Monday, August 25, 2008

Mrs. Bing Garcia assures Jennylyn Mercado that they will always support her and Baby Alex Jazz

Philippine Entertainment Portal
Julie Bonifacio
Monday, August 25, 2008

Kinuha ng The Buzz ang reaksyon ng ina ni Patrick Garcia na si Mrs. Bing Garcia tungkol sa kumakalat na usapin na diumano'y hindi pa alam ni Patrick na nagsilang na si Jennylyn ng kanilang anak na pinangalanan ng Starstruck alumna na Alex Jazz.

"Hindi ko pa nabalita, e," pahayag ni Mrs. Garcia sa The Buzz.

May nagsasabi na kamukha raw ni Patrick si Baby Jazz.

"Wala akong masasabi dahil hindi ko pa naman nakikita, e."

Willing ba sila na suportahan ang batang isinilang ni Jennylyn?

"Kami naman, nandiyan palagi. Anytime siyempre, di ba? Ayaw mo naman maging gatecrasher, di ba? Nandiyan lang kami."

May kumakalat din na tsismis na wala naman daw sa Amerika si Patrick at nabalitang nasa rehab.

"Rehab dito sa Pilipinas? Meron bang makakalusot dito sa Pilipinas? Wala dito si Patrick. Kung saan man siya, sa ibang bansa, kineep lang namin na secret at private. Yun ang point ng bakasyon niya."

Ayon pa kay Mrs. Garcia, bago matapos ang buwan ng Setyembre, babalik na sa bansa si Patrick para dumalo sa kasal ng kapatid na si Cheska Garcia sa Oktubre. At bukas ang pamilya nila sa posibilidad na madalaw si Baby Jazz kung iimbitahan sila.

"Kung hindi naman kami welcome, ayaw naman namin ipilit yung sarili namin. Gusto na lang namin may invitation," pagtatapos ni Mrs. Garcia.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home