Saturday, January 05, 2008

SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio
Saturday, January 5, 2008


Nakatutuwa naman at kapuri-puri para sa akin ang pagnanais ni Patrick Garcia na mapakasalan si Jennylyn Mercado na inamin niyang may anim na linggo nang buntis.

Bagaman at sa kasalan din pala gusto niyang mauwi ang kani­lang relasyon ng aktres sana ay nagpakasal na muna sila, tutal naman ayaw niyang magka­roon ng anak out of wedlock.

Mabuti na lamang at hindi sila ikinasal ng huwes na pinuntahan nila at pinayuhan sila na isipin munang mabuti ang kanilang gagawin dahil ang pagpapakasal ay isang permanenteng bagay.

Oo nga naman, kesa naman mauwi lang sila sa paghihiwalay o kaya pagpapa-annul na inuso na ng maraming nagkamali sa paghahanap nila ng ka-partner sa habang buhay.

Kaya lang diskaril muna ang career nila pareho. Si Patrick, kahit nasa edad na ay inaakala pa rin ng marami na isa pa ring bagets at ayaw ng fans ng idolong may sabit na. Ganundin si Jennylyn. Now they will have to find other means to support themselves and their coming child. Mabuti naman at balita ko ay pareho silang masinop, nakapag-ipon na, hindi sila mahihirapan, financially.

Aktres tinatawanan ang pagbubuntis ni Jennylyn
ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles
Saturday, January 5, 2008

Hindi namin alam kung alin ang nauna sa desisyon ng GMA-7 na palitan sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia nina Nadine Samonte at Polo Ravales sa Maging Akin Ka Lamang o ang kagustuhan ni Jennylyn na mag-lie low sa showbiz habang lumalaki ang tiyan.

Ngayong Sabado na magsisimulang mag-taping sina Polo at Nadine, dahil malapit nang umere ang Maging Akin Ka Lamang at 40 sequences ang kailangang i-reshoot ni direk Gil Tejada. Pati sina Isabel Oli at Carlo Aquino ay magre-reshoot din at may mga eksenang kasama sila nina Jennylyn at Patrick.

Hindi pa namin nakakausap si Nadine, pero si Polo ay masaya na may kasunod agad siyang project at okey lang sa kanya kung kapalit siya ni Patrick. Unang team-up nila ito ni Nadine at umaasang tatanggapin sila ng viewers.

* * *

Positive ang comment ng mga kasama ni Jennylyn Mercado sa La Vendetta sa kanyang pagbubuntis, pati ibang kaibigan nito sa showbisz ay maganda ang mga ipinahayag.

Namukod tangi lang ang comment ng isang actress at talagang natawa kami nang mabasa. Sabi ba naman ng hitad, hindi pa rin siya naniniwala at hihintayin niyang lumaki muna ang tiyan ni Jennylyn. Baka raw bawiin nito ang inaming pagbubuntis.

May mga binanggit na example ang actress ng mga “Diumano’y nangyari kay Jennylyn, pero iba ang totoong nangyari. Basta, tawa kami nang tawa nang mabasa ang text. Mahirap lang idetalye at baka magkagulo.

Patrick dapat nang tumigil sa pagsusugal
SHOWBIZ MISMO Ni Cristy Fermin
Saturday, January 5, 2008

Paglabas na paglabas ng kumpirmadong balita na nagdadalantao ngayon si Jennylyn Mercado kay Patrick Garcia ay agad na nag-text sa amin ang source na nagparating sa amin ng kuwento kung paano nagsisimangot noon si Jennylyn sa isang kilalang isla.

Ang natatandaan pa naming mensahe ng aming source, “Suplada pala si Jennylyn, nakikipag-picture-taking kami sa kanya, pero nakasimangot siya. Mabuti pa si Patrick at mabait, lumapit siya sa amin para makapagpakuha kami ng picture,” sabi nito.

Kahapon ay muling tumawag ang aming impormante, ayon dito ay nagdada­lantao na raw siguro si Jennylyn nung makita nila, iba na raw kasi ang itsura ng batang aktres nung mga panahong yun.

“Kaya pala palagi siyang nakasimangot, naglilihi na siguro siya nung mga time na yun. Hindi kasi siya nakaayos, parang aburido siya, naglilihi na nga siguro siya nung mga panahong yun,” pagwa-one-plus-one ng aming source.

Magdadalawang buwan na ang dinadala ni Jennylyn, anim na linggo at dalawang araw ang eksaktong bilang ng sanggol sa kanyang sinapupunan nang kumpirmahin ng manager niyang si Becky Aguila ang balita, yun din ang panahong sinasabi ng aming source na nakita nilang magkasama sa isla sina Patrick at Jennylyn.

Maraming nanghihinayang sa batang aktres, puro sana-sana ang naririnig natin ngayon, sana raw ay ginamitan ng utak ni Jennylyn ang pakikipagrelasyon niya kay Patrick.

Pero palagi namang ganun, kasabihan ng nga na ang pinakatangang taong nabubuhay sa mundo ay ang mga umiibig, dahil umabot man nang ilampung oras ang argumento tungkol sa pag-ibig ay ang puso pa rin ang nasusunod.

Bulag at bingi ang nagmamahal, wala silang pakialam kung wala mang kasiguruhan ang kanyang buhay at kinabukasan sa kanyang mahal, ang palaging nananaig ay ang dikta pa rin ng puso.

Ganun ang nangyari kay Jennylyn, hindi nagkulang ng pagpapaalala sa kanya si Mommy Lydia at si Becky Aguila, pero ang pagmamahal pa rin niya kay Patrick ang nanalo sa bandang huli.

* * *

Kinumpirma ang balita ng pagdadalantao ni Jennylyn Mercado sa kasagsagan ng balitang lulong sa pagsusugal si Patrick, wala na silang maitatago pa ngayon, marami nang nakakakita sa aktor sa iba’t ibang sangay ng mga on-line casino.

Mas magkakaroon ng katwiran ngayon ang ibang tao na payuhan si Patrick na umiwas na sa kanyang bisyo, may anak na siya ngayon, meron na siyang kailangang paghandaang obligasyon.

Kung dati’y ang kanyang sarili lang ang inaalala ni Patrick, ngayon ay kailangan na rin niyang bigyan ng konsiderasyon ang pagdating ng magiging anak nila ni Jennylyn, may ekstensiyon na ang kanyang obligasyon ngayon.

Sana nga’y nauntog na sa katotohanan si Patrick, walang nagtatagumpay sa sugal, kaya nga sugal na tinatawag yun ay dahil walang kasiguruhan. Mananalo siyang minsan, pero matatalo naman siya nang sampung beses, uubusin talaga siya ng kanyang bisyo.

Hindi na dibersiyon ang kanyang ginagawa, kung sana’y palima-limang piso lang ang sangkot na halaga sa kanyang paglalaro, ang kaso ay malakihang puhunan na ang kailangan niya para mapagbigyan ang kanyang sarili sa pagbibisyo.

Puwedeng sabihin ni Patrick na ano ba ang pakialam natin sa kanyang pagsusugal, sabi nga ni Becky Aguila ay hindi naman pera ng ibang tao ang ipinangtataya ni Patrick, isang katwirang pulpol dahil pababayaan na lang ba nating matalo sa buhay nang walang kalaban-laban ang magaling pa naman sanang aktor na ito?

Makatwirang dahilan yun, pero meron nang inaabalang mga tao ngayon si Patrick, sa kagustuhan niyang matustusan ang kanyang bisyo ay minomolestiya na niya ang ilang tao na hindi niya naman nababayaran.

Sana nga, sa pagdadalantao ngayon ni Jennylyn ay makapag-isip-isip na si Patrick, malapit nang dumating ang kanilang anak kaya kailangan na niyang magtrabaho nang husto at iwasan-talikuran na ang kanyang bisyo.

Sana naman.

Back to top

Pagbubuntis ni Jennylyn maselan
TAKE IT! TAKE IT! Ni Lolit Solis
Saturday, January 5, 2008
Shocked ang fans ni Jennylyn Mercado dahil hindi nila matanggap ang pagbubuntis ng kanilang idol.

Kung shocked ang fans, lalo na si Mommy Lydia Mercado, ang dakilang madir ni Jennylyn na kasama nito sa hirap at ginhawa.

I’m sure, na-hurt si Mommy Lydia sa nangyari kay Jennylyn pero wala na siyang magagawa dahil ‘yon ang kapalaran ng kanyang anak.

Nanghihinayang ang fans dahil malayo pa sana ang mararating ng career ni Jennylyn. Wala silang choice kundi tanggapin ang katotohanan na magiging nanay na ang aktres na kanilang sinusuportahan.

Ikinalungkot din ng Jennylyn-Mark Herras fans ang nangyari. Ang pagbubuntis daw ni Jennylyn ang ending ng kanilang pag-asa na magkakaba­likan pa ang dalawa.

Nakoo, tanggapin n’yo na ang truth and nothing but. The end na talaga ng loveteam nina Jennylyn at Mark.

* * *

Si Patrick at ang spaghetti ang napaglilihian ni Jennylyn, ayon na rin sa interbyu sa kanya ng 24 Oras.

Naiinis si Jennylyn kay Patrick nang walang dahilan at gustong-gusto raw niya na kumain ng pasta.

Marami ang humanga kay Patrick dahil sa balita na nag-offer siya ng kasal nang malaman niya na buntis ang kanyang girlfriend.

‘Yan ang tunay na mhin! Hindi niya tinakbuhan ang kanyang responsibilidad o naisip na itago sa publiko ang pagbubuntis ni Jennylyn. Wala rin siyang dialogue na showbiz kasi. Sounds familiar? Wala akong pinatatamaan ha?

