Friday, August 24, 2007

Jennylyn, Nababaon sa Utang

Jun Lalin
Abante Tonite
08/24/07

--------------------------------------------------------------------------------

Habang walang bagong proyekto si Jennylyn Mercado ay patuloy siyang nababaon sa pagkakautang.

Ang dinig namin, hirap na si Jennylyn na bayaran ang monthly amortization ng kanyang bahay.

May mga sasakyan din daw na binabayaran si Jennylyn, na breadwinner ng kanilang pamilya.

Kung nababalita mang madalas na umiiyak ngayon si

Jennylyn, may kinalaman roon ang problemang pinansiyal.

Dalangin daw ng dalaga na sana ay bigyan na siya ng bagong project ng GMA 7.

May isang malapit kay Jennylyn na nagbabalak na gawan siya

ng isang project at sana raw ay huwag kumontra ang GMA Artist Center sa bagay na

‘yon para kahit paano ay may kitain ang young actress

Ken Zhou ng F4, gagawa ng movie dito kasama si Jennylyn

ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles
Friday, August 24, 2007


Darating sa bansa sa September 28 si Ken Zhou ng F4 para gu­mawa ng pelikula sa Ignite Films ni Dave Hukom. May pamagat na Batanes: Sa Dulo ng Walang Hanggan ang movie na tungkol sa isang turistang na-in love sa Batanes.

Si Adolf Alix, Jr., ang director ng movie na director din ng Donsol at Kadin, pero hindi digital film ang Batanes na ire-release inter­nationally. Hanggang mid-October dito si Ken at siguro naman, pwe­de siyang bisitahin ng kanyang fans sa Ba­tanes.

Si Jennylyn Merca­do ang nabalitang ma­kaka-pareha ni Ken sa Batanes, pero ang sabi sa amin, may isa pang actress ng GMA-7 ang kakausapin para ma­ging leading lady nito, pero dahil hindi pa na­kakausap, ‘di pa namin pwedeng bang­gitin.

Palabas sa Ch. 7 ang re-run ng Meteor Gar­den, pero tapos na yata ito pagdating ni Ken. Hopefully, ma-in­ter­view pa rin siya at matanong sa mga ka­sama niya sa F4.

Thursday, August 23, 2007

Alok bati
ni Lolit solis
august 23,2007

Bong Revilla, nanghihinayang sa career ni Jennylyn

Dumating na pala si Jennylyn ng 'Pinas galing Hawaii kasama sina Jonalyn Viray at si Ida Henares ng GMA artist Center kaya hinihintay na nila ngayon kung ano ang trabahong ibibigay sa kanya ng GMA7.

Pero sa ngayon ay magssisimula namang mag-shooting si jennylyn sa "Resiklo" bilang katambal ni Sen. Bong Revilla kaya abala na rin ito dahil maraming araw siyang gagamitin sa shooting.

kahit si Bong ay nanghihinayang din sa career ni Jennylyn kung hindi bibigyan ng trabaho ng GMA7 kaya isa siya sa umaasang malagpasan ito ng young actress at magiging abala na siya sa trabaho.

Jennylyn Mercado's fate in GMA-7 still in limbo

Philippine Entertainment Portal
08/23/07


Sa ikalawang pagkakataon ay hindi sinasadyang makita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang ina ni Jennylyn Mercado na si Mrs. Lydia Mercado noong Martes ng gabi, August 21, sa isang restaurant sa Quezon City. Una namin siyang nakita noong August 17 sa taping ng Kapamilya Deal or No Deal kung saan naging celebrity contestant si Angel Locsin.

Nandun daw si Mommy Lydia sa studio ng ABS-CBN para suportahan si Angel na kapwa talent ng kanyang anak kay Becky Aguila. Nakalibre raw ng oras si Mommy Lydia dahil nasa Hawaii si Jennylyn noon para mag-show.

Siyempre, hindi nakaligtas si Mommy Lydia sa paningin ng host ng Deal Or No Deal na si Kris Aquino kaya binati nito ang ina ni Jennylyn. Kilala ni Kris si Mommy Lydia dahil nakasama ng TV host-actress si Jennylyn sa pelikulang So Happy Together.

