Thursday, September 18, 2008

c/o din1556

Bulgar 9/17/08
Erlinda Rapadas

Kahit na nagbackout si Roxanne Guinoo sa pelikulang One Night Only na entry ng Octo Arts Films sa MMFF'08 na ididirek ni Jose Reyes tuloy pa rin and nasabing project.

Balita namin, si Jennylyn Mercado na ang ipinalit kay Roxanne at kasama rin si Diana Zubiri at ang original cast na sina Kathrina Halili, Valerie Concepcion at Joross Gamboa.

Sa tingin namin, mas lumakas pa at nagkaroon ng star value ang ONO nang masama sina Jennylyn st Diana dahil apat na silang magiging atraksyon sa movie.

May kani-kanyang followers sina Kathrina at Diana at di naman pahuhuli ang mga young hot moms na sina Jen at Val. Maski sa storya ay hindi rin madedehado sina Jen, Diana at Val dahil may kani-kanya silang magkakaibang storya sa pelikula at hindi solo ni Katrina Halili and kredito ng ONO na may similarity sa Gossip Girls ang tema.

As of now, hindi pa nakakapag-shoot si Jen ang kanyang mga eksena sa ONO pero nagbigay na ito ng assurance sa Octo Arts Films na handa na siyang mag-shooting anytime na kailangan na siya.

Eksaktong isang buwan pa lang na nakakapanganak si Jennylyn pero unti-unti ng nakakarecover at bumabawi ng lakas. Okey naman and baby niyang si Jazz dahil malusog ito.

Hindi rin magiging problema ang pagbabalik trabaho ni Jen dahil pwede pa rin siyang mag-breastfeed sa kanyang baby. Mag stock lng siya ng breast milk niya sa ref kung siya ay aalis.

Na-miss din ni Jen and pag-arte kaya excited siya sa kanyang bale comeback movie, ang One Night Only.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home