t destroy what you made.

by Jun Lalin
Abante Tonite
08/16/07


Obviously, si Jennylyn Mercado ‘yung tinutukoy sa isang item na sinita-sita kuno ni Ms. Wilma Galvante (senior vice-president for entertainment ng GMA 7) at pinaaamin na may alam alam sa ginagawa ng manager niya at ng isang multimilyonaryang aktres na lumipat sa ABS-CBN 2.

Tinext namin ang top lady boss ng Siyete tungkol sa bagay na ito, pero ang sagot niya sa amin ay i-ignore na lang niya ang intrigang ‘yon dahil hindi totoo.

Nilinaw rin ni Ma’am Wilma na hindi siya nakasama nang mag-meeting ang GMA Artist Center, si Jennylyn at ang abogado ng manager nito na si Becky Aguila, kaya walang ganoong pangyayari.

Samantala, may duda ang ibang mga taga-Siyete kung sino ang nagkakalat ng mga ganoong paninira, pero dahil busy sila sa mga bagong exclusive stars nila, hindi na lang daw nila papatulan ang isyung ‘yon.

Anyway, sa interbyu kay Jennylyn kamakailan ay sinabi ng young actress na mahal niya ang GMA 7 at mahal din niya si Ms. Becky, kaya kung totoo ang pahayag na ‘yon ng young actress, aba, dapat lang na linawin niya ang intrigang ito para hindi na lumala pa lalo ang gap sa pagitan ng TV station at ng kanyang manager.

Wednesday, August 15, 2007

excerpt


August 15, 2007 03:28 PM Wednesday Article read 1,159 time(s)


By: Noel Asiñas
NABULILYASO lang pala ang pag-i-endorso nina Angel Locsin at Jennylyn Mercado ng CD Jeans and Shirts.

Ayon sa mga may-aring sina Nelson at Marie Yu, bigla na lang nagbago ang isip ni Becky Aguila, manager nina Angel at Jen, nu’ng magbabayaran at magpipirmahan na sila.

Ani Nelson: “Hawak ko na ang tseke nu’ng may tumawag na hindi raw puwede ’yung dalawa. Taga-GMA Artist Center yata ang nakausap.

“So, nagpahanap na lang kami ng ibang endorsers. Buti na lang at nakilala ko si Manny (Ballester), kaya si Nadine (Samonte) ang kinuha namin. Awa ng Diyos, three years na namin siyang endorser.”

Jennylyn, idinadamay pa rin sa pagiging nega ni Angel

Abu Tilamzik
Abante Tonite
08/15/07


--------------------------------------------------------------------------------

Halos lahat ng nakausap kong nakapanood ng Startalk nu’ng Sabado ay naawa kay Jennylyn Mercado.

Nagtataka tuloy ako kung bakit may mga nabasa pa akong hindi raw natuwa si

Jennylyn sa ipinalabas ng Startalk. Kinatay-katay raw ang interbyu kay Jennylyn at hindi raw inilabas ang mga sinabi niyang maganda at mahal na mahal niya ang kanyang manager na si Ms. Becky Aguila.

Mahirap sabihing kinatay dahil sa totoo lang, maiksi lang ang interview ni Butch Francisco. Kung pinagkakatay iyun, maaring hindi mabubuo ang segment na iyun.

Pinanood ko uli ang unedited na interview at pinagtiyagaan kong i-transcribe.

Hinanap ko roon ang mga magagandang sinabi ni Jennylyn na mahal na mahal niya ang kanyang manager.

Narito ang ilang bahagi ng interbyu kung saan nabanggit ni Jennylyn na mahal niya si Ms. Becky:

BUTCH: Kasi di ba, si Valerie (Concepcion), nag-fly na rin sa kabila pero papa’no kung ikaw, anong pinaka-latest now?

JENNYLYN: My heart is with GMA and Tita Becky, and hi hi hi hi dito lang ako hi hi hi!

BUTCH: Sabi mo sa interview na hindi mo iiwan si Becky. Papa’no kung halimbawa na-identify masyado si Becky sa kabila tapos kailangang pumili, anong gagawin mo?

JENNYLYN: Ha? Basta ano, ‘yun lang masasabi ko, ‘yung puso ko, nasa GMA pa rin at kay Tita Becky. So, mahal ko silang pareho.

