Thursday, September 18, 2008

Jennylyn, ’di nag-renew sa GMAAC

By: Gerry Ocampo
Hot Shots

HINDI na nag-renew ng kontrata sa GMA Artist Center si Jennylyn Mercado.

’Yun daw ang gusto ng manager niyang si Becky Aguila. Pero, sa GMA-7 shows pa rin daw ito mapapanood.

So, hindi totoo na after manganak ay magiging Kapamilya na si Jen. In fact, hindi man pumirma sa GMAAC, may lumilitaw ding tsismis na pipirma o nakapirma na siya ng kontrata bilang exclusive GMA-7 artist.

Ayon sa bali-balita, mas pinili raw ni Jen na maging exclusive contract star ng Siyete kesa mag-renew sa talent arm ng istasyon.

Next month na nga raw ito magbabalik-showbiz. Pero sa ngayon, hindi pa alam kung ano ang kanyang magiging comeback vehicle.

Surprise raw yata, kaya hindi sure ang batang ina kung ito ’yung sinasabing project na pagsasamahan nila uli ng dating BF na si Mark Herras.

Samantala, tuwang-tuwa naman si Jen sa nabalitaang gustong makita ni Mark ang anak niya kay Patrick Garcia.

Naiintindihan din daw niya ang dating ka-loveteam na kahit gustong dumalaw sa bahay nila, hindi magawa dahil nangangambang baka lagyan lang ng malisya ang kanyang pagbisita.

* * *

INAASAHAN na ni Senator Bong Revilla, host ng Kap’s Amazing Stories sa GMA-7 tuwing Linggo, na magsusulputan ang kung anu-anong intriga tungkol sa kanya matapos i-anunsiyo ang balak na pagtakbo bilang vice president sa 2010 elections.

“Natural na ang mga paninira o panggigiba sa ating pagkatao. Ganyan naman talaga sa pulitika, eh. Sanay na tayo. Ano ba ang bago? Wala naman silang puwedeng ipanira sa akin kung ’di ang pagiging babaero. Kawawa nga si Jennylyn, eh, pati walang kamalay-malay, nadaramay para lang masiraan ako,” say ni Sen. Bong.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home