Wednesday, September 24, 2008

By: Gerry Ocampo
Hot Shots, People's Journal, 09/24/2008

HINDI itinanggi ni Jennylyn Mercado na kumanta siya sa Café de Malate noon.

Ilan buwan din siyang kumanta sa naturang lugar bago inagaw ng showbiz.

Nang manganak, muli niyang dinalaw ang lugar kung saan siya unang kumanta as a singer.

Inimbita raw siya ng may-ari ng Café de Manila.

Dahil doon galing, hindi naiwasang magpaunlak ng awitin si Jennylyn, na nakita ng ilang tsismoso’t tsismosa, na nagkalat agad ng tsikang sa isang mumurahing KTV bar na lang pumupuwesto ang bagong ina.

Siyanga pala, nakarating na kay Jennylyn ang balitang darating na si Patrick Garcia, ama ng baby niyang si Jazz.

Pero, dedma lang ito, dahil nasanay na raw siyang mag-isang bumubuhay sa bunga ng kanilang pagmamahalan.

Ayon pa sa balita, gusto ni Patrick makita ang anak kay Jennylyn. Sad to say, wala raw balak si Jen na ipakita ang anak sa ama nito.

Sariwa pa raw kasi ang sugat na nilikha ng paghihiwalay nila ng young actor.

Sa ngayon, busy si Jen sa paghahanda para sa bagong project sa GMA-7. Thankful ito sa pagkakataong ibinibigay sa kanya ng Kapuso network.

* * *

0 Comments:

Post a Comment

<< Home