Monday, October 20, 2008

Jennylyn Mercado itinangging ama ng kanyang anak si Patrick Garcia

By: Noel Asiñas
Cut!

HINDI pa nagkakabati si-na Jennylyn Mercado at Patrick Garcia.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkikita ang dating magkasintahan. Kahit nakapanganak na si Jen ng first born nila ni Patrick na baby boy, hindi pa sila nag-uusap. Hindi pa rin nakikita ni Patrick ang kanilang anak.

Binigyan ng big welcome kahapon, Sunday, sa SOP si Jen sa kanyang pagbabalik-GMA.

Halos lahat ng kasamahan niya sa batch 1 ng StarStruck ay bumati sa kanya. Pinangunahan ‘yon ng kanyang ex-boyfriend na si Mark Herras. Dumating din sina Rainier Castillo, Katrina Halili, Yasmien Kurdi, Sheena Halili, at iba pang members.

Sa interview kay Jennylyn, nasabi niyang ma-laki ang pasalamat niya sa GMA-7 sa walang sawang pagsuporta sa kanyang career. Gayundin sa kanyang libu-libong fans na walang tigil sa pag-aalala sa kanyang kalagayan.

Walang ipinagbago sa beauty ni Jen. Lalo pa si-yang gumanda ngayon at sumeksi. Lumaki pa ang boobs niya dahil kapapa-nganak nga lang.

Samantala muling aalis ng bansa si Patrick nang hindi man lang nasisilip ang kanyang baby boy. Sabi ni Jen, hindi pa panahon para magkita sila ulit ni Pat, kaya ‘di pa rin panahon para ipakita niya sa ‘ex’ ang kanyang anak.

Sa interview pa kay Jen, ipinagdidiinan niyang “anak ko lang ito!” Hindi raw niya matatanggap na ama ng kanyang baby si Patrick.

“Ewan ko kung hanggang kailan ko matatanggap na siya (Patrick) ang ama ng aking anak,” aniya pa.

* * *

1 Comments:

At 1:24 PM, Anonymous Anonymous said...

hi jen.. alam mo u have to face the truth.. si pat ang daddy ng anak mo.. alam ko mxado ka nsaktan.. at believe ako syo dahil nkaya mo ang lahat.. mag moved on ka na.. wlang mwawala kung susubukan mo.. god is always there.. sooner or later u have to face him.. sna mkatulong to syo.. if u need someone to talk to na hndi showbiz.. nand2 lang ako.. hndi ako fans.. pero im assuring you.. i will be ur good friend.. take care.. and god bless you!

 

Post a Comment

<< Home