Friday, October 17, 2008

Jun Lalin
Abante-Tonite 10/17/08


MAGPAPAKA-ACTIVE na naman si Jennylyn Mercado sa kanyang career.

Sa itsura ng dalagang-ina, parang hindi siya na­nganak.

Sa Linggo ay lalabas si Jen sa SOP, at tiyak na puputaktihin siya ng entertainment press sa backstage dahil hindi lang ang sigalot sa pagitan nila ni Patrick Garcia ang isyu sa kanya ngayon.

Matinding balita ‘yung pamemeke ng kanyang pirma (sa Recto?) at pagpapa-rediscount ng personal checks ni Jennylyn ng isang da­ting female assistant ng manager niyang si Becky Aguila.

Naubos daw ang pera ni Jennylyn sa bangko.

Karamihan daw sa mga tsekeng pina-rediscount ay nagtalbugan.

Gulung-gulo raw ang utak ngayon ni Jennylyn dahil sa sitwasyong kinakasangkutan niya.

Anyway, ang manager niyang si Becky Aguila ay nakatakda na raw magdemanda sa dating female assistant.

At ang dating female assistant? May abogado na rin daw ito at may isyu rin ito laban kay Becky Aguila.

Nagpainterbyu ang da­ting female assistant ni Becky sa dalawang TV show ng isang TV network at kung anu-anong isyu ang isiniwalat nito.

***

0 Comments:

Post a Comment

<< Home