* * *

Mabilis ang desisyon ng management ng GMA 7 nang malaman nila na may bagets na lumalaki sa tiyan ni Jennylyn.

Tsinugi nila sina Jennylyn at Patrick sa TV remake ng Maging Akin Ka Lamang.

Hirap sa pagbubuntis si Jennylyn kaya hindi siya puwedeng mapuyat sa taping. Hindi carry ng kanyang resistensya ang maghapon at magdamag na taping.

Umaapela ang fans ni Patrick. Bakit daw tsinugi rin siya sa Maging Akin Ka Lamang eh si Jennylyn lang ang buntis? Hindi ba raw puwedeng si Patrick pa rin ang maging kapareha ni Nadine Samonte na ipinalit kay Jennylyn? Ang sagot ko? Ma at pa!

* * *

Rest muna ang drama ni Jennylyn. Ang magiging pamilya nila ni Patrick ang kanyang magiging priority at hindi ang career niya.

Mula nang mag-win siya sa Starstuck, non-stop ang pagtatrabaho ni Jennylyn.

Knowing her, hahanap-hanapin niya ang mga nakasanayan na gawin tulad ng mga out-of-town show, concerts, tapings at kung anik-anik pa.

Kasabay ng pagbubuntis ni Jennylyn ang pagtigil niya sa paggawa ng pelikula. Mabuti na lang, nakagawa siya ng pelikula bago lumobo ang kanyang tiyan.

Si Jennylyn ang leading lady ni Bong Revilla sa Resiklo na showing pa rin sa mga sinehan.

Manganganak si Jennylyn sa September kaya asahan natin na may Jennylyn watch hanggang isilang niya ang panganay nila ni Patrick. Nandiyan ang pahulaan sa magiging gender ng kanilang anak, ang mga paghahanda niya bilang brand new mother at kung anik-anik pa!

excerpt

SATURDAY, JANUARY 05, 2008
Abante

Ano ba ang puwede niyang maipayo kay Jennylyn? Si Jean nga ay nabuntis din noon sa murang edad.


“I just want to say kay Jennylyn to be strong and still be the same person that she is. I was a lot younger noong mabuntis ako kay Jennica at na-survive ko iyon.


“Ang maganda naman ay nandiyan si Patrick (Garcia) na handa siyang pakasalan. Ako kasi I was never married kaya hindi ako puwedeng magpayo in regards to getting married and all that. Ang mapapayo ko lang kay Jennylyn ay to embrace her pregnancy kasi isa ‘yan sa mga milagro na bigay ng Diyos sa aming kababaihan. And if she needs more advice sa pagbubuntis, nandito lang ako to listen and give her advices bilang isang nakakatandang kapatid niya.

Jen at Patrick, sinibak!

Jun Nardo
Abante
SATURDAY, JANUARY 05, 2008

Photobucket

TULALA pa rin siguro ang mga fans ni Jennylyn Mercado ngayon dahil sa pag-amin ng idolo nilang buntis ito ng almost two months, huh!
Kelan lang ay super-busy talaga ang fans ni Jen sa pagpapadala ng e-mails sa mga reporters. Si Jen daw ang may karapatang maging Darna at with matching justification pa sila sa petisyon nila sa GMA.
Pero lahat ng pinag­paguran ng fans ni Jen ay mauuwi sa wala dahil buntis nga ang young actress. As an added injury, hayun at sinibak na si Jen sa TV version ng Maging Akin Ka Lamang at ng boyfriend niyang si Patrick Garcia.


Dahil sa pagkakabuntis ni Jen, pansamantala muna siyang magiging jobless sa GMA. Kung noon ay panay ang tanggi niya sa mga GMA pro­jects, this time, ang pro­jects na ang tumanggi sa kanya, huh!
It’s her choice sa nangyari. Man enough naman si Patrick upang aminin ang obligasyon niya unlike some actors we know na maraming paeklay at denials pero aamin din sa bandang huli na siya ang culprit, ‘no?


Ang hindi lang namin gusto ay ang paga-announce ng dalawa at mga malalapit sa kanila na walang kasalang magaganap after the incident. Naging dahilan tuloy ang wedding ng kapatid ni Patrick na si Cheska Garcia sa cager na si Doug Kramer this year.


Naawa tuloy kami kina Cheska at Doug. Nadawit sila sa isyung wala naman silang kinalaman.


Baket, ready na bang lahat sa wedding nina Cheska at Doug para gawing dahilan ‘yon sa hindi pagpapakasal nina Jen at Patrick? Hindi ba puwedeng i-postpone ang wedding ngayong lantad na ang pagiging buntis ni Jen?


Ibang dahilan na lang sana ang sinabi nila at hindi ‘yung sukob. Naipalabas na ‘yon at ginawan pa nga ng remake na Pasukob, huh!


Now, what comes next, Jennylyn and Patrick?


(Ed: In fairness Jun, nagpumilit na magpa­kasal sina Patrick at Jennylyn sa Makati City Hall, pero hindi sila pinayagan).


Incidentally, ngayong Sunday sa number one talk show na Showbiz Central, live na mapapanood sina Jennylyn at Patrick, kaya tutukan ito.
Abangan din ang pagsagot ni Angelika dela Cruz ng mga intriga sa kanya ngayong balik-GMA na ang byuti niya, huh!


Tutukan din sa SC ang mga isasalang na artista sa Don’t Lie To Me at ang rebelasyong makukuha mula sa bibig nila!

Becky Aguila, ‘di tanggap ang pagbubuntis ni Jennylyn!
Rey Pumaloy
Abante
SATURDAY, JANUARY 05, 2008


ANG manager ni Jennylyn Mercado na si Becky Aguila ang matinding naapektuhan sa pagbubuntis ng alaga. Pag-amin ni Becky sa akin, matinding pagkagulat at lungkot ang naramdaman niya nang malaman niyang nabuntis ni Patrick si Jennylyn.


Sa totoo lang, parang hirap na hirap daw si Becky na tanggapin ang nangyari kay Jennylyn. Pero, kailangan daw niyang ipakita kay Jennylyn na tanggap niya ang sitwasyon para mapanatiling matatag ang alaga niya.


Siyempre, dahil buntis si Jennylyn, isasaisantabi muna ni Bekcy ang career nito. Mas maganda raw na pagtuunan na lang ni Jennylyn ang sanggol sa kanyang sinapupunan.


At isa pa, hindi rin daw makapag-isip ng career plan si Becky para kay Jen ngayon. Pero, kung type raw ni Jennylyn na magtrabaho pa rin kahit buntis ito, pababa­yaan daw niya ito.


Anyway, kahapon nga ay naisulat namin na hindi pinayagang magpa­kasal sina Jennylyn at Patrick sa Makati City Hall. Sabi nga, hindi ang kasal ang sagot sa kanyang pagbubuntis.


At isa pa, ikakasal din ngayong 2008 ang nakatatandang kapatid ni Patrick na si Cheska Garcia sa boyfriend nitong basketbolista na si Doug Kramer.
Kaya mananatili pa ring ‘single’ si Jen kahit buntis siya.


Sa ngayon, ayaw munang magpa-interview ni Becky tungkol sa pagbubuntis ni Jennylyn. Hindi raw niya alam kung ano ang isasagot niya sa mga itatanong sa kanya.


***


Dahil sa pagbubuntis ni Jennylyn, tinanggal na nga siya sa bagong sine­serye na gagawin ng GMA-7, ang Maging Akin Ka Lamang. Sina Jen at Patrick nga sana ang magbibida sa sineserye na ‘yon, lalo na at patapos na ang La Vendetta.


Sina Nadine Samonte at Polo Ravales ang ipapalit sa roles na dapat sana ay gagampanan nina Jennylyn at Patrick.


Ayon mismo sa isa sa mga executives ng GMA na si Ms. Lilibeth Resonable, last Thursday lang nagdesisyon ang management na palitan sina Jennylyn at Patrick, matapos nilang makumpirma ang pagbubuntis ng aktres.


Ipinaliwanag ni Ms. Lilibeth na inisip din ng management ang kundisyon ni Jen. Aba, mahirap nga raw para sa ibang buntis ang magtrabaho.


“At alam naman na­ting masasakitin din si Jen. At siyempre, ang taping kasi bugbugan ‘yan, puyatan, nakakapagod talaga. Ayaw naman nating may mangyari sa baby ni Jen kaya ibinigay na lang sa iba ang project,” paliwanag ni Ms. Resonable.


Itinanggi ni Ms. Lilibeth na terminated na ang kontrata ni Jen sa GMA 7 dahil lumabag ito sa kasunduan na hindi ito puwedeng magbuntis habang active pa ang kontrata nito sa network.


Sa pagkakaalam ni Ms. Lilibeth, walang na­kasaad na ganun sa kontrata ni Jennylyn.


Anyway, matatagalan bago makita si Jennylyn sa mga regular na programa ng Siyete, dahil hindi nga nila ito bibigyan ng trabaho. Sinabi rin ni Ms. Resonable na hindi naman maaapektuhan ang career ni Patrick. May mga project pa rin silang ibibigay rito.


Kahapon nga pala ay nag-taping pa rin si Jennylyn ng La Vendetta. May apat na eksena pa kasi siyang dapat na kunan sa pagwawakas ng La Vendetta.


Hindi raw magiging problema ang taping ng La Vendetta sa pagbubuntis ni Jennylyn, dahil mga light na eksena lang ang gagawin nito at hindi nakakapagod.