BUTCH: Ano ang estado mo with Becky and GMA?

JENNYLYN: With Tita Becky, ‘yung status ko, okay naman kami. Kasi she is my manager. GMA naman, sila iyung nagha-handle sa akin eversince and from the start, sila talaga iyung kasama ko. Sila talaga iyung nag-alaga sa akin, nagbigay ng projects. Si Tita Becky rin naman, inalagaan din naman ako and hindi rin ako pinapabayaan sa kahit anong bagay, sinusuportahan naman nila ako.
BUTCH: Kasi, di ba? Magiging problema ‘yun, di ba? Halimbawa kasi, iyung working relationship ni Becky at ng GMA, maiipit ka?

JENNYLYN: No, definitely not, hi hi hi hi. Ayoko nang pag-usapan ‘yan, hindi ko alam kasi ang isasagot ko. Kasi kumbaga, iba iyung situation ko, ang situation ni Tita Becky, situation ni Angel, so hindi kami pare-pareho. Kumbaga, GMA ang nagha-handle sa akin, and si Tita Becky she is always there to support me and naiiyak na ako, wait po (dito tuluyan nang umiyak si Jennylyn).

Kaya ko inilabas ang sagutan nina Butch at Jennylyn para kayo na lang ang bahalang maghanap kung saan doon ang inirereklamo nilang sinasabi ni Jennylyn na mahal na mahal niya si Ms. Becky.

Ang napansin ko lang sa mga sagot ni Jennylyn, kapag sinasabi niyang mahal niya ang kanyang manager, kasama ang GMA 7.

Walang utos sa mga taga-Startalk na dapat ilabas ang mga pahayag ni Jennylyn na mahal din niya ang GMA 7.

Meron lang isang tanong si Butch kay Jennylyn na kung saan sinabi niyang mahal ang Kapuso at hindi kasama ang kanyang Tita Becky.

BUTCH: Anong assurance ang maibibigay mo sa mga fans that you are staying put; that you will be loyal to GMA?

JENNYLYN: Huwag silang mag-worry and I’m sure aalagaan ako ng GMA. Huwag silang mag-alala dahil hindi ako lilipat, ha ha ha ha. At tsaka, mahal ko ang Kapuso.



Hindi kami naniniwalang nagrereklamo si Jennylyn dahil alam siguro niya ang mga sagot niya kay Butch.

Walang dapat iangal si Jennylyn dahil hindi siya naging nega sa interbyung iyun. Sa halip, marami ang naawa sa kanya.

Mag-isip-isip sana ang kung sino mang may pasimuno ng ganitong reklamo na hindi ito nakatutulong kay Jennylyn. Huwag na sana nilang idamay si Jennylyn sa kanegahan nina Angel at Ms. Becky.

Meron pang inilalabas na isyung sinabihan daw si Jennylyn ng ‘tanga’ ng isa sa mga executive na nakamiting niya nu’ng nakaraang linggo.

Sa simula ng interview ay tawa pa nang tawa si Jennylyn sa mga sagot niya. Kung nasabihan siya ng ‘tanga,’ siguro’y bad mood na siya sa pagsisimula ng interview o baka hindi na. Unless kung nagpaka-plastic lang si Jennylyn.

Sa panahon ngayon ay nakakaawa na si Jennylyn kung titirahin pa dahil mas kailangan niya ng suporta. Kaawa-awa ang kalagayan niya dahil naiipit siya sa isyung ito ni Angel at ng manager niya.

Nakukuwestiyon na rin lang ang loyalty at ang pagtanaw ng utang na loob ni Angel, mag-isip-isip na rin sana si Jennylyn.

Kanino na ngayon ang loyalty niya, sa GMA 7 ba o sa manager niyang si Ms. Becky Aguila?

Sa puntong pagtanaw ng utang na loob, alin ang mas matimbang sa kanya?

Last edited by look_alike on Wed Aug 15, 2007 11:37 am; edited 1 time in total

Tuesday, August 14, 2007

RUEL MENDOZA
ADS


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

JENNYLYN, NO SHOW SA GMA PARTY!

Ruel Mendoza

NO show si Jennylyn Mercado sa naganap na ika-4th anniversary ng GMA Artist Center na ginanap sa Showbiz Central nitong nakaraang Linggo.

