Saturday, December 29, 2007

December 29, 2007 07:38 PM Saturday Article read 4,574 time(s)

By: Nitz Miralles
BASTA

NAGKAGULO ang Kapuso fans mula nang umere ang teaser ng mga bagong
shows ng GMA Network for 2008. Inunahan nila ang management ng network sa pagpili ng lalabas na Dyesebel at bagong Darna sa Captain Barbell Meets Darna.

Nagpapa-survey pa lang ang management sa kanilang work force kung sino ang babagay na bagong Darna, pero ang fans ni Jennylyn Mercado, may petition na sa Internet na ang dalaga ang gawing bagong Darna.

Panahon na raw para bigyan ng big break si Jennylyn at kinukumbinse ang bosses ng Channel 7 na subukan silang pagtambalin ni Richard Gutierrez.

Hindi pabor ang mga nagpi-petition na si Marian Rivera ang gawing bagong Darna, dahil hindi ito homegrown talent, unlike Jennylyn na produkto ng StarStruck.

May argumento pang mas bagay kay Jennylyn ang Darna, dahil Pinay beauty ito, samantalang si Marian ay mestisa.

May nagsa-suggest na ang Dyesebel ang ibigay na follow-up project kay Marian after Marimar, pero may grupo naman ng fans na gustong kay Nadine Samonte ibigay ang Dyesebel.

Sakit ng ulo ito ng management, but of course, sila pa rin ang masusunod at sila ang pipili kung kanino dapat ibigay ang Darna at Dyesebel.

December 29, 2007 06:23 PM Saturday Article read 2,913 time(s)

Manager ni Jennylyn, kinastigo si Patrick
By: Vinia Vivar

Patrick Garcia
Hot ’n Spicy


LUMABAS sa isang tabloid ang isyung lulong sa online casino si Patrick Garcia to the point na nagbebenta pa ito ng kanyang personal cellphones.
Ang mas nakaloloka, nakalimutan daw i-delete ni Pat sa cellphone ang mga message na naka-store at nabasa ng nakabili ang isang napaka-personal na mensahe ng girlfriend na si Jennylyn Mercado.

It allegedly stated: “Ibinigay ko na ang lahat sa iyo, ano pa ba ang gusto mo?” or words to that effect.

Agad na kinausap ng manager ni Jen na si Becky Aguila si Patrick at tinanong kung ano ang katotohanan sa lumabas na balita and the actor denied it.

Ayon kay Patrick, wala siyang ibinebentang cellphone at hindi rin totoong lulong siya sa online gaming.

On that note, the manager told Patrick na it would be fair na iklaro ng young actor ang lahat dahil kawawa naman ang kanyang alaga na siyang naapektuhan sa tsismis.

“Hindi magandang issue ito for Jen. What would people think of Jen now? So, sabi ko kay Pat, i-clear niya ang name ni Jen and he said yes naman,” kuwento ni Tita Becky.

December 29, 2007 04:37 PM Saturday Article read 3,285 time(s)

Jennylyn pambayad-utang ng manager nila ni Angel
By: Ed De Leon

DREAM

Photobucket
SA nakikita namin, talagang nakalagay na sa peligro ang career niyang si Jennylyn Mercado.

Inamin-amin pa kasi niyang gusto niyang lumipat sa Channel 2.

Gumawa pa sila ng sulat na pakawalan na siya ng kanyang home network kung wala rin lang magandang project na maibibigay sa kanya.

Natural lang ang ginawa ng Channel . Ginamit nila ang kanilang sole option para pahabain ng isang taon pa ang kanyang kontrata. At ano pa nga ba ang mangyayari sa loob ng isang taong iyon?

Sa nakikita namin, si Jennylyn ang lumalabas ngayong pambayad-utang dahil sa kawalang utang na loob ni Angel Locsin sa nagpalaki sa kanyang GMA-7. Galit ang Kapuso sa manager nila. Walang duda iyon, kaya nga ni ayaw nila itong kausapin.