Ni: Abu Tilamzik
Abante Tonite
january 5, 2008

Pinag-uusapan pa rin ang tungkol sa pagbubuntis ni Jennylyn Mercado. Marami ang nagtatanong kung bakit lumabas ito agad.
Sana raw, itinago na lang muna at inamin na lang pag medyo malaki na ang tiyan.
Marami ang naawa kay Jennylyn sa kanyang kalagayan dahil parang hindi pa siya handa sa biglaang pagbabago ng kanyang buhay.
Kahit sinasabi pang hindi siya pababayaan ni Patrick, marami ang nakawala sa kanya. Sana, makabalik siya sa eksena pagkatapos niyang manganak.
Pinayuhan sina Jennylyn at Patrick na hindi kasal ang sagot sa big­laang pagbubuntis ng dalaga.
Huwag gawing dahilan ang pagbubuntis kaya magpapakasal sila.
Hintayin daw ang pa­nahon na talagang gusto na nilang mag-asawa, saka sila magpaalam na ituloy na ang pagpapakasal.
Kahapon ay tuloy pa rin si Jennylyn sa taping ng La Vendetta. Mamaya ay dadalo raw sila ni Patrick sa awards night ng MMFF dahil gusto nilang normal pa rin ang takbo ng kanilang buhay kahit itong pagbubuntis ang malaking isyung hinaharap nila ngayon.
***
Marami akong natatanggap na text message kung sino na ang gaganap na Darna pagkatapos nitong nangyari kay Jennylyn Mercado.
Malakas ang bulung-bulungang ibibigay sana ang role na ito kay Jennylyn pero dahil sa kalaga­yan niya ngayon ay ibibigay na ito sa iba.
May nakapagsabing baka kay Marian Rivera na raw ito, pero sana ay ibigay ito sa iba para marami pang pasikatin ang GMA 7.
May narinig kaming baka kay Katrina Halili ito ibigay pero parang hindi yata ito bagay sa seksing dalaga na lumabas nang Black Darna noon.
Mas nababagay si Kat­rina sa papel na bida-kontrabida.
May tsikang kay Rhian Ramos ibibigay ang Dyesebel na bagay rin naman, pero may mga nagti-text sa akin na mas okay kung ibigay ‘yun kay Karylle dahil marunong itong kumanta.
Nandiyan din sina Nadine Samonte at Pauleen Luna na pwede ring pasikatin lalo ng GMA 7.
Sana, makapag-isip nang maayos ang mga taga-GMA 7 ng magandang casting sa mga susunod nilang malalaking projects para pagkatapos kay Marian, marami pang mga potential na gawing reyna ng Kapuso network.
***
Nakausap namin si Paolo Contis kahapon at type na type sana niyang sila na ni Isabel Oli ang papalit kina Jennylyn at Patrick sa Maging Akin Ka Lamang.
May nag-suggest na bakit hindi si Nancy Castiliogne ang ka-triangle nila para exciting at maintriga sa casting pa lang.
Pero sina Nadine at Polo Ravales na raw ang papalit.
Sana, may maibigay ang GMA 7 na magandang project sa mainit na casting gaya nina Paolo, Isabel at Nancy.

PARENTS NI JENNYLYN, IYAK NANG IYAK
Ni: Jojo Gabinete


Photobucket

Nainterbyu ng Showbiz Central staff ang mag-asawang Lydia at Roger Mercado, ang mga kinikilalang magulang ni Jennylyn Mercado.
Kapwa iyak nang iyak ang mag-asawa dahil na­bigla sila sa maagang pagbubuntis ni Jennylyn.
Sinabi ni Aling Lydia na masakit sa kanya ang nangyari pero wala na silang magagawa ng asawa niya.
Ipinagtapat ni Aling Lydia na galit siya dati kay Patrick Garcia pero nawala ang sama ng kanyang loob nang makita niya na naninindigan ang aktor sa pagbubuntis ni Jennylyn.
Naka-confine sa wheelchair si Mang Ro­ger dahil pinutol ang kanyang mga tuhod na resulta ng pagkakaroon niya ng diabetes.
Gaya ng asawa niya, nasaktan si Mang Roger sa kapalaran ni Jennylyn.
Dahil magkakaroon na ng sariling pamilya ang aktres, hindi na mas­yadong umaasa ng financial help mula sa kanya sina Aling Lydia at Mang Roger.
Si Jennylyn ang breadwinner ng pamilya at ma­laking tulong sa kanyang mga magulang na nagisnan ang kinikita niya mula sa showbiz.

Sunshine Dizon says kudos for Jennylyn Mercado's pregnancy

Nora Calderon

Saturday, January 5, 2008
01:56 PM

Photobucket

"Congratulations! A baby is always a blessing," says Sunshine Dizon about Jennylyn Mercado's (inset) pregnancy.

Noel Orsal



"Ninang ka raw!"



"Kanino?"



"Sa anak ni Jennylyn!"



"Why not?"



Biro ito ng ilang entertainment press kay Sunshine Dizon sa farewell presscon ng horror-serye ng GMA-7 na La Vendetta last Thursday, January 3, tungkol sa pagbubuntis ng co-star niyang si Jennylyn Mercado. Pero ayaw maniwala ni Sunshine na preggy na ang "kapatid" niya sa soap kaya ayaw nitong magbigay ng comment or message kay Jennylyn hanggang hindi niya nalalaman kung totoo nga ang balita.



"Wala kasi akong napapansin kay Jen sa taping namin ng soap," sabi ni Sunshine sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Bihira naman kaming magkausap ni Jennylyn dahil madalas, iba ang kaeksena niya. Huli kaming nagkausap sa taping namin before Christmas na hiningi niya ang telephone number ng hotel sa Boracay dahil pupunta raw sila doon ni Patrick."



Biniro na naman si Sunshine kung hindi ba niya napansin na malaki raw ang boobs ni Jen ngayon.



"Hindi. At bakit ko naman titingnan ang boobs niya, mayroon naman ako?" nagbibirong sagot din ni Sunshine.



"Swear, hindi ko napapansin na mas lumaki ang boobs ni Jen ngayon kesa noon," pahabol niya.



Ano ang masasabi niya para kay Jennylyn ngayon?



"Congratulations! A baby is always a blessing," nakangiting pahayag ni Sunshine.



"Although you're both young... Si Patrick kasi close sa akin 'yan dahil friend ko ang sister niyang si Cheska... Sana huwag kayong tumulad sa mga celebrity couples na magpapakasal agad at pagkatapos hiwalay din agad. Pag-isipan muna ninyong mabuti ang lahat ng gagawin ninyo. Pero no matter what, maging mabuti kayong parents ng inyong baby," mensahe niya sa young couple.

Friday, January 04, 2008

Hindi pa pareho ready Jen at Patrick ‘di muna pakakasal
SHOWBIZ MISMO Ni Cristy Fermin
Friday, January 4, 2008
Ilang araw nang umiikot ang balitang nagdadalantao si Jennylyn Mercado, si Patrick Garcia ang itinuturong ama ng sanggol, pero walang kumpirmasyong nagmumula sa magkabilang kampo. Kahapon ay nagkaroon ng linaw ang isyu, ang mismong manager ni Jennylyn na si Becky Aguila ang nagsabi: “Jen’s pregnant six weeks and two days. Had her checked at St. Lukes. We’re in Makati City Hall the judge’s counselling them. Marriage is not the answer. They’re not both ready. Cheska’s getting married this year, sukob, di puwede. Wait for the right time. Marriage is not the solution. Marry when ready and able. Jen will remain single. She’ll keep the baby.”

Wala pang kumpirmadong panahon ang pagpapakasal nina Patrick at Jennylyn, ang maha­laga ay paninindigan ng batang aktres ang bata, na kapuri-puri sa panig ng batang aktres.

Lumabas ang balitang ito sa gitna nang matinding isyu tungkol kay Patrick, ang pagsusugal ng aktor, na hanggang ngayo’y dinedepensahan pa rin ni Jennylyn.

Jennylyn anim na linggong buntis
TAKE IT TAKE IT Ni Lolit Solis
Friday, January 4, 2008

Photobucket

Buntis si Jennylyn Mercado at six weeks old na ang bagets sa kanyang tiyan.

Si Patrick Garcia ang ama ng bata, may iba pa ba?

Tiyak na malulungkot ang fans ni Jennylyn na hoping na siya ang magiging Darna dahil walang Darna na buntis huh!

Niyayaya na raw ni Patrick na magpakasal sila ni Jennylyn.

How nice of Patrick ha? Yan ang tunay na lalake, may paninindigan!

PATRICK AT JENNYLYN, ‘DI PA HANDANG PAKASAL!
Ni REY PUMALOY

Abante
FRIDAY, JANUARY 04, 2008

Photobucket



AGAD akong nag-text kay Tita Becky Aguila (manager ni Jennylyn Mercado) nang malaman ko ang kumalat na text message na buntis si Jen at si Patrick Garcia ang ama.


Anyway, narito ang sagot ni Tita Becky sa tanong namin sa kanya kung totoo ngang buntis si Jen:


“JEN’S PREGNANT 6 WEEKS AND 2 DAYS. HAD HER CHECKED AT ST. LUKE’S.


“WE’RE IN MAKATI CITY HALL. THE JUDGE’S COUNSELING THEM.


“MARRIAGE IS NOT THE ANSWER. THEY’RE BOTH NOT READY.


“CHESKA’S (kapatid ni Patrick Garcia) GETTING MARRIED THIS YEAR. SUKOB. HINDI PUWEDE.


“WAIT FOR THE RIGHT TIME. MARRIAGE IS NOT THE SOLUTION.
“MARRY WHEN READY AND ABLE.


“JEN WILL REMAIN SINGLE.


“SHE’LL KEEP THE BABY…”


***


Sa totoo lang, bago ang Pasko ay marami na ang nakapansin sa kakaibang dating ni Jen. Parang lalo siyang gumanda, dahil tila nagkaroon ng laman ang kanyang katawan.


Hindi na nga siya tulad noon na patpatin, o manipis ang katawan. Halata rin kasi ang big­laang paglaki ng kanyang boobs.


