Saturday, October 18, 2008

Hindi pa rin dinadalaw ni Patrick Garcia ang anak nila ni Jennylyn Mercado

Written by Lolit Solis
October 17, 2008
pinoyparazzi.com



DINALAW NA PALA ni Mark Herras ang anak ni Jennylyn Mercado kamakailan lang at nagulat daw itong alaga ko na mabilis ang pagbalik ng dating kaseksihan ni Jennylyn.


Sabi nga niya, parang hindi raw nanganak kaya puwedeng-puwede na raw silang magsama uli sa trabaho. Mag-loveteam lang siguro, ‘no! Bukod pa du’n ay wala na! Naku, ha!


Natuwa naman daw si Mark nang nakita niya ang baby ni Jennylyn dahil sobrang cute daw. Ang taba raw nito, parang mas kamukha raw ni Jennylyn pero mestiso na malamang namana kay Patrick.


Natuwa nga raw si Mark, kinarga raw niya ito pero biglang bumulahaw ng iyak nang makita siya. Siguro naisip ng bagets, “Hindi ikaw ang gusto kong makita. Ang Daddy ko, nasaan!” Baka nga ganu’n ang naisip ng bagets dahil ang Mommy pa lang niya ang nakilala niya, wa pa ang Daddy.


Nasaan na ba si Patrick?


Dumating na nga rito para sa kasal nina Cheska Garcia at Doug Kramer, pero hindi pa rin niya nadadalaw sina Jennylyn.


Kahit sabihin pang hindi siya welcome, karapatan naman niyang makita ang baby dahil anak naman niya ‘yun.


Ang sabi ng Mommy ni Patrick, gustung-gusto na raw nilang makita ang baby, pero alam daw nila na hindi pa sila welcome kaya naghihintay lang daw sila na puwede na silang dumalaw para makita ang bata.


Ang alam ko, ginagawa pa ang coffee table book nila bago raw ito ilabas ni Jennylyn. Siyempre, pakana naman iyan ng manager niyang si Becky Aguila.

Anyway, mabuti naman at nadalaw na ni Mark si Jennylyn at nakita na nito ang baby na siya nga raw ang isa sa mga ninong.

1 Comments:

At 1:59 PM, Anonymous Anonymous said...

Howdy fantastic blog! Does running a blog like this take
a lot
of work? I've absolutely no understanding of coding but I had been hoping to start my own
blog soon. Anyways, should you
have any suggestions or techniques for new blog
owners please share. I understand this is off topic nevertheless I simply had to ask. Thank you!

Feel free to surf to my web site; View here

 

Post a Comment

<< Home