Marami ang umaasa na darating si Jennylyn dahil may special number siya kasama ng mga winners ng Starstruck mula batch 1 to 4. Si Jen pa naman ang kauna-unahang Female Ultimate Survivor ng batch 1 ng Starstruck kunsaan si Mark Herras ang kanyang male counterpart. Kaya dapat lang na makita silang magkasama ulit ng kanilang mga fans.

Pero nagsimula at natapos ang show ay walang Jennylyn Mercado na nagpakita. Ayon sa taga-GMAAC na aming nakausap, tumawag daw mismo si Jennylyn sa isa sa taga-GMAAC at nagpasabing hindi na siya makakarating.

Sobrang depressed daw siya sa nangyayari sa kanyang career kaya minabuti na lang daw niyang huwag na lang dumalo sa selebrasyon.

Nagsimula raw ang depression ni Jen nang magkaroon ng malaking problema ang kanyang manager na si Becky Aguila sa mga taga-GMA-7 dahil sa paglipat ni Angel Locsin sa ABS-CBN 2. At dahil hanggang 2009 pa ang kontrata ni Jennylyn sa GMAAC, damay si Jen sa pangyayaring ito. Kahit na sabihin pa nito na hindi dapat siya kasama, the fact remains na manager pa rin niya si Becky na siyang nagsimula ng gulong ito.

Kung kami ang tatanungin, walang ibang masisisi rito kundi si Becky mismo dahil sa pagsira niya sa tiwala at respeto na binigay sa kanila ni Angel ng GMA-7.

Sa naging meeting nga ni Jennylyn kina Ms. Yda Henares at Ms. Wilma Galvante, wala raw nabanggit kung ano ang trabahong ibibigay sa kanya kaya raw iyak ito nang iyak. May nakapagsabi sa amin na marami raw na babayaran na utang ngayon si Jen kaya taranta ito ngayon kung saan kukuha ng pambayad.

"Eh di bahala na muna si Becky sa kanya," sambit daw ng katabi naming showbiz reporter. "Yaman din lang at malaki ang nakubrang pera ng manager niya sa Dos, ‘yun muna ang gamitin niya para buhayin si Jennylyn. Hindi kasi nalalaman ng Becky na ‘yan ang mga ginawa niya. Hayun, yung ibang talents niya ang kawawa sa mga sinimulan niyang gulo."

Pero ‘di dapat malungkot si Jen, dahil hindi lang siya ang Starstruck winner na wala roon noong Linggo. Ang Starstruck 3 Female Ultimate Survivor na si Jackie Rice ay wala rin. Nang ipagtanong namin kung nasaan si Jackie, sagot sa amin ng taga-GMAAC ay hindi raw nila alam kung nasaan ito. Hindi raw kasi ito sumagot sa mga tawag nila regarding the anniversary show.

"Baka hindi pinayagan ni Biboy (Ramirez, boyfriend ni Jackie)," sabay tawa ng katabi naming reporter.

Anyway, kahit walang Jennylyn at Jackie, natuloy naman ang naturang production number at mukhang hindi naman kawalan ang isa man sa dalawang ito para hindi maging masaya at maayos ang anniversary presentation ng GMAAC.

Pinakilala na nga ang mga bagong contract stars ng GMA-7 na pinangungunahan nina Richard Gutierrez, Raymond Gutierrez, Alfred Vargas, Dennis Trillo, Marvin Agustin, Rhian Ramos, Diana Zubiri, Polo Ravales, Paolo Paraiso, Renz Valero, Jen Rosendahl, Jon Joven at Ehra Madrigal.

Ni-launch din ang 15 bagong mukha na kinontrata ng GMAAC.

Jennylyn Mercado leaves for Hawaii today

Dinno Erece

Tuesday, August 14, 2007
08:55 AM

Rating

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Despite Jennylyn Mercado's absence in the anniversary special of Artist Center in Showbiz Central and non-appearance in SOP last Sunday, the young actress is expected to fly to Hawaii for GMA Pinoy TV.

