Tuesday, September 16, 2008

By: Nitz Miralles


Balik-showbiz si Jennylyn Mercado after isilang si baby Jazz dahil balita namin, join siya sa cast ng One Night Only, entry ng Canary Films sa Metro Manila Film Festival.

Hindi lang alam kung sino kina Roxanne Guinoo at Angelica Panganiban ang papalitan niya sa original cast na ang naiwan na lang ay sina Valerie Concepcion at Joross Gamboa.

Curious lang kami dahil kasama rin sa cast si Alessandra de Rossi at noong nasa GMA-7 pa ito’y nagkaroon sila ng gusot ni Jennylyn dahil kay Jeremy Marquez.

Naayos na kaya ang conflict nila at hindi magkaroon ng problema si Direk Joey Reyes sa shooting?

Ang sunod na hihintayin ng fans ni Jennylyn ay kung kailan siya magkakaroon ng regular TV show sa Siyete at okey sa fans niyang muli silang pagtambalin ni Mark Herras.

Sayang pala at hindi nakadalo si Jennylyn sa premiere night ng I.T.A.L.Y. kung saan imbitado siya at du’n sana mati-test kung marami pa silang fans ni Mark.

* * *

0 Comments:

Post a Comment

<< Home