Friday, October 31, 2008

Jennylyn mas gustong makatuluyan si Mark kesa kay Patrick

BOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles
Friday, October 31, 2008

Ang pagbi-breastfeeding kay baby AJ o Alex Jazz at diet ang sinabing rason ni Jennylyn Mercado sa mabilis niyang pagpayat. Six times a day siya nagbi-breastfeed and one big meal a day lang siya kaya, she’s back to her normal weight na 108 lbs.

Kaya mabilis nakabalik sa trabaho si Jennylyn dahil payat na at kailangan na rin niyang magtrabaho para sa pangangailangan ni baby Jazz at para mapalitan ang less P500,000 na ninakaw diumano sa kanya. Ayaw nang magsalita ni Jenny tungkol dito’t nasa korte na ang kaso’t nag-file na siya ng 19 counts ng theft laban sa dati niyang handler.

Hindi natigatig si Jennylyn sa nalamang idedemanda rin siya ng dating handler at matapang na “go ahead” ang sagot at mabuti raw iyon para malaman kung sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo. Pinagsisisihan nito nang sobra siyang nagtiwala at ipinagkatiwala ang kanyang pera at dahil nasaid, kailangan niyang muling magsipag.

Pasalamat si Jennylyn na binibigyan uli siya ng projects ng GMA 7 gaya ng two-part episode ng Dear Friend na magsisimula sa Sunday, November 2 at magtatapos sa November 9. Balik-tambalan din nila ni Mark Herras ang Alex and Toni episode sa direksyon ni Jun Lana.

Nanibago ng konti si Jennylyn working with Mark again, pero dahil friends sila at magiging magkumpare, plus inaalalayan siya nito, madali siyang nakapag-adjust. Payag ba siyang makatrabaho sina Mark at Patrick Garcia sa isang project?

“Tatanggapin ko, puwede at gusto ko, pero gusto ko kay Mark ako babagsak at hindi kay Patrick,” sagot ni Jennylyn.

Wala pa ring balak ipakita ni Jennylyn kay Patrick si baby Jazz. Hindi rin ito puwedeng maghabol dahil apelyido niya ang gamit ng bata at NA o Not Applicable ang nakalagay kung sino ang ama ng bata.
* * *

0 Comments:

Post a Comment

<< Home