Noel Orsal




Pagkatapos ng meeting last Thursday, August 9, ni Jennylyn Mercado kasama ang kanyang ina na si Mrs. Lydia Mercado, Becky Aguila's lawyer Joji Alonso, at ang GMA Artist Center head na si Ms. Yda Henares, isa sa napag-usapan ay ang pagbabalik ni Jennylyn sa SOP after one week, ang special appearance niya sa Showbiz Central kasama ng mga winners ng StarStruck, at ang pagkakatuloy ng Hawaii show nila ni Jonalyn Viray.



Hindi sumipot si Jennylyn sa SOP at Showbiz Central. Ang mga balitang naglabasan, nagkasakit daw at depressed pa rin daw hanggang ngayon ang young actres. Nang nagkausap finally sina Jennylyn at si Jenny Donato, head ng mga handlers sa GMA Artist Center, na-pressure daw pala ang dalaga na sumipot.



Matagal nang plantsado ang Hawaii trip ni Jennylyn dahil promotion pa lang ng Tiyanaks at bago sila umalis papuntang States for the promotion of Angels ay naikuwento niya na ito sa ilang entertainment press.



Isang client ng GMA Artist Center ang nag-organzie ng cultural show showcasing Jennylyn and Jonalyn. August 17 ito naka-schedule sa Farrington Auditorium sa Honolulu. Bukod dito, magpu-promote din ang dalawa para sa GMA Pinoy TV.



Nandoon na sa Hawaii si Jonalyn at ngayong araw, dalawang handlers ang makakasama ni Jennylyn pati na rin si Jenny.



Ayon kay Jenny, naibigay na raw lahat ng papeles kay Jennylyn at sa huling pag-uusap nila, wala nang problema at tutuloy si Jennylyn. Sa August 21 ang balik ng entourage.

Mark Herras willing to help ex-girlfriend Jennylyn Mercado

Dinno Erece

Tuesday, August 14, 2007
09:24 AM

Rating





Madalang nang magpunta ang young actor na si Mark Herras sa Station 168 Internet Cafe dahil sa sobrang pagiging abala sa kanyang schedule. Lima ang shows niya ngayon sa GMA-7.



Kasama sa Mga Mata Ni Anghelita na sa Pampanga pa ang taping, tuloy-tuloy pa rin si Mark sa kanyang first solo show na Fantastic Man. Bukod dito, regular pa rin siyang napapanood sa Bubble Gang at SOP. May ilang taping days pa rin siyang natitira para sa kanyang special appearance sa Boys Nxt Door.



Aminado si Mark na hindi na sila nagkakausap lately ng ex-girlfriend niyang si Jennylyn Mercado. Alam niya ang situwasyon ng kanyang ex at naaawa siya rito. Nagpahayag si Mark na handa siyang tumulong sa paraang alam niya.



Bago nagkaroon ng gulo ang manager ni Jennylyn na si Becky Aguila at ang GMA-7, may sariling hindi pagkakaunawaan sina Mark at Jennylyn dahil sa current boyfriend ng young actress na si Patrick Garcia.



Ayaw nina Mark at Jennylyn na magkasama sila sa isang project kung maaari. Mas lalong hindi payag ang dalawa na makasama nila si Patrick. Isa ito sa dahilan kung bakit nawala si Patrick sa Tiyanaks at napalitan ni JC de Vera.



Ngayon daw, payag si Mark na makasama ulit si Jennylyn kung makakatulong ito sa dalaga. Okay na rin sa kanya kung makasama rin si Patrick dahil magkasama naman ang dalawa sa Fantastic Man.



Sa TV, huling nagkasama sina Mark at Jennylyn sa I Luv NY early 2006 pa. Ang mga next projects nila for GMA-7, solo-solo na.



Dapat ay magkasama rin sila sa Bahay Kubo ng Regal Entertainment ngunit nag-beg off si Jennylyn nang ibigay sa kanya ang leading lady role ni Bong Revilla, Jr. for his own festival entry na Resiklo. Si Marian Rivera ang naging kapalit ni Jennylyn sa Bahay Kubo.

August 14, 2007 07:27 PM Tuesday Article read 1,489 time(s)

Batang aktres, tinalak-talakan ni Wilma?
By: Vinia Vivar


DAPAT sigurong linisin ni Wilma Galvante ang kanyang pangalan bago pa mahusgahan ng ibang tao.