Special mention din ni Kris si Jennylyn sa Deal Or No Deal. Nabanggit pa nga ni Kris na welcome raw si Jennlyn sa ABS-CBN kung saka-sakali.


THE MEETING. Dumating na si Jennylyn a few days ago from Hawaii, pero ayon kay Mommy Lydia ay wala pa ring anumang proyekto ang kauna-unahang StarStruck winner. Pati sa SOP ay tinanggal na rin daw si Jennylyn bago pa man naganap ang pakikipag-meeting ng young actress with GMA Artist Center.

"Wala naman silang sinabi kung ano na ang mga susunod na project na gagawin ni Jennylyn. Halimbawa sa loob ng isang oras na nag-meeting, one-third lang ‘yung kay Jennylyn, ‘yung iba puro si Angel na ang napag-usapan.

"Pagkatapos noon ay ipinatawag ni Ma'm Wilma [Galvante, GMA-7 SVP for Entertainment TV] si Jennylyn, pero hindi na kami pinasama. Si Jennylyn lang daw ang gusto niyang makausap," kuwento ni Mommy Lydia sa panayam ng PEP.

Dagdag pa ni Mommy Lydia, nagulat na lang daw siya nang lumabas ng opisina ang kanyang anak na umiiyak. Hindi na niya naitanong kung bakit dahil bigla raw may mga kamera nang kumukuha kay Jennylyn.

"Pagdating sa bahay, nagkulong na sa kuwarto niya ‘yung bata. Wala talagang makakausap sa kanya. Depressed na depressed siya, feeling ko. At nung tinatawagan na nga siya para sa GMA Artist Center, hindi na siya sumagot at pumunta sa Showbiz Central. Kaya kung anuman ‘yung nangyari sa loob ng opisina ni Ma'am Wilma, sila lang dalawa ang nakaalam," lahad pa ni Mommy Lydia.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung ano nga ang totoong naganap sa loob ng opisina ni Ms. Galvante, pero may lumabas na report na sinabihan daw ng lady executive si Jennylyn na huwag siyang tatanga-tanga at kunwaring walang alam sa pinaggagawa ng manager niyang si Becky Aguila. Sinabi pa diumano ni Ms. Galvante na huwag magreklamo si Jennylyn kung wala siyang project at maghintay kung kailan siya bibigyan ng show ng GMA7.

Wala pang opisyal na pahayag o pagtanggi si Ms. Galvante tungkol sa lumabas na balita.


UNCERTAIN CAREER. Samantala, bilang ina, nag-aalala naman si Mommy Lydia sa kanyang anak dahil sinosolo na lamang daw ni Jennylyn ang problema niya sa kanyang showbiz career.

Ayon kay Mommy Lydia, "Si Jennylyn talaga kasi ang batang tahimik kahit nasa puso niya ‘yung sama ng loob, sinasarili. Iyon ang ano sa batang ‘yon. Kaya pag bumigay naman, iyak din siya. Hindi ko na lang ipinapakita sa kanya kapag umiiyak ako sa mga nangyayari sa kanya dahil ayokong makita niya na nanghihina rin ako.

"Bata pa lang si Jennylyn, napakalaki na ng poblemang dinala niya dahil battered child nga siya. Hindi ‘yan lumalaban noon, di ba? And now, it's happening again. Pero ngayon, tahimik lang siya. Mas nakakatakot kasi tahimik lang siya.

"Nasaskatan din nang husto ang kanyang emosyon at hindi nagsasalita. Para sa akin, mas nakakatakot itong nangyayari ngayon kay Jennylyn. Hindi natin alam kung anong puwedeng kahinatnan ng sakit ng kanyang kalooban o kung ano ang puwede niyang gawin. Sabi nga nila, mas masakit daw ‘yung emotional pain kesa sa pisikal," pahayag pa niya.

Nagbigay rin ng mensahe si Mommy Lydia sa GMA-7 na sana ay huwag nilang pabayaan ang showbiz career ng kanyang anak.

"Nakakalungkot, kasi si Jennylyn ang unang winner sa StarStruck, homegrown talent nila ‘yan. Isa pa, breadwinner ng pamilya si Jennylyn. Maysakit pa ngayon ang husband ko. E, ako naman, hindi na rin ganun kalakas para makapagtrabaho.