Kaya sino nga ba ang babagsakan ng lahat ng galit? Natural ang naiwan sa Siyete na si Jennylyn

Friday, December 28, 2007

excerpt

December 28, 2007 08:44 PM Friday Article read 1,872 time(s)

Showbiz Yearender3
By: Mario E. Bautista
FREEHAND



ISSUES AND CONFLICTS
OTHER events in showbiz include Angel Locsin and her manager’s decision to dump GMA-7, the company that nurtured and built her up, and move to ABS-CBN.

There’s nothing wrong with moving, but they could have done this in a less messy way without creating animosity and burning their bridges with GMA-7.

As a result of this, the standing of her manager’s other talents with GMA-7 was jeopardized, like Jennylyn Mercado who was idle for a while. With her sudden departure from GMA-7, the network put its bet on Marian Rivera to star in the project that Angel rejected, “Marimar.”

Thursday, December 27, 2007

Abante Tonite
joe barrameda
December 27, 2007

Nag-taping na sina Jennylyn Mercado, Patrick Garcia, Isabel Oli at Carlo Aquino para sa Maging Aking Ka Lamang.

Pero, marami ang nagulat, dahil biglang umiyak si Isabel sa kissing scene nila ni Patrick.

Bakit kaya umiyak si Isabel pagkatapos ng kissing scene nila ni Patrcik?

Naku, kinagat ba ni Patrick ang mga labi niya? O baka naman nahihiya siya sa kanyang boyfriend na si Paolo Contis na ang sabi ay naroroon din daw sa set nung mga oras na kinukunan ang eksena nila ni Patrick.

Eh, first time yata ni Isabel na makipaghalikan sa isang teleserye.

Anyway, puring puri naman ng production people si Carlo Aquino dahil pinag-aralan daw ng award winning actor ang role niya (na unang ginampanan ni Jay Ilagan).

Pati raw mga kilos ni Jay ay kuhang-kuha ni Carlo.

***

May nagbulong sa amin na sabay umalis sa Christmas party ang magkatambal sa isang teleserye at hindi alam ng aming informer kung saan sila nagtuloy.

Noon pa man ay nabalitaan na namin na interesado ang aktor sa baguhang aktres, kaya siya nakuha sa bagong programa. Well, Pasko naman at magandang regalo iyon sa aktor bilang pasasalamat sa bagong programang nilalabasan niya.

Jennylyn Mercado vehemently denies throwing tantrum in public

Elyas Isabelo Salanga

Thursday, December 27, 2007
11:51 AM

Rating

Photobucket

Young actress Jennylyn Mercado dismisses a report that she publicly threw a tantrum after an argument with boyfriend Patrick Garcia. "Sorry, pero ang cheap talaga ng issue na ‘yon," she retorts.

Noel Orsal


FHM January 2008 cover girl Jennylyn Mercado reportedly got into an argument with boyfriend Patrick Garcia. Their argument was said to be so intense that Jennylyn, in a fit of temper, rushed to the street and lay down there.



This was just another rumor Jennylyn would normally shrug off. But with people actually believing the rumor, she could not help but air her side in frustration.



"Sorry, pero ang cheap talaga ng issue na ‘yon," said Jennylyn in an interview with Chika Minute aired yesterday, December 26. "Puwede naman kaming mag-away sa loob ng bahay. Pero sa labas? That's sad!"



Jennylyn also explained that she didn't have any major argument with Patrick, so the rumor about her lying down on the middle of the road was nothing but pure fiction. When asked about Patrick's reaction, she said, "Hindi pa niya naririnig, e. Tatawa lang yun, I'm sure."



On a lighter note, Jennylyn excitedly said that she has started taping for her first Sine Novela for GMA-7 titled Maging Aking Ka Lamang with Patrick. However, Jennylyn expressed some worries because it is, after all, her first soap opera with Patrick as leading man.