Inisip ko nga noon na nagpalagay siya ng boobs. Pero, sa pakiki­pagtsikahan namin sa kanya sa Christmas party ng Entertainment Press Society, itinanggi niya `yon. At sinabi nga niya na medyo tumaba lang siya, kaya parang tumaba rin ang kanyang dibdib.


Anyway, halata naman na masayang-masaya si Jennylyn sa sitwasyon niya. Sa tuwing nakikita namin siya ay palagi siyang nakangiti.


Ngayon pa lang, parang puwede ko na ring hulaan na babae ang ipinagbubuntis ni Jennylyn, dahil mas gumanda siya ngayon.

abante
FRIDAY, JANUARY 04, 2008

JENNYLYN MERCADO, BUNTIS!




KAHAPON ay kumalat ang text message tungkol kina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia at isa ako sa napasahan ng message na ‘yon.
Medyo kagulat-gulat ang message na ‘yon, na sa simula ay pagdududahan mo talaga.


Nakalagay kasi sa text message na ‘yon ang kuwentong ito:


“Hi! Jennylyn Mercado is two months pregnant with Patrick Garcia’s baby. They are planning a civil wedding.


“Patrick does not want the baby to be born out of wedlock.
“They are going to consult with a judge today. Tnx.”


Sabi ng manunulat na nagpadala sa akin ng text massage na ‘yan, ipinadala raw sa kanya ang mensaheng ‘yon ng isang taong malapit sa manager ni Jennylyn na si Becky Aguila.


Eh, dahil wala naman kaming kontak sa manager ni Jennylyn na si Becky Aguila, ang kampo ni Patrick na lang ang kinontak namin.


Ang publicist ni Arnold Vegafria (manager ni Patrick), na si Tinnie Esguerra, ang una naming tinawagan at tinanong tungkol sa kumalat na text messages.


Pero sa simula, parang hindi niya alam ang tungkol sa tsismis na ‘yon sa text messages. Panay ‘ow’ lang ang naging reaksiyon niya at kasunod ang pagsasabi na dapat ay si Arnold ang usisain namin.


Siyempre, nakiusap kami kay Tinnie na kausapin si Arnold at pumayag naman siya. Sinabi rin ni Tinnie na agad niya kaming iti-text sa reaksyon ni Arnold, sa sandaling makausap na niya ito.


Ilang minuto lang ang nakalipas, agad din namang nag-text sa amin si Tinnie.


“Don, no comment muna daw si ALV (Arnold L. Vegafria). We will make an announcement soon. Hope you understand. Tnx.”


Siyempre, nirerespeto namin ang sinabi sa akin ni Tinnie na galing kay Arnold. ‘Yun nga lang, parang mas lalo akong naguluhan, dahil puwede naman nilang sabihin agad na hindi ‘yon totoo, o totoo ‘yon.


Pero, sige na nga, hintayin na lang natin ang official statement ‘soon’ ng kampo ni Patrick. Pero sa ngayon, habang hindi pa kami sigurado at hindi pa namin nakukuha ang side nina Patrick at Jennylyn, nananatiling patanong sa utak namin ang kuwentong ito.


Dalawang buwan nga bang buntis si Jennylyn at pakakasal na nga ba sila ni Patrick? (DONDON SERMINO)


***


KAHAPON ay kinumpirma ng kampo nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia ang kumalat na text messages na buntis ang dalaga.
Ayon sa isang taong malapit sa dalawa, anim na linggo at dalawang araw (kahapon, o anim na linggo at tatlong araw na ngayon) ang sanggol sa sinapupunan ni Jennylyn.
Magkasama umano na nagpunta ng St. Luke’s Hospital sina Jennylyn at Patrick para magpa-check up. At kumpirmado nga na buntis ang dalaga.
Matapos umanong mangggaling sa St. Luke’s Hospital ang dalawa, agad din silang tumuloy sa Makati City Hall para ayusin ang pagpapa­kasal nila.
Sabi pa, wala naman dapat ikahiya ang dalawa at wala silang dapat na itago. Nagmamahalan naman daw sila, at handa naman si Patrick na panagutan ang sanggol sa sinapupunan ni Jennylyn. (JOJO GABINETE)

ni: Abu Tilamzik
Abante tonite
January 4, 2008

Nabigla kami sa balitang anim na linggong buntis na si Jennylyn Mercado.
Nagpa-check-up ang young actress sa St. Luke’s Hospital pagkatapos niyang mag-self-preg­nancy test nang tatlong beses. Doon nakumpirmang nagdadalantao na siya.


Willing si Patrick Gar­cia na panagutan ang ka­lagayan ngayon ni Jen­nylyn.
Ang sumunod na­ming nabalitaan ay nasa Makati City Hall na ang magkasintahan para magpa­kasal. Iyun pala, nasa isang huwes lang sila at nagka-counseling.


Hindi raw sila pwedeng magpakasal nga­yong 2008 pagka’t sukob ito sa kasal nina Cheska Garcia (kapatid ni Patrick) at Doug Kramer.
Ang mga kasama­han ng magkasintahan sa kanilang bagong teledramang Maging Akin ka Lamang ay hindi makapaniwala sa naturang balita.
Na-pack-up ang ta­ping nila kahapon at wala pang makapagsabi kung kailan ito matutuloy.


Itutuloy pa ba ito kahit ganito na ang kalaga­yan ni Jennylyn?
Pinag-uusapan na raw sa GMA 7 kung ano ang mabuting gawin dahil sa Enero 14 nakatakdang magsimula ang naturang teledrama.


Ang dinig namin, maaring palitan na lang daw sila dahil tiyak na mahirap ang taping nila sa kalagayan ngayon ni Jennylyn, at dagdagan pa ng attitude ni Patrick na madalas nali-late sa taping at tulog nang tulog.
Ang latest na nari­nig namin, papalitan na silang dalawa nina Nadine Samonte at Polo Ra­vales.


May nakapagkuwento pa sa amin na sobrang init daw ng ulo ni Becky Aguila (manager ni Jennylyn) kahapon at kung hindi sila magiging mahinahon, baka magkaroon pa sila ng matinding away ni Arnold Vegafria (manager ni Patrick).
Sinubukan naming tawagan si Mark Herras (ex-boyfriend ni Jennylyn) pero hindi ito sumasagot sa aming tawag. Isang taga-Startalk ang nakausap nito at sobra rin daw ang pagkabigla nito nang nalaman niyang buntis na si Jennylyn.
Wala raw kamalay-malay si Mark sa bali­tang iyun dahil nasa Batangas ito at nagwi-wakeboar­ding sila ni Rhian Ramos.


Kahapon ay may exclusive interview si Ricky Lo kina Patrick at Jennylyn na dapat n’yong aba­ngan sa Startalk at The Ricky Lo Exclusives.

Patrick, desididong pakasalan si Jennylyn
ni: Joe Barrameda
Abante tonite
january 4, 2008

Buntis si Jennylyn Mercado nang anim na linggo at tatlong araw, at gusto siyang pakasalan ng kasintahang si Patrick Garcia.
Habang sinusulat namin ito kahapon, nasa Makati City Hall sina Jennylyn at Patrick at kina-counseling ng isang judge.
Ayon sa aming source, hindi kasal ang sagot sa kanilang ‘problema’ at kapwa hindi pa sila handang mag-asawa.


Ngayong taon naka­takdang pakasal si Cheska Garcia (kapatid ni Patrick) kay Doug Kramer at magiging sukob kung pakakasal na sina Patrick at Jennylyn.
Kaso, desidido nga raw si Patrick na pakasalan na si Jennylyn.
Ngayong Enero mag-uumpisa ang bagong telenobela nina Jennylyn at Patrick na Maging Akin Ka Lamang.


Malalaman natin kung tatanggapin ng publiko ang kanilang tambalan.
Ipagpapatuloy ni Jennylyn ang kanyang pag-aartista kung tatangkilikin pa rin siya ng fans.


Si Patrick ay matagal na sa pag-aartista. Siguro, hindi ito makaaapekto sa kanyang propesyon.


Ang hindi kami makapaniwala ay ang tsikang nagugumon si Patrick sa pagsusugal.


Paano kaya ito natuto sa ganitong bisyo? Sino kaya ang nagturo o nang-akit sa kanya sa bisyong ito?

Jennylyn, malabo nang mag-Darna
ni: Allan Diones
Abante tonite
January 4, 2008

Photobucket


Isa kami sa mga nakatanggap ng sunud-sunod na emails na pinepetisyon ng fans ang idolo nilang si Jennylyn Mercado na gawing bida sa bagong telefantasya ng GMA na Captain Barbell Meets Darna.


Inisa-isa nila roon ang mga rason kung bakit karapat-dapat na maging bagong Darna si Jennylyn, matapos itong gampanan noon ni Angel Locsin (na lumipad na sa kabilang istasyon).


In fairness ay alam naming maraming fans si Jennylyn na sumusuporta at nagtatanggol sa kanya. Hindi namin alam nga­yon kung maaawa kami sa kanila dahil sa latest development sa 20-anyos na young actress.


Siguradong ang Jen fanatics ang unang na­bigla sa balitang kumpirmadong six weeks preggy si Jennylyn courtesy of boyfriend Patrick Garcia.
Ang pagdadalantao ni Jen ang buwenamanong showbiz issue sa kapapasok lang at hindi pa mandin nag-iinit na taon ng 2008.


Dahil dito ay biglang naglaho ang pangarap ng fans niya na makita siyang naka-Darna costume at nakikipagtunggali kasama ni Captain Barbell.
Automatic na laglag na sa listahan ng mga pagpipilian si Jen dahil wala namang Darna (o sinumang superheroine for that matter) na buntis.