"'Yung mga fans nga sinasabi sa amin na gusto nilang mag-rally sa harap ng GMA-7, pero sabi namin sa kanila, huwag nilang gawin ‘yon. Baka isipin pa ng iba na kami ang nagpapagawa noon sa kanila. Pero inaamin namin na malaki ang utang na loob namin sa GMA-7," sabi ni Mommy Lydia.

Meron ding mensahe si Mommy Lydia para kay Jennylyn: "Anak, maghintay-hintay lang tayo. Alam ko ‘yung dinadaanan nating pagsubok ngayon. Ang Panginoon ang maglulutas sa atin kung anuman ang maganda para sa ‘yo. Kaya konting tiis na lang."

Dalangin pa ni Mommy Lydia na mabigyan ng solusyon ang mabigat na problema ng kanyang anak sa mas maagang panahon bago raw mahuli ang lahat.

Dinno Erece

NALOKA na naman kami sa slant na hinarang daw si Jennylyn Mercado to support Angel Locsin sa game show ni Kris Aquino.

As is, funny na nga na pralala writers ng ABS ang awang-awa kay Jennylyn na hindi mabigyan ng shows sa GMA-7, pero dedma sila sa mga Kapamilya na walang shows. Pero, tila pambubuwisit na lang talaga yata ang ginagawa sa GMA-7 na basta anything that would favor Angel as an underdog, it will be written.

Ang latest nga, pinagbawalan daw si Jennylyn na umapir sa show ni Kris to support Angel.

Kung ang GMA-7 shows na dapat niyang puntahan like SOP and Showbiz Central two weeks ago, non-appearance siya, sa show ng ABS magpapakita siya?
Nakaaawa pa ba yun? Tama bang magpakita ang ina ni Jennylyn sa kalabang station again to support?

Hanggang 2009 pa ang kontrata ni Jennylyn sa GMA-7, hindi ba sila makapaghintay na ma-release ito properly?

The more na binubuwisit ang GMA-7, the more na hindi pakakawalan si Jennylyn.

Sino ngayon ang may kasalanan? GMA-7 pa rin?

Wednesday, August 22, 2007

Jen isasabong ng Siyete kay Angel?

By: Vir Gonzales

HINDI puwedeng basta-basta i-freeze ng GMA-7 si Jennylyn Mercado para lang makaganti sa manager na si Becky Aguila, na naglipat sa alagang si Angel Locsin sa Dos.

Malaking kawalan si Jennylyn dahil isa ito sa tinatangkilik ang mga pelikula at programa sa TV.

Dapat siguro, ipanlaban pa si Jennlyn sa lumayas na si Angel dahil lang sa malaking talent fee sa kalabang istasyon ng Siyete.

Iba talaga kapag nakapirma sa kontrata ang isang artista, walang lakas ng loob na lumarga kahit triple pa ang ibabayad ng kumukuha.

Pera-pera na ang usapan ngayon, hindi na loyalty. Loyal ka nga kung barya naman ang TF, kumalawa ka na lang, period.

Sa totoo lang, mas marami namang pelikulang kumita si Jen kesa kay Angel.

Jen, tanggap ng pamilya ni Patrick

By: Nel Alejandrino
Tattle

AYON kay Chesca Garcia, elder and only sister ni Patrick Garcia, the latter’s GF, Jennylyn Mercado, will be most welcome sa kanilang pamilya kung magkakatuluyan nga sila.

As it is, wala silang tutol sa relasyon nina Jen at Patrick.

Iyon nga lang, ayon pa rin kay Chesca, duda siya kung magpapakasal na ang dalawa this early. Pareho raw kasi silang marami pang ambisyon sa buhay.

Alok ng manager ni Jen, tinanggihan ng Siyete

By: Gerry Ocampo
Hot Shots

GAANO katotoo ang tsikang nu’ng makipag-meeting si Jennylyn Mercado sa isang executive ng Siyete ay sinabihan itong hindi pakakawalan ang batang aktres at buburuhin ang career sa network?

Ang ikinalungkot ng kampo ni Jen, baka totohanin ng executive ang banta at tuluyang tumamlay ang career ng dalaga ’pag patuloy na hindi napanood sa TV o pelikula.