Hindi namin kilala nang personal si Ma'm Wilma, pero nagha-hi naman kami sa isa't isa ’pag nagkikita.

Medyo na-bother lang kami sa isang kuwentong nakarating sa amin. Totoo ba 'to? Na kung meron mang isang napakaplastik na executive sa GMA-7, ang korona ay dapat na mapunta kay Ma'm Wilma?

Gaano katotoong pati 'yung isang batang aktres na walang kamuwang-muwang ay pinaaamin niyang alam ng bata ang ginagawa ng manager niya at ng kontrobersiyal na aktres na kalilipat lang sa Channel 2?

Ba't gano'n? Ba't may mga salitang, "Tanga ka ba?

Hindi mo alam ang ginagawa ng manager mo? Ba't ka iiyak-iyak diyan?

"Nakakontrata ka pa sa amin, kaya maghintay ka kung kailan ka namin bibigyan ng project," sabi pa raw gano'n ni Ma'm Wilma.

Sana nga, pawang mga paninira lamang ito kay Ma'm Wilma, dahil siya lang kasi ang tumatayong spokesperson ng GMA-7.

Kasi nga, honestly, hindi rin namin maimadyin na ang isang may mataas na katungkulan ay gagawin ang gano'n kawalang breeding na eksena?

Pakilinaw na rin kung totoong pagdating ng crew ng isang talk show ay biglang kumambiyo si Ma'm Wilma at bineso-beso pa ang umiiyak na batang aktres habang nakatutok ang kamera.

Mahirap ang humusga. Kung hindi man ito totoo, sino naman kaya ang naninira kay Ma'm Wilma?

Pero kung totoo man ang bintang, we repeat, kung totoo man, juice ko, ang cheap, huh! Christian network ang GMA, ba't gano'n? May tauhang very "un-Christian"?

May espasyo sa aming kolum si Ms. Wilma Galvante kung nais niyang ibigay ang kanyang panig.

August 14, 2007 03:36 PM Tuesday Article read 1,235 time(s)

Jennylyn inisnab ang Showbiz Central
By: Dinno Erece

NO show si Jennylyn Mercado sa Showbiz Central.

Ayan na nga ang sinasabi namin na tila gumagawa ng sariling drama si Jennylyn at ang mga nasa likod niya. Pinurga at binagyo tayo ng “maawa naman kayo kay Jennylyn bigyan ninyo ng trabaho huwag idamay kay Angel Locsin” slant for two weeks at eto, pinagri-report siya sa Showbiz Central last Sunday for a gathering of all Kapuso stars, siya ang natatanging no-show.

Sabi ni Jenny Donato of GMA Artist Center, hindi raw nila mahagilap si Jennylyn dahil putol ang communication kaya nga kakausapin nila ang ina ni Jennylyn about this. Sabi sa ibang GMA Artist Center, depressed pa rin daw si Jennylyn sa meeting niya with the department. Text sa amin ni Mark Herras, ang sabi may sakit daw, so which is which ba talaga?

May gumagaya na yata sa gimmick namin, scheduled ang ‘pagkakasakit.’

August 14, 2007 07:25 PM Tuesday Article read 794 time(s)

Jennylyn tuloy ang alis patungong Hawaii
By: Vinia Vivar

THIS week, aalis si Jennylyn Mercado patungong Hawaii kasama ang Artist Center for a show with Jonalyn Viray.

Marami ang nagtatanong kung sa kabila ng mga nangyayari ay sasama pa rin si Jen at magso-show sa Hawaii and according to her manager, yes, tutuloy pa rin ang kanyang alaga.

“Booking ’yun ng AC bago pa man kami umalis patungong States, may kontrata ro’n si Jen so, tuloy ‘yun,” sabi ni Tita Becky.

Mga ilang araw lang naman daw ang nasabing show at kaagad ding babalik ang young actress na sa kasalukuyan ay malungkot pa rin.

Showbiz

ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles
Tuesday, August 14, 2007

Wala si Jennylyn Mercado sa fourth anniversary present­ation ng GMA Artist Center o GMAAC na gi­nawa sa Showiz Cen­tral last Sunday. Hindi rin alam ni Ida Ra­mos-Henares (GMAAC head), kung bakit wala ang singer-actress. Wala rin ito sa SOP earlier.