Ang dinig namin ay hahanapan na rin ng kapalit si Jen sa bagong teledrama ng GMA na Ma­ging Akin Ka Lamang. Malamang na mapalitan din si Patrick kapag tinanggal sa cast si Jen dahil ang loveteam sana nila ang ibebenta rito kasama sina Isabel Oli at Carlo Aquino.


Ang alam namin ay Agosto 2006 naging mag-on sila Jennylyn at Patrick. Pagkatapos ng isang taon at limang buwan ng pagiging magkasintahan ay heto’t buntis na si Jen.


Ang magandang balita ay paninindigan daw ito ni Patrick at handa nitong pakasalan ang nobya.


Ang isa pang ipinag­lalaban ng fans ay si Nadine Samonte, na bagay na bagay raw gumanap na Dyesebel imbes na kay Rhian Ramos ito ibigay ng GMA.
Wish namin na huwag naming mabalitaan na after Jennylyn ay ang kapwa niya StarStruck girl na si Nadine ang sunod na nabuntis.
***
Naisipan naming i-text kahapon para hi­ngan ng reaksyon sa pagbubuntis ni Jennylyn ang ex-girlfriend ni Patrick na si Bianca King.
Sagot sa amin ni Bianca, wala siyang alam tungkol sa isyu at sa amin niya lang ito unang narinig.


Nang sabihin namin sa kanyang kumpirmadong preggy si Jen courtesy of her ex-BF ay si­nagot kami ni Bianca ng isang simpleng, “Congratulations to them!”
Ang alam namin ay mas matagal ang na­ging relasyon noon ni Patrick at ng Fil-Aussie model na si Bianca. Hindi pa nagsu-showbiz si Bianca nang maging sila ni Pat at bumilang din nang ilang taon ang pagmamahalan nila.


Ayaw nang pag-usapan pa ng mestisang young actress ang nakaraan nila ni Patrick dahil may kanya-kanya na raw silang buhay ngayon.
Tinukso namin si Bianca na masaya na siya ngayon sa piling ng kanyang Papa Champ (Lui-Pio, bokalista ng bandang Hale) at tinext back niya kami ng, “I’m always happy!”


Nu’ng huli namin silang makitang magkasama sa isang showbiz party ay sweet na sweet sina Bianca at Champ at obvious na happy sila sa isa’t isa.
***
Heto naman ang sagot sa amin ng manager ni Jen na si Becky Aguila nang kunin namin ang reaksyon niya sa hindi ina­asahang pagbubuntis ng kanyang alaga:
“Mixed feelings. It’s a new beginning for Jen. Two days ago, I’m sad but I can’t show it to Jen. I want her to be strong for her baby’s sake.


“Regarding career, she’ll be guesting whenever she can just for visibility. For now, wala pa akong definite na answer regarding career plans.
“It will take a backseat for now. Priority is the baby and her health. Thanks.”

Expectant dad Patrick Garcia dismisses rumor that he's hooked on online casino

Julie Bonifacio

Friday, January 4, 2008
01:41 AM

Rating





Pinabulaanan ng kampo ng young actor na si Patrick Garcia na may kasalang naganap sa kanila ng buntis niyang girlfriend na si Jennylyn Mercado kaninang hapon, January 3, sa Makati. Although nagsadya talaga sina Patrick at Jennylyn sa isang judge sa Makati, hindi raw para magpakasal ang ipinunta nila doon kundi para humingi lang ng counseling.



Gustuhin man ni Patrick na pakasalan si Jennylyn ngayon para hindi siya magsilang ng bata out of wedlock ay mukhang mauudlot. Nakatakda rin kasing ikasal ngayong taon ang nakatatandang kapatid ni Patrick na si Cheska Garcia sa boyfriend nito na si Doug Kramer. Or else, sukob sa kasal ang magaganap sa magkapatid ngayong taon.



Bago sumambulat ang tungkol sa pagbubuntis ni Jennylyn, kumalat ang balita na lulong na sa paglalaro ng online casino si Patrick. May tsismis pa na halos sa online casino shop na nakatira si Patrick na siyang dahilan daw ng madalas na pag-aaway nila lately ni Jennylyn.



Naibenta rin daw ni Patrick ang kanyang cell phone at nakalimutang burahin ang text messages sa kanya ni Jennylyn kaya nabuking na pag-aari ng young actor ang telepono. Isa sa text message na nakalagay diumano sa cell phone na galing kay Jennylyn ay ganito more or less ang nilalaman: "Ano pa ba ang gusto mo? Ibinigay ko na sa ‘yo ang lahat."



Itinanggi rin ni Patrick ang balitang nangutang siya ng halagang P50,000 sa isang kilalang TV host-columnist para ipanlaro sa online casino. Ipinaliwanag ni Patrick na ang kaibigan niya na isang Mayor na taga-Nueva Ecija ang nanghiram ng pera, hindi siya.

Becky Aguila not in favor of Jennylyn's plan to marry Patrick Garcia

Dinno Erece

Friday, January 4, 2008
11:10 AM

Photobucket

Jennylyn Mercado's manager, Becky Aguila (inset) is very vocal about her opinion that her ward should not make a hasty decision by marrying boyfriend Patrick Garcia just because she is pregnant.

Noel Orsal



Nang natanggap namin ang text message ng isang manunulat na malapit ngayon sa manager ni Jennylyn Mercado na si Becky Aguila, si Becky ang unang tinawagan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) para humingi ng confirmation tungkol sa balita kahapon, January 3, na pagdadalang-tao ni Jennylyn. But our call was unanswered. It was an hour later bago sumagot si Becky sa amin via a long text message na parang confirmation and an advise na rin for her ward.



Ito yung mga oras na napapabalitang nakikipag-usap na si Jennylyn at ang boyfriend nitong si Patrick Garcia sa isang judge sa Makati City Hall para sa kanilang planong pagpapakasal.



The full message states:



"Jen's pregnant, 6 weeks and two days. Had her checked at St. Luke's. We're in Makati City Hall and the judge is counseling them. Marriage is not the answer, they're both not ready. Cheska [Garcia, sister ni Patrick] is getting married this year, sukob, di puwede. Wait for the right time. Marriage is not the solution. Marry when ready and able. Jen will remain single. She'll keep the baby."



Medyo nagulat kami sa last statements ni Becky, so we asked her back just for reconfirmation kung ano naman ang personal stand niya about the issue.



"I'm against the marriage. Just keep the baby," sagot ng talent manager.



Mixed feelings si Becky tungkol sa biglaang pagbubuntis ni Jennylyn. Nagulat talaga siya nang malaman niya ito two days ago.



Sabi niya, "I'm sad but I can't show it to Jen. I want her to be strong for her baby's sake. Nandiyan na 'yan, I don't want Jen to worry."



Having said that though, Becky assured us she's happy for the two.



Tinanong din namin si Becky tungkol sa pagbabago ng career plans ng kauna-unahang StarStruck Ultimate Female Survivor. Natanggal sa cast sina Jennylyn at Patrick sa Maging Akin Ka Lamang na nakapagsimula na ang taping.



"For now, wala akong definite na answer re career plans," sabi ni Becky. "She will be guesting whenever she can just for visibility. It [Jennylyn's career] will take a backseat for now. The priority is the baby and her health."



In an earlier report dito sa PEP, nagbigay na rin ng assurance ang GMA Artist Center that they will stand behind both Jennylyn and Patrick and when Jennylyn is ready to work again, bibigyan siya ulit ng trabaho.

Jennylyn Mercado's colleagues reserve comment about her pregnancy

Dinno Erece

Friday, January 4, 2008
11:28 AM

Rating





Ayaw munang mag-comment ng mga artistang malalapit kay Jennylyn Mercado tungkol sa kalagayan nito ngayon.



Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Mark Herras, Yasmien Kurdi, at Angel Locsin ang kanilang reaction tungkol sa pagbubuntis ni Jennylyn. Si Mark ang kauna-unahang loveteam ni Jennylyn and also her first showbiz boyfriend. Si Yasmien naman ang First Princess sa kauna-unahang StarStruck, kung saan nanalo si Jennylyn bilang Ultimate Female Survivor. Si Angel naman ay kasama ni Jennylyn sa poder ng manager nilang si Becky Aguila.



Si Angel ang unang sumagot sa amin. Aniya, "Naku, di pa po ‘ata nagsasalita si Jen tungkol po diyan. Mas maganda po siguro kung huwag ko siyang pangunahan. 'Pag nagsalita na lang po siya. Pasensiya na po."



Sumagot si Angel sa amin bago nag-telecast kagabi, January 3, ang 24 Oras na nag-report ng condition ni Jennylyn.



No comment si Mark sa usapan.



"Ayoko na po kasing makisali kung ano man ang nangyari sa kanila. Sana po maging okay ang lahat, yun lang po," pahayag ni Mark.



Tinanong din namin si Mark kung may alam ba siya sa pagbubuntis ni Jennylyn or kung nasabihan siya beforehand, dahil kaibigan naman niya pareho sina Jennylyn at Patrick Garcia. Wala raw.



Nagulat si Mark sa nangyari at hindi niya raw ito ini-expect.



At press time, hindi pa rin naniniwala si Yasmien sa balita kung kaya't "No comment" muna ang sagot niya.



"Seryoso ba ‘yan? Or gimmick? Or for the show?" tanong niya sa PEP.



Nang siniguro namin sa kanyang tunay ang balita, balik "No comment" si Yasmien.



"Sorry po, di pa ako naniniwala hangga't hindi sinasabi ng handler namin," sabi sa amin ni Yasmien.

Fans stop their petition for Jennylyn Mercado to play Darna

Dinno Erece

Friday, January 4, 2008
02:51 PM

Photobucket

Fans of young actress Jennylyn Mercado have stopped posting their petitions for their idol to portray Darna in GMA-7's Captain Barbell Meets Darna later this year. This development came after Jennylyn's pregnancy leaked out.

