Monday, August 25, 2008

(Rose Garcia)
Abante Tonite, 08/25/08


LIMITADUNG-LIMITADO ang mga lara­wan ng bagong silang na baby ni Jennylyn Mercado na pinangalanan niyang Jaz. Wala pa rin sa kahit na anong TV talk show ang nakakakuha ng footages ng anak ni Jennylyn, lalo na ang ma-interview siya.

Talagang plinano raw ito dahil sa coffee table book na ilalabas at ibebenta this September. Ang coffee table book daw na ito ay prinodyus ng mismong mana­ger ni Jennylyn na si Becky Aguila.

Sa naturang coffee table book daw unang masisilayan ang mga pictures ng baby ni Jennylyn. Maging ang actual na panganganak ng aktres dito through a cesarean operation ay makikita rin daw. Gayundin daw ang mga pictures ni Jennylyn nang mag-pose ito na nakahubad noong kasalukuyang malaki pa ang tiyan.

Oo nga naman, kapag daw kasi naglabasan na ang maraming pictures ng bata, paano pa nga naman magkakainteres bumili ang mga tao ng naturang coffee table book.

Anyway, ilang buwan lang daw (2 months kaya?) ang ipagpapahinga ni Jennylyn, at balik-trabaho na agad siya.

May nagsabi sa aming malapit kay Jennylyn na sa pagbabalik nito, hindi raw mawawala sa GMA-7 ang StarStruck ultimate survivor at mananatili pa rin siyang isang Kapuso.

Sabi, up to now ay hindi pa rin nagkakausap sina Jennylyn at Patrick Garcia (kasalukuyan pa ring nasa U.S.).

Sabi, baka wala raw number ni Jennylyn si Patrick, at wala itong alam na paraan para makontak si Jennylyn? Puwede rin daw na iniipon ni Patrick ang lahat ng lakas niya para sa pagbabalik niya ay magkaroon siya ng lakas ng loob na puntahan at tingnan for the first time ang kanyang anak. Eh, sabi-sabi pa naman na kahawig na kahawig ni Patrick ang anak nila ni Jennylyn. Nakuha raw ng bata ang pagiging mestiso ni Patrick.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home