“We were expecting her. Hindi namin alam kung ano ang nang­yari,” sabi ni Ida na ngarag that afternoon sa pagwe-welcome sa bagong atists ng GMAAC na more than 20 yata.

Umaasa si Ida na matutuloy ang alis nila nina Jennylyn at Jo­nalyn Viray for Hono­lulu, Hawaii to­day kung saan may show ang dalawa. Wala ka­ming makitang mapag­ta­nu­ngan kung bakit wala ang girl­friend ni Patrick Gar­cia sa special occa­sion dahil ang alam na­min, na­ayos na ang pro­ble­ma niya sa meeting niya with GMA-7 man­age­ment last week.

Monday, August 13, 2007

Jen napaiyak nang sigawan ng TV Exec.

c/o mathresa_23

TANOD - 8.13.07
Info Sheet ni Reggee Bonoan

Sinadya ni Jennylyn Mercado na di dumalo sa 4th year anniversary ng GMA Artist Center na ginanap sa Showbiz Central kahapon dahil sa sobrang depressed ito sa mga pinagsasabi raw sa kanya ng isang TV Exec ng gma. Ayon mismo sa dalaga ay kinausap siya ng isang lady executive sa isang kuwarto at saka sinigaw-sigawan.

"Tinanong kasi si Jen kung may alam siya sa paglipat ni angel sa kabila, e, wala naman talagang alam yung bata kaya sinabi niya, "wala po" at sinabihan raw na siya ng tv exec. ng "ano ka tanga, wala kang alam? ang tanga tanga mo naman", detalyadong kuwento sa amin.

Sinabihan din raw si Jen ng, "huwag kang magmaka awa, bibigyan ka rin namin ng trabaho, maghintay ka lang, Hindi ka namin pakakawalan". Ito raw ang dahilan kung bakit iyak nang iyak si Jen sa VTR interview niya sa Startalk last Saturday.


----------

c/o shiela_marie

Muntik na tuloy magpatulong sa super Twins!

YOUNG ACTRESS, SINABON, NILAIT TINAWAG NA TANGA NG TV EXEC


(Roldan Castro, Bulgar 13 Aug. 2007)

Blind Item

Grabe naman pala ang nangyari sa meeting ng young actress sa mga executives na isang network. Pakiramdam ng kampo ng batang actress ay frozen delight ang ending ng beauty niya.

Nanlilisik daw ang mata at mataas ang tono ng isang executive nang kausapin nang sarilinan ang young actress. Ang the height, bruha ang tawag niya sa manager nito.

Ayaw makialam ng young actress sa gulo na manager niya sa nasabing executive kaya ang sagot niya ay "Wala naman po akong alam diyan, ma'am,".

"Ano ka tanga? Wala kang alam sa nangyayari? paninita raw ng executive sa young actress.

"Hindi ka namin pakakawalan. Bibigyan ka rin namin ng project, maghintay ka", pasigaw daw na sabi pa ng executive na parang kung bibigyan man ng show ang young actress ay baka so-so na lang.

Ito ang dahilan kaya humagulgol siya nung interbyuhin ng crew ng isang talk show. doon niya naibuhos ang lahat dahil sariwa pa sa kanya ang mga pinagsasabi ng executive.

Kawawa talaga ang young actress, naipit na siya sa problema ng ibang tao. Tsuk!

Billy Balbastro
Abante
8/13/07


Movie columnists at this stage cannot help but put Jennylyn Mercado in a crossroad, dragging her to the Angel Locsin-GMA 7 controversy.

They insist that Jennylyn must change managers – from Becky Aguila to GMA’s Artists Center to survive the Becky Aguila-GMA war, not of her own making.

Did I hear right that Jennylyn was deprived of some GMA assignments already? Not her fault. This is reflective of some people’s lapses.

We expect GMA bosses to rise above the situation, put their acts together to consider Jennylyn out of this. Sana.

They must not forget that Jennylyn Mercado best represents GMA and its annual Starstruck which is now in its fifth year.

And more than Mark Herras, Mike Tan, Jackie Rice and Marky Cielo, Jen is the busiest, most popular and most successful Starstruck winner.

Coming up with veiled threats isn’t the way for media and paid publicists in treating GMA’s "historic icon" that best represents Starstruck to the world.