Noel Orsal









In the aftermath of Jennylyn Mercado's pregnancy, natigil na ang petition ng mga fans niya to give their idol the Darna role.



Just days bago lumabas ang balitang buntis si Jennylyn, napaka-aktibo ng fans club ni Jennylyn na mag-ingay sa iba't ibang websites—and even sa mga comments na natanggap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) for every Jennylyn news item—sa paghiling nila sa GMA-7 na ibigay ang Darna role sa Captain Barbell Meets Darna sa kauna-unahang StarStruck Ultimate Female Survivor.



Si Angel Locsin ang unang gumanap na Darna for GMA-7. Now that she's out of the Kapuso network, open na muli ito for all eligible young female stars of GMA-7.



Ang rason ng fans noon, si Jennylyn daw ang next logical choice to portray the Mars Ravelo character dahil siya ang first homegrown star of GMA-7.



Isa si Jennylyn sa mga nag-audition noon sa Darna, but she backed out. Iniyakan niya ang pagsuot ng two-piece for the audition dahil hindi niya kaya at that point.



Nahinto ang lahat ng petition kahapon, January 3, nang umamin na si Jennylyn na ipinagbubuntis niya ang anak nila ng kanyang boyfriend na si Patrick Garcia. Imposible nang maibigay ang papel kay Jennylyn dahil this year din naka-schedule simulan ang Captain Barbell Meets Darna.



Tinanggal na rin sina Jennylyn at Patrick sa Maging Akin Ka Lamang. Pinalitan na sila nina Nadine Samonte at Polo Ravales para makapagpahinga si Jennylyn for the sake of her baby.



Samantala, lumalakas naman ang petition ng mga maka-Nadine to give their idol the other coveted role na gagawin din ng GMA-7—Dyesebel.



Minsan nang nakaganap si Nadine ng role ng sirena, sa "Alamat ng Sirena" episode ng Ang Mahiwagang Baul. Ipinalabas ito during the Sunday kung saan unang ipinalabas ang Manny Pacquiao fight sa ABS-CBN. Halos na-massacre sa ratings ang lahat ng shows ng GMA-7, from SOP hanggang S-Files noon, with the exception of Ang Mahiwagang Baul. Tanging ito lang ang nanalo noon sa katapat na programa ng ABS-CBN noon na Goin' Bulilit.



Sa school caravan na ginawa noon ng Mahiwagang Baul, ang "Sirena" episode ang most popular episode sa mga ipinapalabas sa bawat school.



Nakausap namin si Ms. Lilybeth Rasonable, VP for Drama & Entertainment TV Division ng GMA-7 sa farewell presscon party ng La Vendetta kagabi, January 3, at sinabi niyang wala pa talagang napipili na gaganap bilang Darna o Dyesebel.

Thursday, January 03, 2008

Jennylyn Mercado nearly two months pregnant
01/03/2008 | 04:31 PM

Email this | Email the Editor | Print | Digg this | Add to del.icio.us Nakatanggap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kanina lamang, January 3, mula sa isang staff ng showbiz talk show na kumpirmadong buntis ang young actress na si Jennylyn Mercado.

Ayon sa source ng PEP, six weeks and two days na ang dinadala ni Jennylyn courtesy ng kanyang boyfriend na si Patrick Garcia. Nagpa-check-up sina Jennylyn at Patrick sa St. Luke's kanina at dito nga nakumpirma ang pagbubuntis ng young actress na magtu-21 years old pa lang sa May 15.

Nang kumpirmahin ng staff ng showbiz talk show ang balitang buntis si Jennylyn, inamin naman daw ito agad ng young actor. Idinagdag pa ni Patrick na pananagutan niya ang dinadala ni Jennylyn.

Sa katunayan, at press time ay kasalukuyang nasa Makati City Hall sina Jennylyn at Patrick at nagpapakonsulta ang dalawa para sa nalalapit nilang pagpapakasal. Ayaw raw kasi ni Patrick, 26, na lumabas ang bata na hindi pa sila kasal ni Jennylyn.

Magkasama sina Jennylyn at Patrick sa bagong Sine Novela ng GMA-7, ang Maging Akin Ka Lamang. Tiyak na makakaapekto ang pagbubuntis na ito ni Jennylyn sa magiging takbo ng naturang afternoon soap opera.

Ang maganda lang dito sa pagbubuntis ni Jennylyn ay inalok siya ng kasal ng ama ng kanyang magiging anak. - Philippine Entertainment Portal

Jennylyn Mercado and Cristine Reyes—Kapuso or Kapamilya?

Erwin Santiago

Thursday, January 3, 2008
01:02 PM

Photobucket

Kapuso stars Jennylyn Mercado (left) and Cristine Reyes (right) are both rumored to be transferring to ABS-CBN. The contracts of the two StarStruck graduates with GMA Artist Center will expire this February, but Kapuso's talent arm has the option to renew.

Noel Orsal



Parehong magtatapos sa February 2008 ang management contract ng StarStruck graduates na sina Jennylyn Mercado at Cristine Reyes sa GMA Artist Center. May option ang Artist Center para i-renew ang kontrata ng dalawang young actresses kaya walang silang choice kung papirmahin sila ulit ng kontrata kahit na may iba silang plano.



Pareho ring nababalita ang diumano'y paglipat nina Jennylyn at Cristine sa ABS-CBN.



JENNYLYN'S CASE. Si Jennylyn na lang ang natitirang alaga ng talent manager na si Becky Aguila sa GMA-7, pagkatapos magkalamat ang relasyon nito sa Kapuso network nang ilipat niya sa Kapamilya network si Angel Locsin. After Angel ay napunta na rin sa ABS-CBN ang iba pang mga alaga ni Becky gaya nina Valerie Concepcion, Charming Lagusad (Bakekang), at Ella Cruz (Super Twins).



Aminado naman si Jennylyn na naapektuhan nang husto ang career niya dahil sa alitan ng GMA-7 at ng kanyang manager. Wala naman siyang magawa dahil nakatali pa rin siya sa kontrata niya sa Artist Center.



Noong kainitan ng away ng GMA-7 at ng manager ni Jennylyn ay nagpahayag ang young actress ng sama ng loob kay Becky dahil pati raw siya ay nadadamay sa ginawa nitong desiyon na ilipat si Angel sa kabilang network. Nagpahayag din si Jennylyn na hindi na niya ire-renew ang kontrata niya kay Becky once na mag-expire ito at mananatili siyang loyal sa GMA-7.



Pero biglang nagbago ng pahayag si Jennylyn nang sabihin niyang hindi niya isinasara ang kanyang pintuan para sa ABS-CBN kapag natapos na ang kontrata niya sa Artist Center. May mga lumabas ding balita na hindi na masaya ang young actress sa mga proyektong ibinibigay sa kanya sa GMA-7, partikular na ang La Vendetta kung saan gumaganap siyang multo, na pasulpot-sulpot lang ang mga eksena.



Matatandaang nag-backout din si Jennylyn sa Joaquin Bordado na pagbibidahan ni Robin Padilla. Ayon sa mga lumabas na report, tinanggihan diumano ni Jennylyn ang naturang proyekto dahil lalabas na supporting roles ang gagampanan nila ng makakapareha niya sanang si Mark Herras. Balitang pinalitan na ni Ryza Cenon si Jennylyn.



Bagama't may mga usap-usapan pa ring lilipat si Jennylyn sa ABS-CBN, ang latest na balita ay pinapipirma na siya ng Artist Center ng panibagong kontrata. May bago rin siyang project sa GMA-7, ang TV remake ng Maging Akin Ka Lamang, kung saan ire-reprise niya ang role na unang ginampanan ni Dina Bonnevie. Makaksama ni Jennylyn dito ang real-life boyfriend niyang si Patrick Garcia, kasama sina Carlo Aquino at Isabel Oli.



So, tiyak nang Kapuso pa rin si Jennylyn kahit na magtapos ang kontrata niya sa Artist Center ngayong Pebrero.



CRISTINE'S CASE. Samantala, si Cristine naman ay nagsisimula nang maging visible sa ABS-CBN kahit na wala siyang pahintulot mula sa Artist Center. Sumama si Cristine sa kapatid niyang si Ara Mina sa Guam last month nang mag-guest co-host ang huli sa Wowowee ni Willie Revillame, na nali-link ngayon kay Cristine.



Bagama't sinabi ni Cristine na sinamahan niya lang ang Ate Ara niya at hindi siya lalabas sa programa, napanood pa rin siya habang nakikipag-duet kay Willie. Depensa naman ni Ara, nakikipag-jamming lang daw ang kapatid niya sa TV host-comedian na malapit nilang kaibigan ni Cristine.



Dahil sa naging aksiyon ni Cristine, posible siyang sampahan ng kaso ng Artist Center dahil nakakontrata pa siya sa naturang talent arm ng GMA-7 hanggang sa susunod na buwan.



Nagsimula ang balitang lilipat na si Cristine sa Kapamilya nang tanggihan niya rin ang role na inaalok sa kanya sa Joaquin Bordado. Kinuha bilang kapalit niya ang isa pang StarStruck graduate na si Iwa Moto.



Then, nagbago na naman ang isip ni Cristine at tinanggap na niya ang Joaquin Bordado pagkatapos niyang itanggi ang kumalat na balita na magku-quit na siya sa showbiz. Pero ang pinakahuling balita ay tuluyan nang tinanggal si Cristine sa cast at si Iwa na talaga ang pumalit sa kanya.



Ngayon ay malakas ang bulung-bulungan na malaki ang posibilidad na mag-ober da bakod na siya sa ABS-CBN dahil madalas na siyang makita roon kasama si Willie. Sa isang panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Willie tungkol sa nababalitang relasyon nila ni Cristine, sinabi ng TV host-comedian na walang namamagitan sa kanila ng magna-19 years old pa lang na young actress bukod sa pagiging magkaibigan. Dagdag pa ni Willie, tinutulungan lang daw niya ang nakababatang kapatid ni Ara sa career nito.



