Thursday, October 30, 2008

Jennylyn, sumeksi sa pagpapasuso

ni Ruel Mendoza

PARANG hindi nga nabuntis at nanganak si Jennylyn Mercado dahil payat at sexy ang pangangatawan niya ngayon.

Nag-taping nga si Jen ng two-part episode para sa programang Dear Friend, na kung saan makakatambal niyang muli ang kanyang ex-boyfriend na si Mark Herras.

Anyway, hindi naman kataka-takang bumalik ang dating alindog ni Jennylyn, dahil bukod sa nagte-taping ulit siya, nagbalik shooting siya para sa pelikulang One Night Only para sa Metro Manila Film Festival.

Tinutukso nga ulit si Jennylyn kay Mark ngayon, dahil muli nga silang nakitang magkasama sa isang show. Na­tutuwa naman si Jen dahil sa suportang ipinapakita ni Mark sa kanya. Kuwento ni Jen, nakita na raw ni Mark ang hitsura ng baby ni Jen na si Alex Jazz, at ayon nga kay Mark ay guwapo raw ito.

“Aksidente lang na nakita niya ang baby ko. Natutuwa naman ako dahil maraming nagagwapuhan sa baby ko.

“Makikita naman nilang lahat ang mga kuha ni Jazz sa ilalabas kong coffee table book. Malapit na ‘yan kaya abangan nila,” sabi ni Jen.

Isang dahilan daw kung bakit biglang pumayat si Jennylyn ay dahil sa pagpapa-breast feed niya kay Baby Jazz. One month and a half din daw siyang nagpadede sa kanyang sanggol.

“Kailangan kong gawin para na rin sa health ng baby ko. Mahirap talaga noong una, pero noong magtagal, okey na at nasanay na ako.

“Sabi kasi sa akin, nakakabawas daw ng timbang ang magpa-breast feed ng baby. Totoo nga kaya mabilis akong pumayat,” naka­ngiting kuwento ni Jen.

Aminado si Jennylyn na natataranta pa rin daw siya sa pagiging ina. Hindi pa raw siya fully adjusted sa kanyang bagong role sa buhay.

“Naguguluhan pa rin ako. Ha! Ha! Ha! Ha!” tumatawang sabi ni Jen.

“Minsan nakakalimutan ko na nanay na pala ako! Tama ba ‘yon? Ha! Ha! Ha! Ha!

“Natataranta ako kapag umiiyak na si Jazz. Hindi ko alam kung bakit siya umiiyak kaya minsan nagpa-panic ako! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Mabuti na lang at nandiyan si mommy (Lydia Mercado) kaya natutulungan niya ako. Siya ang nagga-guide sa akin sa pag-alaga sa baby ko. Kaya malaki ang pasasalamat ko kay mommy talaga.”

Tuluy-tuloy na nga ang pagbabalik sa showbiz ni Jennylyn. Balita ngang gagawa rin ng sariling Obra series si Jen para sa GMA-7 ngayong Disyembre.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home