Wednesday, December 26, 2007

December 26, 2007 05:41 PM Wednesday Article read 1,735 time(s)


By: Vinia Vivar

Jennylyn Mercado
HOT 'N SPICY

Photobucket

LUTANG na lutang si Jennylyn Mercado sa Metro Manila filmfest movie na Resiklo ni Senator Bong Revilla at maganda ang feedback sa kanya kaya tuwang-tuwa ang young actress, pati na ang manager niyang si Becky Aguila.

Ayon sa manager, ang mga ganitong proyekto ang gusto niya para kay Jen at kung tumatanggi man siya sa ibang projects, ito ay dahil hindi fit para sa kanyang alaga.

Maging ang iba pang mga alaga niyang sina Empress Schuck, Ella Cruz at Barbie Sandino ay magaganda rin ang exposure sa Resiklo, kaya naman super thankful ang manager sa Imus Productions at kay Sen. Bong.

December 26, 2007 05:16 PM Wednesday Article read 3,035 time(s)


By: Dinno Erece

DAILY INSIDER




WALA pa ring Christmas truce sa GMA-7 and Becky Aguila.

Aliw na aliw kami sa nasaksihan naming eksena sa premiere night din ng Resiklo. Seated sa second row sa middle aisle, katabi namin ang GMA VP for Drama na si Ms. Marivin Arayata at nasa likod naman namin si Ms. Ethel Ramos.

Nasa first row naman si Jennylyn Mercado but quite far from where we are seated. Nang natapos na ang pelikula, sinundo ni Becky ang kanyang alaga.

Nagkatapat kami ni Becky kung kaya’t nagkabatian kami ng Merry Christmas. Bigla namang may tumawag kay Tita Avin so she had to pick up her phone at medyo tumagilid.

After us, si Tita Ethel naman ang kinamusta ni Becky habang may kinakausap pa rin sa phone si Tita Avin at nakatalikod sa amin. Si Jennylyn, hindi na rin nakapag-goodbye kay Tita Avin at umalis na sila ni Becky.

excerpt
December 26, 2007 04:30 PM Wednesday Article read 3,403 time(s)

2007 Yearender: A look back
By: Mario E. Bautista

Gretchen Barretto & Tonyboy Cojuangco
FREEHAND


FALLING IN, FALLING OUT OF LOVE
IN THE ROMANCE department, the lovelife of showbiz celebrities remain to be very active this year. Jennylyn Mercado and Patrick Garcia were the first pair of showbiz sweethearts in 2007 who admitted they have a relationship. This happened on national TV when Jennylyn guested in “The S Files” (subsequently replaced by “Showbiz Central”) while Patrick was in Gen. Santos City. Over the phone, Patrick told Jennylyn: “Kung sasabihin ko bang mahal kita, sasabihin mo bang mahal mo ko?: And Jennylyn replies: “Oo naman. Mahal din kita.”

Tuesday, December 25, 2007

FHM cover girl Jennylyn Mercado now more confident with her sexy body

Ruel Mendoza

Tuesday, December 25, 2007
12:19 PM

Rating

Photobucket


"Ngayon kasi, I feel more confident. Mas babaeng-babae ako ngayon! Girl na girl na talaga ang feeling ko!" says Jennylyn Mercado about agreeing to pose for FHM Magazine.

Noel Orsal


Malaki ang kinalaman ng pagiging confident ngayon ni Jennylyn Mercado sa kanyang kaseksihan dahil sa kanyang kauna-unahang sexy cover pictorial para sa FHM magazine.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni Jennylyn na tamang panahon na para ipakita ang isang side niya na ikagugulat ng maraming tao.



"Ayoko namang isipin nila na magbabago na ako ng image, hindi naman" pauna niya. "Isang bagay lang ito na ginawa ko para may makita namang iba sa akin. Matagal nang may offer ang FHM sa akin, pero hindi pa ako handa noon. Kahit na nasasama ako sa sexiest list nila for the past four years, hinintay ko talaga ang tamang oras. Ayoko naman na magpu-pose ako ng sexy pero awkward ang dating.