Isa pang posibleng rason ng napipintong paglipat ni Cristine sa ABS-CBN ay dahil nandoon na rin ang Ate Ara niya. Nagsimula na kasing mag-taping si Ara para sa afternoon soap opera na Prinsesa ng Banyera.



Sa ngayon ay wala pang balita kung papipirmahin ulit ng Artist Center si Cristine, gaya ni Jennylyn, o pakakawalan na nila ang young sexy actress.



Ayon naman sa ilang showbiz insiders na nakausap ng PEP, hindi raw makakaapekto sa GMA-7 kung saka-sakali ang paglipat nina Jennylyn at Cristine. Kung si Angel Locsin nga raw na pinakamalaking female star ng Kapuso network noon ang nawala ay hindi sila naapektuhan, siguradong makakahanap din ang Kapuso network ng papalit sa iiwanang puwesto nina Jennylyn at Cristine sa hanay ng kanilang young female stars.

FIRST READ ON PEP: Jennylyn Mercado nearly two months preggy, to wed Patrick Garcia

Erwin Santiago

Thursday, January 3, 2008
03:52 PM

Rating

Photobucket

It has been confirmed by PEP that young actress Jennylyn Mercado is two months pregnant courtesy of boyfriend Patrick Garcia.

Noel Orsal



Nakatanggap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng balita kanina lamang, January 3, mula sa isang staff ng showbiz talk show na kumpirmadong buntis ang young actress na si Jennyly Mercado.



Ayon sa source ng PEP, six weeks and two days na ang dinadala ni Jennylyn courtesy ng kanyang boyfriend na si Patrick Garcia. Nagpa-check-up sina Jennylyn at Patrick sa St. Luke's kanina at dito nga nakumpirma ang pagbubuntis ng young actress na magtu-21 years old pa lang sa May 15.



Nang kumpirmahin ng staff ng showbiz talk show ang balitang buntis si Jennylyn, inamin naman daw ito agad ng young actor. Idinagdag pa ni Patrick na pananagutan niya ang dinadala ni Jennylyn.



Sa katunayan, at press time ay kasalukuyang nasa Makati City Hall sina Jennylyn at Patrick at nagpapakonsulta ang dalawa para sa nalalapit nilang pagpapakasal. Ayaw raw kasi ni Patrick, 26, na lumabas ang bata na hindi pa sila kasal ni Jennylyn.



Magkasama sina Jennylyn at Patrick sa bagong Sine Novela ng GMA-7, ang Maging Akin Ka Lamang. Tiyak na makakaapekto ang pagbubuntis na ito ni Jennylyn sa magiging takbo ng naturang afternoon soap opera.



Ang maganda lang dito sa pagbubuntis ni Jennylyn ay inalok siya ng kasal ng ama ng kanyang magiging anak. Kaso, tiyak na magiging problema ang magiging petsa ng kasal nina Patrick at Jennylyn dahil sa October 9 ng taong kasalukuyan ang kasal ng kapatid ng young actor na si Cheska Garcia sa basketbolistang si Doug Kramer. Kung saka-sakaling matuloy rin ang pagpapakasal nina Patrick at Jennylyn ay magiging sukob ang kasal ng magkapatid na Cheska at Patrick.

Jennylyn Mercado's mother and manager are aware of her pregnancy

Julie Bonifacio

Thursday, January 3, 2008
05:02 PM

Photobucket

Young actress Jennylyn Mercado first suspected that she was pregnant when she did not get her monthly period last month.

Noel Orsal




Mula mismo sa publicist ni Jennylyn Mercado na si Vinia Vivar ay nakumpirma namin ang pagbubuntis for six weeks and two days ng first female StarStruck winner, courtesy ng kanyang boyfriend na si Patrick Garcia.



Sinubukan naming i-text ang kanyang manager na si Becky Aguila but at press time ay wala pa kaming natatanggap na sagot. Ayon kay Vinia, kasalukuyang kasama ni Jennylyn ang kanyang manager at boyfriend na si Patrick Garcia na nakikipag-usap sa Huwes para sa pagpapakasal nila sa Makati.



Ilang araw bago pumutok ang balitang pagdadalangtao ni Jennylyn ay nakausap pa namin si Becky. Ipinaabot niya sa amin ang kanyang pasasalamat kay Manny Pacquiao sa pagtupad nito sa kanyang pangako na tanggalin ang kissing scene ng isa pa niyang alaga na si Valerie Concepcion sa Anak ng Kumander.



Pagkatapos ay napagkuwentuhan namin ang iba pa niyang mga talents, pati na ang bagong dagdag sa kuwadra niya na sina Andrew Wolff na mag-iiba ng image, ang dating ka-loveteam ni Anne Curtis na si Chubi del Rosario, at si Joross Gamboa.



Excited din na ibinalita ni Becky na pasok na ang isa pa niyang talent sa bagong game show ni Kris Aquino na Wheel of Fortune. Si Jasmin Fitzgerald ang local version ng Amerikanang nagbubukas ng mga letter sa international version ng Wheel of Fortune. Kapatid ng Pinoy Dream Academy scholar na si Gemma Fitzgerald si Jasmin.



Sa usapang ‘yon, may nabanggit si Tita Becky na, so far, okay naman ang lahat ng kanyang alaga except for one na namomroblema siya sa kasalukuyan. Hindi na siya nag-elaborate sa amin kung sino sa kanyang mga alaga ang kanyang tinutukoy.



Unang nagduda si Jennylyn sa kanyang kalagayan nang hindi siya dinatnan ng kanyang monthly period last month. Sinabi niya ito sa kanyang manager at agad siyang pinatingnan sa St. Luke's Hospital bago mag-Bagong Taon.



At press time, nagwawala diumano ang ina ni Jennylyn na si Mrs. Lydia Mercado nang mabalitaan niya na nasa Makati upang magpakasal ang kanyang anak, kasama si Patrick. Although very much aware si Mommy Lydia sa kalagayan ng anak, wala naman siyang ideya na magpapakasal ang dalawa ngayong araw.



Pero nagpunta sina Jennylyn at Patrick sa Makati para mag-inquire lamang at hindi para magpakasal

FIRST READ ON PEP: Jennylyn Mercado and Patrick Garcia pulled out from "Maging Akin Ka Lamang"

Dinno Erece

Thursday, January 3, 2008
05:22 PM

Photobucket

The first team-up of real-life sweethearts Jennylyn Mercado and Patrick Garcia in a soap opera is being put on hold with the news that the young actress is pregnant with her boyfriend's child.

Noel Orsal



Kahapon, January 2, ang scheduled first taping ni Mike Tan para sa pinakabagong Sine Novela ng GMA-7, ang Maging Akin Ka Lamang. Bida rito sina Jennylyn Mercado, Patrick Garcia, Isabel Oli, and Carlo Aquino.



Gabi ng January 2, nakita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mike sa Station 168 Internet Café sa Tomas Morato kung kaya't ang una naming itinanong sa kanya, akala namin may first taping day siya for Maging Akin Ka Lamang. Ang sagot niya, akala niya rin daw pero na-pack-up ang taping nila. Hindi niya alam ang dahilan.



Lumabas na ang dahilan ay ang maselang kalagayan ni Jennylyn.



Dahil dito ay napagdesisyunan na rin daw kanina, January 3, na i-recast ang Maging Akin Ka Lamang. Isabel, Carlo, and Mike will stay but not the tandem of Jennylyn and Patrick.



Bagama't nakailang taping days na si Jennylyn para sa afternoon soap opera last December ay nagdesisyon pa rin ang namamahala ng programa na tanggalin sila ni Patrick sa programa. Unlike the primetime soaps of GMA-7, mas mahaba kasi ang itinatakbo ng afternoon soaps ng Kapuso network—two seasons duration or five to six months of taping.



Kung two months pregnant na si Jennylyn ngayon na hindi pa nagsisimula ang taping, by the time their soap finishes, eight to nine months into pregnancy na siya at hindi na ito maitatago sa screen, much less mabago ang pagtakbo ng kuwento.



Wala pang sinasabi kung sino ang ipapalit sa tambalang Jennylyn at Patrick ngunit tiyak na mabilis ang magiging desisyon dito. Ito ang ipapalit sa Pasan Ko ang Daigdig na tatakbo pa ng tatlong linggo, including this week.



Samantala, nakuhanan din ng PEP ng statement ang GMA Artist Center sa pamamagitan ni Jenny Donato tungkol sa kalagayan ng talent nilang si Jennylyn.



"It was confirmed to GMA that she's pregnant, and we stand by her. Right now, tatanggalin muna siya sa mga shows para din sa health niya. When she's ready and in the right condition to work, we're willing to support her and give her another show."

Jennylyn Mercado and Patrick Garcia have no wedding plans yet

Nerisa Almo

Thursday, January 3, 2008
08:46 PM

Photobucket

Patrick Garcia and Jennylyn Mercado decided not to get married yet after attending a counseling this afternoon in Makati City Hall. Patrick said, "The judge said marriage is... It is very easy to get married but to get married to reasons dapat."

Noel Orsal



Hindi tulad ng naunang napabalita, walang kasalan munang magaganap sa pagitan ng magkasintahang Patrick Garcia at Jennylyn Mercado.



Ayon sa GMA News, sumailalim si Patrick at ang girlfriend niyang si Jennylyn sa isang counseling kaninang hapon, January 3, sa sala ni Judge Selma Palacio-Alaras. Matapos nito ay kinumpirma ni Patrick ang bali-balitang anim na linggong buntis si Jennylyn at sinabi na hindi muna sila magpapakasal.



