Monday, September 22, 2008

By: Lito Mañago
Hot sources
People's Journal, 09/22/08

GALING mismo kay Jennylyn Mercado, nang makausap ng Startalk nitong Sabado via phonepatch interview, na tuloy na ang pagbabalik-showbiz niya after she gave birth to her first-born baby boy by former boyfriend Patrick Garcia.

On Patrick, tila tumigas na ang puso ni Jennylyn sa dating kasintahan at tatay ng kanyang unang supling.

Sa tanong kung handa siyang ipakita ang anak kay Patrick, tumawa lang si Jen at sabay sabing, “Naka-move on na ako!”

At idinugtong pa niyang, “Let’s all move on!”

Na para bang sinasabing tapos na nga ang maliligayang araw nila ng dating BF.

On her comeback pro-ject on GMA-7, nabanggit ni Jennylyn na dapat si-yang abangan ng kanyang fans by October.

By this time, fully recovered na rin siya sa pagsilang niya kay Jazz via CS (caesarian section) sa St. Luke’s Medical Center last August 16.

Kinumpirma na rin ng dalagang ina na tinanggap na ng kanyang management company (under siya kay Becky Aguila) ang role sa One Night Only na pagsasamahan nila ng co-Starstruck graduate na si Katrina Halili para sa OctoArts Films ni Orly Ilacad.

This will be OctoArt’s entry to the annual Metro Manila Film Festival Philippines (MMFFP) this year, at makakasama rin sa pelikula sina Diana Zubiri, Paolo Contis, Ricky Davao, Alex de Rossi, Jon Avila, Joross Gamboa, Valerie Concepcion, etc.

At kung kakayahin ng schedule ni Jen, kasama rin siya sa Iskul Bukol 20 Years After nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.

Kapag nagkataon, dalawa ang festival entry ni Jennylyn.

Inihahanda na rin daw ng GMA Network ang pro-yektong lalabasan ng brand new mommy.

Dinig din namin, muling ipapareha ng Kapuso si Jen kay Mark Herras, ang male counterpart ng aktres sa first batch ng StarStruck.

Kung hindi mababago ang plano, unang project nina Jen at Mark ang appearance nila sa Dear Friend, a Sunday drama show nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin.

Sa totoo lang, malakas pa rin naman ang hatak ng Jennylyn-Mark tandem at marami nga ang nagpipetisyon sa GMA-7 via Internet na muling pagtambalin sa isang project ang dalawang ultimate survivors ng first artista-based reality show ng Kapuso Network.

* * *

0 Comments:

Post a Comment

<< Home