Thursday, October 23, 2008

Jennylyn Mercado, ayaw pa ring magpa-interbyu!



Written by Nitz Miralles
October 22, 2008

SIMULA NA NANG pag-a-active sa showbis ni Jennylyn Mercado nang i-welcome siya sa S.O.P. last Sunday, pero walang nakapag-interview sa kanya dahil nagmamadali itong umalis after her number.

Marami pa namang isyu kay Jennylyn ngayon at gusto sana ng press na sa kanya mismo manggaling ang sagot. Gaya nang hindi pa ba nagpaparamdam si Patrick Garcia na dalawin ang kanilang anak? Gusto ring tanungin ng press si Jennylyn kung totoong idedemanda nila ng manager na si Becky Aguila ang dating PA na diumano’y gumalaw sa kanyang pera.

Tatanungin din sana namin si Jennylyn kung komportable siyang muling ibalik ang love team nila ni Mark Herras at marami silang pagtatambalang big projects. Kukumustahin din sana namin ang shooting nila ni Alessandra de Rossi ng One Night Only.

Obviously, hindi pa ready si Jennylyn na sagutin ang mga isyung kinasasangkutan, kaya umiwas munang ma-interview. Puwede naman siyang makiusap na ‘wag munang intriga ang itanong sa kanya’t unahin ang sunud-sunod niyang projects.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home