"Jennylyn is six weeks pregnant and that why I'm here, I would want to set things right sana to get married and panagutan siya. But, of course, the judge said marriage is... It is very easy to get married but to get married to reasons dapat," pahayag ni Patrick.



Sa kuwento ni Jennylyn, kinabahan daw siya nang ma-delay ang kanyang monthly period. Tinawagan daw niya si Patrick at agad naman siyang sinamahan upang kumuha ng pregnancy test.



Paglalarawan ni Jennylyn, "Takot muna yung nangibabaw. Kaba, takot, nerbyos, lahat na. Tapos, after nun, kasi kasama ko naman si Pat, e..."



Sa kanyang pagbubuntis, nakararanas na daw ng paglilihi si Jennylyn sa ngayon. Madalas daw na naiinis siya kay Patrick ng walang dahilan. Kasama rin ang pagkahilo, morning sickness and naghahanap ng iba't ibang pagkain. Ilan sa mga ito, ayon kay Jennylyn, "Sandwich, ganun. Spaghetti parati, pasta parati."



Handa namang i-give up ng first female grand winner ng StarStruck ang kanyang career alang-ala sa kanyang dinadalang anak. Sa katunayan, hindi na matutuloy ang tamabalan nila ng kanyang boyfriend sa Maging Akin Ka Lamang. Tanging TV guestings muna ang tatanggapin ang dalagang aktres, at walang regular shows.



Pahabol pa ni Jennylyn, "Importante naman kasi yung health ko and yung baby, so family muna, kami munang tatlo."

Wednesday, January 02, 2008

Jennylyn, hinihila pababa ni Patrick
Ni: Abu TIlamzik

Photobucket

Isa sa mga wish ni Jennylyn Mercado ay matapos na ang intriga sa relasyon nila ni Patrick Garcia.
Marami ang nagsasabing hinahatak lang daw pababa ni Patrick si Jenny­lyn.
Mapatutunayan sa kanilang bagong tele­seryeng Maging Akin Ka Lamang kung may init ba ang kanilang loveteam.

Jennylyn at Nadine, agawan sa ‘Darna’ at ‘Dyesebel’!
(JUN NARDO)

Photobucket

UMAARIBA sa petisyon ang mga fans nina Jennylyn Mercado at Nadine Samonte na nagri-request sa GMA 7 na ang mga idolo nila ang gawing Darna at Dyesebel, respectively.


Ayon sa e-mail ng fans ni Jen, ito ang karapat-dapat lumabas na Darna. Iba’t ibang dahilan nga ang ibinigay nila bilang justification sa petition nila, huh!


Una, Pinay na Pinay ang dating ni Jennylyn. Homegrown talent ito ng network. Hindi na raw kailangan ang boses ni Regine Velasquez kapag sisigaw siya ng Darna at marami pang iba. FHM model din ito at isa siya sa tatlong Pinay na featured sa international website together with Regine at Angel.


Bihasa na rin daw ang idolo nila sa mga fight scenes tulad ng ginawa niya sa Encantadia, Etheria at Super Twins.


Inilista pa ng e-mailers sa amin ang mahigit fifty na tao na sumama sa petisyon. At meron ding thread tungkol sa kahilingang ito ng mga fans, huh!


Pagdating naman kay Nadine, mas bagay raw ang Dyesebel sa kanya kesa kay Rhian Ramos. Patunay raw ang lakas sa ratings ng Kung Mahawi Man Ang Ulap ni Nadine kaya believable ding siyang maging Dyesebel.


Pati nga fans niya sa Cebu, nire-request ding siya ang maging Dyesebel. Kung gusto raw ng network na lumakas sila sa Cebu, si Nadine ang gawin nilang Dyesebel!


Of course, matutuwa ang fans nina Jen at Nadine sa pagbibigay sa kanilang hiling na maiparating sa GMA ang nais nila.


Marami nga lang factors na kinu-consider din ang GMA kung sino ang gagawin nilang bida sa pasabog nilang programa na Darna at Dyesebel ngayong 2008.

January 02, 2008 04:08 PM Wednesday Article read 3,181 time(s)

Jen, ’di magri-renew sa GMAAC
By: Vinia Vivar
Hot 'n Spicy

KUNG naging matamlay ang huling kalagitnaan ng taong 2007 para kay Jennylyn Mercado for obvious reasons, wish niya na ngayong 2008 ay magkaroon na ito ng improvement.

Sana raw, magkaroon siya ng maraming regular shows this year, movies, outside shows and TV commercials.

Ever since naman talaga’y gusto ni Jen na parating busy at ’yung halos hindi na siya natutulog sa rami ng trabaho.

Kahit nga nagkakasakit na siya, sige pa rin siya sa pagtatrabaho dahil kailangan niyang magsipag para sa kanyang pamilya.

Hindi pa tapos ang problema ni Jen sa pagkakaipit sa gulo ng GMA-7 at ng kanyang manager na si Becky Aguila at hangad niya na sana ay matapos na ito.

Matatapos na ang kontrata niya sa GMA Artists Center ngayong Pebrero at bagama’t may option to renew ang GMAAC, wala pa ring kasiguraduhan kung pipirma siya ulit.

Tuesday, January 01, 2008

January 01, 2008 03:35 PM Tuesday Article read 3,980 time(s)


By: Dinno Erece

Marian Rivera
Daily Insider

PALAISIPAN kung sino ang gaganap na Darna, Dyesebel and yes, even Rosalinda.

Natuwa naman kami sa text ng isang PeXer sa amin para ipa-verify ang natanggap niyang message na from a GMA-7 insider ku-no that it will be Rhian Ramos who will play Rosalinda, the second Thalia soap na binili ng Kapuso, si Nadine Samonte ang Dyesebel ni Mars Ravelo at si Marian Rivera ang Darna, also by the late novelist.

Ang sagot namin sa kaibigang PeXer, we honestly don’t know.

Parang ang given lang yata ay si Marian nga ang Darna dahil who, at this point, can step into the shoes of Angel Locsin, walang iba kungdi si Marian.

Puwede actually si Jennylyn Mercado, but will GMA-7 give it to her? As to Dyesebel, while it has always been the name of Rhian ang naririnig na-min, parang ang ganda nga kung si Nadine ang gaganap dito.

The mermaid episode sa Mahiwagang Baul na nagpahinto sa full-mas-sacre ng first Pacquiao fight sa ABS-CBN, si Nadine ang nagbida.

* * *

AS to Rhian Ramos playing Rosalinda, parang hilaw pa yata.

It is good that Siyete gave Rhian her first afternoon soap, My Only Love with Mark Herras and Alfred Vargas na part ng Drama Rama Sa Hapon.

Bigla siyang nakawala sa anino ni Richard Gutierrez who launched her via two primetime soaps, Captain Barbell and Lupin. At least sa My Only Love, she could be anyone’s partner pala.

Pero, to be given that prime-role to Rhian, baka naman dapat sa mga mas nauna sa kanya na ready na for solo big-time at dito, naiisip namin si Jennylyn Mercado.

Puwede rin sina Nadine Samonte and even Katrina Halili actually.

As long as huwag itong ibibigay kay Marian Rivera because baka ma-typecast siya na puro Thalia soaps na lang ang kaya niyang gawin.

Sabagay, matagal pa ang Rosalinda. Wala pa nga sa movie teaser ng GMA-7 ito, eh, hanggang Captain Barbell Meets Darna pa lang.

Monday, December 31, 2007

December 31, 2007 06:40 PM Monday Article read 1,408 time(s)


By: Nitz Miralles
Basta



CLIFFHANGER ang ending ng Resiklo at ipinakikita si Jennylyn Mercado na may kausap na hindi nakita sa frame at sinabihang “buhay ka pa pala.”

Obvious na may sequel ito at hindi na natin hihintayin ang 2009 para malaman kung sino ang kausap ni Bianca (Jennylyn’s character), dahil nabalitaan naming gagawin ang sequel ng movie sa 2008 Metro Manila Film Festival para hindi gahol sa oras at para mas mapaganda nang husto ang pelikula.

Para nakatutulog si Direk Mark Reyes, February next year pa lang, sisimulan na ang shooting ng sequel ng Resiklo. Makaaasa ’yung mga character na hindi namatay sa Part 1 na kasama pa rin sila sa sequel at ’yung mga natsugi, bahala na ang director at si Sen. Bong Revilla sa kanila.

Umabot din kaya o humigit pa sa P60 million ang magasta ng Imus Productions sa sequel ng Resiklo, dahil ganu’n daw kalaki ang budget ng pelikula?

Sunday, December 30, 2007

December 30, 2007 07:36 PM Sunday Article read 3,140 time(s)


By: Vinia Vivar
HOT N' SPICY


’KAALIW ang nabasa naming komento sa Internet na adik daw sa Darna ang GMA-7 dahil sa plano nga nitong pagbabalik sa nasabing fantaseryeng dating pinagbidahan ni Angel Locsin.

In fairness, hindi lang naman Darna ang ibabalik, kundi maging si Captain Barbell at magtatagpo na silang dalawa.

Ang balita, nahihirapan ang GMA management na magdesisyon kung kanino ibibigay ang Darna.

Ang dami na ngang lumilitaw na pangalan and how ironic na isa na rito si Jennylyn Mercado.

Bakit hindi magiging ironic, eh, si Jen ay alaga ni Becky Aguila, na manager din ni Angel, na dating gumanap na Darna at halos isumpa ng network dahil sa ginawang paglipat sa Dos?

At kung totoo rin ang balitang ang nasabing proyekto ang pantapat sa Lobo nina Angel at Piolo Pascual, mas nakaloloka, ’di ba naman?

Ang showbiz talaga, napaka-unpredictable.