Nagpaplano raw uling kausapin ng manager ni Jen ang naturang executive para bilhin na lang ang kontrata ng aktres na mag-i-expire sa 2009 pa. (sosyal! sabagay sa laki ng commission mo kay Angel ay di malayong ma-afford mo ngang i-buy out ang contract ni Jen sa GMA)

Ayon sa isang source, nakarating na sa kampo ni Jen na hindi pumayag ang network na i-buy-out ang contract sa istasyon.

In fairness daw sa executive, wala itong natatandaang deal with Jen. Pagdiriin daw nito, nasa pangangalaga ng GMA Artist Center ang bagets at hindi sila nagkukulang sa pagbibigay ng trabaho rito.

Kamakailan nga lang daw ay nag-show pa si Jen sa Hawaii kasama si Jonalyn Viray.

Tungkol naman sa sinasabing pagpapalit kay Jen sa isang teleserye ng GMA-7, sabi raw ng executive, “Bakit nila ipinipilit na kay Jen ang project na ’yon? Hindi ’yon para sa kanya. Sige, iharap nila sa akin ang nagsabi kay Jen na sa kanya ang project na ’yon.”

Jen at Ida, sabay umuwi

By: Vinia Vivar
HOT `N SPICY
People's Journal
08/21/07


Last Sunday, dumating na si Jennylyn Mercado mula sa show nila ni Jonalyn Viray sa Hawaii. Kasabay niyang dumating ang GMA Artist Center head na si Ida Henares.

Maganda ang naging experience ni Jen sa Hawaii dahil successful ang show nila ni Jonalyn kaya masayang dumating ang young actress.

Lalo pang nadagdagan ang tuwa ni Jen nang pakitaan siya ng script ng road manager na si Mel Pulmano.

May tinanggap na bagong project ang co-manager ng young actress na si Becky Aguila para sa kanya — isang digital film kung saan ay makakatambal niya ang isang sikat at guwapong foreign singer.

Magsisimula na ang shooting sa September sa Batanes. She has yet to meet in person her leading man dahil sa TV lang niya ito napapanood.

May bago ring product endorsement si Jen na gagawin bukod pa sa tinatapos niya ang pelikulang Resiklo with Sen. Bong Revilla na filmfest entry ng Imus Productions.

Dahil sa mga bagong proyektong dumating, na-excite si Jen at pansamantalang nawala ang pag-aalala sa problema niya sa GMA-7.

Ang gusto lang naman daw niya kasi ay magkaroon ng bagong pagkakaabalahan dahil nagpa-panic na rin ang kanyang fans.

Samantala, kahapon ay first anniversary ng relasyon nila ni Patrick Garcia kaya talagang pinilit na ring makauwi agad ni Jen.

Nanay ni Jennylyn `sumilip' na sa bakuran ng ABS-CBN

By: Chan-Chan Torres
People's Journal
08/21/07

Kahit saang anggulo tingnan, underdog talaga si Jennylyn Mercado.

Mula sa pagkakadamay niya sa pag-alis ni Angel Locsin sa GMA-7 at sa hidwaan ng manager nilang si Becky Aguila at ng home studio niya, hayun, tuluyan nang nagmukhang kawawa si Jennylyn.

Hindi kami close o chummy kay Jennlyn, pero fair lang din kami, hindi niya dini-deserve ang hindi pagkakaroon ng patas na pagtrato.

Wala kami sa posisyon para maghusga kung totoo ngang sinigawan siya ni Wilma Galvante at nilait-lait.

Ito kasi ang balitang mas mainit pa sa menudo at kaning bagong saing ngayon.

Lahat tayong wala sa eksenang ‘yun (kung true mang naganap ito) ay hanggang opinyon lang ang maibibigay.

Sana nga ay hindi ito totoo, dahil sa nakikita namin kay Ms. Wilma ay disente at edukada naman itong tao.

Sana lang ay mabigyan si Jen ng kalayaang dapat sa kanya kung wala na rin lang balak ang Siyete na maganda for her, di ba?

Matatapos lang siguro ang usaping ito ‘pag may linaw na ang lahat tungkol sa kahihinatnan ng career ni Jennylyn.

Hmmn, kaya ba namin nakita si Mommy Lydia Mercado sa ABS-CBN nu’ng maglaro si Angel sa KDOND?

Para suportahan si Angel o para silipin na rin ang kanilang future home studio?

Charoz lang!