August 13, 2007 05:21 PM Monday Article read 1,993 time(s)

By: Vinia Vivar
Hot 'n Spicy

Unti-unti nang nararamdaman ni Jennylyn Mercado na sa ayaw man niya at sa gusto, damay siya sa problema ng network at ng manager na si Becky Aguila sa ginawang pag-alis ng kakuwadrang si Angel Locsin sa GMA-7.

Apektadung-apektado si Jennylyn sa nangyayari sa kanyang career kaya hindi niya mapigilang humagulgol sa panayam ng Startalk na inere last Saturday.

Nang kunan ang nasabing panayam, katatapos lang ng meeting ni Jen sa Artist Center head na si Ida Henares at SVP for Entertainment TV na si Wilma Galvante noong Huwebes.

Pagkatapos ng meeting, doon na-realize ni Jen kung gaano siya kaipit sa sitwasyon kaya nang interbyuhin siya, hindi niya napigilang umiyak.

Sa nasabing meeting, wala pa ring malinaw na sinabi sa kanya ang management kung ano ang susunod niyang proyekto at kung kailan siya balak bigyan nito.

Mas lalong nalungkot si Jen nang mapanood na maraming kinatay sa interbyu sa Startalk, kabilang na ang mga magagandang sinabi tungkol sa manager.

Kahapon, kasama sana si Jen sa Showbiz Central, kung saan ay ipakikilala ang 100 stars ng GMA. But as we write, kasalukuyang depressed na depressed ang young actress at hindi kayang dumalo sa nasabing selebrasyon.

August 13, 2007 05:02 PM Monday Article read 1,390 time(s)


By: Mario E. Bautista
FREEHAND

JENNYLYN: NAIPIT LANG AKO

JENNYLYN Mercado cried when asked about her current status with GMA-7. She has had a meeting with GMA exec Wilma Galvante where she made it clear that she has nothing to do with whatever problems they have now with her manager, Becky Aguila, because of Angel Locsin.

“Wala naman talaga akong kinalaman sa problema nila with Angel,” she says. “Naipit lang ako, but I’m positive they understand that naman at hindi nila ako pababayaan.”

What if Becky would tell her to also move to ABS-CBN? “Imposibleng mangyari ‘yun,” was her short reply.

Showbiz
TAKE IT! Ni Lolit Solis
Monday, August 13, 2007



Walang nagkuku­wen­to sa mga napag-usa­­pan ni Jennylyn Mer­­cado at ng Artist Center representative.

Hindi naman nagku­wen­to si Jennylyn nang interbyuhin ito ni Butch Francisco.

Cry lang nang cry si Jennylyn na halatang may kinikimkim na sa­ma ng loob na hindi niya basta puwedeng ibu­lalas.

Anyway, tiyak na malalaman din natin ang naging agenda ng meet­ing dahil siguradong may magkukuwento. Maghintay-hintay tayo ng ilang araw. Remem­ber, walang lihim na hindi nabubuking, lalo na sa showbiz!

Sunday, August 12, 2007

Jennylyn Mercado No Show at Artist's Center Anniversary Special

Erwin Santiago
Sunday, August 12, 2007
PEP


Kaninang hapon, August 12, ay ipinagdiwang ng Artist Center, ang talent arm ng GMA-7, and kanilang 7th anniversary via a special presentation sa Showbiz Central sa Broadway Centrum. Halos lahat ng contract artists ng Artist Center ay nandoon, kasabay ng pagpapakilala ng bagong kapuso stars.

Kapansin-pansin ang absence ng kauna-unahang Starstruck Ultimate Female Survivor na si Jennylyn Mercado sa naturang pagdiriwang.

Ilang araw bago ang special presentation ng Showbiz Central ay lumabas ang balita na kasama si Jennylyn sa list of performers. Sa katunayan, ito dapat ang magsisilbing reunion nila ng dati niyang ka-loveteam at ex-boyfriend na si Mark Herras. Malamang na sa number ng mga Starstruck winners sana kabilang si Jennylyn kung dumating siya.

Tinanong ng PEP ang isang staff ng Showbiz Central kung bakit wala si Jennylyn sa anniversary special ng Artist Center. Ayon sa staff ay tumawag daw ang young actress kaninang umaga at sinabing hindi raw siya makararating. Wala nang ibang paliwanag ang nakausap na staff ng PEP.

