Friday, September 05, 2008

Mark at Jennylyn, posibleng magkabalikan

Rey Pumaloy
Abante

NGAYON pa lang, excited na si Mark Herras sa pagbabalik-showbiz ni Jennylyn Mercado. Sabi nga ni Mark, siguradong maraming matutuwa kapag nasimulan na ang reunion project nila ni Jennylyn.


Hindi rin itinanggi ni Mark na nami-miss na niya na makasama si Jen sa pelikula o TV show. Iniisip pa nga lang daw niya na muli silang magta­tambal ni Jen, napapangiti na siya.


Pakiusap lang ni Mark, huwag bigyan ng kulay ang muli nilang pagsasama ni Jen. Pero, hindi rin isinasara ni Mark ang posibilidad na magkabalikan sila ni Jen.


“Sa ngayon, mas ma­gandang magkaibigan na lang muna kami,” say ni Mark.


Sa presscon ng ITALY, panay ang tawa ni Mark kapag tinutukso siya ng entertainment press na may Mark Jr., na siya. Ang anak ni Jen kay Patrick Garcia ang tinutukoy ng mga manunulat na Mark, Jr.


Sabi nga niya, alam niyang biro lang ‘yon ng mga manunulat sa kanya, dahil alam naman ng lahat na si Patrick nga ang ama ng anak ni Jen.
Anyway, nag-explain si Mark sa hindi niya pagdalaw kay Jen nu’ng ma­nganak ito, at pati na nu’ng namatay ang tatay nito.


Sabi ni Mark, nagka­taon daw na may problema rin siya sa pamilya na dapat ayusin, at idagdag pa ang sunud-sunod na trabahong ginawa niya, kaya hindi niya nadalaw si Jen.


Pero, madalas naman daw niyang nakakausap si Mommy Lydia, ang nanay ni Jen. Si Mommy Lydia raw ang nagkukuwento sa kanya sa sitwasyon ni Jen.


Plano ni Mark na dalawin at kausapin si Jen kapag naka-recover na ito sa sunud-sunod na pangyayari sa buhay niya.


Kuwento ni Mark, mag-uusap daw muna sila nina Yasmien Kurdi at Rainier Castillo, para sabay-sabay na silang dadalaw kay Jen.


Sa TV pa lang daw nakita ni Mark ang anak nina Jen at Patrick.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home