"Ngayon kasi, I feel more confident. Mas babaeng-babae ako ngayon! Girl na girl na talaga ang feeling ko!" bulalas ni Jennylyn.



Pero marami ang nakapansin na tahimik lang ang boyfriend niyang si Patrick Garcia at tila hindi ito kumportable sa suot ni Jen sa cover ng FHM. Ayon naman kay Jen, wala naman daw problema kay Patrick ang pagsuot niya ng mga sexy na damit.



"Supportive naman si Pat ever since," sabi ng young actress. "Yung sinasabi nilang against si Patrick sa pictorial ko sa FHM ay hindi naman totoo. Alam naman niyang hindi pangit na lalabas ang pictorial ko, e. Ako naman, hindi ako papayag kung hindi rin lang maganda lalabas ang mga litrato.



"Yung pagiging tahimik niya, ganun naman talaga si Patrick. Hindi naman siya yung maingay na lalake. Yung pagiging quiet niya doesn't mean na may problema kaming dalawa," paliwanag niya.



Pero okay lang kaya kay Jennylyn na makunan sila ni Patrick na mala-Adam and Eve? Na magkadikit ay ang mga hubad nilang katawan?



"Bakit naman hindi?" ngiti ni Jen. "I think magandang concept ‘yon, di ba? Okay naman siguro kay Pat kasi mas nauna nga siyang mag-pictorial sa akin ng sexy, di ba?



"Isa siya sa mga Cosmo Bachelors last year at ang sexy ng pictures niya. Basta maganda ang concept at hindi katawa-tawang lalabas ang shoot, walang problema sa akin."



Leading lady ni Sen. Ramon "Bong" Revilla, Jr. si Jennylyn sa 2007 Metro Manila Film Festival entry ng Imus Productions at Ignite Media na Resiklo.



Bukod sa La Vendetta ay may bagong TV show si Jen sa GMA-7, ang Maging Akin Ka Lamang. May bagong album din na ginawa si Jen sa ilalim ng GMA Records na ire-release na sa February 2008, just in time para sa kanyang solo show na magaganap sa Zirkoh.

Monday, December 24, 2007

December 24, 2007 04:27 PM Monday Article read 2,027 time(s)


By: Vinia Vivar
Hot ’n Spicy



HANGGANG ngayon, hindi pa makapagdesisyon si Jennylyn Mercado kung pipirma ulit sa GMA Artists Center although mukha namang wala siyang ibang choice kundi ang pumirma.

Magtatapos na ang kontrata ng Ultimate Female StarStruck Survivor Batch 1 sa Pebrero, pero renewable pa ito ng another one year.

Ayon kay Jen ay hindi pa niya alam kung pipirma siya ulit ng panibagong kontrata although tumanggap na rin siya ng bagong proyekto sa GMA, a soap with real-life boyfriend Patrick Garcia.

Sa kasalukuyan, nagpahayag na raw ang management na wala silang balak na tapusin ang kontrata ni Jen, which means, kailangang tapusin ng young actress ang another one year na option.

Needless to say, hanggang ngayon ay naiipit pa rin si Jen sa problema ng manager na si Becky Aguila at ng network na siyang nagpapahirap sa kanyang mag-decide.

excerpt
Abante
December 24,2007

Pasko ng mga artista...

(RUEL MENDOZA)

PASKO na! Pero, paano nga ba isini-celebrate ng mga artista ang Pasko?




Jennylyn Mercado: "Sa bahay lang kami magno-Noche Buena ng buong family. Wala kasi kaming panahon na magplano dahil after Christmas, sunud-sunod na ang tapings ko for La Vendetta and Maging Akin Ka Lamang. Baka makasama ko si Patrick (Garcia). Mag-uusap pa kami kung anong oras siya darating ng bahay namin. Baka kasi December 24 before midnight ay kasama niya ang family niya. Siguro mga 1:00 AM pupunta na siya sa amin."