Friday, October 17, 2008

Jennylyn Mercado returns to "SOP" and sits in "Showbiz Central" on October 19

Nitz Mirallez

Matutuwa ang fans ni Jennylyn Mercado sa nabalitaan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na mag-a-active na uli ito sa showbiz simula sa Linggo, October 19. Kung hindi mababago ang plano ng GMA-7, iwe-welcome si Jennylyn sa SOP. Bukod sa kanyang spot number, tiyak na may production numbers siya with the other mainstays of the show.



Mapapanood din si Jennylyn sa Showbiz Central kinahapunan at siguradong aabangan ang guesting niya rito't pagsagot sa maraming isyu na kanyang kinasangkutan lately.



Maraming beses nang na-interview si Jennylyn mula nang ipanganak niya si Alex "Jazz" Mercado, pero kadalasan phone-patch interview. Sa Sunday, live siyang makikita at muling maririnig kumanta.



Napapanahon ang paglabas sa TV ni Jennylyn dahil marami siyang naka-line up na projects na kailangan niyang i-promote. Isa rito'y ang nalalapit na labas ng kanyang coffee-table book, kung saan makikita ang mga litrato niya mula noong magbuntis at ipanganak si Baby Jazz.



FILM AND TV PROJECT. Kasama rin si Jennylyn sa pelikulang One Night Only ng OctoArts Films at pagsasamahan nila ni Alessandra de Rossi. Comeback movie ito ni Jennylyn pagkatapos ng Half-Blood Samurai nila ni Jacky Woo, na hindi niya sinipot ang presscon.



Sa January 4, 2009, sila ni Mark Herras ang featured love team sa New Year's presentation ng Dear Friend. Susunod dito ang pagtatambalan nilang TV remake ng isang big Viva Films movie.



Tamang-tama rin ang pagpapa-interview ni Jennylyn sa Showbiz Central para siya mismo ang sumagot sa isyung ninakawan diumano siya ng dati niyang staff ng naipon niyang pera.



Paano ito nangyari? Magkano ba ang perang nawala sa kanya at totoo bang magdedemanda sila ng manager niyang si Becky Aguila laban sa concerned staff?



Makukuwento rin ni Jennylyn kung binisita na ba siya at ang baby niya ng ama nitong si Patrick Garcia, at kung hindi pa, payag ba siyang dumalaw sa kanilang mag-ina ang ex-boyfriend? Papayagan din ba niya ang ina at kapatid ng aktor na makita ang baby niya?



Ang daming puwedeng itanong kay Jennylyn, kaya abangan ang pagpapa-interview niya sa Showbiz Central at pagkanta niya sa SOP.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home