Monday, September 08, 2008

Sen. Bong tumulong na, napasama pa!

SHOWBIZ MISMO Ni Cristy Fermin
Monday, September 8, 2008

Aminado naman ang kampo ni Senador Bong Revilla na nagbigay sila ng tulong kay Jennylyn Mercado nang manganak ito, may lumapit sa aktor-pulitiko para humingi ng tulong, hindi siya nagkait.

Pero ang ibinigay niyang ayuda kay Jennylyn ay nalalagyan ng ibang kulay ngayon, meron daw silang relasyon, nakakaladkad pa ang pangalan ng senador tungkol sa bagong bahay na binili ng kapanganganak na aktres.

Si Becky Aguila na manager ni Jen na ang sumalo sa usapin, nahihiya ito sa taong nakatulong na nga ay napapasama pa, alam ni Becky ang buong istorya ng nasabing bahay.

“Ibinenta ni Jen yung dating townhouse niya, yung pinagbentahan nun, yun naman ang ipinang-downpayment niya sa new house. Ako ang nag-facilitate nun sa kanya, ako ang nakakaalam kung sino ang binilhan namin ng bahay, labas ang kahit sino sa transaction namin.

“Nahihiya lang ako sa mga taong nadadamay na wala namang kinalaman, huwag naman sanang ganun, pinaghihirapan ni Jen ang mga bagay-bagay na meron siya ngayon,” pagpapatunay ni Becky Aguila.

Ang tanong, meron na ba namang lumapit kay Senador Bong na nabigo? Sa abot ng kanyang maka­kaya ay tumutulong siya, wala siyang pinagdada­mutan, kaya maraming sumusuporta at nagmamahal sa kanya.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home