Upang maliwanagan ang lahat, kinuha rin ng PEP ang pahayag ng kampo ni Jennylyn tungkol sa hindi nito pagsipot sa Showbiz Central.

Sa text message na natanggap ng PEP mula sa isang malapit na tao kay Jennylyn, hanggang ngayon daw ay depressed pa ang young actress pagkatapos ng meeting niya with Artist Center head Yda Henares last Thursday, August 9. "Hindi [siya] makausap ng matino," sabi pa ng kampo ni Jennylyn.

Nalaman din namin mula sa kampo ng young actress-singer na base sa meeting na iyon ay wala pa ring kasiguruhan kung ano ang plano sa kanya ng Artist Center. "Wala pa ring project and walang sinabi sa kanya kung kailan siya bibigyan."

Ito raw ang dahilan kung bakit labis na nadi-depress si Jennylyn, na lalo pang lumala nang mapanood niya ang interview sa kanya ng Startalk kahapon, August 11, dahil marami raw ang na-edit sa kanyang mga sinabi.

Sinasabing ang nangyayaring ito sa career ni Jennylyn ay may kinalaman pa rin sa alitang namamagitan sa GMA-7 at sa manager ni Jennylyn na si Becky Aguila, bunsod ng paglipat ng dating Kapuso star na si Angel Locsin sa ABS-CBN.

Bagama't nagpahayag na ang executives ng GMA-7 na walang dapat ipag-alala si Jennylyn, tila taliwas ito sa depression na nararamdaman ngayon ng young actress.

Magkatuwang ang Artist Center at si Becky sa paghawak ng showbiz career ni Jennylyn. Hanggang February 2009 pa ang kontrata ni Jennylyn sa Kapuso Network.

Jennylyn Mercado Breaks Down As She Talks About Her Woes

Michael Ancheta
Sunday, August 12, 2007
PEP


Starstruck alumnus Jennylyn Mercado succumbed to her emotions during an interview with Startalk aired yesterday, August 11.

"Siguro hindi ko kailangang mag-deal sa problema nila kasi that's their problem and not mine," sobbed Jennylyn uncontrollably.

Rumors had it that the young actress is currently in the state of depression allegedly brought by the conflict that transpired between her manager Becky Aguila ang GMA-7 regarding her co-talent Angel Locsin's controversial transfer to ABS-CBN.

"She's my very good friend," Jen said about Angel. "Okay naman kami. Ayoko lang makialam, basta pag may problema siya, lagi akong nandito for her. But siyempre, iba 'yung problema na hindi puwedeng pakialaman."

Many fear that Jennylyn might carry the brunt of the unfortunate incident as she is still very much under the care and supervision of the Kapuso Network. As of the past few days, various talks had surfaced saying that GMA-7 had cancelled and pulled out Jennylyn from most of the projects initially intended for her. GMA-7 vehemently denied all the accusations and assured Jennylyn that she has nothing to worry about.

"Iba yung situation ko and situation ni Tita Becky and yung situation ni Angel, so hindi kami pare-pareho. Kumbaga, ang nagha-handle sa akin, ang GMA at si Tita Becky. And si Tita Becky is always there to support me..."Jen broke down, unable to continue her statement.

"Hindi naman mapipigilan yong situation kasi manager ko si Tita Becky and siyempre, lahat tayo may nagagawang mali. Siguro let's just pray that everything would be okay.

"Hindi nila (GMA) ako idinadamay sa mga problema namin ni Tita Becky, kasi yung nga, case-to-case basis. Problema nila, hindi ko problema yon," she continued.

Jen's lovelife is under constant attack. According to rumors, she and boyfriend Patrick Garcia are said to be always arguing aside from malicious talks that Patrick often spend the night at Jen's house.

"We're so together and we're in good terms naman. Ewan ko siguro normal lang na nagkakatampuhan pero yung away it's not true," dismissed Jen.

She never denied that Patrick comes to her house often but only just to visit her and not what the rumors were suggesting. "May trabaho naman yung tao. May bahay naman yon. Dumadalaw sa bahay siyempre boyfriend ko, pero hindi natutulog."